ALMIRA'S POV
KINABUKASAN...
Minulat ko ang mata ko at napatingin ako sa alarm clock ko na nasa bed side table, 5:47 am. Maaga pa pala.
Hindi na ako nag-abalang matulog ulit dahil tuloy tuloy ang tulog ko simula ng makatulong ako sa balikat ni Kuya kahapon.
Bumangon na ako at pumasok na sa bathroom para gawin ang morning routine ko.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at agad na dumiretso sa kitchen. Nakita kong nagluluto ng breakfast ang dalawang maids. Napatingin sila sa akin ng mapansin sila ako.
"Good morning, Senorita. Magbre-breakfast ka na po ba?" tanong ng isang maid.
"Later na lang," sabi ko.
Binuksan ko yung cabinet at napangiti ako ng may nakita akong ingredients para makapag bake ng cookies. Kinuha ko naman lahat yun at inilabas.
"Magbabake ka po, Senorita?" tanong ng maids. Tumango naman ako.
"Oo," nakangiting sabi ko.
"Pwede po bang tulungan namin kayong magbake? Tapos na rin naman po kaming magluto ng breakfast niyo," sabi ng maid. Napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Sure. Kuhaan mo ako ng glass bowl para makapag-umpisahan na tayo," sabi ko na agad naman niyang ginawa.
Nagsuot na ako ng apron. Ibinigay na sa akin nung maid yung pinakuha kong glass bowl at nagsimula na kaming paghaluin ang mga dapat paghaluin.
Pagkatapos naming makagawa ng cookies ay nilagyan muna namin ng chocolate topping bago namin ipinasok sa oven.
Pagkatunog ng oven ay nakita ko sa dalawang maids ang excitement. Kinuha ko na sa loob ng oven ang mga cookies at nilapag sa bar counter.
"Gusto niyo bang tikman?" tanong ko. Nakatingin silang dalawa at nag-aalangang tumango.
"Maaari po ba?" tanong nung isa.
"Oo naman, tinulungan niyo kaya akong ibake yan," sabi ko.
Kumuha na sila at agad na tinikman. Malapad na ngiti ang sumilay sa kanilang mukha ng tumingin sila sa akin.
"Ang sarap po, Senorita," sabi nila. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila.
Kumuha ako ng tupperware para dun ilagay ang ibang cookies na binake ko at nilagay ko na sa paper bag. Nagtira din ako para kay Kuya.
"After niyong kumain ay prepare niyo ang breakfast. Punta lang akong kwarto ko para magpalit." sabi ko sa kanila. Tumango naman sila.
"Opo, Senorita," sagot nila.
Lumabas ba ako ng kitchen at bumalik ulit sa kwarto ko.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay pumunta akong walk in closet at sinuot ang uniform ko. Pagkatapos ay umupo ako sa harapan ng vanity table at naglagay ng light make up.
Napangiti ako ng matapos akong mag-ayos. Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na ng kwarto ko. Dumiretso ako sa dining room at naabutan kong nakahanda na ang breakfast at nandito na rin si Kuya at si Mamita. Umupo na ako sa katapat na upuan ni Kuya.
"Nagbake ka daw ng cookies kanina sabi nung dalawang maid," sabi ni Kuya.
"Yeah, maaga kasi akong nagising kanina kaya nagbake na lang muna ako," sabi ko. Kumuha na ako ng pagkain ko.
"Sabagay, ang haba ng tulog mo. I think 12 hours yun." sabi ni Kuya. Tango lang ang isinagot ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay tumayo na kami ni Kuya dahil siya ang palaging naghahatid at nagsusundo sa akin sa school. Kinuha ko muna ang paper bag sa ibabaw ng bar counter bago ako sumunod kay Kuya palabas ng mansion.
Sumakay na kami sa kotse. Nakita kong kumunot ang noo ni Kuya ng makita ang paper bag na dala ko.
"Ano yan?" tanong ni Kuya.
"Cookies for Castriel," sagot ko.
"Pupuntahan mo siya?" tanong niya. Tumango ako.
"Yes. Kuya, saglit lang naman ako dun, ibibigay ko lang to sa kanya," sabi ko.
"Pero ipagtatabuyan ka lang niya," sabi niya.
"Sanay na akong ipinagtatabuyan, Kuya. Please, puntahan natin siya," sabi ko.
"Fine," sabi niya. Napangiti naman ako dun. Pinaandar na niya ang kotse papunta sa hospital.
***************
Pagkarating sa hospital ay agad na akong pumunta sa kwarto ni Castriel. Ako lang ang pupunta kay Castriel dahil sabi ni Kuya ay hihintayin na lang daw niya ako sa kotse.
