Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 17 - CHAPTER 16

Chapter 17 - CHAPTER 16

ALMIRA'S POV

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay nakangiti kami sa isa't-isa. Hinalikan niya ulit ako sa noo. Ito ang namiss ko sa kanya ang paghalik niya sa akin sa noo.

"Paano mo ako naalala?" tanong ko sa kanya.

Umupo kami sa bench na inuupuan ko kanina. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at rinig ko ang tibok ng puso niya.

"Nang pagdating ko dito kanina ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko at pumasok lahat ng alala ko simula nung umamin ako sayo dito hanggang sa maaksidente ako," sabi niya.

"Itong lugar pala na ito ang susi para maalala mo ako, Love. Kung slam ko lang, nung araw na lumabas ka nang hospital ay dinala ns kita dito," natatawang sabi ko. Natawa din siya.

"At least, napatunayan ko sa sarili ko na kahit hindi kita maalala ay ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko," sabi niya. Kinilig naman ako dun kaya tumingin ako sa kanya at marahang pinisil ang ilong niya.

"Mahal, diba ang sabi mo magdidinner tayo?" Napa-ayos ako ng upo at tumingin sa kanya nang maalala ko yung sinabi ko kanina.

"Oo, sinabi ko nga yun. Pwede bang sa mansion na lang tayo magdinner, ipapakilala kita kay Tita Irish. Gusto niya daw kasing malaman kung sino ang lalaking mahal na mahal ko," sabi ko sa kanya.

"Sige, sa mansion na lang. Mas okay din naman na doon tayo kumain," sabi niya.

Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad habang maka-holding hands.

"Mahal, sorry kung nasigawan at pinagtabuyan kita nung araw na nagising ako sa hospital. Alam kong nasaktan kita dahil dun," sabi niya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Aamin ko, nasaktan nga ako dahil sa sinigawan mo ako at ipinagtabuyan. Sobrang sakit, dumating sa punto na parang gusto ko ng sumuko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pero nandiyan si Kuya, pinalakas niya ang loob ko at sinabi niya na wag kitang susukuan dahil maalala mo din ako. Buti nalang ay hindi kita sinukuan at ngayon naalala mo na ako," sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at niyakap niya ako.

Pagkahiwalay namin ay kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone niya at binigay sa kanya. Kinuha naman niya sabay ngiti sa akin.

Binuksan niya yun at may kung anong tinignan sa cellphone niya.

"Ang dami mo ng picture dito ha," sabi niya habang tinitignan ang mga selfie picture ko sa phone niya.

"Hindi ko maiwasan na huwag magselfie sa phone mo eh," sabi ko sa kanya.

"Okay lang, para marami akong picture ng napakaganda kong girlfriend," sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo.

Pagkatapos nun ay pinagpatuloy na namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa abangan ng taxi. Agad naman kaming nakasakay ng taxi.

**************

Pagkarating sa mansion ay ako na ang nagbayad sa taxi at bumaba na kami. Agad akong nagdoorbell. Hindi nagtagal ay pinagbuksan din kami ng gate.

"Senorita, kayo po pala. Welcome back, Sir Castriel," sabi ng maid na nagbukas ng gate.

"Salamat," sabi ni Castriel.

Pumasok na kami ng mansion at dumiretso sa dining area.

"Wait me here," sabi ko kay Castriel.

"Okay," sabi niya.

Pumasok na akong dining area at nakita ko silang kumakain na.

"I'm home," nakangiting sabi ko. Bumeso ako kanila Mamita at Tita Irish.

"Mukhang ang masaya ha, Almira," sabi ni Tita.

"Masayang masaya talaga ako ngayon, Tita. May ipapakilala ako?" sabi ko kay Tita. Markahan niyang inilapag ang hawak niyang kubyertos bago ako tinignan ng nakakunot ng noo.

"Sino?" tanong niya. Ngumiti ako sa kanya.

Bumalik ako kay Castriel at hinawakan ko ang kamay niya. Hinila ko siya papasok sa dining area.

"My boyfriend," sagot ko kay Tita.

Napatingin sila Mamita at Kuya sa gawi ko. Sumilay ang malapad na ngiti sa mukha ni Mamita nang makita niya kung sino ang katabi ko.

"Castriel," nakangiting sambit ni Mamita sa pangalan ni Castriel. Tumayo siya at lumapit kay Castriel sabay yakap.

"Mamita, namiss ko po kayo," sabi ni Castriel at niyakap din si Mamita.

"Namiss din kita, Hijo," sabi ni Mamita.

Pagkahiwalay nila sa yakap ay lumapit naman si Kuya at nakipagbro hug kay Castriel.

"Welcome back, Bro," sabi ni Kuya.

