Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 9 - CHAPTER 8

Chapter 9 - CHAPTER 8

ALMIRA'S POV

"Aira, my childhood bestfriend," sabi ni Xavier na ikinalingon ko.

Naalala na niya ang childhood memories namin? Naalala na niya ako?

Nakita kong naglalakad siya palapit sa akin.

"Please, Aira mag-usap tayo," sabi niya ng makalapit na siya sa akin.

"Wala tayong dapat pag-usapan. And don't call me Aira dahil hindi yan ang pangalan ko," sabi ko.

"Yun ang tawag ko sayo ng mga bata pa tayo. Bestfriend kita," sabi niya. Napangisi naman ako.

"Bestfriend? Matagal na kitang hindi turing na kaibigan simula ng pagtabuyan mo ako sa hospital noon. Matagal ng nawala ang pagkakaibigan na yun, Xavier," mahinahon kong sabi.

"Dapat hindi mo na lang ako naalala. Dapat hindi ka na lang nabuhay. Dahil sayo kaya ginawa ng mga magulang mo na kunin ang mga property at ang pera ng pamilya namin," sigaw na sabi ko habang tinutulak siya.

Kaya naagaw namin ang atensyon ng lahat ng estudyante na nandito sa ground. May naririnig ako mga bulungan pero hindi ko yun pinansin.

"Almira, tama na," suway ni Castriel pero hindi ko siya pinakinggan.

"What do you mean, Almira?" tanong ni Xavier.

"Wag kang tanga, Xavier. Nakuha mo akong malala, pero ang sakit mo simula pa bata ay hindi mo alam!" sigaw ko sa kanya.

"Anong sakit?" tanong niya.

"Mahal, tama na. Hatid na kita sa classroom mo," sabi ni Castriel pero umiling lang ako. Seryosong tumingin ako kay Xavier.

"May sakit ka sa puso simula ng ipinanganak ka. Yun ang dahilan kung bakit naging magkaibigan si Dad at ang Daddy mo. Kasi gusto kang tulungan ni Mom na gumaling dahil hindi na siya magkakaroon pa ng anak na lalaki kaya nag-iisa lang nila akong anak. Pero anong ginawa ng magulang mo para sa kabutihang ginawa ng magulang ko para mapagamot ka? Wala. At alam mo kung ano yung masakit? Yung ninakawan nila kami ng pag-aari namin. Hindi pa ba sapat yung kabutihang ginawa ng magulang ko para gawin nila yun sa amin ha? Kulang pa ba?" umiiyak kong sabi.

Nakatingin na lahat ng estudyante sa amin dito sa ground pero wala akong pakialam kung narinig nila lahat ng sinabi ko. Hindi ako yung dapat maguilty kundi siya.

"Ngayon sabihin mo sa akin. Kaya ko pa bang makipagkaibigan sayo, naging dahilan kung bakit nagawa ng parents mo sa amin to? Ang dahilan kung bakit wala na ngayon ang mga magulang ko," humahagulhol kong sabi.

"I'm sorry. Hindi ko alam ang mga ginawa ng parents ko," nakayuko niyang sabi.

"Sorry? Wala ng magagawa yang sorry mo kasi nawala na sa akin yung pinakaimportanteng bagay sa buhay ko. Wala na ang mga magulang ko," Mas lalong tumulo yung luha ko.

Ayoko na. Ayoko ng kausapin siya.

Tumakbo ako palabas ng campus dahil hindi ko na kaya yung sakit na nanumbalik sa dibdib ko.

Napahinto ako sa gitna ng kalsada sa tapat ng campus. Gusto kong sumigaw para mawala yung sakit na naramdaman ko pero hindi ko magawa. Para akong napipi.

*BEEP BEEP*

"ALMIRA!" sigaw ni Castriel mula sa likod ko.

Kasabay ng paglingon ko ay ang patulak niya sa akin kaya siya ang nabangga ng sasakyan na dapat ay babangga sa akin.

