Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 18 - CHAPTER 17

Chapter 18 - CHAPTER 17

ALMIRA'S POV

Marahan kong minulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang putting kisame. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Nasa hospital ako?

Naalala ko ang dahilan kung bakit nasa hospital ako ngayon. May bumaril sa akin bago ako maka pasok ng campus.

Napatingin ako sa gilid ko ng may gumalaw doon at may nakahawak sa kamay ko. Nakita ko ang natutulong na mukha ni Castriel habang hawak ang kamay ko.

Napadilat siya at nagtama ang tingin naming dalawa. Bakas ang gulat sa mata niya dahil nanlaki ang mga mata niya at napatayo bigla.

"Sa wakas, gising ka na, Mahal," sabi niya sabay halik sa kamay at noo ko.

"Anong araw na ngayon? At anong oras na?" tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang phone sa bed side table ng hospital bed ko at may tinignan. Umupo siya sa tabi ko.

"Tuesday na, at 7:31 am," sagot niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko.

Babangon sana ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko kaya napahiga ulit ako.

"Huwag ka munang gumalaw baka dumugo ang sugat mo, hindi pa yan naghihilom," sabi ni Castriel.

"Tatlong araw na ako dito sa hospital?" tanong ko. Tumango siya.

"Oo, ang akala ko nga ay sa isang linggo pa ang gising mo dahil sa maraming dugo ang nawala sayo at sa panghihina ng katawan mo," sabi niya.

"Love, kailangan kong pumunta ng trial sa Thursday," sabi ko sa kanya.

"Pero kailangan mong magpagaling," sabi niya.

"Kaya ko, Love. Tawagin mo si Dr Chavez ka kausapin ko siya," sabi ko. Napabuntong hininga siya bago siya tumayo. Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya lumabas ng kwarto.

Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto at pumasok si Castriel kasama si Dr Chavez.

"Kamusta ka na, Ms Ferreira?" tanong ni Dr Chavez.

"I'm fine, medyo kumikirot lang yung sugat ko," sagot ko.

"Dr Chaver, pwede bang madischarge na ako?" diretsong tanong ko.

"Hindi pa pwede, Ms Ferreira. Hindi pa naghihilom ang sugat mo, kailangan mo munang magpagaling dito," sabi niya.

"Kahit ilang oras lang. Kailangan kong pumunta ng trial sa Thursday. Pagkatapos nung trial na yun, babalik ako dito at magpagaling," sabi ko sa kanya.

"Hindi talaga pwede, dudugo ang sugat mo. Hindi mo pa kaya," sabi niya.

"I can take care of myself, Dr Chavez," sabi ko sa kanya.

"Malalim ang natamo mong sugat dahil sa pagkakabaril mo sa puso. Gusto kang patayin ng bumaril sayo dahil kinailangan ka naming irevive pagkatapos naming makuha ang bala sayo," sabi ni Dr Chavez.

"Sige na payagan mo akong pumunta ng trial sa Thursday, Dr Chavez," sabi ko.

Narinig ko ang malalim niya pagbuntong hininga.

"Okay, wala din naman akong magagawa kundi ang pumayag. Basta bumalik ka after trial," sabi ni Dr Chavez. Napangiti ako.

"Thank you, Dr Chavez," sabi ko. Tumango naman siya at umalis na.

Lumapit na ulit sa akin si Castriel. May pinindot siya sa gilid ng kama para umangat ng bahagya ang kama sa bandang uluhan ko. Umupo siya sa tabi ko at sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Salamat, Mahal," sabi niya. Kunot noong lumingon ako sa kanya.

"For what?" tanong ko.

"Sa pag kuha ng private investigator para mahanap ang mga magulang ko," sabi niya.

"Where's my phone? I want to call that investigator," sabi ko.

Hinugot niya ang drawer ng side table at kinuha yung cellphone dun at binigay niya sa akin. Agad ko namang kinuha yun at tinawagan ang investigator.

