Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

ALMIRA'S POV

"Hoy Almira, tulala ka dyan," Nagulat ako ng biglang magsalita si Lorraine na katabi ko dito sa sasakyan. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung mga sinabi niya kagabi dahil lahat ng sinabi niya ay naramdaman ko kapag kasama ko si Castriel.

Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Iniisip mo pa rin ba ang mga sinabi ko kagabi?" nakangiting pang-asar na tanong niya. Inirapan ko siya at tumingin sa bintana na nasa gilid ko.

"Ano pa nga ba eh lahat ng yun ay naramdaman ko sa isang lalaki," sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Sino ba kasi yung lalaking yun? Hindi mo pa rin na sasabi kong anong pangalan ng lalaking nagpapatulala at nagpapangiti sayo," sabi niya. Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong nakangiting pang-asar na naman siya.

"Malalaman mo din kung sino siya, hindi pa nga lang ngayon," sagot ko.

"Bakit naman eh diba nasabi na niya sayo yung pangalan niya? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin ngayon?" tanong niya.

"Mind your own business, Lorraine. Sa akin na lang muna yun," sabi ko. Saktong huminto na ang kotse kaya bumaba ako agad.

"Okay lang kung gaano katagal, basta ipapakilala mo siya sa akin, Almira," sabi niya bago ko isinara yung pintuan ng kotse.

Napailing na lang ako. Baliw talaga ang babeng yun kahit kailan.

Naglakad na ako papasok ng campus. 

"Good morning, Almira," Napalingon ako at nakita ko yung tatlo.

"Morning," maikling sabi ko. Ngumiti ako sa kanila at nakita kong nanlaki ang mga mata nila. Alam niyo na kung bakit ganyan ang reaction nila.

"Girls, tama ba yung nakikita ko? Ngumiti si Almira?" tanong ni Chelsea na hinahampas ng mahina ang braso ni Maleah. Napailing na lang ako dahil sa reaction nila.

"Good mood ka ata ngayon, Almira? Siguro ay may isang lalaki na ang nagpangiti at bumihag dyan sa puso mo," Sabi ni Maleah.

"Sabihin na lang natin na meron nga," sabi ko.

"Sino naman kaya ang lalaking yan na nagpabalik ng ngiti mo, Almira? Ngayon na lang namin nakita ang masayang ngiti na yan sa nakalipas na pitong taon," sabi ni Trinity.

"Baka sinagot mo na si Xavier at nakita mo na karapat dapat siya sa pagmamahal mo," sabi ni Chelsea.

"Hindi si Xavier ang nasa likod ng mga ngiti ko. Iba ang dahilan ng mga ngiting ito," sabi ko at naglakad na paalis.

"Sino naman yun kung hindi siya?" tanong ni Maleah.

"Hindi ko pa masasabi ngayon dahil alam ko kung anong kayang gawin ni Xavier oras na malaman niya ang tungkol sa lalaking gusto ko. Iba siya kay Xavier, guys," sabi ko. Napahinto ako sa paglalakas at lumingon sa kanila.

"What do you mean na iba siya kay Xavier?" takang tanong ni Chelsea.

"Dahil hindi siya kagaya ni Xavier na mayaman," sabi ko.

"Ibig sabihin ay hindi siya mayaman?" tanong ni Trinity. Tumango ako.

"Paniguradong pag-uusapan ng buong campus na nagkagusto ka sa isang lalaking walang maipagmamalaki lalo na at ang pamilya nila Xavier ang may ari nitong campus," sabi ni Maleah.

"Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin. Wala silang karapatan na sabihin sa akin kung sino ang dapat kong magustuhan. Oo, wala siyang maipagmamalaki sa iba at hindi niya ikinakahiya yun dahil kuntento na siya kung ano ang meron siya ngayon," seryosong sabi ko.

"Alam mo Almira, hanga na ako sayo. Hindi pa kayo nung lalaking gusto mo pero ipinagtatanggol mo na siya. Iba ka din kung mainlove eh?" asar ni Chelsea sa akin kaya nginitian ko lang siya.

"Alam niyo guys kung ano yung nagustuhan ko sa kanya?" tanong ko sa kanila.

"Ano?" tanong nila. Malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako nagsalita.

"Ang kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral para mahanap at makilala niya ang tunay niyang mga magulang," sabi ko.

"Bakit hindi mo na lang siya tulungan? Maraming connection ang pamilya niyo kaya madali ng mahahanap ang pamilya," sabi ni Trinity.

"Good idea, Trinity," sabi ko.

BREAKTIME...

"Sasabay ka bang maglunch sa amin, Almira," tanong ni Trinity pagkalabas namin ng classroom.

