ALMIRA'S POV
Around 8 pm na kami na kauwi sa hotel dahil kumain at gumala pa kami ni Castriel.
Magkahawak ang kamay namin ni Castriel habang papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa floor ng penthouse ay hindi pa rin namin binibitawan ang kamay namin.
Agad kaming sinalubong ng isang hotel staff.
"Ma'am Almira, nakahanda na po ang dinner niyo," sabi nung hotel staff.
"Kakatapos ko lang magdinner," sabi ko.
"Sige po, pero kanina pa po kayo hinihintay ni Ma'am Lorraine, hindi pa po siya kumakain," sabi nung hotel staff kaya nagpunta kami ng dining area.
Nakita kong hinihintay na nga ako ni Lorraine.
"Bakit ngayon ka lang, Almira?" tanong ni Lorraine na nakatalikod sa amin.
"Parang si Mommy lang ang peg, Lorraine," natatawang sabi ko.
"Aba, para sabihin ko sayo, dalawang taon ang tanda ko sayo kaya Ate mo ko," sabi niya ng hindi parin lumilingon sa akin.
Napatingin ako kay Castriel at sabay kaming lumapit kay Lorraine. Binatwan niya yung kamay ko.
"At para sabihin ko din sayo, ako ang amo mo dito," sabi ko sa kanya sabay ngisi.
Natawa naman siya kaya natawa din ako sabay apir.
"Ano yun? Akala ko nag-aaway na kayo? Bakit biglang natawa?" naguguluhang tanong ni Castriel.
"Wala yun. Trip niya lang talaga kaya sinabayan ko na," natatawang sabi ko.
"Okay," sabi ni Castriel at lumabas na ng dining area.
"Bakit parang may something sa inyo ng dalawa ni Castriel?" tanong ni Lorraine kaya napangiti ako.
"May something talaga, kaya kumain ka na dyan at mamaya ko sasabihin kung ano yun," sabi ko at aalis na sana ng hawakan niya yung kamay ko.
"Ngayon na habang kumakain ako," sabi niya pero umiling ako.
"Hindi ko sasabihin hanggat hindi ka kumakain at kailangan ko na din magshower," sabi ko at tuluyan ng lumabas ng dining area at dumiretso na sa kwarto ko.
***************
Pagkatapos kong magshower at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.
*KRING KRING KRING*
Agad kong kinuha yung cellphone ko ng biglang nagring. Tinignan ko muna kong sino ang tumatawag.
Agad kong sinagot dahil ang tumatawag ay ang private investigator na kinuha ko 2 weeks ago para maghanap ng information para mahanap ang mga magulang ni Castriel.
"Ano ng balita? May nahanap na ka na bang information?" tanong ko.
(Yes, may nahanap na ako ng mga list ng pangalan ng mga magulang na nagreport tungkol sa anak nilang nawawala sa mismong taon na binigay mo.)
Umupo ako sa sofa at binuksan ang laptop ko.
"Good, send me that in my email. I want to check it, then let's meet in Saturday morning to discuss other details," sabi ko at binaba na ang tawag.
Kinuha ko muna yung folder para sa construction ng new hotel sa Thailand.
"Ano na, Almira? Mamaya mo na ireview yan, sabihin mo muna sa akin kung ano yung something na sinasabi mo," sabi ni Lorraine na umupo sa tabi ko at kinuha yung folder na hawak ko at nilagay sa center table.
Nakangiting tumingin ako sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Lorraine.
"Kayo na ba?" tanong ni Lorraine. Nakangiting tumango ako sa kanya.
"Yeah, hindi ko expect na same lang kami ng feelings at naghihintayan kung sino ang unang aamin sa aming dalawa," nakangiting sabi ko.
"Biruin mo nga naman, tao ka pala? Akala ko kasi kasing tigas ng bato yang puso mo na kailangan pang palambutin," natatawang sabi ni Lorraine kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo, wag mo na lang akong kausapin kung mang-aasar ka lang," sabi ko sabay kuha ng folder na hawak ko kanina na nasa center table.
"Ito seryoso na talaga ako. Alam na ba niya ang tungkol sa pagkuha mo ng private investigator para mapadali ang paghahanap sa magulang niya?" tanong ni Lorraine kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi niya pa alam ang tungkol dun pero sasabihin ko din naman sa kanya kapag nahanap na ang mga magulang niya," sagot ko.
"Baka magalit siya kapag nalaman niya na hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol dun," sabi niya.
"Hindi siya magagalit kung hindi mo sasabihin dahil tayong dalawa lang ang nakakaalam nito. Sa oras na magalit siya sa akin, ikaw ang malalagot sa akin," sabi ko sa kanya.
KINABUKASAN...
Pagkalabas ko ng hotel ay agad akong pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan sa back seat ng bodyguard.
"Sa passenger seat ako uupo," sabi ko. Agad naman niyang sinunod at binuksan ang pintuan ng passenger seat. Agad naman na akong sumakay.
"Bakit ka dito umupo, diba dapat sa backseat?" tanong ni Castriel. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ayokong magmukhang driver ang boyfriend ko no," sabi ko.
