Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 15 - CHAPTER 14

Chapter 15 - CHAPTER 14

ALMIRA'S POV

Hindi matanggal ang ngiti ko habang naglalakad ako papuntang cafeteria. Sapat na ang mga sinabi niya sa akin kanina para maging masaya ako.

Pagkarating ko sa cafeteria ay bumili muna ako ng pagkain ko bago ako lumapit at umupo sa table nila Trinity.

"Parang sobrang saya mo ata? Halos mapunit na yang mukha mo sa laki ng ngiti mo," tanong ni Trinity na nakatingin sa akin.

"Bakit masama bang maging masaya?" balik kong tanong sa kanya.

"OMG! Almira, ano yang pula sa leeg? Hickey?" tanong ni Chelsea na katabi ko. Nakabun style kasi ang buhok ko kaya nakita ni Chelsea ang marka nang halik ni Castriel kanina.

Agad ko naman tinakpan gamit ang kamay ko ang leeg ko at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"You're blushing, Almira. Sino ang naglagay niyan?" pang-eechos ni Maleah.

"Sino pa ang kaisa-isang lalaking papayagan kong humalik sa akin?" balik kong tanong.

"Aaakkkhhhhh! Si Castriellll!" sabay na tili ni Maleah at Chelsea.

"Tang*na, huwag kayong tumili. Ang sakit sa tenga," inis kong sabi sa kanilang dalawa.

"Naalala ka na niya?" tanong ni Trinity. Umiling ako.

"Hindi pa," sagot ko.

"Ha? Bakit ka niya hinalikan sa leeg at nag-iwan ng marka kung hindi ka pa niya nagaalala?" tanong ni Chelsea.

"Hindi ko alam, bigla na lang niya akong hinalikan sa labi at leeg. At saka kung naaalala na niya ako bakit sasabihan ng sorry matapos niya akong halikan?" tanong ko.

"Sobrang saya ko ng sabihin niya na kahit hindi niya ako maalala ay alam niyang sa puso niya ay mahalaga at importante ako sa kanya," wala sa sariling sabi ko.

"Nakakainlove naman ng sinabi niya sayo. Well, hindi naman kasi nakakalimot ang puso diba?" sabi ni Maleah. Tumango naman ako.

"Dahil sa sinabi niyang yun sa akin, nagkakaroon ako ng pag-asang na malapit na niya akong maalala. I really miss him so much," sabi ko.

Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa table at binuksan. Tignan ko kung ano ng date ngayon. Sa dami ng nangyari nitong makalipas na buwan ay hindi ko alam kung ano na bang date ngayon. December 1 na pala ngayon malapit nang magchristmas.

"It's December na pala, ilang araw na lang ay magpapasko na at bagong taon. Mukhang kagaya pa rin ng dati ang pasok ng Christmas at New Year ko," malungkot kong sabi habang nakatingin sa cellphone ko.

Nilapag ko na lang ulit ang cellphone ko sa table at nagsimula ng kumain.

"At least, hindi lang si Jane ang kasama mong magcelebrate ngayong taon dahil nandyan ang Kuya Alfred at Mamita mo," sabi ni Chelsea. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Paniguradong mag-aasaran na naman yung dalawang magkapatid na yun kapag nagkita. Kuya Alfred and Jane they are two siblings. Mas matanda si Kuya ng dalawang taon kaysa kay Jane. Kuya Alfred is now 27 years samantalang si Jane naman ay 25 years old.

Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong nagring. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Jane.

"Speaking of Jane," sabi ko bago ko kunin ang phone ko at agad sinagot.

(Hoy! Almira, may atraso ka sa akin! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito sila Mamita at Kuya sa pinas?) tanong niya agad sa kabilang linya. Napalayo ko pa yung phone ko sa tenga ko ng pagkasagot dahil sa lakas ng boses niya.

"Hoy! Jane, wala akong atraso sayo. Malay ko bang hindi pinasabi ng kuya mo sayo na nandito sila. Hindi ko din naman nasabi sayo dahil makalawa nun ay naaksidente si Castriel," paliwanag ko.

"Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.

(Mamita called me earlier. Ininvite niya ako na magdinner sa mansion,) sabi niya.

"And?"

(Punta ako dyan sa University mamayang dismissal mo para sabay na tayong pumunta sa mansion,) sabi niya.

"Okay po, Ate," natatawang sabi ko. Narinig ko na natawa siya sa kabilang linya.

(Sige, bye. See you later and sorry for disturbing your lunch,) sabi niya and she hung up the call.