"Hindi eh," sabi ko.

"Sige, ikaw bahala," sabi niya at naglakad na paalis.

Naglakad na ako paakyat sa rooftop. Pagkarating dun ay may nakita ako na lalaking nakaupo sa bench at nakatalikod sa direksyo ko. 

"Castriel?" tawag ko. Lumingon naman siya kaya napangiti ako. 

"Almira," nakangiting sabi niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Nakita kong kumakain pala siya.

"Bakit dito ka kumakain?" tanong ko.

"Ayoko kasing kumain dun sa cafeteria," sagot niya. "Ikaw, bakit nandito? Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Wala lang, gusto ko lang tumambay dito," sagot ko.

"You want?" tanong niya at ibinigay yung isang sandwich niya.

"Hindi na, sayo na yan. Busog pa naman ako," sabi ko.

Tumungin ako sa kanya sa diretso lang ang tingin sa harap.

"Can I ask something about your parents?" tanong ko. Napatingin siya sa akin.

"Ahmm... sure," sabi niya.

"Alam mo ba kung anong pangalan ng parents mo? Kahit picture nila?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung anong pangalan nila eh," sabi niya. Napatango naman ako.

"Paano mo sila mahahanap kung hindi mo alam ang pangalan nila?" tanong ko.

"Hindi ko din alam kung paanong paraan ko sila mahahanap. Ang sabi sa akin nung nagpalaki sa akin ay 3 years old ako nung simula niya akong alagaan," sabi niya.

"Ang bata mo pa pala nun," sabi ko.

"Oo nga eh, ang buong akala ko nga noon na silang ang tunay kong mga magulang dahil si Papa ang bait niya sa akin at tinuring niya akong parang sarili niyang anak. Si Mama lang ang iba ang trato sa akin. Buti nga ay hindi nagmana kay Mama yung ugali nung dalawa nilang anak, hindi ako tinuring na iba ng dalawang anak nila," kwento ni Castriel. 

"Mabait naman pala yung pamilyang nag-alaga sayo, maliban dun sa Mama mo," sabi ko. "Sa kanila ka pa ba tumitira?" tanong ko.

"Hindi na, pinalayas ako ni Mama nung sinabi niya sa akin na hindi niya ako anak. At saka ayoko na din tumira sa bahay na yun kahit ayaw ni Papa na umalis ako," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? Eh saan ka na tumitira ngayon?" tanong ko.

"Dyan lang sa apartment malapit dito. Working student din kasi ako kaso natanggal ako sa pinapasukan ko kaya problema ko ngayon kung saan ako kukuha ng pera para hindi ako paalisin dun sa apartment," sabi niya. Naawa tuloy ako sa kanya. Bigla naman akong may naalala.

"Gusto mo ng trabaho? Basta marunong kang magdrive. Lalong lalo na at kailangan ko ng personal driver," tanong ko bigla namang umaliwalas yung mukha niya.

"Pwede bang ako na lang ang kunin mo?" sabi niya.

"Sige," nakangiting sabi ko.

"Kailan ba ako magsisimula?" tanong niya.

"Ngayong araw na," sabi ko.

"Agad agad?" sabi niya kaya natawa ako.

"Oo," sabi ko. Kinuha ko yung cellphone ko at agad na nagdial ng number. 

"Hello Lorraine," sabi ko pagkasagot niya ng tawag.

(Oh napatawag ka?)

"Wag kanang maghanap ng driver," sabi ko.

(Ha? Bakit?)

"Nakahanap na ako. Sabihin mo kay Mang Nelson na ihahatid na lang niya yung sasakyan at saka ko ibibigay yung huling sahod niya."

(Sige. May ipag-uutos ka pa ba?)

"Wala na, bye," sabi ko at binaba na yung tawag.

"Paano, una na ako?" paalam ko at tumayo na.

"Sige," maikling sabi niya.

"See you later, Castriel." sabi ko at umalis na.

DISMISSAL...

Lumabas na kami ng classroom ni Trinity at nakita na hinihintay kami ng dalawa. Lalapitan na sana namin sila ng may lumapit sa akin, si Castriel.

"Almira." 

"Pakihintay mo na lang ako sa gate," sabi ko kay Castriel.

"Sige," sabi niya at umalis na. 

"Sino yun? Ang gwapo," tanong ni Chelsea na nakalapit na pala.

"Siya yung sinasabi ko sa inyo kaninang umaga," sabi ko.

"Siya yung lalaking gusto mo. Infairness, hindi siya mukhang mahirap. Parang mukha siyang mayaman," sabi ni Maleah

"Ang akala ko nga din nung una ay mayaman siya," sabi ko.

"Bakit ka niya nilapitan?" tanong ni Trinity.

