Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

THIRD PERSON'S POV

Hindi alam ni Almira kung anong irereact niya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Castriel. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito.

Bakit hindi niya ako malala? Nagbibiro ba siya? Yan ang mga tanong na bumabalot sa isip niya.

"Love, wag ka nga magbiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa," sabi niya kay Castriel.

"Hindi ako nagbibiro, Miss. Totoo ang sinabi ko, hindi talaga kita kilala," sabi niyo sa kanya.

"Kuya, call the doctor," utos ni Almira sa pinsan nito. Agad namang lumabas si Alfred at tinawag ang doctor.

Hindi din alam ni Alfred ang irereact niya. Dahil naalala ni Castriel ang babae na Sadie ang pangalan, samantalang si Almira ay hindi. Kaya nakakapagtaka.

Agad namang pumunta ang doctor sa kwarto ni Castriel.

"May nararamdaman ka bang kakaiba?" salubong na tanong ng doctor kay Castriel.

"Wala naman po," tanging sagot ni Castriel.

"Naalala mo ba lahat ng nangyari bago ka ma punta dito?" mapanuring tanong ng doctor.

"Ang pagkakatanda ko lamang po ay may nakita akong babae na mababangga kaya tinulak ko siya at ako yung nabangga ng sasakyan," sagot ni Castriel. Tumango ang doctor sa kanyang narinig.

"Mukhang oka-" hindi natapos ng doctor ang sasabihin niya ng sumabat si Almira.

"Pero doc, hindi niya ako maalala," malungkot na sabi ni Almira.

Muling lumapit ang doctor sa kinalalagyan ni Castriel at sinuri ang mga mata nito.

"Naalala mo ba ang mga magulang mo, Castriel?" takang tanong ng doctor. Dahan dahan namang tumango si Castriel.

"Pero hindi ko po sila mga tunay na magulang," sagot ni Castriel. Tumango ang doctor.

"Ilang taon ka na?"

"Sa pagkakaalam ko ay 23 years old na ako," sagot niya at ngumiti sa doctor.

Marami pang itinanong ang doctor kay tungkol sa personal nitong buhay.

"Pwede ko bang malaman kung sino ang huli mong kasama bago ka maaksidente?" tanong ng doctor.

Inilala niya kung sino ang huling kasama niya pero napahawak siya kanyang ulo ng maramdaman niyang kumirot ito. Hindi niya alam kung anong isasagot niya dahil ni isa ay wala siyang maalala.

Muling nag-angat ng tingin si Castriel at tumingin sa doctor.

"Doc, wala akong maalala. Hindi ko rin matandaan ang pangalan niya, at saka sumasakit ang ulo ko kapag nakikita ko siya," sabi ni Castriel sabay tingin kay Almira.

Napabuntong hininga ang doctor at lumapit kay Almira.

"I'm sorry Ms Ferreira, but your boyfriend has a selective anmesia. Na kung saan, hindi niya maalala ang mga iniisip niya bago siya maaksidente. At siguradong ikaw ang iniisip niya bago siya macoma," sabi nung doctor. Nanlumo si Almira sa narinig niya. Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinigilang

"Pero doc, babalik pa naman ang alaala niya diba?" naluluhang tanong ni Almira.

"Hindi natin alam. May mga case na hindi na bumabalik dahil sa sobrang pag-iisip niya dito bago maaksidente. At meron namang bumabalik kaagad. Minsan it takes a months or years. Kailangan niyong maging matatag. Para mapabilis ang pagbabalik ng alaala niya ay sibukan niyong ipaalala sa kanya ang masasaya niyong alaala," paliwanag ng doctor. Dahil sa sinabi ng doctor ay nagkaroon ng pag-asa si Almira, na malala din siya ni Castriel.

ALMIRA'S POV

Nang maaalis na ang doctor ay lumapit ulit ako kay Castriel.

"Castriel, ako to. Si Almira, ang girlfriend mo," pakilala ko.

Nag-iwas siya ng tingin at parang may hinahanap.

"Nasaan si Sadie? Si Sadie ang girlfriend ko, hindi ikaw. Hindi kita kailangan dito, ang girlfriend ko ang kailangan ko," sabi ni Castriel. Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

"Castriel, ako nga ang girlfriend mo, hindi si Sadie," sabi ko sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang ulo kaya lumapit ako sa kanya.

"Castriel, may masakit ba?" nag-aalalang tanong ko. Pero Nagulat ako ng tabigin niya ang kamay ko.