"Ano ng nangyari sa paghahanap niyo?" agad kong bungad sa investigator ng masagot na ang tawag.

"I'm sorry, Ms Ferreira. Wala na kaming information na nakuha---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"You're fired," sabi ko sabay baba ng tawag.

"Bakit mo naman ipinatigil ang pag-iibestiga?" tanong niya.

"Wala naman akong napapala sa kanila. Ang tagal ko ng pinapahanap sa kanila ang magulang mo pero hanggang ngayon wala pa rin," sabi ko sa kanya.

*************

"Are you sure na kaya mo?" tanong ni Kuya na nakatingin sa akin habang nakaupo sa sofa ng hospital room ko.

"Yes, Kuya," sagot ko sa kanya habang inaayos ko ang women business attire ko na kulay gray.

"Pwede naman kasing ako yung pumunta at magpahinga ka nalang dito," sabi niya.

"No Kuya, gusto ko nandoon ako," sabi ko. Humarap na ako sa kanya.

"Beautiful. Bagay sayo yan, mukha ka na talagang CEO," sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Let's go. Hinihintay na nila tayo sa lobby," sabi ni Kuya kaya tumango ako.

Lumabas na kami at sumakay na sa elevator.

Pagdating sa lobby ay nakita kong hinihintay kami ni Castriel. Siguro ay nasa kotse na sila Mamita dahil nasa harap ng hospital ang kotse.

"Mahal, ang ganda mo kahit light lang ang make up mo," nakangiting sabi ni Castriel nang makalapit kami.

"Thank you, Love," sabi ko sa kanya at ngumiti.

Lumabas na kami ng hospital at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng backseat. Sumakay na din siya sa passenger seat at sa driver seat si Kuya na pinaandar agad ang kotse.

*************

Pagkasakay namin sa elevator ay pinindot ni Kuya ang floor kung nasaan ang Court room. Pasara na ang pintuan ng elevator ng may pumasok pa, ang mga Enriquez.

Kita ko ang ngiti sa mukha ni Zander. Mukhang masaya ha.

"Mukhang hindi siya makakarating," sabi ni Zander. Mukhang ako ata ang tinutukoy niya, dahil hindi niya siguro ako napansin dahil nasa likod ako ni Castriel.

"Sinong hindi makakarating?" tanong ko at lumabas sa likod ni Castriel. I see shock in Zander's eyes.

"Paanong---"

"Paanong buhay pa ako?" dugtong ko sa itatanong niya.

"Hindi talaga kayo marunong lumaban ng patas, kaya nakuha mong ipapatay ako kagaya ng pagpapatay mo kay Tito Martin," sabi ko. Naramdaman ko ang may humawak sa braso ko.

"Ano bang sinasabi mo? Wala akong kinalaman sa mga pinagsasabi mo, Almira," sabi niya.

"Siguraduhin mo lang, kundi dadagdagan ko ang kasong isasampa sayo," sabi ko at bumaling sa asawa niya. "At damay ka," sabi ko kay Olivia.

Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator ay bumaling ulit ako kay Zander.

"Good luck, 'Tito' Zander. Malapit mo ng masuot ang damit na bagay sayo," nakangising sabi ko sa kanya sabay hakbang palabas ng elevator.

"Paano ka nakakasiguro na mapapakulong mo ako?" tanong niya ng makalabas na kami ng elevator.

"Sabi ng instinct ko. Galingan mong sumagot sa lahat ng itatanong ni Atty Mendoza," sarkastikong sabi sa kanya at naglakad na paalis.

Pumasok na kami sa loob ng court room. Nagulat ako ng makita ko ang mga nakatayong pulis sa gilid na bahagi ng kwartong ito kung saan napapwesto ang mga Enriquez.

Lumapit sa amin si Atty Mendoza.

"Anong meron dito? Bakit may mga pulis?" tanong ko kay Atty.

"Ngayon na balak tapusin ang kaso dahil lumabas na kanina ang result ng FDE," sagot ni Atty. Napangiti naman ako. Umupo na kami ni Atty sa pwesto namin.

