Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

ALMIRA'S POV

Dalawang buwan na ang lumipas since nung makausap namin si Atty. Hanggang ngayon ay hinihintay namin ang approval ng korte para sa kaso.

Papunta ako ngayon sa private room ni Castriel. Weekend naman ngayon kaya wala akong klase at wala din akong meeting kaya pupuntahan ko na lang si Castriel.

Pagkarating sa kwarto ni Castriel ay agad na akong bumasok. Nagulat ako ng makita ang isang babae na nakaupo sa tabi ni Castriel at hawak pa niya ang kamay ng boyfriend ko.

Biglang nang-init yung ulo ko ng halikan nung babae ang kamay ni Castriel kaya nagsalita na ako.

"Miss, who are you? Bakit nandito ka sa kwarto ng boyfriend ko?" tanong ko. Napalingon naman siya at napatayo.

"Ikaw ang tapat tanungin ko niyan, Miss. Bakit ka bigla bigla na lang pumapasok sa kwarto ni Castriel?" balik niyang tanong sa akin.

"Miss, ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo ang tanong ko," inis kong sabi.

"I'm Sadie Alves, his childhood bestfriend and his ex girlfriend. Alam kong wala na akong karapatan na lumapit sa kanya dahil ako ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Pero mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kaya ako nandito para bantay an siya," sabi nung babae na Sadie ang pangalan.

"Hindi mo na siya kailangan bantayan dahil ako ang gagawa nun sa kanya bilang girlfriend niya," sabi ko.

"Girlfriend ka niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes, I'm his girlfriend. May problema ba dun?" sabi ko.

"Wala. Hindi ko kasi akalain na girlfriend ka ni Castriel. Sa ganda at base na rin sa suot mo ay mukha kang mayaman. Ang akala ko kasi ay ikaw ang amo niya," sabi ni Sadie.

"Miss, pwede bang umalis ka na dito sa kwarto ng boyfriend ko? Ikaw na ang nagsabi na wala ka ng karapatan sa kanya," sabi ko at umupo sa sofa.

"No, hindi ako aalis. Babantayan ko siya," sabi niya at umupo ulit sa tabi ni Castriel at hinawakan ang kamay ni Castriel.

"Umalis ka na o baka gusto mong pakaladkad pa kita paalis sa mga bodyguard ko," sabi ko.

Tumayo naman siya agad at padabog na lumabas ng kwarto. Tumayo ako at ako naman ang umupo sa tabi ni Castriel at hinawakan ang kamay niya.

"Love, gumising ka na. Gusto ko ng makita ang mga ngiti mo at marinig ang mga banat mo. Gusto na kitang makasabay ulit pumasok. Please gumising ka na," sabi ko at hinalikan ang kamay niya.

*KRING KRING KRING*

Tumayo ako sa pagkakaupo sa tabi ni Castriel ng marinig ko na nagring ang phone ko. Agad kong kinuha ang sling bag ko na nasa sofa at kinuha sa loob non yung phone ko at bumalik na sa kinauupuan ko sa tabi ni Castriel.

"Hello Atty?" tanong ko pagkasagot ko.

(Ms Ferreira, I have a good news to you.)

"What is it? Is about the cases?" tanong ko.

(Yes, naapprovahan na ng judge ang kaso at next week na ang first hearing.)

"Bakit parang ang bilis naman ata nilang aprovahan, Atty?" tanong ko.

(Kaibigan ko ang judge na hahawak ng kaso kaya napabilis. Muntik na nga niyang hindi tanggapin yung kaso dahil aksidente ang nangyari sa parents pero ng ipakita ko sa kanya ang video ay pumayag din. Kilala din ng kaibigan kong judge ang Dad mo.)

"Thank you for the good news, Atty. Maaasahan ka talaga," sabi ko.

(By the way... pinaalam na din sa mga Enriquez na kailangan nilang punta sa hearing next week.)

"That's good. See you next week, Atty," sabi ko and I hung up the call.

Napatingin ako kay Castriel.

"Mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng parents ko, Love. Ang magising ka na lang ang kulang at okay na lahat," sabi ko at hinalikan ang kamay niya.

AFTER ONE WEEK...

Napatingin ako sa wallclock dito sa kwarto ko, 11:34 am. 1 pm kasi ang start ng hearing kaya nag-make up at nagbihis na ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko ng matapos na akong mag-ayos at bumaba na ako ng hagdan.

Nasa gitna palang ako ng pagbaba ng marinig kong nag-uusap sila Kuya at Mamita.

"Alfred, hayaan mo na akong sumama sa inyo ni Almira sa korte. Gusto kong makasiguro na makukulong sila," sabi ni Mamita.

"Mamita, first hearing pa lang. Hindi pa sila makukulong kaya dito ka na lang," sabi ni Kuya.

Pinagpatuloy ko na ang pagbaba at lumapit sa kanila.

"Kuya, hayaan mo ng sumama si Mamita," sabi ko.

"Okay, fine. Talo na ako sa inyong dalawa eh," sabi ni Kuya.

"Thank you, Kuya," sabi ko.

Lumabas na kami ng mansion at sumakay na sa kotse. Agad na pinaandar ni Kuya ang kotse.

****************

Pagkarating namin sa Court room ay saktong makasalubong namin ang mag-asawang Enriquez kasama ang anak nila. Napacross-arm ako.

"Almira, bakit kailangan mong gawin sa amin to? Kaibigan ako ng Daddy mo," tanong ng Daddy ni Xavier

"Kaibigan? Kaibigan ba ang tawag sa mga taong mamatay tao at magnanakaw?" tanong ko. Napapataas na ang boses ko kaya hinawakan ako ni Kuya.

