ALMIRA'S POV
Pagkarating namin sa Court room ay umupo agad ako sa tabi ni Atty Mendoza na iniisa isang tignan ang mga documento.
Ilang minuto lang ay dumating na ang judge at sinabi ng umpisahan na ang hearing.
Tumayo si Atty dala ang mga documento, pati na rin ang lawyer ng mga Enriquez at sabay nilang ibinigay ang hawak nilang mga paperles sa judge.
"Hmmm, the documents you gave me are almost identical and indistinguishable. So I will send this to the Forensic Document Examination (FDE), to find out who holds the original copy of the document," sabi ng judge.
Bumalik na sa pagkakaupo sa tabi ko si Atty.
"It's time, Atty. Ito na ang oras para ilabas natin ang hard evidence," bulong ko.
Tumingin siya sa akin ng seryoso. Kalaunan ay tumango siya at tumayo.
"Your Honor, the plaintiff filed another lawsuit against the plaintiff. The plaintiff's parents did not die in the accident because someone had planned to kill them and that was the accused, the defendant's wife was also involved," sabi ni Atty habang nakatingin kay Zander. Nakita ko ang paninginig ng kamay ni Olivia kahit malayo ako.
"Do you have any evidence?" tanong ng lawyer nila Zander.
"Yes, we have. A video taken inside their office at Enriquez Empire. We heard them talking about the deaths of Marvin Ferreira and Marizialyn Ferreira," sabi ni Atty Mendoza sabay pakita ng flash drive.
Lumapit si Atty Mendoza sa isang lalaki na nakaharap sa laptop na nakaconnect sa flatscreen TV dito sa loob ng court room. Binigay niya ang flash drive sa lalaki para ipakita ang video sa lahat ng tao sa loob ng court room.
Hindi nagtagal ay biglang nagplay ang video sa TV. Lahat ng tao dito sa loob ng court room ay nakatingin doon, pati na rina ang judge. Samantalang ako ay nakatingin sa mag-asawang Enriquez.
Nakita ko ang paglaki ng mata ni Olivia kasabay ng lalong panginginig ng mga kamay niya. Si Zander naman ay parang wala lang.
Pagkatapos ng video ay nagsimula ang bulong-bulungan ng mga tao sa loob ng court room. Rinig ko ang iyak ni Mamita at Tita Irish.
"Ang sama talaga ng ugali ng Zander na yan, pati na din ng asawa niya."
"Dapat talaga sa dalawang yan ay ikinukulong. Wala talaga silang puso."
Ilang lang yan sa mga narinig ko na buong bulungan dito sa loob ng court room.
"ORDER IN THE COURT!" Everyone shut their mouth.
Atty Rivera, the Enriquez's lawyer stood up and look at me.
"The defender can now ask the plaintiff." sabi ng judge. Tumayo na ako, pati na rin si Atty Rivera.
Pumunta ako sa may gitnang bahagi ng court room at umupo sa may upuan na may table.
"Why did you install a camera in Mr Zander Enriquez's office?" tanong ni Atty Rivera sa akin. Tumingin ako sa kanya ng seryoso.
"Ginawa ko yun dahil gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ni Zander na gagawin niya sa mga taong sagabal sa mga gusto niya. Ang akala ko ay ang pagkamatay lang ni Tito Martin ang malalaman ko pero pati pala ang pagkamatay sa Mom at Dad ko ay siya ang may gawa," sabi ko habang nakatingin kay Zander. Gusto kong ilabas sa kanya ang galit na matagal nang nakatago dito sa puso ko, pero hindi pwede sa ngayon.
"Kailan mo pa na install ang camera sa office ni Mr Enriquez?" tanong ni Atty Rivera.
"Noong araw na narinig ko silang nag-uusap na may balak silang masama kay Tito Martin. Naisipan kong lagyan ng hidden camera ang office para malaman ko kung totoo ba ang hinala ko," sagot ko.
"Saan mo sila narinig na nag-uusap?" tanong pa ni Atty Rivera.
"Noong unang araw nang burol nila Mom at Dad," sagot ko.
"Another question, answer me honestly. Ninakaw mo ba ang mga documento ng Enriquez Empire?" tanong nito.
"OBJECTION YOUR HONOR. THE DEFENDER IS MAKING UP ASSUMPTIONS AND ALLEGATIONS!" Atty Mendoza said.
"Objection sustained. Change the question," sabi nung judge.
"Saan mo nakuha ang mga documentong hawak niyo?" tanong ni Atty Rivera.
