Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

ALMIRA'S POV

"Ano nga ang pangalan mo, Hijo?" tanong ni Mamita pagkaupo namin, siya ang nakaupo sa gitnang bahagi ng dining table. Katabi ko si Castriel at si Kuya naman ay nasa harapan ko. Nagsimula na kaming kumain.

"Castriel po, Mrs Ferreira," sagot ni Castriel. Natawa naman si Mamita.

"Hindi ako natatawa sa pangalan mo kundi sa way ng pagtawag mo sa akin. Pwede bang Mamita na lang, boyfriend mo naman si Almira kaya yun na lang ang itawag mo sa akin," sabi ni Mamita.

Nagkatinginan naman kami ni Castriel. Halata sa kanya na nagulat siya. Ngumiti ako sa kanya.

"Sige po, Mamita." sabi ni Castriel kaya napangiti ako ng malapad pati na rin si Mamita.

"Good. Kamusta ang mga magulang mo?" tanong ni Mamita. Napatigil si Castriel sa pagkain, pati na rin ako.

"He's adopted, Mamita. Iba ang trato ng nag-ampon sa kanya. Actually, tinutulungan ko siya sa paghahanap ng biological parents niya," sagot ko. Dahil parang ayaw sagutin ni Castriel ang tanong ni Mamita.

"Alam mo may kamukha ka nga eh, si King Harold." sabi ni Mamita.

"Yeah, napansin ko din nakamukha mo nga si King Harold, Castriel," sabi ni Kuya kay Castriel.

Inisip ko naman kung sino si King Harold dahil parang narinig ko na ang pangalan niya sa kung saan.

Si King Harold Guevarra

"Si King Harold Guevarra po, Mamita?" tanong ko.

Narinig ko na kasi yung pangalan na yun sa news. Siya ang pinakamayamang business man dito sa bansa at sa Asia. Kilala ang pamilya nila dahil tinuturing ang pamilya nila na isa sa mga Royal family. Kahit wala naman talaga silang dugong maharlika. Tinuturing silang pangalawa sa pinakamakapangyarihan sa bansang ito.

"Yes, you know all about the Guevarra Family?" tanong ni Mamita sa akin.

"Hindi masyado. Ang alam ko lang is kilala ang pamilya nila sa buong Asia at sa business world. At alam ko din na wala silang anak na lalaki," sabi ko.

"Sayang nga dahil hindi na maipapasa ang apelyido nila sa susunod na henerasyon," sabi ni Kuya.

Nagulat ako ng biglang may dumila sa paa ko. Patingin ko ay ang alagang aso ni Kuya na Teacup Toy Poodle. Ang cute ni Chanel.

Agad kong kinuha si Chanel at pinatong sa lap ko.

"Dinala mo pa talaga dito si Chanel, Kuya," sabi ko kay kuha habang hinihimas ang kulot na balahibo ni Chanel.

"Oo naman, walang mag-aalala sa cute kong anak na si Chanel, pag-iniwan ko yan dun," sabi ni Kuya.

"Anak talaga," sabi ko.

"Oo, mahal na mahal ko yang anak ko," sabi niya.

"Ang tanong, mahal ka ba?" natatawang asar ko kay Kuya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Aba malamang ako ang Daddy niya," sabi ni Kuya.

"Gusto mo uwi tayo sa Hotel, Chanel?" tanong ko sa puppy sabay tayo.

"Hoy Almira, saan mo yan dadalhin?" tanong ni Kuya.

"Iuuwi ko sa hotel," sabi ko.

"Aba, sinong na sabi na pwede mong iuwi yung anak ko sa hotel mo?" tanong ni Kuya.

"Ako," sabi ko at lumabas ng dining area.

Umakyat ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Nilapag ko si Chanel sa kama ko.

"Masosolo na kita, cute puppy," sabi ko sa puppy.

Ilang minuto kong nilaro ang puppy ni Kuya hanggan sa makaramdam ako ng antok. Binaba ko sa kama si Chanel. Tumingin ako sa wallclock dito sa kwarto ko. 1: 34 pm.

Humiga ako sa kama ko at natulog na. Late na pala ako nakatulog kagabi.

****************

Paggising ko ay agad akong tumingin sa wallclock, 4 pm na. Bumangon na ako, napangiti ako dahil nakita kong natutulog sa isang sulok si Chanel.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.

"Nasaan si Chanel?" Agad na bungad sa akin ni Kuya pagkababa ko.

"Nasa kwarto ko, natutulong," sabi ko.

"Bakit ngayon ka lang bumaba?" tanong niya.

"Nakatulog ako," sabi ko.

Pumunta ako ng kitchen at tinignan ang cabinet. Parang gusto kong magbake kaso walang ingredients.

"Si Castriel?" tanong ko.

"Nasa guest room," maikling sagot ni Kuya. Tumango na lang ako at pumuntang guest room.

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng guest room ay kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang door knob.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin, nakaupo sa kama habang hawak ang photo album ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Ang ganda mo pala talaga simula nung bata ka," sabi niya. Binalik niya ang tingin niya sa photo album.