Tinext ko si Kuya na huwag na niya akong sunduin bago ko pinagpatuloy ulit ang pagkain ko.

Nang matapos na kaming kumain ay pumunta na kami sa mga classroom namin.

Nasa hallway palang kami ni Trinity ng makita ko sila Sadie at Castriel na nasa tapat ng classroom na naghahalikan.

Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang paglalakad ng nasa tapat na ako ng classroom ay agad akong pumasok sa loob. Nakita kong nakatingin ang iba naming kaklase sa labas at tinitignan yung dalawa.

Hindi ko na lang pinansin at umupo na ako sa upuan ko. Nakita ko ang malungkot na tingin sa akin ng mga kaklase namin. Ngumiti ako sa kanila ng matamis kahit sa loob looban ko ay nasasaktan ako.

DISMISSAL...

Pagkarating ko sa gate ay agad kong nakita ang sasakyan ni Jane.

Agad akong lumapit at sumakay sa kotse niya.

"Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?" tanong niya.

"Hindi niya ako maalala, Jane. He have a selective amnesia," sagot ko.

"Selective anmesia? Parang ngayon ko lang yun narinig," takang tanong niya.

"Selective anmesia is a type of amnesia in which the sufferer loses certain parts of their memory," sabi ko.

"So you mean is hindi ka niya naalala, pati na rin ang mga memories niya na kasama ka," sabi niya. Tumango naman ako.

"Oo," tanging sagot ko.

Sinimula na niya paandarin ang sasakyan.

************

Pagkarating sa mansion ay pinark niya ang kotse niya sa sasakyang palaging gamit ni Kuya.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng mansion.

Nagtaka ako kung bakit may mga maleta na inaakyat ang mga bodyguard sa second floor.

Lumapit ako sa isa sa mga maid at nagtanong.

"Kaninong mga maleta ang inaakyat sa taas?" tanong ko.

"Kay Madam Irish po at sa bunsong anak niya, Senorita," sagot ng maid.

Nagkatinginan kami ni Jane at nakita ko ang gulat sa mata niya dahil nanlaki ang mga ito.

"Ate Jane!" masiglang tawag ng isang batang lalaki na nasa edad 7 years old at may hawak na car toy na kakagaling lang sa kitchen. Yumakap ito sa bewang ni Jane ng nakalapit na.

"I miss you, Ate Jane," sabi niya kay Jane habang nakayakap.

"I miss you too, Little bro," sabi ni Jane

"Hi Ate Almira, I miss you din po," sabi niya at yumakap din sa akin. 

"Me too, Rex," sabi ko at yumakap din sa kanya.

Pagkahiwalay namin sa yakap ay tumingin ako sa kanya.

"Where's your Mommy, Baby Rex?" tanong ko.

"In the kitchen po, Ate Almira," sagot niya.

Clarex Ferreira, ang full name ni Rex. Kapatid siya nila Kuya at Jane. Hindi na niya nakilala at nakita ang Daddy niya dahil nung namatay si Tito Martin ay isang buwan ng buntis si Tita Irish kay Rex. Sa California sila nakatira simula ng ipinanganak si Rex, doon na din lumaki si Rex.

Agad naman kaming pumunta ng kitchen ni Jane. Nakita namin na busy si Tita Irish sa pagluluto para sa dinner namin, tinutulungan naman siya ng dalawang maids.

Lumingon sa gawi namin ni Jane. Agad na lumapit si Jane sa Mommy niya at yumakap.

"Grabe namiss ko ang baby girl ko," sabi ni Tita at yumakap din kay Jane.

"Miss na miss kita, Mom. Bakit hindi kayo nagsabi na uuwi kayo ni Rex? Parehas kayo ni Kuya mga hindi kayo nasasabi nauuwi kayo, kung hindi ako tinawagan ni Mamita na dito magdinner hindi ko pa malalaman," mahabang sabi ni Jane at humiwalay sa pagkakayakap kay Tita.

"Gusto ka naming isurprise ni Rex, kaya hindi namin sinabi sayo," sabi ni Tita.

Napatingin sa akin si Tita. Ngumiti naman ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Parang gusto kong umiiyak dahil ganto pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ina. Ang sarap sa pakiramdam na yung pakiramdam na hindi ko naranasan nitong makalipas na pitong taon dahil wala na ang Mommy ko.

Humiwalay sa akin si Tita at hinawakan ako sa mukha.

