ALMIRA'S POV
"Alfred," gulat kong sabi.
Napatingin ako kay Castriel na nakatingin sa akin at halatang nagulat din.
"Don't call me in my name, Almira. Baka nakakalimutan mo ako ang nakakatanda mong pinsan," nakangiting sabi niya at bumaba na ng hagdan.
"I'm sorry, Kuya. Nashock lang ako," sabi ko. Lumapit ako sa kanya at bumeso.
"Why are you here? Diba marami kang appointment ngayon," sabi niya.
"Pinacancel ko lahat ng meeting at appointment ko today," sabi ko. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Kuya. Why are you here?" tanong ko.
"Nandito kami ni Mamita para icelebrate natin ang birthday mo next week," nakangiting sabi niya. Tumingin naman siya sa likod. "Sino naman ang lalaking kasama mo?" tanong niya.
"He's my boyfriend, Castriel. Castriel this is my cousin, Kuya Alfred," pakilala ko sa kanilang dalawa.
"I'm glad to meet you, Castriel," sabi ni Kuya sabay lahad ng kamay niya.
"Masaya din akong makilala ka," sabi ni Castriel at nakipagshake hands kay Kuya.
*KRING KRING KRING*
Agad kong kinuha ang phone ko ng biglang nagring.
Lorraine calling...
"Excuse me, Kuya. I need to take this call," sabi ko.
"Okay. Magkukwentuhan na lang muna kami ng boyfriend mo," sabi niya. Inakbayan niya si Castriel at pumunta sila sa kitchen.
Sinagot ko naman ang tawag ni Lorraine.
"Bakit?" tanong ko.
(Hindi daw pwede ngayong araw si Atty Mendoza. Ang free niya lang ay next month,) sabi niya.
"It's okay ipapamove ko nga talaga sayo ang appointment ko kay Atty Mendoza dahil nandito sa mansion ngayon si Kuya Alfred," sabi ko.
(Sige bye na, Almira,) sabi niya at pinatay na ang tawag.
Pumunta naman ako sa kitchen kung saan sila Kuya.
"Really? Tanggap mo ako bilang boyfriend ni Almira kahit hindi ako katulad niyong mayaman?" tanong ni Castriel kay Kuya.
"Oo naman kung saan masaya si Almira, masaya na din kami. Hindi naman kami yung klase ng kamag-anak na namimili sa magiging boyfriend ni Almira. Sapat na masaya siya sa kung sino man ang mamahalin niya," sabi ni Kuya. Napangiti naman ako.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Castriel.
"Kuya, gusto mo bang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Tito Martin?" biglang tanong ko.
"Oo naman, kahit naman sino ay gugustuhing ma bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng taong mahal nila. Bakit mo naman na tanong?" tanong ni Kuya.
"Kuya, gusto ko din ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko at ni Tito Martin," sabi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo, Almira? Aksidente ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang mo," sabi ni Kuya pero umiling ako.
"Yun ang buong akala ng lahat, Kuya. Pati ako ay naloko ng kasinungalingang yun," sabi ko.
"Paano mo papatunayan na totoo ang sinasabi mo, Almira?" sabi ni Kuya.
"Marami akong evidensya na magpapatunay na totoo ang sinasabi ko," sabi ko at tumayo.
"Sumunod kayo sa akin at ipapakita ko sa inyo," sabi ko at nauna ng mag lakad pala as ng kitchen.
Pumunta ako sa wine cellar ni Dad. Dala ko din ang laptop ko. Aakalain mong unti lang ang collection ni Dad pero may hindi sila alam.
"Cozs, bakit dito tayo sa wine cellar ni Tito? Iinom ka ba?" tanong ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.
Lumapit ako sa isang painting dito sa wine cellar ni Dad at inangat. May pinindot ako dun at automatikong bumukas ang pintuan na bilog sa sahig. Nangtuluyan ng mabuksan ay makikita sa itaas ang iba pang collection ni Dad.
"Bakit ngayon ko lang nalaman na may basement pa ng collection ng wine ni Tito dito sa wine cellar niya?" tanong ni Kuya.