"Tita, this is my boyfriend, Castriel. Love, siya si Tita Irish ang Mom nila Kuya Alfred at Jane."

"Ikaw pala ang boyfriend nitong pamangkin ko," sabi ni Tita at tumayo sa kinauupuan niya.

Napatingin sa akin si Castriel. Ngitian ko lang siya.

"O-Opo, Madam," sagot ni Castriel.

"Almira, ang swerte mo sa boyfriend mo. Gwapo, mabait, at magalang pa," sabi ni Tita.

"Yeah, swerte talaga ako na siya ang boyfriend ko, Tita," sagot ko.

"Don't call me Madam. Call me Tita. Boyfriend ka ng pamangkin ko kaya pamangkin na din kita," sabi ni Tita kay Castriel.

"Yes po, Tita," sagot ni Castriel.

After that, ay bumalik na sila kinauupuan nila kanina. Umupo na rin kami ni Castriel at nagsimula na kaming magdinner.

Pagkatapos ng dinner ay umakyat na kami ni Castriel sa kwarto ko at magkatabi kaming natulog.

KINABUKASAN...

Bumaba na kami ng sasakyan ni Castriel ng makarating kami sa school. Hinanatid kami ni Kuya.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong kotse ni Kuya nang may naramdaman akong maliit na metal na biglang tumama sa dibdib ko malapit sa puso.

Napahawak ako sa tapat ng puso ko at tinignan ang kamay ko. Bigla akong nanghina nang makita ko ang dugo sa palad ko.

"Almira, anong nangyari sayo? Bakit may dugo sa kamay mo?" alalang tanong ni Castriel. Tumingin ako sa kanya nang saluhin niya ako dahil nanghina na ang tuhod ko.

"M-May b-bumaril s-sakin," mahihirapang sambit ko.

"Sino?" tanong niya.

"H-Hindi k-ko a-alam," sagot ko.

Nagpapapikit na ako pero pinilit ko ulit imulat ang mga mata ko. Nakita ko ang nag-aalalang niyang mukha at panunubig ng kanyang mga mata.

"Almira, huwag mong ipipikit ang mata mo. Dadalin kita sa hospital," umiiyak niyang sabi. Ayoko ng ganito. Ayokong makita siyang umiiyak.

Kahit anong pilit kong huwag ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Unti unti ng bumibigat ang mga talukap ng mata ko at tuluyan nang nilamon ng dilim ang paningin ko.

CASTRIEL'S POV

Hindi niya sinunod ang sinabi ko dahil unti unti niyang ipikit ang mga mata niya.

No! Hindi siya pwedeng mawala. Kakabalik lang ng alaala ko tapos ganto agad ang nangyari sa kanya. Hindi pwede.

"Almira lumaban ka, please. Mahal na mahal kita," umiiyak kong sabi at niyakap siya.

Tuloy tuloy ang pagdaloy ng dugo galing sa tama niya sa tapat ng puso. Hinawakan ko yun para kahit papaano ay tumigil sa pagdurugo.

Napaangat ako ng tingin ng may huminto ng sasakyan sa tapat ko.

"Castriel, anong nangyari kay Almira? Bakit duguan siya?" tanong ni Trinity.

"May bumaril sa kanya. Kailangan natin siyang dalin sa hospital bago pa maubos ang dugo niya," sabi ko kay Trinity.

"Tara," sabi niya sabay bukas niya ng pintuan ng backseat ng kotse niya. Binuhat ko na si Almira at sumakay na sa kotse.

Agad na sumakay si Trinity at agad pinaandar ang kotse.

"Ilagay mo ito sa sugat niya para tumigil ang pagdurugo," sabi ni Trinity at may inabot siya sa aking panyo. Agad ko namang ginawa ang sinabi niya.

Pagkarating sa hospital ay agad siyang ipinasok sa operating room. Napaupo ako sa upuan sa labas ng OR.

"Naalala mo na siya?" tanong ni Trinity at umupo siya sa tabi ko.

"Oo. Kung kailan ko pa siya naalala ay may nangyari naman sa kanya na masama," sagot ko pero hindi ako nakatingin sa kanya. Iniisip ko kung sino ang bumaril sa kanya.

"Alam ko na kung bakit may gustong pumatay kay Almira," sabi ni Trinity. Napatingin ako sa kanya.

"Pumatay? Bakit may gustong pumatay sa kanya?" takang tanong ko.

"Nung araw na nagising ka, yun din ang araw na nagsimula ang trial. At nung nakaraang araw na hindi siya pumasok pumunta siya sa trial at nilabas niya ang matibay na evidensya na ang mga Enriquez ang pumatay sa magulang niya. At itong nangyari sa kanya hindi lang pangtatangka ang ginawa nila, kundi gusto nilang patayin si Almira dahil sa puso siya binaril," paliwanag ni Trinity.