"Hindi nga ikaw ang girlfriend ko! Pwede ba umalis ka na lang!" Nagulat ako nang bigla niya akong sinigawan. Sobrang sakit na pinagtatabuyan niya ako.

"Ahhhh! Almira get out!" galit niyang sigaw.

Wala akong magawa kundi ang lumabas ng kwarto niya. Tumakbo ako palabas ng hospital habang umiiyak. Narinig kong tinawag ako ni Kuya at Mamita pero hindi ko sila pinansin.

Pagkalabas ko ng hospital ay saktong may nakahinto na taxi sa harapan ko. Agad akong sumakay sa taxi.

"Saan po kayo, Ma'am?" tanong sa akin ng driver.

"Sa sementeryo po tayo," sabi ko.

Pinaandar na ng driver ang sasakyan. Kinuha ko naman ang cellphone ni Castriel sa bag ko. Nasa akin to simula nung ma aksidente siya.

Hindi naman niya hahanapin to dahil magkasama kami ng bilin to. Binili namin to nung first day namin as in a relationship.

Binuksan ko ang gallery ng cellphone niya. Kahit na may luha na tumutulo sa mata ko ay hindi ko ma pigilan ang hindi mapangiti ng makita ko ang ilan sa mga picture niya at mga picture na kasama ako.

"Sana maalala mo na ako, Love," sabi ko habang nakatingin sa picture niya.

Naalala ko na naman ang mga nangyari kanina. Halos hindi ko alam ang gagawin ko ng malaman kong ako lang ang hindi niya matandaan. Parang gumuho ang mundo ko pero sinabi ng doctor na magbabalik ang mga alaala niya pero hindi pa rin matanggal ang takot sa akin na baka hindi na ito magbalik.

Pero gagawin ko ang lahat para maibalik ang alaala niya, ang masasaya namin alaala.

Napabalik ako sa realidad ng tumigil ang sinasaktan kong taxi at nagsalita ang driver.

"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi nung driver. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at ibinayad ko sa driver.

Bumaba na ako ng taxi at nagsimula ng maglakad.

Pagkarating ko sa puntod nila Mom at Dad ay agad na umupo ako. Muling tumulo ang mga luha ko. Hindi dahil sa pagkawala ng mga magulang ko kundi sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Mom, Dad, sorry kung wala akong dalang bulaklak ngayon para sa inyo. Sorry din kung umiiyak ako ngayon, sobrang sakit lang talaga na hindi niya ako maalala. Sobrang sakit sa akin na iba ang hinahanap niya habang ako ang nasa tabi niya. Mom, Dad, nawala na kayo sa akin, pati din ba siya ay mawawala na din. Bakit sa dinami dami ng tao ay ako pa ang nakalimutan niya? Bakit ako pa? Hindi ko na ba deserve maging masaya kasama siya?" umiiyak kong sabi.

"Nagsisimula pa lang akong maging masaya eh, pero bakit ganto? Bakit inalisan na naman agad akong maging masaya? Wala na ba akong karapatang maging maligaya?" humahagulhol sa iyak na sabi ko.

Hindi ko na ma pigilan ang sarili ko na ilabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Dito ko lang na ilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napalingon ako. Agad akong napapunas sa mga luha ko at nag-iwas ng tingin.

"I know you're not okay, please stop pretending because I know you. Now cry, cry until you feel tired and better. I'm always here," sabi ni Kuya at niyakap ako. Nagsimula na akong umiyak sa balikat ni Kuya.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" umiiyak kong tanong.

"Kilala kita, Almira. Alam ko kung saan ka pupunta kapag gusto mong mapag-isa," sabi ni Kuya.

"Kuya, hindi ko na kaya, pagod na pagod na akong masaktan. Parang pasan ko lahat ng problema sa mundo," umiiyak kong sabi.

"Shhh... Malalagpasan mo din lahat ng mga pagsubok na to, Almira. Maaalala ka din niya, hindi man sa ngayon pero alam kong mangyayari yun. Kung pagod ka na, magpahinga ka pero wag kang susuko. Wag mo siyang susukuan," sabi ni Kuya habang hinahagod ang likod ko.

Umiiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni Kuya at ng ma pagod na ako sa kakaiyak ay ipinikit ko ang mga mata ko at natulog.

ALFRED'S POV

Nang maramdaman kong bumigat na ang ulo niya ay dahan dahan kong nilayo ang ulo niya sa balikat ko. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa braso ko bago ako dahan dahang tumayo.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kotse at isinakay na si Almira sa passenger seat. Sumakay na din ako sa kotse.

