ALMIRA'S POV
Isang linggo na ang nakalipas simula ng maging kami ni Castriel. Hindi ko maitanggi ang saya na nararamdaman ko tuwing kasama ko siya na para bang wala ng bukas ang saya.
Pagpasok namin ni Castriel ng campus ay agad na lumapit sa amin yung tatlo.
"Girl, may dapat kang makita," sabi ni Chelsea. Nagtaka ng makita kong napakagat sa labi si Chelsea.
"Ano yun?" tanong ko.
"Nasa bulletin board," sagot ni Maleah kaya Napatingin ako sa gawi kung nasaan ang bulletin at nakita kong ang daming estudyante na nagkakagulo dun.
"Anong meron dun?" tanong ko.
"Ikaw na lang ang umalam, Almira," sabi naman ni Trinity kaya napabuntong hininga na lang ako.
Agad kaming pumunta dun para tignan kung anuman ang pinagkakaguluhan nila.
"Excuse me," sabi ko. Agad naman nila akong binigyan ng daan kaya nakapunta agad ako sa harap ng bulletin.
Gumuhit ang galit sa mukha ko ng makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
Nakita ko lang naman ang picture naming dalawa ni Castriel. Hindi ang picture namin ang ikinagagalit ko kundi ang masasamang sinabi nila kay Castriel.
"Isang student driver ang piniperahan ang isang mayamang babae na karelasyon niya." bass ko sa nakasulat sa bulletin.
"Sino ang may gawa nito?" galit kong sabi sabay harap sa kanila.
"Hindi namin alam, Almira. Basta pagdating namin kanina ay pinagkakaguluhan na yan. Sinubukan naming tanggalin yan pero hindi namin nagawa dahil sa dami ng estudyante," paliwanag ni Maleah.
Mas lalong akong ng gigil sa galit ng malaman kong ang dami na palang estudyante ang may alam nito.
Agad kong kinuha ang picture at aalis na sana ng pigilan ako ni Castriel.
"Almira, alam kong galit ka pero wala namang katotohanan yan kaya kung saan ka man pupunta, wag na please, hayaan mo na lang," sabi niya. Napangisi ako.
"Hayaan? Lalo namang hindi ako papayag niyan. Siniraan ka nung kung sinuman ang naglagay nito sa lahat ng estudyante nitong campus. Hahayaan mo na lang bang sabihan ka ng ibang estudyante na piniperahan mo lang ako? Hahayaan mo na lang ba yun?" umiiyak na sabi ko.
"Kasi ako, hindi. Hindi ko hahayaan na sinasabihan ka ng ganun ng ibang tao dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako na hinuhusgahan ka ng ibang tao," dagdag ko pa.
Hinapit niya ako pa palapit sa kanya at agad niyakap.
"Naiintindihan kita, Almira. Maski ako ay nagagalit din dahil sa walang katotohanang sinasabi nila. Pero sa ngayon, ihahatid muna kita sa classroom mo. Pakalmahin mo muna ang sarili mo bago natin alam in kung sino ang naglagay niyan," sabi niya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kamay.
Napawi ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya kaya tumango na lang ako at sabay na kaming naglakad papunta sa building.
Pagkarating namin sa classroom ay hibalikan muna niya ako sa forehead bago ako pumasok sa loob. Pagkaupo ko sa seat ko ay napapikit na lang ako dahil sa galit ng taong naglagay ng masama ng sinabi tungkol kay Castriel.
Napahinga ako ng malalim bago ko minulat ang mga mata ko. Tinignan ko ang picture at ang papel na kinuha ko sa bulletin board kanina.
Gustong gusto kong punitin at sunugin na lang pero pag ginawa ko yung hindi mawawala ang galit ko.
Tinignan kong mabuti yung picture. Kuha to sa counter ng cafeteria nung isang araw, ito yung ako ang nagbayad ng mga order naming pagkain.
Biglang may pumasok sa isip ko na pwedeng may gumawa nito, dahil iisang tao lang ang alam kung pwedeng gumawa nito kay Castriel. Possibleng siya nga.
BREAKTIME...
CASTRIEL'S POV
Tahimik na naglalakad ako papunta sa direksyon kung saan ang building nila Almira ng makasalubong ko si Xavier, ang anak ng may-ari nitong University.