"Sa safety box ni Dad. May letter akong nakita sa room nila ni Mom at nakalagay doon na nasa safety box ang mga documento ng kumpanya," pagsisingungaling ko. Dahil kapag sinabi ko ang totoo ay baka kasuhan din nila ako.
"Kung nasa safety box ng Dad mo ang mga documento ng kumpanya, bakit may isa pang kopya ng mga documento ang nasa office?"
"Hindi ko alam kung paano nangyaring may isa pang documento sa office. Ang alam ko lang ay ang documento nasa safety box ni Dad," sagot ko.
"That's all, Your Honor," sabi ni Atty Rivera at bumalik na siya sa kinauupuan niya katabi si Zander.
"The hearing will continue for the next 7 days."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Atty.
"Next week ang labas ng result sa examination ng mga documento," sabi ni Atty Mendoza. Tumango naman ako.
"Thank you, Attorney," sabi ko.
"Huwag ka munang magthank you sa akin, Ms Ferreira. Hindi pa tapos ang hearing," sabi niya. Ngumiti na lang ako sa kanya.
Lumapit na ako kanila Mamita.
"Almira, bakit hindi mo sinabi sa akin na alam mo na kung sino ang pumatay sa Tito Martin mo?" umiiyak na sabi ni Tita habang nakayakap kay Kuya.
"I'm sorry, Tita. Hindi niyo naman ako paniniwalaan kung sinabi ko sa inyo, diba? Kaya gumawa ako ng paraan para kapag sinabi ko sa inyo ang tungkol sa pagkamatay ni Tito ay maniniwala kayo," sabi ko.
Lumapit sa akin si Tita at niyakap ako.
"Thank you, Almira. Mabibigyan na nang hustisya ang pagkamatay ng Tito Martin mo pagkatapos nito, pati na rin ang mga magulang mo," sabi ni Tita habang nakayakap sa akin.
"Sana nga, Tita," sabi ko at naghiwalay na kami sa pagkakayakap.
SADIE'S POV
KINAGABIHAN...
Kanina ko pa napapansin na tahimik si Castriel mula nung naglunch kami. Dahil siguro sa hindi pagpasok ni Almira kanina.
"Kanina ka pa tahimik ha, may problema ba?" tanong ko.
Umupo ako sa tabi niya at nilagay sa center table ang dala kong dalawang wine glass at isang bote ng martini.
"Wala may iniisip lang," sagot niya. Nagsalin ako ng martini sa dalawang wine glass.
"Inom tayo," sabi ko at binigay sa kanya ang isang wine glass na may lamang martini.
Kinuha naman niya at agad niyang nilagok ang kalahati ng wine glass ng martini. Parang wala siyang maramdaman na pait habang iniinom niya iyon.
Uminom ko din yung akin ng kaunti bago ko sinalinan ang baso niya. Agad niya ulit iyong nilagok ng diretso.
Ilang minuto lang ay naubos na ang isang bote ng martini na halos si Castriel ang nag-ubos dahil isang baso lang nainom ko.
Tumingin ako sa kanya na nakasandal na sa sofa at nakapikit ang mga mata. Lumapit pa ako ng husto sa kanya at hinalikan siya sa labi. Napamulat siya ng mata sa ginawa ko.
"Almira," sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng inis sa pagbanggit niya ng pangalan ni Almira.
Tumayo na ako at inalalayan siyang tumayo para dalhin sa kwarto kung saan siya natutulog. Nagawa ko naman siyang patayuin kahit mabigat siya.
Pagkarating sa kwarto ay agad ko siyang inayos sa pagkakahiga.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko pahiga sa kama at hinalikan ng madiin sa labi. Tumugon ako sa halik niya.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya para mas lumalim ang halikan naming dalawa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Itinaas ko ang ulo ko para malaya niyang halikan ang leeg ko. Binalik niya ang halik sa labi ko at tumugon naman ako.
CASTRIEL'S POV
KINABUKASAN...
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Napaupo ako at sumandal sa headboard. Ramdam ko din ang lamig dahil sa nakabukas na aircon at wala rin akong damit sa katawan kahit isa.
Napatingin ako sa tabi ko nang may biglang gumalaw at humarap sa akin. Agad kong nakilala ang babaeng nasa tabi ko dahil sa pag harap niya sa akin.
"Sadie," takang banggit ko sa pangalan niya.
Ang pagkakaalala ko ay si Almira ang kasama ko kagabi at ang kahalikan ko. Dahil siguro sa kalasingan ko kagabi ay napagkamalang ko siyang si Almira.
"Hmmm?" nakapikit na sambit nito. Hinila ko yung kumot pero hinila niya din papunta sa kanya.