"He's my new friend," sabi ko.

"Ibang klase ka din talaga, Almira," sabi ni Chelsea.

"Anyway... mukhang mahihirapan akong mahanap ang parents niya dahil hindi niya alam kung anong pangalan ng tunay niyang mga magulang," sabi ko.

"Anong plano mo?" tanong Chelsea.

"Gagawa pa rin ako ng paraan," sabi ko. Napangiti naman sila.

*****************

Pagkatapos ng usapan namin nila Chelsea ay pumunta na ako sa gate. Naabutan kong kinakausap ni Lorraine si Castriel. Lumapit ako sa kanila.

Kinuha ko yung envelope na may lamang pera at binigay kay Mang Nelson. Tinignan naman niya agad yun.

"Ang laki naman nito, Ma'am," sabi niya.

"Hindi ka pa ba nasanay, Mang Nelson. Palaging may sobra ang mga sahod niyo," sabi ko.

"Thank you, Ma'am," sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko din siya.

"Ako ang dapat magpasalamat sayo, Mang Nelson. Sa halos pitong taon na pagtratrabaho mo ay tiniis mo ang ugali ko," sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya.

"Masungit ka kung iisipin ng iba pero may malambot kang puso, Ma'am," nakangiting sabi niya.

"Tama po kayo. Masungit lang talaga ako minsan," sabi ko.

"Sige po, Ma'am. Kailangan ko na pong umuwi," paalam niya. Tumango naman ako. 

Pagka-alis ni Mang Nelson ay lumapit na ako kanila Lorraine.

"Tara na," sabi ko. Pinagbuksan kami ni Lorraine ng pinto ng bodyguard at sumakay na kami. Sumakay na si Castriel sa driver seat at katabi niya ang bodyguard ko.

"Alam mo kung saan ang hotel, Castriel?" tanong ko.

"Oo," maikling sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Sino ba itong gwapo mong driver, Almira?" tanong ni Lorraine.

"Siya yung sinasabi ko sayo." mahinang sabi ko.

"So... siya pala yun?" 

"Oo... kaya tumahimik ka at akin na yung mga irereview ko para bukas sa meeting," sabi ko. Ibinigay naman niya agad ang folder.

Sinimulan ko ng basahin yun hanggang sa makarating sa hotel. 

"Good evening, Ms Ferreira," bati ng mga hotel sa staff pagpasok ng hotel kaya tinanungaan ko lang sila. Pumasok na kami sa elevator.

"Teka, nasaan si Castriel?" takang tanong ni Lorraine na makitang hindi namin kasama si Castriel.

"Nakalimutan kong sabihin na dito na siya mag-iistay," sabi ko.

"Ako nalang magsasabi sa kanya bukas," sabi ni Lorraine kaya tumango na lang ako.

MONDAY...

"Almira, pwedeng magtanong?" Napatingin ako kay Castriel ng bigla siyang nagsalita.

"Sure. About what?" tanong ko.

"Ano ang gusto mo sa isang lalaki?" tanong niya na tuminmgin pa sa rearmirror at binalik na ulit sa daan ang tingin.

Natahimik na man ako dahil sa tanong niya. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Dahil alam ko yung nararamdaman ko para kay Castriel kahit ilang araw palang kaming magkakilala.

"Pwede namang hindi mo sagutin---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sumagot ako.

"Like you," seryosong sabi ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin na 'parang ako'?" takang tanong niya.

"Katulad mo, ang gusto ko sa isang lalaki. Magkaiba man ang estado namin sa buhay, hindi hadlang yun para hindi ko siya mahalin kasi para sa akin hindi nakabase sa estado ng buhay ang pagmamahal," sabi ko. Nakatingin ako sa kanya habang sinasabi ko yun.

"Bakit hindi na lang sa isang katulad mong mayaman ka nagkagusto, bakit sa isang mahirap pa?" tanong niya. Napangiti ako.

"Simpleng lalaki lang naman ang gusto ko, yung mamahalin ako kasi wala man siyang yamang maipagmamalaki dahil sapat na ang pagmamahal niya para maipagmalaki sa iba. Kasi, aanhin ko pa ang yaman ng iba kung meron naman ako," nakangiting sagot ko.

"Maswerte yung lalaking mamahalin mo, Almira," sabi niya. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Pagkahinto ng kotse ay nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ko na kasi pinasama pa ang bodyguard ko. Nauna na akong naglakad sa kanya.

Biglang nag-iba ang aura ko ng makita ko kung sino ang papalapit sa akin ngayon. Napahinto ako sa paglalakad.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" walang ganang tanong ko kay Xavier. Ngumisi siya.