Pagkarating ng judge ay sinimulan na ang trial.

"The Defender of plaintiff can now ask the dependant," sabi ng judge.

Tumayo na si Atty Mendoza at pumunta na sa harapan kung saan nandoon na si Zander.

"Magkaibigan kayong dalawa ni Marvin Ferreira, right?" tanong ni Atty.

"Yes," maikling sagot ni Zander.

"Tinulungan ka ni Marvin na mapagamot ang anak mong may sakit sa puso dahil sa naubos na ang pera niyo para sa pagpapagaling niya kaya lumapit ka sa mga Ferreira para humingi ng tulong, right?"

"Yes."

"Bakit mo pinlano na patayin si Marvin kung tinulungan ka niyang ipagamot ang anak mo, hindi pa ba sapat ang tulong na ibinigay niya kaya nakuha mo siyang patayin?"

"OBJECTION YOUR HONOR, THE DEFENDER OF PLAINTIFF IS MAKING UP ASSUMPTIONS AND ALLEGATIONS!" Atty Rivera said.

"Objection overruled. Make him answer."

"Uulitin ko, bakit mo pinlano na patayin si Marvin?"

"Dahil tinigil niya ang medication ng anak ko," sagot niya. Bigla akong napatayo kaya napatingin sa akin ang judge.

"Objection your honor, nagsisingungaling ang defendant. Kahit kailan hindi tinigil ni Dad ang medication ni Xavier Enriquez dahil parang kapatid na ang turing ko kay Xavier kaya sinabi ko kay Dad na huwag ihinto ang medication niya dahil gusto ko siyang gumaling," mahabang lintanya ko.

"Objection sustained," the judge said. "Lawyer of plaintiff, continue."

Pagkasabi non ay umupo na ulit ako.

Marami pang tinanong si Atty Mendoza na sinagot din naman ni Zander. Pagkatapos nun ay umupo na sa tabi ko si Atty Mendoza.

Tumayo sa gitna ang isang babae na may hawak na envelope. Iaannounce na niya yata ang result ng FDE.

"The FDE result of all documents is here. Isa kanila Ms Almira Ferreira at Mr Zander Enriquez ang may hawak ng original copy ng mga documento at ang isa ay peke," sabi nung babae. Binuksan niya ang envelope at nilabas niya ang laman nun.

"Ang original copy ng mga documento ay hawak ni Ms Almira Ferreira," sabi nung babae. Nakangiting tumingin ako kay Atty Mendoza na nakangiti din.

Nagsimula nang ulit magbulong bulungan ang mga tao sa loob ng court room.

"ORDER IN THE COURT!" Everyone shut their mouth.

Lumapit ang babae sa judge at may ibinigay sa kanyang papel ang judge. Pumunta siya ulit sa gitna at nagsalita.

"The judge charges defendant Zander Enriquez guilty of theft and forgery of documents to seize the property of plaintiff Almira Ferreira. Defendant is also charged with the murder of Marvin Ferreira, Marizialyn Ferreira and Martin Ferreira sentenced to lifetime imprisonment with his wife Olivia Enriquez, who was also involved in the murder of the victims," sabi nung babae.

"Case closed," sabi ng judge kasabay ng tatlong beses na pagpalo niya ng gavel. Tumayo na siya at umalis.

Tumayo na kami ni Atty Mendoza. Kinamayan niya ako.

"Congrats, Ms Ferreira. Naipanalo natin ang kaso," sabi ni Atty.

"Thank you, Atty Mendoza. Dahil sayo kaya naipanalo natin ang kaso," sabi ko sa kanya na ngiti lang ang tugon sa akin.

"Almira, huwag mong gawin sa amin ito. Please, I'm begging you," sabi ni Zander na nakaposas na. Lumapit ako sa kanya at agad siyang sinampal ng malakas.