"Driver mo pa rin naman ako eh," sabi niya.
"Oo nga, pero simula ngayong araw dito na ako sa passenger seat uupo," sabi ko sa kanya. Malapad na ngiti ang natanggap ko sa kanya.
Tumingin ako sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa labi. Napangiti ulit siya at pinaandar na ang kotse.
Pagkarating namin sa parking lot ng University ay nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na ako at agad kong hinawakan ang kamay niya.
Sabay kaming pumasok sa loob ng campus. Nakikita ko at nararamdaman ko ang mga mata ng mga estudyante na nadadaanan namin pero binaliwala ko lang yun.
Napatingin ako kay Castriel ng maramdaman kong lumuluwag ang pagkakagawa niya sa kamay ko. Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya at lumingon sa akin.
"Huwag kang mahiya na hawak mo ang kamay ko, dahil wala ka dapat ikahiya, Castriel. Boyfriend kita, kaya wag mong ikahiya yun dahil nasasaktan ako," sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Hindi naman sa ikinahihiya ko na ako ang boyfriend mo, ayoko lang na may sabihin silang hindi maganda tungkol sayo," sabi niya at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
Hinawakan na niya ang kamay ko at sabay na ulit kaming naglakad.
"Hatid na kita sa classroom mo," sabi niya kaya tumango na lang ako.
Nakita ko naman di ka layuan sila Trinity kaya agad kong hinila papunta dun si Castriel.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"May ipapakilala ako sayo," sabi ko at lumapit na kami kanila Chelsea.
"Oh nandito na pala si Almira eh. Wait, sino naman tong lalaking kasama mo, Almira?" tanong ni Maleah. Nagkatinginan naman kami ni Castriel sabay ngiti.
"Wag mong sabihin siya yung lalaking sinasabi mong gusto mo?" sabi naman ni Chelsea.
"Yeah, siya nga. Si Castriel, boyfriend ko." nakangiting sabi ko.
"BOYFRIEND MO NA?" sabay na sabi nila Chelsea at Maleah with matching shock reaction pa.
"Ang OA niyo talagang dalawa," sabi ni Trinity.
"Pero seryoso, kayo na talaga?" tanong ni Chelsea. Tumango naman ako.
"Yeah, kahapon lang," tanging sabi ko. "Anyway, Castriel. Mga kaibigan ko nga pala, sila Trinity, Chelsea at Maleah," pa kilala ko sa tatlo kay Castriel.
"Nice to meet you sa inyo," nakangiting sabi ni Castriel.
"Nice to meet you too, Castriel," sabi nung tatlo at nakipagshake hands pa kay Castriel.
"Matanong kita, Castriel. Anong nagustuhan mo kay Almira?" tanong ni Chelsea.
"Chelsea," suway ko.
"Bakit? Gusto ko lang naman malaman, sa sungit mo ba naman yan hindi ko akalain na may magkakagusto sayo maliban dun sa suitor mong baliw na baliw sayo," sabi niya.
"Tss. Let's don't talk about him. Masisira lang ang araw ko," sabi ko.
"So, ano na ang sagot mo, Castriel? Anong nagustuhan mo kay Almira?" pag-uulit ni Maleah ng tanong.
"Wala naman sa ugali ng tao kung magugustuhan mo siya o hindi dahil nararamdaman yan ng puso. Hindi sa lahat ng oras ay sa panlabas na ganda ang tinitignan kundi sa ganda ng kalooban. Oo, masungit siya kung titignan ng iba pero may isang ugali siya na hindi nakikita ng iba at yun ang minahal ko sa kanya."
Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi Castriel.
"Ang sweet naman nun," sabi ni Chelsea.
"Castriel, ikaw ang nagpabalik ng ngiti ng kaibigan namin kaya sana hindi ikaw ang maging dahilan para bumalik ang pagkamasungit niya. May tiwala ako sayo na hindi mo sasaktan si Almira, wag mo sanang sirain yung tiwala na yun, Castriel," seryosong sabi ni Trinity.
"Pangako ko sa inyo, hinding hindi ko sasaktan si Almira," sabi ni Castriel kanila Trinity. Tumango naman yung tatlo.
After that ay hinatid na ako ni Castriel sa room ko.
"See you in breaktime, Love," nakangiting sabi ko at mabilis na hinalikan siya sa pisngi.
Pumasok na ako sa loob ng classroom.
BREAKTIME...
Pagkalabas ko ng classroom ay napangiti ako ng makita ko siya. Agad na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Saan tayo kakain?" tanong niya kaya napaisip naman ako.
"Car key," sabi ko at nilahad ang kamay ko sa kanya.
"Ha? Bakit?" takang tanong niya.
"May alam akong restaurant malapit dito kaya dun tayo," sabi ko.
Mas lalong nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Kinuha naman niya sa bulsa niya ang car key ng sasakyan at ibinigay sa akin. Nagsimula na kaming maglakad papunta ng parking lot.
Pagkarating dun ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan ng driver seat at umupo na siya sa passenger seat. Agad ko ng pinaandar ang kotse.