Tumigil ang mundo ko ng makita ko mismo ang pagbagsak ng katawan niya sa sahid at nakita siyang nakahiga sa gitna ng kalsada. Tumulo yung mga luha ko habang lumalapit ako sa kanya.

No! Wag naman pati siya ay mawala sa akin. Hindi ko kayang mawala siya.

Inangat ko yung ulo niya at pinatong ko sa lap ko. Hinawakan ko yung mukha niya.

"C-Castriel, b-bakit m-mo ginawa yun?" umiiyak kong tanong sa kanya. Hinawakan niya yung mukha ko ng marahan.

"G-Ginawa ko yun k-kasi ayokong m-mapahamak ka." nanghihina niyang sabi.

"P-Pero ikaw naman ang n-napahamak." napahagulhol kong sabi.

"O-Okay lang na ako ang mapahamak, w-wag ka lang, Almira. M-Mahal na mahal kita." sabi niya. Bakas na sa tuno ng pananalita niya ang panghihina at pumipikit na din ang mata niya.

"L-Love, wag mo munang ipinikit ang mga mata mo, dadalin kita sa hospital. C-Castriel please, w-wag mo kong iwan. H-Hindi ko k-kaya na m-mawala ka. N-Nawala na sa akin sila Mom at Dad, wag naman pati ikaw. Please, importante ka sa akin kaya hindi ko kayang mawala ka," pagmamakaawa ko.

"Don't cry, Mahal. H-Hindi kita iiwan, lalaban ako para sayo. Pangako yan, Mahal," sabi niya. Tumango ako. Pinunasan niya ang luha ko kasabay ng pagdating ng ambulansya.

Agad na lumapit yung medic at nilipat siya sa stretcher. Agad siyang ipinasok sa ambulansya siya kaya sumakay na din ako at agad na hinawakan ang kamay niya.

Hinawakan din niya ang kamay ko at pinisil. Tumango na lang ako.

Pagkarating sa hospital ay agad siyang ideniretso sa loob ng ER.

Napaupo na lang ako sa waiting area at tinawagan si Kuya.

(Hello Almira? Napatawag ka? May klase ka pa diba?) tanong ni Kuya pagkasagot niya ng tawag ko.

"Kuya," tanging sabi ko at nagsimula na namang umiyak.

(Almira, bakit ka umiiyak?) nag-aalalang tanong ni Kuya sa kabilang linya.

"Nasa hospital ako ngayon, Kuya. Puntahan mo ako ngayon dito. Please, kailangan kita," sabi ko.

(Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?) tarantang tanong ni Kuya.

"Okay lang ako, Kuya. Pero si Castriel... Naaksidente siya," umiiyak kong sabi.

(Shhh, don't cry na. Pupunta na ako dyan,) sabi ni Kuya at binaba na niya ang tawag.

Tinago ko na ang phone ko at tahimik na hinitay ang paglabas ng doctor.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ang doctor.

"Almira," rinig kong tawag sa akin. Nalingon naman ako at nakita kong pa palapit na sa akin sila Kuya at Lorraine, kasama si Mamita.

Agad na lumapit sa akin si Kuya at umupo sa tabi ko.

"Ano bang nangyari? Bakit siya naaksidente?" tanong ni Kuya. Agad ko siyang niyakap at umiyak.

"Kuya, kasalanan ko kung bakit siya naaksidente. Dapat ako yung mababangga nung kotse kaso tinulak niya ako kaya siya yung nabangga," sabi ko kay Kuya habang nakayakap sa kanya.

"Shhh, wala kang kasalanan, Almira. Aksidente yung nangyari sa kanya," sabi niya at humiwalay sa pagkakayakap ko. Pinunasan niya yung mga luha ko.

Napatayo ako ng makita kong lumabas na yung doctor.

"Kamusta na po siya?" tanong ko.

"Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doctor.

"Opo, ako po ang girlfriend niya," sabi ko.