"Dahil walang nakakaalam tungkol sa basement ng wine cellar ni Dad," sabi ko at nauna ng bumaba sa maliit na hagdan.
Malawak ito at napakadaming mamahaling alak ang nandito na matagal ng collection ni Dad.
Nilapag ko sa lamesa ang laptop ko at may pinasukan kami na secret room dito sa basement ng wine cellar. Agad na nilapitan ko ang safety box na pinagtataguan ko ng mga evidensya. Agad kong inenter ang password at agad namang na buksan.
Kinuha ko lahat ng laman ng safety box. Mga original copy ito ng documento ng kumpanya. May mga flash drive din.
Lumabas na kami ng secret room at umupo sa harap ng laptop. Agad kong binuksan ang laptop ko at isinalang ang flash drive.
Nang magbukas na ang laptop ay agad kong hinanap ang kuha ng CCTV sa dating office ni Dad.
Itinapat ko kay Kuya na nasa tabi ko ang laptop.
"Watch," utos ko at pinlay na ang video. Sa video ay makikitang nag-uusap ang mag-asawang Enriquez.
"Patay na ang magkapatid na Ferreira at ang asawa ni Marvin, wala ng makakapigil sa atin na makuha ang kayamanan ng mga Ferreira at itong kumpanya," rinig kong sabi ni Mrs. Enriquez.
"Yes Hon, tama ka. Tama lang ang desisyon ko na ipapatay sila. Makukuha na natin ang mga gusto natin at mabubuhay na si Xavier," sabi ni Mr Enriquez.
"Ikaw din ba ang nagpapatay kay Marvin at sa asawa niya? Akala ko ba ay aksidente ang nangyari sa kanila base na din sa pagsusuri sa katawan nila."
"Tama ka, Hon. Pinapatay ko nga si Marvin at ang asawa niya. May nakahalong drugs sa ipinainom kong alak kay Marvin kaya ng mga oras na nagdadrive siya ay umepekto ang drugs na naging sanhi para mabunggo ang kotse nila. Binayaran ko din ang taong nagsuri ng katawan nila para pekein ang resulta."
Bumalik na naman ang galit ko ng marinig ko ang sinabi ng Daddy ni Xavier.
"Anong nangyari kay Xavier? Bakit nabanggit dito na mabubuhay na siya?" takang tanong ni Castriel.
"May sakit sa puso si Xavier since nung ipinanganak siya. Xavier is my childhood friend. Palagi ko siyang dinadalaw sa hospital para bisitahin siya. Simula nung napanood ko yan ay nagalit ako ng sobra sa pamilya nila pero hindi ko ipinahalata yun. Dumating yung araw na ooperahan na si Xavier kaya dinalaw ko siya kinabukasan, nagulat na lang ako ng hindi niya ako malala hanggang ngayon," kwento ko.
"Paanong hindi ka niya maalala, diba nga ay nililigawan ka niya?" tanong ni Castriel.
"Oo nililigawan niya ako pero hindi niya maalala ang childhood memories namin. Nakilala niya ako dahil sikat akong masungit sa University. Sinabi ko sa sarili ko na mas mabuti nang hindi niya ako naalala para tuluyan ng mawala ang pagkakaibigan naming dalawa," sabi ko.
"Almira, Paano mo nakuha ang video na to?" tanong ni Kuya.
"Naglagay ako ng hidden camera at voice recorder sa office nung araw na inilibing si Mom and Dad," sabi ko.
"Kaya ba hindi ka pumunta nung araw na inilibing ang mga magulang mo?" tanong ni Kuya.
"Oo," maikling sabi ko.
"So alam mo din na may pinaplano sila noon?" tanong niya.
"Oo." sabi ko.
"Kailan mo nalaman?" tanong niya.
"Nung burol nila Mom at Dad, narinig ko silang nag-uusap," sabi ko.
"Ano ang pinag-usapan nila?" tanong ni Kuya. Tumayo ako at kumuha ng alak na collection ni Dad. Bumalik na ulit ako sa kinauupuan ko at binuksan ang wine. Nagsalin ako sa wine glass na nasa lamesa at uniting uminom.
"Okay, listen."