"Marunong ka palang magdrive, bakit kumuha ka pa ng driver mo?" tanong niya.
"Gusto ko kasi na may nagdadrive para sa akin, pero sa ngayon ako muna ang magdadrive para sayo, Love," nakangiting sabi ko.
"Love na ba talaga ang itatawag mo sa akin?" tanong niya.
"Bakit naman hindi, ayaw mo ba?" balik kong tanong sa kanya.
"Gustong gusto ko nga na tinatawag mo kong Love," malapad na ngiting sabi niya.
"Ikaw ano naman ang itatawag mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Saglit isip ako," sabi niya kaya napapout ako.
"Bakit pag-iisipan mo pa, diba tapat galing sa puso?" kunwaring nagtatampong sabi ko.
"Biro lang. Ang totoo niyan kahapon ko pa gustong sabihin sayo to."
"Ang alin naman yun?"
"I love you, Mahal," malambing na sabi niya kaya napangiti ako.
"I love you too, Love," malambing kong sabi sa kanya.
**************
Pagkarating namin sa restaurant ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako.
"Thanks, Love," sabi ko. Hinawakan na niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.
"Good afternoon, Ms Ferreira," bati ng guard.
"Good afternoon," bati ko pabalik.
"Kilala ka dito?" tanong ni Castriel kaya Napatingin ako sa kanya.
"Oo, cousin ko ang may-ari nitong restaurant," sagot ko.
"Iba talaga kayong mayayaman kaya niyong magpatayo ng hotel at ng restaurant na gusto niyo," sabi niya.
Magsasalita na sana ako ng may biglang nagsalita.
"Almira, you're here," Napangiti ako ng makilala ko kung sino ang nagsalita.
"Cozs, it's been a long time since we last meet," sabi ko.
"Yeah, anyway sino naman itong lalaking kasama mo? Boyfriend mo ba?" tanong niya habang nakatingin kay Castriel.
"Yeah. He's my boyfriend, Castriel. Castriel this is my cousin and the owner of this restaurant, Jane," pagpapakilala ko sa kabilang dalawa.
"I'm glad to meet you, Castriel," sabi ni Jane sabay lahad ng kamay niya.
"Nagagalak din akong makilala ka, Jane," sabi ni Castriel at nakipagshake hands kay Jane.
"So, ano papakainin mo ba kami o mapagkikipagdaldalan ka na lang sa amin," sabi ko kay Jane.
"Tss, kahit kailan ang sungit mo talaga, Cozs," sabi niya.
"Saan ba kayo, sa private room?" tanong ni Jane.
"Oo."
"Bakit dun pa, pwede naman dito?" tanong ni Castriel.
"Ayoko dito, gusto kasi kitang soluhin, Love," malambing kong sabi sa kanya at mahinang kinirot ang ilong niya.
Hinatid kami ni Jane sa private room ng restaurant.
"Ipapahatid ko na lang ang mga best dishes nitong restaurant para matikman niya, Cozs," sabi ni Jane kaya tumango na lang ako at umalis na siya.
****************
Pagkarating ng mga pagkain ay nagsimula na kaming kumain ni Castriel.
"Bakit ang dami naman ata nito, hindi natin kayang ubusin ang lahat ng to?" sabi ni Castriel ng mapansin niyang ang daming iba't ibang klase ng pagkain ang nasa table namin.
"Don't worry, hindi naman natin kailangan ubusin ang lahat ng yan," sabi ko. Tumango na lang siya at nagsimula ng tikman ang mga pagkain.
"Love, try this one. I think magugustuhan mo to," sabi ko at tinapat sa bibig niya ang kutsarang may Classic Shrimp Scampi. Agad naman niyang isinubo yun kaya napangiti ako.
"Hmmm," nakangiting sabi niya sa akin pero nawala din agad yun.
Nawala din ang mga ngiti ko ng makita kong may mga pantal siya sa leeg at namumula na ang mukha niya.
"Love, are you okay?" nag-aalalang tanong ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at naramdaman kong ang init niya.
Ngayon lang nagsink in sa utak ko kung ano ang nagyayari sa kanya. Nangyari na din sa akin to.
"Allergic ka ba sa shrimp?" tanong ko.
"H-Hindi ko alam," nahihirapang sabi niya.
Agad na may hinanap ako sa bag ko at agad na ipinainom sa kanya. Yung ipinainom ko sa kanya ay yung palaging dala kong gamit para sa allergy.
"Okay ka na?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Salamat, Mahal," sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Hindi mo ba talaga alam na allergic ka sa shrimp?" tanong ko.
"Hindi talaga, ngayon ko lang din nalaman dahil ngayon palang ako na kakain ng hipon," paliwanag niya kaya tumango na lang ako.
"Huwag ka ng kakain ng shrimp simula ngayon, Love. Ayoko ng maulit to," sabi ko. Nakangiting tumango naman siya.
"I love you, Mahal," malambing niyang sabi. Napangiti naman ako ng malapad sa kanya.
"I love you too, Love," malambing kong sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at pinagdampi ang mga labi namin.