ALMIRA'S POV
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming classroom.
Nagulat ako ng biglang may humila sa buhok ko. Humarap ako sa kanya.
"Papansin ka talaga eh no! Gagawa at gagawa ka talaga ng paraan para makuha ang boyfriend ko!" galit na sabi niya.
"Let me correct you. EX BOYFRIEND MO. Hindi porker ikaw ang nasa tabi niya ay matatawag ka nang girlfriend niya. Tandaan mo, pinagbibigyan lang kitang makasama siya kaya hindi ako lumalapit sa kanya para ipaalala kung ano nga ba ako sa buhay niya. Darating ang araw na makaalala niya din ako at makukuha ko siya sayo. Hindi naman siguro masama na bigyan ko ang BOYFRIEND KO ng kung anumang gusto kong ibigay sa kanya," mahabang sabi ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin.
"Kailan kaya darating ang araw na yun? Baka nga hindi ka na niya maalala eh, dahil gagawa ako ng paraan para maging akin siya ulit. Gagamitin ko ang pagkakataon na to para magawa yun, Almira," nakataas na kilay na sabi niya.
"Napakadesperada mo naman kung ganon. Well sige lang, do whatever you want, hanggang nasayo pa siya," sabi ko sa kanya.
"Talaga? Eh parang binibigay mo na siya sa akin sa sinasabi mo," nakangising sabi niya.
"Kung yun ang akala mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit kami magkasama kanina," sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng ma pang-asar sa kanya. Bigla namang nagbago ang aura niya.
"Napakaepal mo talaga!" galit niyang sabi. Sasampalan niya sana ako ng pigilan ko ang kamay niya gamit ang isang kamay ko at ang isa ko pang kamay ay ginamit kong pa sa pal sa kanya.
"Wohoo! Go Ms Almira!" cheer sa akin ng mga kaklase namin.
"Wag mong susubukang idapo ang palad mo sa mukha ko, Sadie. Dahil bago mo pa ako masampal ay nakadapo na tong palad ko dyan sa mukha," matigas kong sabi sa kanya sabay bitaw ko ng malakas sa kamay niya.
"What's going on here?" tanong ng kakapasok na Prof namin.
"Nothing, Ma'am," sagot ko sabay upo sa upuan ko na katabi ni Trinity.
"Ma'am, Almira slap me," sumbong ni Sadie.
"That's true, Ms Ferreira?" tanong ni Prof umiling ako.
"No, Ma'am. Nag-uusap lang po kami," sagot ko. Sinamaan ako ng tingin ni Sadie. Anong akala niya masisindak ako sa kanya?
"Napakasinunggaling mo talaga!" sigaw niya sa akin.
"Ma'am, totoo po ang sinasabi ko. Kahit tanungin niyo pa ang mga kaklase namin," sabi ko ng nakatingin sa kanya.
"Ma'am, totoo po ang sinabi ni Ms Almira. Nag-uusap lang po talaga silang dalawa," sagot ng kaklase naming babae.
"Nag-uusap lang naman pala kayo ni Ms Ferreira, Ms Alves. Pwede ka ng umupo sa upuan mo at nang mapagsimula na akong maglecture," sabi ni Prof.
"Pero-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nag salita na agad si Ma'am.
"Go to your seat Ms Alves, or baka gusto mong palabasin kita sa klase ko?" tanong ni Ma'am. Wala namang nagawa si Sadie.
Naglakad na siya papunta seat niya pero tumigil siya sa tapat ko.
"Hindi pa tayo tapos, Almira. May araw ka din sa akin," mahinang sabi niya.
"Talagang hindi pa tayo tapos," sabi ko sa kanya. Umalis na siya at umupo na sa seat niya.
AFTER 1 MONTH...
Nandito ako ngayon sa rooftop kasama si Castriel. Tama kayo magkasama kaming dalawa dito, same kaming dalawa na walang class this time. Si Sadie ay may klase ngayon.
Hindi naman porket magkaklase kami ay same din kami ng class schedule. No, lahat ng estudyante ay may iba-ibang schedule ng class every subject pero kami-kami din ang magkaklase.
Tuwing wala akong klase ay palagi akong tumatambay dito sa rooftop katulad ng nakagawian ko. At sa isang buwan ay palagi kaming nagkikita dito ni Castriel.
Marami kaming pinag-uusapan ni Castriel tuwing nandito kami sa rooftop kaya mas lalo ko siyang nakilala. Sa kanya ko din nalaman na mayaman din pala si Sadie at sa condo ni Sadie siya nakikituloy.