"So, Enriquez na naman ang may gawa nito?" tanong ko.

"Possibleng oo, dahil sila lang ang pwedeng gumawa nito kay Almira," sagot ni Trinity.

"Tawagan ko lang si Kuya Alfred para malaman niya ang nangyari kay Almira," sabi ni Trinity. Tango lang isinagot ko sa kanya.

Tumayo na siya at may tinawagan bahagya pa siyang medyo lumayo sa kinaroroon ko.

Almira, please lumaban ka. Hindi ko kaya kapag nawala ka sa akin. Ikaw ang nag-iisang tao na nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Ikaw ang nagparamdam sa akin na hindi ako naiiba sayo. Please Mahal, lumaban ka para sa akin. Please, Mahal.

Ilang minuto ay dumating na sila Kuya Alfred, Tita Irish at Mamita. Umupo sila sa tabi ko.

"Trinity, bumalik kana sa university. Kami na ang bahala dito, balitaan ka na lang namin," rinig kong sabi ni Kuya Alfred kay Trinity.

"Sige po," sagot ni Trinity at umalis na.

"Anong nangyari sa kanya? Paano siya na baril?" tanong ni Kuya Alfred.

"Habang hinihintay namin ang pag-alis ng kotse mo ay bigla na lang napahawak si Almira sa dibdib niya malapit sa puso at nang tignan ko yung kamay niya at nakita ko na may dugo. Nawalan na siya ng malay nung dumating si Trinity at sinugod namin siya dito," kwento ko.

"Panigurado akong mga Enriquez na naman ang may gawa nito," sabi ni Tita Irish.

"Sila rin ang pinanghihinalaan ko, Tita," sabi ko.

Maya maya ay napatayo kaming lahat ng lumabas ang doctor sa OR.

"Dr Chavez, kamusta siya?" tanong ni Mamita.

"Nakuha na namin ang balang tumama sa puso niya. Kinailangan pa namin siyang irevive kanina dahil bumaba ang vital sign niya pagkatapos naming makuha ang bala sa puso niya kaya natagalan ang operation," sabi nung doctor.

"Kamusta na ang kundisyon ni Almira?" tanong ni Kuya Alfred.

"She's lucky dahil umabot kayo dito bago tuluyang maubusan ng dugo ang pasyente. She's unconscious due to severe blood loss. At kapag nagkamalay na ang pasyente ay kailangan pa din niyang mag-undergo ng mga test," sabi ni Doc Chavez.

"Kailan po magigising si Almira?" tanong ko.

"Maybe after several hours, days, weeks, we don't know, I'm sorry but all we have to do is to wait," sabi ni Dr Chavez. Tumango naman ako.

"Salamat, Dr Chavez," sabi ni Tita Irish bago umalis ang doctor.

Pumunta kami sa private room ni Almira. I saw her sleeping peacefully. Ang ganda niya talaga.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na nasa tabi ng hospital bed niya. Hinawakan ko ang kamay niyang may dextrose at hinalikan ang kamay niya.

"Castriel, hindi ka ba papasok ngayon? Tatlong buwan kang nagstop dahil sa pagkacoma mo, kailangan mong bumawi. Kami nang bahalang magbantay kay Almira," sabi ni Kuya Alfred. Umiling ako habang nakatingin pa rin kay Almira.

"Hindi ako papasok ngayong araw, Kuya Alfred. Kahit pumasok ako hindi naman mafofocus ang utak ko sa klase dahil sa nangyari kay Almira ngayon," sagot ko.

"Sige, ikaw bahala. Alam ko naman na kaya mong humabol sa mga nawala mong klase," sabi niya.

*KRING KRING KRING*

Kinuha ko sa bulsa ng slacks ko ang nagriring na cellphone. Paglabas ko ay cellphone pala ni Almira ang nagriring.

Private Investigator calling...

Inaccept ko ang tawag at nilagay ko sa tenga ko.

(Ms Ferreira, wala na kaming makuha ng ibang information regarding sa lost and found na nangyari 20 years ago. Lahat ng bata na nawawala noon ay nahanap. Lahat ng mga magulang sa list na nagreport ay pinuntahan na namin at tinanungan pero lahat nang yun ay nahanap na ang mga anak nila.) mahabang lintanya nung lalaki sa kabilang linya.

Nang hindi na ito nagsalita ay pinatay ko na ang tawag at tumingin kay Almira.

Bakit hindi niya sinabi sa akin na pinapahanap na niya pala ang mga magulang ko?

Hindi ako galit sa kanya bagkus ay natutuwa ako dahil tinutulungan niya akong mahanap ang tunay kong mga magulang. Thank you for doing this, Almira.