"The patient is now in a coma dahil sa head injury na natamo niya sa aksidente. Masyadong malakas ang pagkakatama ng ulo niya na naging dahilan ng head injury," sabi nung doctor. Nang hina ako sa sinabi ng doctor kaya inalalayan ako ni Kuya na tumayo.

"Magiging okay din siya diba?" naluluhang tanong ko.

"Yes, kailangan lang natin siyang hintayin na magising," sabi nung doctor. Tumango na lang ako.

"Maiwan ko na kayo. Pwede niyo na siyang puntahan sa private room niya," sabi nung doctor.

"Sige po. Thank you, doc," sabi ni Kuya at umalis na yung doctor.

Umupo na lang muna ulit ako sa kinauupuan ko kanina. Tumabi naman sa akin si Lorraine.

"Magiging okay din ang lahat Almira, wag lang tayo mawalan ng pag-asa," sabi niya at niyakap ako.

"Thank you," sabi ko at yumakap din sa kanya.

Pagkahiwalay namin sa pagkakayakap namin ay tumingin ako sa kanya.

"Puntahan na natin siya?" tanong niya. Tumango naman ako kaya tumayo na ako at pumunta kami sa kwarto ni Castriel.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay nakita ko siyang nakahiga at may benda sa ulo. Gusto kong lumabas ng kwarto dahil ayokong makita siya ng ganito yung kalagayan niya pero hindi pwede kasi ako na lang ang tanging pamilya niya.

Lumapit ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Umupo ako sa tabi niya. Agad na hinawakan ang kamay niya.

"Love, please. Huwag mo kong iwan ha," sabi ko.

"Anong araw pwede ko makausap si Atty Mendoza?" biglang tanong ko. Binalingan ko ng tingin si Lorraine na nilabas yung tablet niya kung saan nakalagay yung schedule ko.

"Second Monday of this month," sabi niya. Tumango na lang ako.

"Almira, bakit gusto mong kausapin si Atty?" tanong ni Mamita. Nagtatanong na tumingin ako kay Kuya kasi ang sabi niya sa akin nung nakaraan ay siya ang masasabi kay Mamita.

Nagsimula ng sabihin ni Kuya lahat ng pinag-usapan namin nung nakaraan sa basement ng wine cellar ni Dad. Kaya nalaman ni Mamita na hindi aksidente ang pagkamatay nila Mom at Dad.

"Almira, bakit ngayon mo lang pinaalam sa amin na hindi aksidente ang ikinamatay ng mga magulang mo? Dapat nun palang ay sinabi mo na para naipakulong na natin agad ang mga Enriquez," umiiyak na tanong ni Mamita. Tumayo ako sa pagkakaupo sa tabi ng kama ni Castriel at lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at agad siyang niyakap.

"I'm sorry, Mamita. Natatakot kasi ako na hindi niyo ako paniwalaan kapag sinabi ko sa inyo kaya itinago ko sa inyo," sabi ko.

"Ang sakit na malamang naniwala ako sa isang sinungalingan ng mahigit pitong taon," sabi niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.

"I understand you, Mamita. Ang sakit din sa akin ng malaman ko yan pero alam kung mas masakit yung nararamdaman mo dahil dalawang anak mo ang pinapatay nila," sabi ko kay Mamita.

"Ako na ang kakausap kay Atty Mendoza para makasigurado ako na makukulong sila. Mga wala silang puso!" galit na sabi ni Mamita pero umiling ako.

"No, Mamita kami na ang bahala ni Kuya na kumausap kay Atty. Hindi ko hahayaan na hindi sila makulong. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa pamilya natin," sabi ko.

"Okay but make sure na makukulong sila," sabi ni Mamita.

"Siguradong sigurado na makukulong sila Mamita, matibay ang hawak nating evidensya," sabi ni Kuya. Tumango na lang si Mamita.

TWO WEEKS AFTER...