*FLASHBACK*
(7 years ago)
Tahimik lang akong nakatingin sa picture nila Mom at Dad na nasa harapan ko. Wala ni isang lumapit sa akin maliban kay Mamita at Kuya Alfred. Si Mamita lang ang kumakausap sa mga nakikiramay.
"Mamita, punta lang po akong restroom," paalam ko at tumayo na. Pumunta na ako ng restroom.
Pagkatapos kong gumamit ng cubicle ay naghugas ako ng kamay. Pagkalabas ko ng restroom ay babalik na sana ako kay Mamita ng may narinig akong nag-uusap hindi ka layuan sa akin.
"Hon, ano ng plano mo ngayong patay na si Marvin at ang asawa niya? Paniguradong si Martin na ang bagong CEO ng Ferreira Empire," rinig kong sabi ng babae na parang pamilyar sa akin.
"Kukunin ko kay Martin ang Ferreira Empire at sisiguraduhin kong mapapasaakin yun," sabi nung lalaking pamilyar din ang boses sakin.
"Anong gagawin mo kay Martin?"
"Ano ba ang ginagawa sa mga taong sagabal?" tanong ni Tito Zander, ang Daddy ni Xavier.
Anong ibig sabihin ni Tito Zander? Ginagawa sa mga taong sagabal?
Hindi kaya ay may masamang silang binabalak kay Tito Martin.
Hindi pwede. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi matuloy ang binabalak nila. Hindi nila pwedeng kunin ang kumpanya.
*FLASHBACK END*
Uminom ako ng wine pagkatapos kong sabihin ang nalalaman ko.
"Bakit hindi mo sinabi noon pa?" tanong ni Kuya.
"Dahil hindi naman kayo maniniwala sa akin kapag sinabi ko sa inyo, lalo na ay hindi ko mapapatunayan sa inyo na totoo ang sinasabi ko," sagot ko.
"Anong balak mo ngayon? Kunin ang kumpanya sa mga Enriquez?" tanong niya.
"Oo, kukunin ko sa kanila ang kumpanyang pinaghirapan ng pamilya natin, Kuya. Hindi ko hahayaan na mapunta sa iba yun," sabi ko.
"Sa paanong paraan mo kukunin, Almira? Gagayahin mo ang ginawa nila sa mga magulang mo. Almira, hindi mo na makukuha sa kanila ang kumpanya, lalo na at nakapangalan na yun sa kanila," sabi ni Kuya. Napailing ako.
"Nasa akin ang original copy ng mga documento ng kumpanya," sabi ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Kuya.
"Paano? Wag mong sabihin sa akin na ninakaw mo yung mga documento sa mga Enriquez, Almira," sabi ni Kuya at nagsalin din ng wine sa isa pang wine glass at agad na ininom lahat ng laman ng nasa wine glass niya.
Kinuha ko yung brown envelope na nasa lamesa at binuksan. Nilabas ko lahat ng laman nun at binigay kay Kuya.
"Kuya, sa tingin mo ba ay makukuha ko yan, ni hindi nga ako makapasok sa kumpanya sa subdivision pa kaya nila? At hindi ako bobo para nakawin ang ninakaw sakin," sabi ko.
Inisagisa niyang tinignan lahat ng documento.
"Paano mo nakuha to?" tanong niya.
"Nung narinig kong kukunin nila kay Tito Martin ang kumpanya ay inunahan ko na sila," panimula ko.
"Gabi nung mismo ng araw na marinig ko ang pag-uusapan nila ay pumunta ako ng kumpanya kasama ang bodyguard ko noon. Kinuha ko lahat ng documento sa office ni Dad ng walang nakakaalam, tanging ang bodyguard lang na kasama ko ang nakakaalam," kwento ko sa kanila.
"Tapos?" sabi ni Castriel.
"Simula ng makuha ko ang documento ay nagpagawa ako ng isa pang kopya at yun ang ibinalik ko sa kumpanya kasabay ng paglagay ko ng hidden camera at voice recorder," sabi ko.