Nasa ay hindi ko na ginawa dahil maling kamay ang ginamit kong pangsampal sa kanya. Imbis kasing sa kanyang kamay ko siya sinampal ay sa kaliwang kamay ang ginamit ko kaya sobrang kirot ngayon ng sugat ko at dumugo na. Nanghina ako sa sobrang kirot na nararamdaman ko kaya natumba ako at agad naman na may sumali sa akin at inalalayan niya akong tumayo.

"Okay ka lang ba? Dalin na kita sa hospital, dumudugo na ang sugat mo," sabi ni Castriel pero iling lang ang isinagot ko.

"Ang isang Enriquez nagmamakaawa ngayon sa harap ko? Para sabihin ko sayo, hindi ako nagawa sayo. Yung pang pinapatay mo sila Mom, Dad and Tito Martin ay naawa ka sa kanila? Hindi diba, dapat lang sayo ng asawa mo na mabulok sa kulungan," sabi ko sa kanya.

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Sana pinatay na lang kita, sinama na lang sana kita sa mga magulang mo," sabi ni Zander na nagpabaling sa akin sa kanya.

Isang malakas na sampal at suntok ang natanggap niya mula kay Mamita at Kuya.

"Walang hiya ka talaga," umiiyak na sabi ni Mamita.

"Sana nga pinatay mo na lang ako noon pa. Wala na sanang hadlang sa gusto mo. Sana pinatay mo na lang ako, para hindi ko naranasan ang pangungulila sa magulang ko. Sana pinatay mo na lang ako," umiiyak kong sabi sa kanya. Niyakap ako ni Castriel.

Pagkahiwalay ko kay Castriel ay wala na sila Zander sa harap ko kaya lumabas na kami ng court room. Nakaalalay pa rin sa akin si Castriel dahil nanghihina ako sa sakit na nararamdaman ko sa sugat ko.

Pagdating sa lobby ay nakita ko pa si Xavier. Nang makita niya ako ay lumapit sa akin. Hinarangan pa siya ni Kuya.

"Almira, pwede ba kitang makausap kahit saglit lang," sabi ni Xavier.

"Kung magmamakaawa ka para huwag ipakulong ang mamatay mong magulang ay huwag mo na lang siyang kausapin," sabi ni Mamita na nababakas parin na galing siya sa iyak dahil pumipiyok pa siya.

"Hindi tungkol dun kaya gusto ko siyang kausapin. May gusto lang akong sabihin sa kanya," sabi ni Xavier habang nakatingin sa mga mata ko.

"Sige," sabi ko.

"Pero Almira, kailangan mo ng bumalik ng hospital," sabi ni Castriel.

"Saglit lang kaming mag-uusap. Gusto ko din siyang makausap. Sige na, hintayin niyo na lang ako sa sasakyan," sabi ko.

"Pero---"

"Sige na," putol ko sa sasabihin niya.

Wala naman silang nagawa kundi ang umalis ata hintayin ako sa kotse. Bumaling na ako kay Xavier.

"Almira, gusto kong magpaalam sayo. Aalis na ako dito, pupunta na akong Canada bukas para doon na tumira kasama nila Tita Mae," sabi niya.

"Hindi mo man lang tatapusin ang study mo dito. Apat na buwan na lang at gra-graduate na tayo," sabi ko sa kanya.

"Wala na akong mukhang maihaharap sa estudyante sa campus Almira, pagkatapos ng ginawa ni Dad may mukha pa ba akong maihaharap sa mga estudyante doon?" sabi niya.

"Bakit iniisip mo ang sasabihin ng ibang tao sayo, dahil lang sa ginawa ng magulang mo? Wala kang kasalanan sa ginawa ng magulang mo, Xavier. Nagawa nilang yun dahil nasilaw sila sa pera, wala kang kasalanan dun," sabi ko sa kanya.

"Bakit mo sinasabi to sa akin ngayon, Almira?" tanong niya.

"Dahil kaibigan kita," sagot ko.

"Diba sinabi mong hindi na tayo magkaibigan?"