Lalagpasan ko na sana siya at ng mga kaibigan niya ng mapahinto dahil sa sinabi niya.
"Nabasa mo na ba ang nilagay ko sa bulletin board. For sure, pinag-uusapan ka ng buong campus," sabi ni Xavier. Humarap ako sa kanila.
"Ikaw ang may gawa nun?" nanggigil kong tanong sa kanya. Kumuyom yung kamao ko sa galit. Napangisi siya.
"Oo, ako nga. Hindi ko akalain na papatol sa isang mahirap at maperang lalaking tulad mo si Almira," nang-aasar na sabi niya. Napatiklop ang mga palad ko dahil sa sinabi niya.
"Kaya naman pala, ayaw kang sagutin ni Almira dahil ganyan ang ugali mo," sabi ko sa kanya.
Nakita ko sa mukha niya kung gaano siya nanggigil sa galit at ang mahigpit na pagkakatiklop ng mga kamao niya.
At sa isang iglap lang ay isang malakas na suntok natanggap ko mula sa kanya at ang lasa ng dugo mula sa pumutok kong labi dahil sa lakas ng suntok niya.
Pinunasan ko yung gilid ng labi ko bago ko siya sinamaan ng tingin at sinugod din.
ALMIRA'S POV
Sabay kami ni Trinity na lumabas ng classroom. Napatingin pa ako sa paligid dahil hindi ko makita si Castriel. Ang tanging nakita ko lang ay ang dalawa kong kaibigan na hinihingal na lumapit sa akin.
"Anong nangyari sa inyong dalawa at nahingal na hingal kayo?" tanong ko sa dalawa.
"Almira, si Castriel at si Xavier..." hinihingal na sabi ni Chelsea kaya hindi niya matuloy tuloy ang gusto niyang sabihin.
"Bakit anong meron sa dalawa?" tanong ko.
"Nag-susuntukan yung dalawa." si Maleah na ang sumagot.
"What?!" gulat kong sabi. "Nasaan sila?" tanong ko.
"Nasa baba," sagot ni Maleah.
Nagmadali naman akong bumaba ng hagdan para puntahan yung dalawa.
Pagkababa ko ay naabutan kong nakasandal sa pader si Castriel habang hawak siya sa kwelyo ni Xavier. Akmang susuntukin na ni Xavier si Castriel ng dadali dali akong lumapit sa kanila at inawat.
"Ano na naman ba ang problema mo?" galit kong tanong kay Xavier sabay tulak. Nilapitan ko naman si Castriel.
"Bakit ako na naman? Yang boyfriend mo ang tanungin mo," matigas na sabi ni Xavier.
"Anong ako--"
"ENOUGH!" sigaw ko. "Xavier para sabihin ko sayo, hindi ka naman papatulan ni Castriel kung hindi ikaw ang nauna," sabi ko.
Tumingin ko ng seryoso si Xavier.
"Tapatin mo nga ako, Xavier. Ikaw pa ang naglagay nito sa bulletin board?" tanong ko sa kanya at ipinakita ang picture at yung papel.
He smirked at me.
"Oo, ako nga--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinampal ng malakas.
"Almira, tama na. Baka makick out tayo," sabi ni Castriel.
"Makick out sa sarili kong University, hindi nila pwedeng gawin yun," sabi ko.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang sabi ni Xavier. "Hindi sa inyo itong University, Almira. Sa amin, pag-aari ng pamilya namin!" galit niyang pang sabi.
"Sa inyo? Kailan pa naging sa inyo ang pag-aaring ninakaw niyo? Ang dami ng naitulong ni Daddy sa pamilya niyo, Xavier. Pero ano ang ginawa ng Daddy mo nung mamatay si Dad, diba ninakawan niya. Hindi lang naman itong University ang ninakaw at inangkin ng Daddy mo kundi pati ang kumpanyang pinaghirapang itayo ng pamilya namin," galit na sabi ko at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.
"Hindi totoo yan. Walang ninanakaw si Dad," hindi naniniwalang sabi ni Xavier.
"Totoo lahat ng sinabi ko. Yan ang dahilan kung bakit ayokong sagutin ka, kung bakit ayaw kitang mahalin. Hindi ko matanggap ang ginawa ng pamilya niyo sa pamilya ko, Xavier." umiiyak na sabi ko.