"I know. Kaya pala wala ka living room dahil titignan mo yang mga picture ko. Yan ang pinakamahalagang bagay na naiwan sa akin nila Mom at Dad," sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Magiging masaya na ang mga magulang mo kung nasaan man sila ngayon, kasi mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay nila," sabi niya.

"Yeah, sisiguraduhin ko na makukulong ang mga may kagagawan ng lahat ng ito," sabi ko.

Naalala ko yung dahilan kung bakit pinuntahan ko siya dito.

"Samahan mo ko, Love," sabi ko sa kanya.

"Saan?" tanong niya.

"Supermarket. Gusto kong samahan mo ko na bumili ng ingredients para sa ibe-bake ko mamaya," sabi ko.

"Marunong kang mag bake?" tanong niya.

"Oo naman, tinuruan ako ni Mom. Please, samahan mo na ko," sabi ko.

"Sige," sabi niya at tumayo na kaya Tumayo na rin ako.

Sa ay kaming lumabas ng guest room at magkahawak kamay na bumaba.

"Mukhang may lakad kayong dalawa ha?" sabi ni Kuya na nakaupo sa sofa habang nasa lap niya si Chanel.

"Meron nga. Bibili kami ng ingredients na kakailanganin ko para sa ibe-bake ko mamaya," sabi ko.

"Oh, mukhang makakatikim ako ngayon ng bake mo, Cozs. Namiss ko na yung baked cookies mo, last na natikman ko yun last year pa," sabi niya.

"Sige," sabi ko at lumabas na kami ng mansion ni Castriel.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat.

"Alam mo na ba ang way papunta dito?" tanong ko sa kanya ng pumasok at umupo na siya sa driver seat.

"Oo naman," sabi niya at nag seat belt na. Kinabit ko na din ang seat belt ko.

Pinaandar na niya ang sasakyan papunta sa supermarket na malapit sa subdivision ng mansion.

Pagkarating sa supermarket ay bumaba na kami ng kotse. Sabay kaming pumasok sa loob ng supermarket.

Kumuha si Castriel ng pushcart at siya na rin ang nagtulak. Ako naman ang naghahanap ng mga ingredients na kailan ko.

******************

Nang nakuha ko na ang mga ingredients na kailangan ko ay cheneck ko muna kung may kulang pa o wala. Nakuha ko naman agad.

"Okay na yan," sabi ko kay Castriel.

"Ang dami naman nito. Ano ba ang ibe-bake mo?" tanong niya.

"Cake, cookies and cupcake," sagot ko.

"Kaya mong ibake lahat ng yun?" tanong niya.

"Oo naman, tutulungan naman ako ng lalaking mahal ko, diba?" sabi ko.

"Oo naman," nakangiting sabi niya.

Pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga pinamili namin.

Pagkatapos namin sa counter ay bubuhatin ko na sana yung isang plastik ng pinamili namin ng pinigilan niya ako.

"Ako na ang magbubuhat. Hindi bagay sa mga magagandang babaeng katulad mo ang magbuhat," sabi niya. Pinalo ko naman siya sa braso niya. Keneleg nemen eke dun.

"Bolero," sabi ko sa kanya. Natawa naman siya.

"Totoo naman ang sinabi ko. Ang ganda kaya ng girlfriend ko," sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko mapigilan ang hindi kiligin.

"Isang kiss nga dyan, Mahal kong girlfriend," sabi niya. Napatingin naman ako sa kaya.

Hinalikan ko naman siya ng mabilis sa labi. Pagkatapos ay nauna na akong naglakad sa kanya.

Pagkarating sa pinagparkingan ng kotse ay nilagay muna niya ang mga pinamili namin sa trunk ng kotse bago kami sumakay sa kotse.

Pagkarating sa mansion ay dumiretso kami sa kitchen. Nilapag naman ni Castriel ang mga pinamili namin sa may counter.

Kinuha ko yung isang apron at binigay kay Castriel. Kinuha naman niya. Kinuha ko din yung isa pang apron at sinuot.

Kumuha ako ng glass bowl at nagsimula ng mag bake. Tinulungan naman ako ni Castriel kaya mabilis lang namin na mix lahat ng ingredients.

******************

Kinuha ko na ang huling binake kung cookies na nasa loob ng oven. Sinalin ko na sa plate ang mga cookies. Dinala ko yung cookies sa counter kong saan nakalagay lahat ng binake namin.

Nakita kong tapos na pala si Castriel sa paglalagay ng mga sprinkles sa ibabaw ng cupcake na may cherry on top. May design na din yung cake na gawa namin dahil naging black forest cake na siya. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan ang mga binake namin.

"Tapos na," nakangiting sabi ni Castriel sabay tingin sa akin.

"Ang ganda naman ng pagkakadesign mo sa mga cupcake at sa cake," sabi ko.

"Talaga? Parang hindi naman," sabi niya.

"Ang ganda kaya," sabi ko sa kanya.