Napatingin ako sa kanya na kanina ko pa nakikitang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Bakit may dumi ba ako sa mukha kaya ganyan ka makatitig sa mukha ko?" tanong ko sa kanya. Tanging iling lang ang sinagot niya sa akin.
Nabigla ako ng hawakan niya ang mukha ko pero hindi ko pinahalata at nilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko. Tinignan ko lang ang mukha niya at dinamdam ang kamay niyang nasa pisngi ko. How I miss this guy. I want to hug him and kiss him pero hindi ko magawa dahil baka magalit siya.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko. Namiss ko ang malambot niyang labi, halos tatlong buwan kong hindi nahahalikan yun.
He kiss me passionate. I kiss him back. Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko sa halik naming dalawa. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko kaya napaawang ang labi ko at pinasok niya ang dila niya sa loob ng leeg ko. Ginaya ko ang ginagawa ng dila niya sa bibig ko at nag-espadahan kami ng dila.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko at nag-iwan ng marka dun. at binalik niya ulit ang halik sa labi ko. Humiwalay na kaming dalawa.
"Almira, I'm-" Hindi na niya natapos ang dapat niyang sabihin ng nilagay ko sa bibig ang hintuturo ko para patigilin siya.
"Shhh, don't say sorry. Tumugon ako sa halik mo ibig sabihin nagustuhan ko yun," sabi ko sa kanya.
"Pero maling hinalikan kita," sabi niya.
"No, hindi mali yun. I love you, Castriel," seryosong sabi ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil Nanlaki ang mga ito.
"Mahal mo ko? Pero si Sadie ang girlfriend ko," gulat niyang tanong.
"Oo, mahal kita. Mahal na mahal. Girlfriend mo nga si Sadie pero may nararamdaman ka bang pagmamahal sa kanya?" tanong ko.
CASTRIEL'S POV
"No, hindi mali yun. I love you, Castriel," seryosong sabi niya. Nagulat naman ako dun pero naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Mahal mo ko? Pero si Sadie ang girlfriend ko," gulat kong tanong.
"Oo, mahal kita. Mahal na mahal. Girlfriend mo nga si Sadie pero may nararamdaman ka bang pagmamahal sa kanya?" tanong niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil wala akong maramdamang pagmamahal para kay Sadie. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tuwing nakikita ko si Almira dito ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Nang halikan ko siya kanina ay nakaramdam ako ng pananabik ng tugunin niya ang halik ko.
"Hindi mo kayang sagutin dahil may mahal kang iba at hindi yun si Sadie. At yung taong mahal mo na yun ay hindi mo siya maalala. Palagi mo kasing pinaniniwalaan yung kung ano ang nasa utak mo at hindi yung nasa puso mo. Subukan mo namang sundin ang puso mo at baka masagot yung mga tanong mo sa isipan mo." seryosong sabi niya.
"Sino yung babaeng yun, Almira? Sino yung taong mahal ko na hindi ko maalala?" tanong ko.
"Hindi ko pwedeng sagutin iyang tanong mo, Castriel dahil ikaw mismo ang makakasagot dyan sa mga tanong mo oras na buksan mo yang puso mo. Nakalimot man ang utak pero hindi kayang makalimot ng puso para sa taong minamahal," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kanya.
"Castriel, can I hug you? And please, hug me back," tanong niya. Tumango naman ako bilang pagpayag.
Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ngayon lang kami nagkita. Niyakap ko din siya gaya ng sabi niya.
"I miss you, Love. I miss your kiss and hug too," sabi niya habang nakayakap sa akin.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin kasabay ng pagtunog ng bell. Tumayo na siya.
"I hope nakatulong ang mga sinabi ko sayo kanina para malala mo ang babaeng tunay mong minamahal, Castriel," sabi niya at nagsimula ng maglakad paalis.
"Almira! Saglit lang," tawag ko sa kanya at hinabol siya.
"Bakit?" tanong niya.
"Gusto kong sabihin sayo na ikaw ang palaging tinitibok nitong puso ko. Hindi man kita maalala pero alam ko dito sa puso ko na mahalaga at importante ka sa akin," seryosong sabi ko at mas lumapit ako sa kanya.
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya inilapat ko ang labi ko sa malambot niyang labi. Ginalaw ko ang labi ko at ginaya naman niya. Napapangiti ako habang nakabalik sa kanya.
Pagkahiwalay ng mga labi namin ay niyakap ko siya.