"Kaya tigilan mo na ako kasi kahit kailan hinding hindi kita mamahalin. Babawiin ko lahat ng mga ninakaw niyo sa pamilya ko at sisiguraduhin kong ikakabagsak ng pamilya niyo yun. Mark my word, Enriquez."
Pagkasabi ko nun ay hinawakan ko na ang kamay ni Castriel at naglakad na paalis.
Lumabas kami ng University at dumiretso sa malapit na 7 eleven.
"Bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Castriel.
"Para gamutin yang mga sugat mo at dito na rin tayo kakain. Umupo ka muna dito, kukuha lang ako ng panggamot," sabi ko at pinaupo siya sa upuan dito sa loob ng 7 eleven. Tumango naman siya.
Pagkakuha ko ng mga kailangan ko ay bumalik na ako sa pwesto namin ni Castriel at tumabi sa kanya.
Naglagay ako ng alcohol sa cotton ball at humarap sa kanya. Hiwakan ko ang pisngi niya at pinatingin sa akin. Marahan kong dinampi ang cotton ball sa sugat niya. Nakita kong napangiwi siya kaya hinipan ko para hindi masyadong mahapdi.
"Totoo bang ninakaw nila Xavier ang company niyo?" tanong niya. Tumango naman ako at pinagpatuloy ang paglilinis ng sugat niya.
"Gusto mo bang malaman?" tanong ko.
"Oo," maikling sagot niya.
"I'm just 15 years old nung mamatay ang parents ko sa car accident. Malawak na ang isip ko pagdating sa paghawak ng negosyo. Si Tito Martin, kapatid siya ni Dad. Siya ang humalili para imanage ang kumpanyang iniwan ni Dad. Pero isang buwan palang namamanage ni Tito ang kumpanya ng may bumaril sa kanya na ikinamatay niya. Kaya ang Daddy ni Xavier ang humawak sa kumpanya. Isang araw nagulat na lang ako ng malaman kong pinalitan nila ang pangalan ng kumpanya at inangkin, pati na rin ang University. Sobra akong nagalit sa ginawa nila. Gusto ko silang puntahan nun at bawiin ang kumpanya pero wala akong nagawa. Ang Hotel at ang ibang property na nasa America na lang tanging naiwan," kwento ko at pinagpatuloy na ang paggamot ng sugat niya.
"Kaya ba ganun na lang ang galit mo kay Xavier?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Oo, kaya gustong gusto kong bawiin ang ninakaw nila kay Dad. Yun nalang ang tanging iniwan nila sa akin, kaya hindi ko hahayaan na mapunta yun sa iba," sabi ko.
"Ang buong akala ko ay kapag mayaman ka ay wala ka ng proproblemahin, pero hindi pala dahil mas malala pala ang problema niyo kaysa sa amin noon," sabi niya.
"Hindi naman mawawala ang problema sa buhay natin. Ang problema ang dahilan kung bakit narating natin ang mga bagay na meron tayo ngayon dahil nalagpasan natin ang problemang yun," nakangiting sabi ko.
"Tama ka, Mahal. Walang problemang hindi natin kayang lampasan. Tutulungan kitang bawiin ang kumpanya niyo. Hindi ka mag-isa sa problemang to dahil kasama mo ko," sabi niya kaya napangiti ako.
"Ang swerte ko na ikaw ang minahal ko, Love," nakangiting sabi ko.
"Maswerte din ako sayo, Mahal," sabi niya. "Tama na tong pag-uusap natin, tapusin mo na yung paggagamot sa sugat ko ng makakain na tayo," sabi niya.
"Sabi ko nga," natatawang sabi ko at binalik na yung attention ko sa paggagamot ng sugat niya.
Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay siya na ang kumuha ng pagkain namin. Nang makabalik na siya dito sa pwesto namin ay nagsimula na kaming kumain.
DISMISSAL...
Pagkarating namin sa penthouse ng saktong nagring yung phone ko. Agad ko naman sinagot dahil ang private investigator ang tumatawag.
"Ano ng balita?" tanong ko.
(Napuntahan ko na ang ibang pamilya na nasa listahan na nakuha ko. Ang iba sa kanila ay nahanap na ang anak nilang nawawala, ang iba naman ay patay na.)
Natahimik ako sa sinabi niya.