Kumatok muna ako bago ko pinihit ang door knob. Pumasok na ako at naabutan ko siyang kumakain ng breakfast. Nandito rin si Sadie.
Nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko kasi nakita kong sinusubuan ni Castriel si Sadie pagpasok ko. Ang sakit lang dahil ako dapat yun. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sadie. Bakas sa tono ng pananalita niya na ayaw niya akong nandito. Napairap na lang ako ng patago.
Bakit? Sino ba siya sa inaakala niya? Ex lang naman siya.
"Ibibigay ko lang kay Castriel to, aalis din ako agad," sabi ko.
"Ano yan?" tanong ni Castriel.
"Cookies. Ako mismo ang nagbake kaya sana tikman mo," sabi ko sa kanya. Nilapag ko ang paper bag sa side table ng kama niya.
Alam kong nakatingin siya sa akin kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
"Tungkol nga pala sa bill mo dito sa hospital. Nabayaran ko na kaya makakalabas kana sa makalawa," sabi ko.
"Sige, alis na ako. May pasok pa ko sa school," paalam ko at maglalakad na sana paalis ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
"Almira, thank you for all of this. I appreciate it," sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya. Narinig ko na naman siyang mag-English.
"I'm going this because you're important to me. Sabihin na lang natin na isa ako sa mga malalapit mong kaibigan," sabi ko.
"Sana maalala na kita, Almira," sabi niya.
"Sana nga," sabi ko. "By the way, I need to go," paalam ko. Binitawan na niya ang kamay ko.
Lumabas na ako sa kwarto niya. Okay lang sa akin kahit kaibigan na lang niya muna ako para sa ganon ay mapalapit pa rin ako sa kanya.
"Almira," rinig kong tawag sa akin ni Sadie. Humarap naman ako sa kanya. Naglakad siya palapit sa akin.
"Huwag mo na ulit lalapitan si Castriel," sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Feeling siya ang girlfriend ni Castriel.
"Bakit? Sino ka para pagbawalan akong lapitan ang boyfriend ko?" mataray kong tanong. Nagcross arm ako sa harap niya.
"Hindi na ikaw ang kinikilala niyang girlfriend ngayon dahil para sa kanya, ako ang girlfriend niya," madiin na sabi ni Sadie.
"Para sa kanya lang. Oo, ikaw ang kinikilala niyang girlfriend ngayon pero kapag naalala ka na niya, hinding hindi ka na makakalapit sa kanya. Lubos lubusin mo na ang pagiging girlfriend niya hanggat may anmesia pa siya. Ito ang tandaan mo Sadie, pinagbibigyan lang kita na lapitan ang boyfriend ko dahil may anmesia at ikaw ang gusto niyang kasama pero wag mo kong pagbabawalan na lapitan dahil lang sa hindi niya ako maalala. I'm still his girlfriend and you, ex girlfriend ka lang niya," mahabang sabi ko.
Naglakad na ako paalis at Iniwan siya sa kinatatayuan niya. Lumabas na ako ng hospital at sumakay na sa kotse.
CASTRIEL'S POV
"Babe, labas lang ako saglit," paalam niya. Tumango na lang ako at umalis na siya.
Napatingin ako sa paper bag na dala ni Almira kanina na nasa side table. Inabot ko yun at nilabas ang laman.
Binuksan ko ang tupperware na may lamang cookies. Bakit kaya siya nagbake ng cookies para sa akin?
Kumuha ako ng isa at agad na tinikman. Napangiti ako ng may nalasahan akong kakaiba sa cookies na nagpasarap dito.
May nalasahan akong strawberry sa cookies kahit chocolate chips ito kung titignan pero kapag titikman na ay malalasahan mo ang strawberry.
Bigla may pumasok na alala sa isip ko. At sa alaalang yun ay kasama ko si Almira.
*FLASHBACK*
"Love, gusto mo bang malaman kung ano yung secret ingredients ko para maging mas masarap ang mga cookies na binibake ko?" tanong ni Almira. Tumango naman ako.
"Oo, gusto kong malaman," sabi ko sa kanya.
May kinuha siya sa cabinet dito sa kitchen at pinakita niya sa akin. Strawberry jam? Lalagyan niya ng strawberry ang cookies?
"Strawberry jam? Lalagyan mo ng ganyan ang cookies?" naguguluhang tanong ko.
"Oo, ito palagi ang nilalagay ko sa mga cookies na binibake ko para maging masarap ang cookies," sabi niya at nagsimula ng lagyan ang bowl na may mixed ingredients ng cookies.