"Alam ko dito sa puso ko na ikaw ang mahal ko, Almira. Ang kailangan ko na lang gawin ay maalala ang mga alaala nating dalawa," sabi ko habang nakayakap sa kanya.
SADIE'S POV
Pagkatunog ng bell ay lumabas na ako ng classroom at umakyat papuntang rooftop. Alam kong dun siya pupunta kapag wala siyang class.
Pagkarating ko sa rooftop ng marinig kong tinawag niya si Almira. Nandito si Almira?
Lumapit ako ng kaunti pero yung hindi nila ako makikita. Nakita kong lumapit si Castriel kay Almira.
"Bakit?" tanong ni Almira.
"Gusto kong sabihin sayo na ikaw ang palaging tinitibok nitong puso ko. Hindi man kita maalala pero alam ko dito sa puso ko na mahalaga at importante ka sa akin," seryosong sabi ni Castriel at mas lumapit pa kay Almira.
Kahit pala ay hindi maalala ni Castriel si Almira ay siya parin ang nasa puso ni Castriel. Hindi ko kayang palitan si Almira sa puso niya.
Nakita ko ang paglapit ng mukha ni Castriel kay Almira at ang paglapat ng labi nilang dalawa. Nakita ko kung paano halikan ni Castriel kay Almira.
Pagkahiwalay nila sa balik nila ay niyakap ni Castriel si Almira.
"Alam ko dito sa puso ko na ikaw ang mahal ko, Almira. Ang kailangan ko na lang gawin ay maalala ang mga alaala nating dalawa," sabi ni Castriel habang nakayakap kay Almira. Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi ko.
Nagsimula na akong maglakad paalis. Pumunta ako sa likod ng building at doon binuhos lahat ng luha ko.
"Gagawa ako ng paraan para mapasaakin ka ulit, Castriel. Kung kinakailangan na sagasaan ulit kita, gagawin ko basta mapasaakin ka ulit," sabi ko kahit wala siya sa harap ko.
Bigla kong naalala ang nangyari 3 months ago. Nung araw na naaksidente si Castriel.
*FLASHBACK*
Pagkatapos kong makausap si Mom sa phone ay tinanggal ko na ang earphone ko na nakakabit sa tenga ko.
Pagtingin ko sa harap ay may nakita akong babae na nakatayo sa gitna ng kalsada. Tatapakan ko na sana ang break pero huli na ang lahat at nasagasaan ko ay ang lalaking tumulak sa babae.
"Castriel," banggit ko sa pangalan ng lalaki ng makilala ko siya.
Nakalayo na ako ng ihinto ko ang kotse ko habang nakatingin sa side mirror. Lumabas ako ng kotse ko at lumapit sa mga nagkukumpulang mga estudyante.
"M-Mahal na mahal kita," sabi ni Castriel sa babae. Bakas sa tono ng pananalita ni Castriel ang panghihina.
"L-Love, wag mo munang ipinikit ang mga mata mo, dadalin kita sa hospital. C-Castriel please, w-wag mo kong iwan. H-Hindi ko k-kaya na m-mawala ka. N-Nawala na sa akin sila Mom at Dad, wag naman pati ikaw. Please, importante ka sa akin kaya hindi ko kayang mawala ka," pagmamakaawa ng babae.
"Don't cry, Mahal. H-Hindi kita iiwan, lalaban ako para sayo. Pangako yan, Mahal," sabi ni Castriel. Tumango ang babae ang babae.
Pagkarating ng ambulansya ay agad nilapitan ng mga medic si Castriel at nilipat sa stretcher.
Umalis na ako dun at bumalik sa kotse ko. Sinundan ko ang ambulansya na magdadala kay Castriel sa hospital.
I'm sorry, Castriel. Hindi ko sinasadya. I'm so sorry. Please hold on, mahal pa rin kita.
*FLASHBACK END*
"Miss, ito oh. Punasan mo ang mga luha mo, hindi bagay sayo ang umiiyak. Maganda ka pa naman," sabi ng isang lalaki at binigyan ako ng panyo. Kinuha ko naman at pinunasan ang mata ko.
"Bakit ka ba umiiyak? Pwede ko bang malaman pero kung hindi okay lang," sabi niya pa. Hindi ko siya pinsansin.
"Kapag may kailangan ka o gusto mo ng kausap, tawagan mo lang ako. Tutulungan kita kahit ano pa yan," sabi niya sa akin at may binigay siya sa aking kapiraso na papel.
"Yan ang number ko, tawagan mo ako any time you want," sabi niya at umalis.
Tinago ko na ang papael dahil baka magamit ko ang lalaking yun sa mga plano ko.