Parehas kaming nakaupo ngayon ni Kuya sa sofa dito sa mansion. Ngayong araw kasi namin ka kausapin si Atty Mendoza. Nasa center table na din ang mga evidensya.

Narinig ko ang paghinto ng sasakyan sa labas at ang pagdoorbell. Agad namang lumabas ang isang kasambahay.

"Good morning Mr and Ms Ferreira," bati ni Atty Mendoza pagkapasok niya ng main door. Lumapit siya sa amin ni Kuya.

Tumayo naman ako at nakipagkamay kay Atty, ganon din ang ginawa ni Kuya.

"You my take your seat, Atty," sabi ni Kuya.

"Tungkol ba saan ba ang pag-uusapan natin?" tanong ni Atty.

"Gusto kong bawiin ang kumpanyang kinuha ng mga Enriquez," sabi ko.

"Hindi mo na mababawi ang kumpanyang yun dahil na kapangalan na yun sa kanila," sabi ni Attorney.

"Kahit na hindi original copy ang mga documentong hawak nila," sabi naman ni Kuya.

"What do you mean, Mr Ferreira?" tanong ni Attorney kay Kuya.

"Peke ang documentong hawak nila. Ito ang original copy ng mga documento ng kumpanya," sabi ko at binigay sa kanya ang hawak kong brown envelope na may lamang documento.

Agad namang kinuha ni Atty at iniisa isang tinignan.

"Ito nga lahat yun. Nandito din ang original signature ni Mr Marvin Ferreira," sabi ni Atty.

"Hindi lang ang kumpanya ang gusto kong kunin sa mga Enriquez, kailangan din nilang magbayad sa ginawa nilang pagpatay kay Tito Martin at sa parents ko," sabi ko.

"I don't understand. Diba aksidente ang pagkamatay ng mga magulang mo, Ms Ferreira?" tanong sa akin ni Atty. Umiling naman ako.

Kinuha ko yung laptop ko at hinarap sa kanya. Pinanood ko sa kanya yung pinanood ko kanila Kuya noon sa wine cellar.

"Ang sama nila. Ginawa nilang ipapatay ang inosenteng tao na katulad nila Mr And Mrs Ferreira dahil lang sa kayamanan na gusto nila," sabi ni Atty.

"So mabubuksan pa ba ang kaso ng Daddy ko?" tanong ni Kuya.

"Yes, hindi pa naman umabot ng sampung taon ang kaso ng Daddy mo at ang kanila Mr Marvin kaya pwede pang mabuksan," sabi ni Atty.

"So kayang maipanalo natin ang kaso?" tanong ko.

"Yes, lalo na itong video. Matibay na ebidensya na to. At yung tungkol sa kumpanya, hindi ako nakakasiguro na maipapanalo natin yun," sabi ni Atty.

"Ikaw na bahala sa mga ebidensya, Atty. Make sure na safe ang mga yan," sabi ko.

"Yes, Ms Ferreira. Ako na din bahala sa lahat ng dapat gawin para mailaban natin to sa korte," sabi ni Atty. Nilagay na niya yung mga documents at flash drive sa brief case na dala niya at tumayo na.

"Thank you very much, Atty. Maaasahan ka talaga," sabi ko at tumayo na din.

"You're always welcome, Ms Ferreira. Ginagawa ko lang kung anong trabaho at para na din sa Dad at Mom mo," sabi ni Atty at nakipagshake hands sa akin.

"Mr Ferreira," sabi ni Atty sabay baling kay Kuya at nakipagshake hands din.

"Salamat, Atty. Sana ay mapanalo natin to," sabi ni Kuya.

"I hope so," sabi ni Atty at umalis na.

Napahinga ako ng malalim bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Tumabi naman sa akin si Kuya.

"Nakahinga na ako ng maluwag, Kuya. Pagkatapos ng trial, magiging okay na lahat. Isa na lang ang kulang, ang magising siya," sabi ko.

Tinapik ni Kuya ang balikat ko at ngumiti na nakakapagpagaan ng loob ko.