"Huwag mong hilahin yung kumot, wala akong damit," sabi niya habang nakapikit parin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Kung parehas kaming walang damit, ibig sabihin may nangyari sa aming dalawa kagabi?
Napatingin ako kay Sadie na nagulat na nang mata. Nakita ko ang paglaki ng mata niya sabay tingin sa katawan niya sa ilalim ng kumot. Napaupo siya at tumingin sa akin.
"May nangyari sa atin? Paano kapag na buntis ako?" naluluhang tanong niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Kapag may nabuo nga, pananagutan ko," sabi ko sa kanya.
"Talaga? Kahit na maalala mo na siya, pananagutan mo pa rin ako kapag nabuntis ako?" tanong niya.
"Oo. Sige na magbihis ka na at pumunta na sa kwarto mo. May pasok pa tayo," sabi ko sa kanya na agad din naman niyang ginawa.
Pagkabihis niya at pagkalabas ng kwarto ay pumunta akong cr para maligo. Binuksan ko ang shower at pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi o kung may nangyari ba talaga sa amin kagabi.
Ang natatandaan ko lang ay hinila ko siya pahiga sa kama at hinalikan. And the rest, wala na.
Napabunting hininga ako. Bahala na nga.
ALMIRA'S POV
Pagkarating sa school ay na kasabay kong pumasok sila Castriel at Sadie. Sobrang saya ata ng babaeng to ngayon ah, lapad ng ngiti eh. Nang magtama ang tingin namin at tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. Inirapan ko naman siya.
"Hello, Castriel," bati ko sa kanya.
"Hi, Almira. Bakit hindi ka pumasok kahapon?" tanong niya.
"May inaasikaso kasi ako kahapon kaya hindi ako nakapasok," sagot ko. Tumango naman siya.
"Let's go, Castriel," sabi ni Sadie
"Sige, Almira. Una na kami," sabi ni Castriel at umalis na sila.
Nagsimula na din akong maglakad pero nag-iba ako ng daan. Pumunta akong rooftop dahil isang oras pa bago ang klase ko. Ganun din si Castriel at alam kong pupunta siya dito pagkatapos niyang ihatid si Sadie sa classroom.
Umupo ako sa isang bench habang hinihintay si Castriel. Hindi naman nagtagal ay dumating na siya at humiga siya sa bench at ginawan unan ang lap ko. Tumingin ako sa mukha niya.
Nakapikit ang mga mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya na nagpadilat sa kanya.
"Castriel, pumunta ka sa park mamaya. Hihintayin kita dun," sabi ko sa kanya.
"Saan park? At anong gagawin natin don?" tanong niya.
"Sa park na alam mo. Gusto kong magdinner kasama ka," sagot ko.
"Sige, pupunta ako," sabi niya.
CASTRIEL'S POV
DISMISSAL...
Pagkahatid ko kay Sadie sa condo niya ay nagtaxi ako papunta sa park na alam ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako. Nagbayad na ako sa driver at bumaba ng taxi.
Nagsimula na akong maglakad at hinanap si Almira. Napatigil ako sa paglalakad at hinawakan ang ulo ko dahil sa bigla itong kumirot.
Napaupo ako sa isang bench habang hawak ang ulo ko. Sobrang sakit.
Biglang kung naalala lahat ng pinagsamahan namin ni Almira simula ng umamin ako ng nararamdaman ko sa kanya sa lugar na ito hanggang sa maaksidente ako.
*FLASHBACK*
"Gusto kita, Almira," seryosong sabi ko. Napangiti naman naman siya.
"Really?" paninigurado niya.
"Oo, matagal na akong may gusto sayo since first year college. Halos araw-araw umaasa ako na sana mapansin mo ako. Palagi kitang tinitignan sa malayuan. Palagi akong pumupunta sa rooftop ng department niyo para makita ka at minsan palagi kitang naabutang umiiyak dun," sabi ko.
"Anong nagustuhan mo sa akin? Diba masungit ako?" tanong niya.
"Hindi ka naman talaga masungit, nakikita ko ang tunay na ikaw kapag nasa rooftop ka. Hindi mo lang tanggap ang pagkawala ng mga magulang mo kaya sinusungitan mo ang ibang tao," nakangiting sabi ko.
"Kaya ba tinanong mo kung ano ang gusto ko sa isang lalaki dahil may gusto ka na sa akin nun?" tanong niya.
"Oo tama ka, mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa at mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na kita, Almira," seryosong sabi ko.
"Alam mo ang swerte mo talaga," sabi niya.
"Ha? Bakit naman?" takang tanong ko.
"Diba ang sabi mo ang swerte ng lalaking mamahalin ko at ikaw yun, Castriel," napahinto siya at mas tinitigan ako sa mga mata.