"Bakit ka umiiyak, Almira?" tanong ni Tita. Hindi ko namatayan na umiikay na pala ako. Pinunasan naman ni Tita ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Namiss ko lang po sila Mommy dahil sa yakap mo, Tita," sabi ko. Niyakap niya ulit ako.

"Alam kong marami kang problema, Almira. Magsabi ka lang, handa akong makikinig at damayan ka. Para na rin kitang anak, Almira," sabi ni Tita.

"Okay po, Tita," sabi ko. Humiwalay na siya sa yakap namin. Ngumiti ako sa kanya.

"Madam Irish, nakahanda na po ang dining table. Nandon na din po ang mga pagkain," sabi ng maid. Tumango naman si Tita.

Pumunta na kami sa dining table at naabutan naming nandoon na sila Mamita, Kuya at Rex. Kami na lang ang iniintay nila.

Umupo ako sa gitna nila Kuya at Rex. Umupo naman si Jane sa tabi ni Tita.

Nagdasal muna ako kami bago kami kumuha ng pagkain at nagsimula ng kumain.

Nagkwentuhan sila habang kumain pero ako nanatiling tahimik lang.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto ko. Sa makalawa na ang next hearing, kailangan kong maghanda dahil paniguradong tatanungin nila ako kung bakit meron akong copy ng documento ng kumpanya.

KINABUKASAN...

It's already our breaktime nakatingin ako sa table nila Castriel at Sadie. Bigla kong naalala yung kahapon. Napangiti ako.

Nawala ang ngiti ko ng makita kong mahihirapang huminga si Castriel. Hindi naman sila kalayuan kaya nakita ko.

"Castriel, are you alright?" alala ng tanong ni Sadie. Agad akong napatayo at lumapit kay Castriel.

Pagkalapit ko ay hinawakan ko ang mukha niya para tumingin siya sa akin. Ang init niya.

"A-Almira," nahihirapang sambit niya.

"Anong kinain mo?" tanong ko.

"Kumain siya ng Italian Sautéed Shrimp na luto ni Mom," sagot ni Sadie sa tanong ko.

Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang sinabi niya. Dali dali akong bumalik sa table namin nila Trinity. Hinanap ko ang gamot sa allergy na pinainom ko kay Castriel noon.

Nang makita ko na ay dali dali akong lumapit kay Castriel at agad na pinainom sa kanya. Binigyan ko siya ng tubig.

Nang makita kong okay na siya ay humarap ako kay Sadie.

"Hindi mo ba alam na allergic siya sa hipon?" tanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin.

"Naging boyfriend mo siya, pero hindi mo alam kung saan siya may allergy. T*ng*na, kung hindi ako nakatingin sa inyo at hindi napansin ang pagkapos ng hininga ni Castriel, malamang ay namatay na siya! Sa susunod itanong para hindi ganito yung nangyayari! Hindi naman siguro masama ang matanong diba?!" galit kong sabi sa kanya. Naramdaman kong may humawak sa braso ko pero hindi ko pinansin.

"So, anong pinapalabas mo? Na wala akong alam? Na sinadya ko ang nangyari? Edi ikaw na magaling! Ikaw na ang may maraming alam tungkol sa kanya!" galit niya ding sabi sa akin.

"Almira, tama na. Okay na ako," sabi ni Castriel at hinawakan ako ng marahan sa braso.

Tinignan ko ng masama si Sadie bago ako naglakad paalis. Lumabas ako ng cafeteria.

Napaupo ako sa isang bench na nakita ko. Napahawak ako sa ulo ko.

Hanggang ngayon ay ang bilis parin ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari sa kanya kanina. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

SADIE'S POV

DISMISSAL...

Masyado siyang nagmamagaling. Hindi ko naman talaga alam na allergic pala si Castriel sa shrimp.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko pagkarating ko ng parking lot. Agad kong pinaandar paalis at pumuntang bar.

Pumasok ako sa loob ng bar at bumungad sa akin ang maraming tao at ang nakakaindak na musika.

Pumunta ako sa counter at doon umupo.

"Martini, please," sabi ko sa bartender. Binigyan naman niya ako agad. Agad ko iyong nilagok. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko.

"Another one," sabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa.

Hinanap ko ang number nung lalaking kumausap sa akin kahapon. Nang mahanap ko na ay agad akong nagtipa sa cellphone ko at sinend ko sa kanya.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makuha ko si Castriel kay Almira sa oras na maalala na siya ni Castriel at yung lalaki kahapon lang ang makakatulong sa akin.