(Tawagan na lang ulit kita. Kapag may nahanap pa akong ibang information,) sabi nung investigator at pinatay na ang tawag.
"Tss. Ang bagal kumilos," inis na sabi ko.
"Sino ba yung kausap mo?" tanong ni Castriel kaya nalingon ako sa kanya na nasa likod ko pala.
"Nothing," maikling sabi ko.
Umakyat ako ng hagdan at wala sabi sabing pumasok sa kwarto ni Lorraine. Pabagsak na umupo ako sa kama niya at tumingin sa kanya na nakaupo sa study table niya at busy sa pagtatype sa laptop niya.
"Anong problema mo at dito ka sa kwarto ko dumiretso?" tanong niya.
"I think this is the right time para kunin ko ang mga property na dapat para sa mga Ferreira. Mahigit pitong taon ko na silang pinagbibigyan at mas lalong hindi na ata tamang hinahayaan ko lang napasakamay ng iba ang kumpanyang pinaghirapan ni Daddy," sabi ko.
"Ha? Anong pinagsasabi mo, Almira? Hindi kita maintindihan. Anong kumpanyang pinaghirapan ng Daddy mo? Ang pagkakaalam ko ay ang Hotel na ito at ang ibang property niyo sa America, ang pag-aari niyo," naguguluhang sabi ni Lorraine.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit wala kaming kumpanya dito at kung bakit wala na kaming ibang property na nandito sa pilipinas, maliban sa hotel na to," sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa harap ng laptop niya at umupo sa tabi ko dito sa kama niya.
"Bakit nga ba?" tanong niya.
"Dahil lahat ng property namin dito sa pilipinas ay ninakaw kaya ngayon ay gustong gusto ko ng kunin yun sa mga nagnakaw nun. Ayokong mapunta lang sa iba ang mga pinaghirapan ng pamilya ko," sagot ko.
"Ano anong property ba yun?" tanong niya pa.
"Ang University na pinapasukan ko at ang Ferreira Empire na ngayon ay mas kilalang Enriquez Empire. Ang dalawang property na pinalitan nila ng pangalan at inangkin nila ng walang kahirap hirap," galit na sabi ko.
"Meaning ang pamilya ni Xavier Enriquez ang nagnakaw ng kumpanya niyo?" tanong ni Lorraine kaya tumango ako.
"So anong gusto mong gawin ko?" tanong niya. Napangiti ako.
"Tulungan mo kong mabawi yun sa tamang paraan. Tawagan mo si Atty Mendoza at papuntahin mo sa mansion. Bukas na bukas ay pupunta ako dun para hanapin ang mga documento na itinago ni Dad," sabi ko.
"Sige, gagawin ko. Tutulungan kitang mabawi ang kumpanya, Almira. Ipapanalo natin to," sabi niya na ikinangiti ko ng malapad at tumango.
KINABUKASAN...
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay agad na lumapit sa akin si Castriel.
"Car key," sabi ko.
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Sa mansion at hindi ako mag-isa pupunta dun, kasama ka," sabi ko. Binigay na niya sa akin ang car key at sabay na kaming sumakay ng elevator pababa sa parking lot.
Pagdating sa parking lot ay agad kaming sumakay sa kotse at pinaandar ko kaagad.
**************
Pagkarating sa gate ng mansion ay agad akong nagbusina. Agad din naman akong pinagbuksan at pinaandar ko na papasok ng gate ang kotse.
Bumaba na ako at sinarado ang pintuan ng sasakyan.
"Ang ganda at ang laki ng mansion, Almira," sabi ni Castriel na nakatingin sa mansion.
"I know. Tara na, pasok na tayo sa loob," sabi ko at pumasok sa loob.
"Pakiayos ayos sa garahe ng kotse," sabi ko sa bodyguard na sumalubong sa akin pagpasok ko ng mansion at binigay ang susi.
"Sige po, Senorita," sabi nung bodyguard at lumabas na.
"Senorita, tamang tama po ang dating niyo. Pababa na po sila Senorito Alfred at Donya Teresita," sabi nung isang maid. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Kailan sila dumating?" tanong ko.
"Kagabi po," sagot nito.
"Mabuti ay nandito ka na, Honey," sabi ng pamilyar na boses mula sa taas kaya napatingin ako sa hagdan. Nakita ko siyang nakatayo doon.
"Alfred," gulat kong sabi.