Magsasalit na sana ulit ako nang magsalita ulit siya.
"Mahal kita, Castriel. Alam kong isang buwan pa lang simula ng makilala kita pero alam ko kung ano yung nararamdaman ko para sayo at yun ay ang mahal kita," sabi niya.
"Mahal mo ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo," sagot niya.
Bigla ko siyang niyakap. Alam kong nagulat siya base galaw ng katawan niya. Pinaghahalikan ko siya sa ulo. Niyakap niya din ako pabalik.
"Almira..." tawag ko at medyo humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
"Hmmm?"
"Pwede bang tayo na lang?" tanong ko. Napangiti naman siya.
"Wait. Pag-isipan ko muna," sabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi.
Natahimik naman ako at humiwalay lalo sa pagkakayakap sa kanya.
"HAHAHAHA. Tampo ka na nyan?" natatawang sabi niya.
"Okay lang naman kahit hindi mo sagutin, kaya ko namang maghintay," sabi ko.
"Oo, ang sagot ko," sagot niya.
"Oo? Ibig sabihin tayo na?" tanong ko. Tumango naman siya.
Niyakap ko ulit siya at humiwalay din agad. Hinawakan ko ang pisngi niya at unti uniting lumapit ang mukha ko sa mukha niya. Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.
Pagkahiwalay ng mga labi namin ay ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sa akin.
"I love you, Almira," sabi ko.
"I love you too, Castriel," sabi niya at muli kong idinampi ang labi ko sa labi niya.
**********
"Love na ba talaga ang itatawag mo sa akin?" tanong ko.
"Bakit naman hindi, ayaw mo ba?" balik niyang tanong sa akin.
"Gustong gusto ko nga na tinatawag mo kong Love," malapad na ngiting sabi ko.
"Ikaw ano naman ang itatawag mo sa akin?" tanong niya.
"Saglit isip ako," sabi ko kaya napapout siya. Ang cute niya.
"Bakit pag-iisipan mo pa, diba tapat galing sa puso?" nagtatampong sabi niya.
"Biro lang. Ang totoo niyan kahapon ko pa gustong sabihin sayo to."
"Ang alin naman yun?"
"I love you, Mahal," malambing na sabi ko kaya napangiti siya.
"I love you too, Love," malambing niyang sabi.
**********
"ALMIRA!" sigaw ko ng makita kong may paparating na sasakyan na bubunggo sa kanya. Tumakbo ako at tinulak siya kaya ako ang nasagasaan.
"C-Castriel, b-bakit m-mo ginawa yun?" umiiyak niyang tanong ng makalapit siya sa akin. Ayoko siyang makitang umiiyak. Hinawakan ko yung mukha niya nang marahan.
"G-Ginawa ko yun k-kasi ayokong m-mapahamak ka," nanghihina kong sabi.
"P-Pero ikaw naman ang n-na pahamak," napahagulhol niyang sabi.
"O-Okay lang na ako ang mapahamak, w-wag ka lang, Almira. M-Mahal na mahal kita," sabi ko.
"L-Love, wag mo munang ipinikit ang mga mata mo, dadalin kita sa hospital. C-Castriel please, w-wag mo kong iwan. H-Hindi ko k-kaya na m-mawala ka. N-Nawala na sa akin sila Mom at Dad, wag naman pati ikaw. Please, importante ka sa akin kaya hindi ko kayang mawala ka," pagmamakaawa niya.
"Don't cry, Mahal. H-Hindi kita iiwan, lalaban ako para sayo. Pangako yan, Mahal," sabi ko. Tumango naman siya. Pinunasan ko ang luha niya.
*FLASHBACK END*
Bakit ngayon ko lang naalala lahat? Nasa tabi ko lang pala ang babaeng mahal ko at pinagtabuan ko pa siya nung araw na magising ako sa hospital.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinanap na ulit si Almira. Nakita ko naman agad siya.
"Almira," banggit ko sa pangalan niya. Napalingon naman siya sa gawi ko at tumayo.
Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap.
"Almira, mahal ko," sabi ko at niyakap siya ng mas mahigpit, na para bang sampung taon kaming hindi nagkita. Niyakap niya din ako.
"Naalala mo na ako?" tanong niya habang nakayakap sa akin.
"Oo, Mahal. Naalala ko na lahat," sabi ko sa kanya.
"I miss you and I love you, Mahal," sabi ko at hinalikan siya sa noo.
"I miss you too and I love you too, Love," sabi niya. Hinalikan ko siya sa labi at ramdam ko ang sobrang pananabik ko sa kanya.