*FLASHBACK END*
Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito. Hindi naman nagtagal ay nawala din kaya pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ng cookies. Bakit sa alalang yun kasama ko si Almira? Ano bang relasyon ko sa kanya.
Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok si Sadie. Ngumiti ako sa kanya. Napangiti din siya sa akin at kumunot yung noo niya ng makita ang hawak ko.
"Sadie, gusto mo?" alok ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"No, thanks. Hindi ako kumakain ng cookies eh," sabi niya.
"Ganun ba? Sige, akin na lang," sabi ko.
"Babe, saang university ka nag-aaral?" tanong niya.
"Sa Enriquez University," tanging sagot ko.
"Really? Magiging schoolmates na tayo dahil dun na ako papasok simula next week," nakangiting sabi niya.
"Sabay tayong papasok ha," sabi ko.
"Oo naman," sagot niya at niyakap ako.
"I love you, Babe," sabi niya.
"I love you too, Sadie," sabi ko. Hinalikan niya ako sa labi.
Hindi ako tumugon sa halik niya at humiwalay agad ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako humalik pabalik sa kanya. Parang wala akong maramdaman na pagmamahal para sa kanya.
ALMIRA'S POV
Kasama ko ngayon yung tatlo dito sa cafeteria dahil breaktime na. Tahimik lang ako habang kumakain samantalang sila ay nagkukwentuhan.
"Almira, kaninang umaga pa namin napapansin na ang lungkot mo. May problema ka ba? We are your best friend and you don't need to be shy when you need anything. We here to help you not to judge you," sabi ni Trinity. Nag-angat ako ng tingin sa kanilang tatlo.
"Yeah, ang lungkot lungkot mo. Diba dapat masaya ka dahil na simulan na kahapon ang hearing para sa pag kuha mo nitong university at ng kumpanya niyo," sabi naman ni Chelsea.
"Alam niyo bang wala akong maramdamang saya ngayon. Ang daming nangyaring hindi maganda kahapon. Puro sakit ang nararamdaman ko ngayon, guys. Sakit at lungkot," naluluhang sabi ko. Sinubukan kong pigilan na hindi tumulo ang mga luha ko. Pero taksil ang mga luha ko at sunod sunod ng kumawala sa mga mata ko.
Niyakap ako ni Maleah na katabi ko lang. Ayokong umiyak sa harap ng maraming estudyante pero hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko.
"Ano bang nangyari? Sabihin mo sa amin para gumaan yang nararamdaman mo," sabi sa akin ni Maleah. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Nagising na si Castriel kahapon. Pero ang masakit ay hindi niya ako maalala," umiiyak kong sabi.
"Paanong hindi ka niya malala eh ikaw ang girlfriend niya?" naguguluhang tanong ni Trinity.
"Meron siyang amnesia, guys. Selective amnesia to be exact. Ako lang ang hindi niya maalala. Dumagdag pa ang t*ng*nang ex girlfriend niya. At ang alam ni Castriel ay girlfriend niya ang ex niya. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit," umiiyak kong sabi.
Niyakap ulit ako ni Maleah. Naramdaman ko ang kamay niyang hinihimas ang likod ko.
"Wala na ba akong karapatan na maging masaya kasama siya. Pagod na pagod na akong mawalan ng importanteng tao sa akin. Please don't leave me, guys. Importante na kayo sa akin."
"Hindi ka namin iiwan, Almira. Nandito lang kami para sayo, Almira. Handa kaming makinig sa lahat ng problema mo at tulungan ka kapag kailangan mo ng kaibigan. We still care for you. We still treasure you. Always be reminded that we're friends so you always got my back," sabi ni Maleah.
Yumakap na din ako sa kanya. Tumayo yung dalawa at nakiyakap sa amin.
"Napakasuwerte ko na kayong tatlo ang naging kaibigan ko. Ilang beses ko man kayong sinusungitan noon nandiyan parin kayo sa tabi ko para damayan ako sa oras na malungkot ako," sabi ko sa kanila. Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap nila sa akin.
"Kaya mong lagpasan lahat ng pagsubok sa buhay mo, Almira. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa at huwag kang susuko. Darating din ang araw na magiging masaya ka. Makaalala ka din niya hindi nga lang sa ngayon," sabi naman ni Chelsea.
Humiwalay na kami sa pagkakayakap naming apat. Pinunasan ko na ang mga luha ko at ngumiti sa kanila. It not a fake smile but a real one.
"Promise, hindi ako susuko," sabi ko. Ngiti lang ang sinagot nila sa akin.