"Almira!" suway ni Kuya.

"Hindi ako mamatay tao, Almira. Mali ka ng ibinibintang sa akin," sabi ni Zander.

"Talaga lang ha? Tignan natin kung mali nga ako, oras na matapos ang final hearing," sabi ko.

"Paano ka nakakasiguro na tama ka? May matibay ka bang ebidensya para madiin ako. Sa tingin mo, makukuha mo ang kumpanya sa akin ng basta basta. Nasa akin ang mga documento ng kumpanya kaya hindi mo yun makukuha sa akin," sabi niya.

"Wala akong pakialam kung na sayo ang documento ng kumpanya. Nakakasiguro naman ako na makukulong ka kasama ang asawa mo. May ebidensya ako na hindi aksidente ang ikinamatay ng parents ko, at pati na rin sa pagpapatay mo kay Tito Martin," sabi ko. Nakita kong namutla ang mukha ni Mrs Enriquez sa sinabi ko kaya napangiti na lang ako.

"Good luck, 'Tito' Zander. Sana maipanalo mo ang kaso," sakrastiko kong sabi.

Pumasok na kami nila Kuya sa Court room at umupo na ako sa tabi ni Atty.

Napatingin ako sa kabilang side ng court room at nakita kong nakatingin sa akin si Xavier. Napairap na lang ako at umiwas na ng tingin.

Nang dumating na ang judge ay nagsimula na ang trial.

Natapos ang buong hearing na puro kasinungalingan ang pinagsasabi ng mag-asawa.

"Mga sinungaling sila, babaliktarin pa nila tayo," rinig kong sabi ni Mamita ng makalabas na kami ng court room.

Sumakay na kami sa elevator. Sasarado na sana ang pintuan ng elevator ng pumasok ang mga Enriquez.

"Ang liit nga naman ng mundo," sabi ni Mamita.

"Huwag mong susubukang takasan ang kaso, 'Tito' Zander. Baka magmukha kang guilty kapag tinakasan mo to," sabi ko.

"Hindi kami tatakas. Bakit kami tatakas eh wala naman kaming kasalanan?" sabi ni Olivia Enriquez.

"Oh really? Tanong ko lang, 'Tita' Olivia. Bakit bigla kang namula nung sinabi ko kanina na may ebidensya ako na kayo ang pumatay sa parents at kay Tito Martin?" mapanuring tanong ko.

"Almira! Stop that," suway na naman sa akin ni Kuya.

"Bakit? Totoo naman na nakita ko siyang namula kanina nung sabihin ko yun," sabi ko.

Nang bumukas na ang pintuan ng elevator ay Nauna na akong lumabas. Pumunta na ako sa pinag parking an ng kotse at agad pumasok.

Pagkasakay nila Mamita at Kuya sa kotse ay agad na pinaandar na ni Kuya.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tinignan ang oras, 3:53 pm. Malapit na palang mag 4 pm. Bigla namang pumasok sa isip ko si Castriel.

"Sa hospital na lang muna tayo, Kuya," sabi ko habang nasa bintana ang tingin.

"Okay," maikling sabi niya at tumahimik na.

*****************

Pagkarating sa private room ni Castriel ay hindi na ako nagulat ng makita ko na naman si Sadie na nakaupo sa tabi ni Castriel.

"Why are you here? Talagang makulit ka din eh no," sabi ko. Napatingin naman siya sa akin at agad na tumayo sa kinauupuan niya at lumayo kay Castriel.

"Hayaan mo na lang kasi akong bantayan siya. Gusto kong bumawi sa kanya kahit sa gantong paraan lang," sabi niya. Lumapit ako kay Castriel na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

"Bakit pa? Wala ka nang karapatan para gawin yun dahil matagal na kayong tapos!" sigaw ko.

"Almira, lower down your voice," sabi ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.

"Oo, tapos na kami. Wala na kami. Pero mahal ko pa rin siya kaya hayaan mong bantayan ko siya kapag wala ka dito," sabi niya.

"Hindi niya kailangan ng bantay na katulad mo. Huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo kay Castriel, Sadie. Mahal mo nga siya pero ako na ang mahal niya ngayon," sabi ko.

"Oo na, ikaw na ang mahal niya. Wala namang masama sa ginagawa ko. Binabantayan ko lang siya," sabi niya.

"Leave!" sigaw ko. Napatingin ako sa humawak sa kamay ko.

CASTRIEL'S POV

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Sadie na nakikipag-away sa babaeng nakatalikod sa akin. Sino ba to? Bakit niya inaaway ang girlfriend ko?

Hinawakan ko ang kamay niya para tumigil na siya. Nang mapatingin siya sa akin ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.

Nagulat lamang ako ng bigla niya akong niyakap.

"Finally, your awake, Love. Hindi ko kaya kapag nawala ka din sa akin," umiiyak niyang sabi.

Bakit ba siya umiiyak? At bakit niya ako tinatawag na 'Love'? Hindi ko naman siya kilala eh, pero bakit ganito? Ang lakas NG tibok ng puso ko.

"I love you, Castriel. Salamat dahil lumaban ka at hindi mo ako iniwan," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.

Lalo akong nagtaka sa sinabi niya at ginawa niya. Hindi ko siya kilala pero sobra sobra ang pananabik na nararamdaman ko para sa kanya. Para bang sinasabi na mahal ko din siya.

"Sino ka ba?" takang tanong ko.