"Hindi kaya maganda kasi kapag kinain masisira din sila. Isa lang kasi ang nakikita ng mga mata ko na maganda. Alam mo kung ano yun?" tanong niya. Hinawi niya yung buhok ko na nakaharang sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko.

"Ano?" tanong ko.

"Yung babaeng nasa harapan ko." nakangiting sabi niya. "Ikaw ang pinakamagandang bagay na nakita ko." sabi pa niya.

Ito na naman ako. Shemmsss, nakakakilig naman nung sinabi niya.

"Alam mo Love, kanina ko pa napapansin na panay ang banat mo," sabi ko sa kanya.

"Gusto ko kasi na palagi kang kinikilig sa mga banat ko. Ang cute mo kayang kilig in. Dapat sa akin ka lang kinikilig," malapad na ngiting sabi niya.

"Sayo lang naman ako kinikilig." sabi ko.

"Pwede bang ikaw na lang ang PAPA at MAMA ko?" tanong niya. Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Para ikaw na lang ang PAPAkasalan at MAMAhalin ko," nakangiting sabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Ah, yun pala yun. Shemmsss ka talaga, Castriel. Kenekeleg eke.

Umiwas ako ng tingin kasi hindi ko na kaya yung mga banat niya. Hinawakan niya yung chin ko at hinahanap sa kanya.

"You are blushing, Mahal," natatawang sabi niya. First time ko siyang narinig na mag-English.

"Kaya naman pala ang daming langgam bukod kasi sa mga sweet na binake niyo, ang sweet niyo ding dalawa," pang-asar ni Kuya at umupo sa highstool na nasa harap namin.

Kukuha sana siya ng cookies ng pinalo ko yung kamay niya.

"Mahiya ka nga, Kuya. Basta basta na lang kukuha hindi man lang nagpapaalam sa mga nagbake," sabi ko sa kanya.

"At saka hindi ako nagbake ng cookies para sayo. Kay Castriel lahat ng cookies," sabi ko.

"Eh, ang daya. Yung cookies pa naman ang kanina ko pa hinihintay," nakapout na sabi ni Kuya. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa itsura niya.

"Bahala ka, nang-asar ka kasi. Kung hindi ka nang-asar kanina, tig kalahati sana kayo ni Castriel," sabi ko.

"Tss. Ang daya talaga." sabi ni Kuya.

"I'm just joking, Kuya. Baka kapag hindi kita binigyan hindi mo pa ako tulungan sa kaso," sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at kumuha ng cookies. Kinagad niya agad yung cookies.

"Mas masarap ngayon ang cookies mo, Almira," sabi ni Kuya.

"Thanks," sabi ko.

Kumuha ako ng isang cookies at humarap kay Castriel. Tinapat ko sa bibig niya yung cookies na hawak ko.

"Taste my baked cookies. Then, sabihin mo sa akin kung totoo yung sinabi ni Kuya na masarap ang cookies na gawa ko," sabi ko. Ngumiti naman siya bago kumagat sa cookies na hawak ko.

Napatigil siya sa pagnguya ng cookies na kinain niya at tumingin sa akin.

"Ikaw ba talaga ang nagbake ng cookies na to?" tanong ni Castriel.

"Oo," maikling sabi ko.

"Ang sarap. Parang professional pastry chief ang gumawa," nakangiting niyang sabi.

Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi niya.

"Simula ngayon ito na ang paborito ko," sabi niya.

"Sabi sayo Almira, masarap talaga ang cookies na gawa mo," sabi ni Kuya. Tumango na lang ako.

MONDAY...

Pagkarating namin sa campus ay nakita ko ang mga ngiti at tingin ng mga estudyanteng madadaanan namin ni Castriel.

Napatigil kami sa paglalakad ng humarang sa dinadaanan namin si Xavier.

"Almira, can I talk to you? Yung tayong dalawa lang," tanong niya.

"About what? At saka bakit tayong dalawa lang?" mataray kong sabi sa kanya.

"Is important. Kaya tayong dalawa lang ang mag-uusap," sabi ni Xavier. Umiling ako.

"Huhulaan ko kaya gusto mo akong kausapin dahil sa ginawa ng traydor mong tatay sa pamilya ko. Kung tungkol din naman dun ang pag-uusapan natin ay wag na lang," sabi ko at naglakad na paalis.

Pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako at humarap ulit sa kanya. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Castriel.

"Don't dare to touch my girlfriend again, dude. Ilang beses pa ba tapat sabihin sayo na layuan mo siya. And huwag mo na ulit lalapitan ang girlfriend ko dahil baka kung ano ang magawa ko sayo," sabi ni Castriel. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Umiling ako.

"Pagbabayaran ng mga magulang mo ang ginawa nila sa pamilya ko. Makukulong sila sa ginawa nila sa pamilya ko," sabi ko at naglakad na paalis.

Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin sa pangalang siya lang ang nakakaalam.

"Aira, my childhood bestfriend," sabi ni Xavier na ikinalingon ko.

Naalala na niya ang childhood memories namin? Naalala na niya ako?