"Kailangan ko? Ang maging akin ka," sabi niya. Napairap naman ako.

"Kahit kailan hindi ako magiging sayo." sabi ko at naglakad na paaalis.

"Almira, siya yung anak ng may-ari nitong campus, diba?" tanong ni Castriel.

"Yeah, siya nga. Bakit mo naman natanong?" tanong ko.

"Wala lang. Punta na pala ako sa class ko," sabi niya kaya tumango na lang ako.

AFTER 1 MONTH...

Lumabas na ako ng meeting room ng nitong Victoria Marina Hotel, matapos ang dalawang oras na meeting ko kasama ang mga areholder at mga investor para sa pinaplanong pagpapatayo ng bagong branch ng hotel sa Thailand. 

Pumasok na kami ni Lorraine sa elevator. Napatingin ako sa wristwatch ko, 7 pm na. 

"Almira, mauuna na ako dahil may kailangan pa akong puntahan," paalam ni Lorraine pagkarating nmin sa lobby.

"Sige," sabi ko at bumeso muna sa akin bago siya umalis.

Lumabas na ako ng Hotel at agad sumakay sa kotse.

"May pupuntahan pa ba tayo?" tanong ni Castriel. Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Meron ka bang alam na lugar na pwedeng puntahan?" balik kong tanong sa kanya.

"Meron," sagot niya.

"Sige dun tayo." sabi ko at pianaandar na niya yung kotse.

**************

Pagkahinto ng sasakyan ay agad na bumaba si Castriel ng sasakan at pinagbuksan ako. Nilibot ko ng tingin ang lugar. Nasa isang park kami na napapalibutan ng mga ilaw ang mga puno.

"Halika may pupuntahan tayo," sabi niya at hinila sa kung saan man niya ako dadalhin.

Dinala niya ako sa isang bench at saharap nun ay ang malawak na bay.

"Almira..." Napatingin ako kay Castriel ng tawagin niya ako.

"Hmmm?"

"Gusto kita, Almira," seryosong sabi niya. Napangiti naman ako.

"Really?" paniniguro ko.

"Oo, matagal na akong may gusto sayo since first year college. Halos araw-araw umaasa ako na  sana mapansin mo ako. Palagi kitang tinitignan sa malayuan. Palagi akong pumupunta sa rooftop ng department niyo para makita ka at minsan palagi kitang naabutang umiiyak dun," sabi niya.

"Anong nagustuhan mo sa akin? Diba masungit ako?" tanong ko.

"Hindi ka naman talaga masungit, nakikita ko ang tunay na ikaw kapag nasa rooftop ka. Hindi mo lang tanggap ang pagkawala ng mga magulang mo kaya sinusungitan mo ang ibang tao," nakangiting sabi niya.

"Kaya ba tinanong mo kung ano ang gusto ko sa isang lalaki dahil may gusto ka na sa akin nun?" tanong ko.

"Oo tama ka, mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa at mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na kita, Almira," seryosong sabi niya.

"Alam mo ang swerte mo talaga," sabi ko.

"Ha? Bakit naman?" takang tanong niya.

"Diba ang sabi mo ang swerte ng lalaking mamahalin ko at ikaw yun, Castriel," napahinto ako at mas tinitigan siya sa mga mata.

Magsasalit na sana siya ng magsalita ulit ako.

"Mahal kita, Castriel. Alam kong isang buwan pa lang simula ng makilala kita pero alam ko kung ano yung nararamdaman ko para sayo at yun ay ang mahal kita," sabi ko sa kanya.

"Mahal mo ko?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo," sabi ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at paghahalikan sa ulo ko pero niyakap ko din siya pabalik.

"Almira..." tawag niya at medyo humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin.

"Hmmm?"

"Pwede bang tayo na lang?" tanong niya. Napangiti naman ako.

"Wait. Pag-isipan ko muna," biro ko at nagkunwaring nag-iisip.

Natahimik naman siya at humiwalay lalo sa pagkakayakap sa akin.

"Hahahaha. Tampo ka na nyan?" natatawang sabi ko.

"Okay lang naman kahit hindi mo sagutin, kaya ko namang maghintay," sabi niya.

"Oo, ang sagot ko," sabi ko.

"Oo? Ibig sabihin tayo na?" tanong niya. Tumango naman ako.

Niyakap niya ulit ako at humiwalay din agad. Hinawakan niya ang pisngi ko at until uniting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Kusang nagpikit ang mga mata ko at Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

Pagkahiwalay ng mga labi namin ay idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha niyang nakangiti. Nakangiti ako sa kanya.

"I love you, Almira," sabi niya.

"I love you too, Castriel," sabi ko at muli niyang dinampi ang labi niya sa labi ko.