"Ibig sabihin ay hindi ang original document ang na nakaw nila kundi ang fake copies na binalik mo, kaya ba hinayaan mo lang silang gawin ang gusto nila sa kumpanya?" tanong na naman ni Kuya.
"Oo, ginawa ko yun lahat dahil gusto ko silang magbayad sa ginawa nilang pagpatay kanila Mom at Dad, pati na rin kay Tito Martin. Gusto ko sila mabigyan ng hustisya. Kuya, tulungan mo kong mapakulong sila. Sapat na tong mga evidensya para madiin sila," sabi ko kay Kuya.
"Sige, tutulungan kita, Almira. Hindi ako papayag na hindi sila makulong, mabubulok sila sa kulungan." galit na sabi ni Kuya.
"Love, ikaw tutulungan mo ko?" tanong ko kay Castriel.
"Oo naman, diba nga ang saki ko sayo tutulungan kitang mabawi ang kumpanya niyo. Susuportahan din kita sa mga bagay na gusto mo at sasamahan kita na malagpasan ang mga pagsubok na to," sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
"Alam mo Almira, hanga na ako sayo. Nagawa mo lahat ng to when you are 15 years old. Ang talino mo, Almira," sabi ni Kuya.
"I know. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nagawa ko lahat ng to," sabi ko.
"I'm proud of you, Almira. Dapat ay naging secret agent ka na lang," biro ni Kuya. Napiling nalang ako. Inubos ko na lang ang wine glass ko saka tumayo.
Kinuha ko na ang mga kinuha ko kanina sa safety box at binalik.
"Balik na tayo sa taas. Paniguradong hinahanap na tayo ni Mamita," sabi ni Kuya na siyang nauna sa aming maglakad.
Napatingin ako kay Castriel ng hawakan niya ang kamay ko. Nakita ko siyang nakangiti kaya ngumiti din ako sa kanya.
Pagkalabas namin ng wine cellar ay narinig namin na kausap ni Mamita ang isang maid.
"Nasaan ang Senorito Alfred niyo?" tanong ni Mamita.
"Nakita ko po silang pumunta sa wine cellar kasama si Senorita Almira at yung lalaking kasama ni Senorita pumunta dito," sagot ng maid ng nakayuko.
"Almira is here?" tanong ni Mamita.
"Yes I'm here, Mamita," sabi ko sabay lapit sa kanya at bumeso.
"I miss you, Sweetheart," sabi niya.
"I miss you too, Mamita," sabi ko.
"Sino ang lalaking kasama mong pumunta dito?" tanong ni Mamita kaya napatingin ako kay Castriel na nasa likod ko.
Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Kuya.
"He is Almira's boyfriend, Castriel," sabi ni Kuya.
"Oh, really? Magaling kang pumili, Almira. He's handsome ha," sabi ni Mamita at lumapit kay Castriel. Hinawakan niya ang jaw ni Castriel at pinatingin sa kanya.
"Don't be shy, hijo. You know what? Hindi mo dapat ikinahihiya ang sarili mo sa ibang tao, dapat maging proud ka kung ano ka. Kasi kapag kung ikaw ikinahihiya mo yung sarili mo mas lalo ka nila ng aapihin," nakangiting sabi ni Mamita kay Castriel.
"Alam niyo po kung ano ako?" tanong ni Castriel.
"Hindi ko na kailangan pang tanungin sayo yung bagay na yun. Hindi ko naman kayo paghihiwalayin ni Almira dahil isa kang mahirap. Hindi ako yung klase ng Mamita na namimili kung sino ang makakatuluyan ng apo niya. Sapat na sa akin na masaya si Almira," sabi ni Mamita. Tumingin siya sa akin at sumenyas na lumapit ako sa kanila. Ngumiti ako bago lumapit sa kanila.
"Wag mong sasaktan ang apo ko, Hijo. May tiwala ako na hindi mo siya sasaktan kaya wag mo sana ako biguin," sabi ni Mamita.
"Pangako po hindi ko siya sasaktan," sabi ni Castriel. Tumango naman si Mamita.
"Tara na nga at maglunch. Marami pa akong gustong malaman sayo, Castriel," sabi ni Mamita. Tumango naman kami at pumunta na sa dining area.