Napalingon ako kay Almira na mahimbing na natutulog. Nakita kong may tumulo na luha sa mata niya. Kahit natutulog siya ay umiiyak pa rin siya. Agad kong pinunasan ang luha niya. My cousin deserves to be happy, not to be hurt like this.

Nilagyan ko na siya ng seat at pati na rin yung. Pinaandar ko na ang kotse pauwi sa mansion.

SADIE'S POV

Nakita kong lumabas ng kwarto ni Castriel si Almira na umiiyak at tumakbo palabas ng hospital. Sumunod na lumabas sa kwarto ang lalaking kasama niya kanina pati na rin ang matandang babae.

Nang makaalis na sila ay pumasok ako sa kwarto ni Castriel. Napatingin siya sa akin sabay ngiti. Nagtaka naman ako.

Ang alam ko ay galit siya sa akin dahil sa ginawa kong panloloko sa kanya nung kami pa, pero bakit nakangiti at ang saya niya ngayon ng makita niya ako.

Hindi ko kasi narinig ang mga sinabi nung doctor kanina dahil lumabas ako. Wala naman kasi akong karapatan para mag-stay pa dun habang kinakausap sila nung doctor.

"Sadie," nakangiting banggit niya sa pangalan ko.

Lumapit ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko palapit sa kanya kaya napaupo ako sa hospital bed. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako.

Nanatiling nakadilat ang mga mata ko dahil nabigla ako sa ginawa niya. Humiwalay na ang labi niya sa labi ko.

"Bakit parang nagulat ka sa ginawa Kong paghalik sayo?" takang tanong niya.

"Bakit mo ginawa yun? May girlfriend ka," sabi ko sa kanya. Natawa naman siya ng mahina.

"Ginawa ko yun kasi ikaw ang girlfriend ko," sabi niya. Kumunot yung noo ko.

"Wait... Labas muna ako," paalam ko at tumayo pero pinigilan niya ako.

"Kakapasok mo lang, lalabas ka uli," sabi niya.

"May itatanong lang ako sa nurse station," sabi ko.

"Sige na nga, balik ka kaagad," sabi niya. Tumango na lang ako at lumabas na sa kwarto niya.

Pumunta akong nurse station.

"May kailangan po ba kayo, Ma'am?" tanong nung nurse.

"Ahmm, pwede ko bang malaman kung ano yung sinabi nung doctor kay Mr Castriel Crisostomo?" tanong ko.

"Kaanu-ano po ba kayo ng pasyente, Ma'am?" tanong nung nurse. May tinignan ito sa clipboard.

"Kaibigan niya ako," sagot ko.

"May selective anmesia po si Mr Crisostomo," sagot nung nurse sa tanong ko kanina.

"Selective Anmesia?" takang tanong ko.

"Yes, selective anmesia  is a type of amnesia in which the sufferer loses certain parts of their memory," sabi nung nurse.

Ibig sabihin ay may mga bagay siyang hindi maalala. Pero bakit ang alam niya ay kami pa?

"Thank you," sabi ko sa nurse na tumango naman.

Bumalik na ako sa kwarto ni Castriel.

"Sadie, si Almira. Kilala mo ba siya? Ang sabi niya kasi kanina ay siya daw ang girlfriend ko," sabi ni Castriel Pagpasok ko ng kwarto niya.

"Hindi, baka isa siya sa mga nagkakagusto sayo kaya niya sinabi yun," pagsisinungaling ko.

"Siguro nga," kibit balikat na sabi niya.

Ngayon, nasagot na ang tanong ko kanina. Si Almira at ang relasyon nila ang hindi niya maalala.

Kaya pala, umiiyak si Almira kanina nung lumabas siya ng kwarto ni Castriel dahil nasasaktan siya ng malaman niya na hindi siya maalala ni Castriel. Kahit siguro ako ang nasa position niya, masasaktan din ako kapag nalaman ko yun.

Napangiti ako. Ngayon ay akin na ulit si Castriel. Napasaakin siya ng walang kahirap hirap. Huwag lang bumalik ang alala niya kay Almira dahil paniguradong pag-naalala na niya si Almira ay hindi na ako makakalapit sa kanya.

Kaya gagawa ako ng paraan para maging akin lang siya. Gagawa ako ng paraan para hindi niya maalala si Almira at ang relasyon nila. At gagawa ako ng paraan para mahalin niya ulit ako.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya. Gumanti naman siya sa halik ko.

"I love you, Castriel," malambing kong sabi.

"I love you too, Sadie," nakangiting sabi niya.

Hinalikan niya ulit ako at ako naman ang gumanti sa halik niya.