"Yes, sinabi ko yun pero hindi ko pala kayang mawalan ng kaibigan lalo na ang childhood bestfriend ko," sabi ko sa kanya.

"I'm sorry for what I say before. Hindi ko sinasadyang sabihin sayo yun, nadala lang ako ng galit ko sa magulang mo kaya nasabi ko yung mga bagay na yun. I'm sorry, Xavier," umiiyak kong sabi. Niyakap niya ako ng marahan.

"I understand, kung bakit mo nasabi yun sa akin, Aira. Thank you dahil nakipag-ayos ka sa akin," sabi niya ng nakayakap sa akin.

"Please, huwag ka nalang umalis," sabi ko sa kanya. Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Hindi na ako aalis, Almira. Dito na lang ako kasi wala dun ang bestfriend ko," sabi niya. Napangiti naman ako.

"Talaga?" paninigurado ko.

"Oo. Kailangan mo ng bumalik sa hospital, sobra na ang pagdurugo ng sugat mo," sabi niya. Tumango naman ako.

Bumakat na kasi yung dugo sa gray coat na suot ko.

Paglabas ng building ay lumingon ulit ako kay Xavier sa tabi ko.

"See you next month, bestfriend," sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.

Naglakad na ako paalis at sumakay sa kotse. Pinaandar na ni Kuya ang kotse. Nakita ko ang galit na mga mata ni Castriel sa rear view mirror.

"Bakit mo siya hinalikan sa pisngi?" tanong niya.

"Wala lang yun. At saka sa pisngi lang naman, pero kapag sayo sa lips," sabi ko sa kanya.

"Kahit na," sabi niya. Natawa na lang ako. Nagseselos ang love ko.

"Are you jealous, Love?" tanong ko.

"Hindi ako nagseselos," sagot niya.

"Huwag ka na magselos, Love. Ikaw lang naman ang one and only love ko. Kahit tanungin mo si Kuya kung nagkaboyfriend na ako noon," sabi ko sa kanya.

"Bakit ako nadamay dyan? Huwag nga kayong lambingan ng lambingan. Nang-iingit kayo eh, namimiss ko na ang fiancee ko na nasa America," sabi niya.

Yes, my fiancee na si Kuya. Balak na nilang magpakasal next year. Hindi ko pa nakikita sa personal si Katrisha, sa video call palang. Si Katrisha ay half Filipino-half American, maganda siya para siyang barbie dahil kahit anong ipasuot mo sa kanya ay babagay sa kanya.

"Papuntahin mo na lang siya dito para makita ko na siya sa personal," sabi ko.

"HAHAHA, Busy siya kaya kahit anong pilit ko sa kanyang pumunta dito ay hindi daw pwede," sagot ni Kuya.

"Bakit ba si Katrisha yung pinag-uusapan natin? Alam ko na Kuya, kapag hindi nakipagbati yung isa dyan ngayong araw, pupunta akong America pagdischarge ko. Madali lang pumunta dun lalo na nakuha ko na lahat ng property nila Dad. May private plane na akong gagamitin," sabi ko.

Narinig ko ang mahinang tawa nila Mamita at Tita, pati na rin si Kuya ng biglang humarap sa akin si Castriel.

"Hindi ka pupuntang America," sabi ni Castriel.

"Pupunta ako, ayaw mong aminin na nagseselos ka ng makita mong hinalikan ko sa pisngi si Xavier," sabi ko. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Oo na, nagseselos na ako," sabi niya. Natawa naman kami.

"Ang cute mo magselos, Love," sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita at nanahimik na lang.

Pagkarating sa hospital ay agad na pumunta kami sa private room ko at nagpatawag ng nurse si Kuya para icheck kung bumukas ba kung sugat ko at linisin na din.

Hay, salamat sa Diyos dahil napakulong na ang may kasalanan ng pagpatay sa magulang ko at kay Tito Martin. Isa na lang ang kulang, ang mahanap ang parents ni Castriel.