HAZEL'S POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung umamin sa akin si Jerome na gusto niya ako. Okay lang sa akin na hindi pa niya ako mahal at least may gusto na siya sa akin.
Sa ngayon ay nag-aayos na ako dahil nag-aya si Jerome na magdate kaming dalawa ngayon.
I'm wearing light blue dress and high heels. My make is light and simple lang.
Hindi mo naman need maging maganda para maging mahalaga ka. Real man knows how to see your important and worth not your looks.
Kinuha ko na yung sling bag ko at saka bumaba. Pumunta akong kitchen para mag paalam kanila Mom at Dad na nagbre-breakfast. Maaga pa kasi dahil gusto ni Jerome maghapon kaming magdate.
"Good morning, Mom, Dad and Mamita," bati ko sa kanila at bumeso.
"Good morning, Anak/Sweetie/Dear," sabay sabay nilang bati din sa akin.
"Bakit bihis na bihis ka? May lakad ka ba?" tanong ni Mom.
"Yup, Mom. Magdadate kami," sabi ko.
"Ang aga pa, magdadate na kayo. 8:30 am pa lang," sabi ni Dad.
"Ewan ko po kay Jerome, para daw maghapon kaming magkasama," sagot ko.
Kinuha ko yung phone ko sa sling bag ko ng biglang mag vibrate.
SMS from Jerome:
Nandito na ako sa labas ng mansion niyo. Hindi na ako papasok dahil alis na tayo agad.
Hindi ko na siya nireplyan at tinagi na yung phone ko.
"Alis na po ako," paalam ko at bumeso ulit sa kanila.
"Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Mamita kaya umiling agad ako.
"Hindi na po. Bye po," paalam ko
"Sige, wag kang masyadong magpagabi ha," bilin ni Dad kaya natatawang tumango na lang ako. Kahit kailan talaga super protective nito ni Dad. Lumabas na ako ng kitchen.
Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si Jerome na naghihintay habang nakasandal sa kotse niya. Lumapit ako sa kanya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ng makalapit na ako sa kanya.
"Anywhere," mailing sagot niya at binuksan yung pintuan ng passenger seat. Pumasok naman agad ako at agad ng seatbelt. Umikot siya at sumakay sa driver seat.
"Ikaw ba saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang kinakabit yung seatbelt niya.
"Sa Honeylicious Café," sagot ko. Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo.
"Ha? Bakit anong gagawin mo dun sa cafe mo?" tanong niya.
"Duh, ang aga aga mong kayang magyaya ng date, wala pa akong breakfast no," sabi ko sabay irap.
"Opo na po, Ms President," natatawang sabi niya kaya natawa din ako. Pinaandar na niya yung kotse.
By the way... Ang Honeylicious Café ay yung café na nirequest ko kay Dad na ipatayo malapit sa University. Last year lang yun nabuksan kasabay ng birthday ko, regalo na daw yun sa akin ni Dad.
Hindi lang basta ordinaryong café ang Honeylicious, dahil may library or bookstore dun. Pwede mo basahin ang kahit na anong libro na magugustuhan mo at pwede mo ding bilin. Pero syempre hindi ka makakabasa ng libro kapag hindi ka umorder ng coffee. Ano yun tatambay ka lang? No, hindi pwede yun. Kailan mo munang umorder para makabasa ka ng kahit ano mang libro na nandun.
Kaya si Amber tuwang tuwa ng buksan ko yung café kaya palagi siyang nandun tuwing weekends. And take note, bookworm din pala si Paul kaya ayun palagi silang tambay mag-asawa dun.
(A/N: Ang Honeylicious Café is a fictional place. Gawa gawa ko lang yun.)
Pagkahinto ng kotse ay tinanggal ko agad yung seatbelt ko. Naunag lumabas si Jerome at binuksan yung pintuan sa side ko.
"Thanks," sabi ko. Agad kaming pumasok sa café. Napabuntong-hininga ako ng makita ko yung mag-asawa sa isang table na seryoso na nagbabasa.
Pumunta na lang kami sa counter at umorder.
"Good morning, Ma'am Hazel and Sir Jerome," bati nung mga babaeng server.
"Kamusta tong café, mga ladies?" tanong ni Jerome habang nakangiti. Ito namang mga babae sa harap ko eh parang mga bulate na binudburan ng asin kung kiligin. Talagang sa harapan ko pa talaga.
"O-Okay lang naman sir," sagot ng isang babaeng server na nagpabebe pa ng boses. Tignan ko siya ng masama kaya nag-iwas siya ng tingin.
"Here's your order, Ma'am and Sir," sabi nung isa pang server kaya agad kong kinuha yung order namin.
"Let's go, Hon," sabi ko at hinila na siya palabas ng café.
Pagkalabas namin ay agad ko siyang binitawan.
"Ano yung sinabi mo kanina?" tanong ni Jerome. Umirap muna ako bago ako humarap sa kanya.
"Tara na, Hon," ulit ko sa sinabi ko. Kumunot yung noo niya.
"Ano yung tinawag mo sa akin?" tanong niya. Napahinga ako ng malalim. Naiinis na ko sa lalaking to, paulit ulit.
"Hon short for Honey," sabi ko at sumakay na ulit sa kotse. Nakita kong nakangiti siya ng sumakay sa driver seat.
"Bakit nakangiti ka dyan?" tanong ko.
"Masaya lang ako dahil may tawag ka na sa akin maliban sa pangalan at nickname ko," nakangiting sabi niya. Tumango naman ako.
"Nga pala, bakit Honeylicious ang pangalan ng café mo?" tanong niya.
"Simple lang, pinagsama ang 'honey' at 'delicious' kaya Honeylicious ang nabuong pangalan," sagot ko sabay inom ng coffee ko.
"Akala ko kasi sa endearment mo sa akin nakuha yun," sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin.
Pinaandar na niya yung kotse. Ilang oras din ang tinagal ng byahe dahil medyo trapic. Alam niyo naman sa pilipinas, hindi nawawala yan.
Himinto kami sa isang restaurant. Agad naman kaming bumaba at pumasok sa restaurant.
"One table for two, Sir and Ma'am?" tanong nung waiter na bumungad sa amin.
"Yes, please," sabi ni Jerome.
"This way po Sir, Ma'am," sabi niya at iginaya kami kung saan yung table. Pagkarating namin sa table ay agad kaming umupo ni Jerome.
"Here's the menu, Ma'am and Sir," sabi nung waiter at binigay yung menu.
Pagkasabi namin ng order namin ay agad umalis yung waiter. Ilang minuto ang lumipas ay dumating din agad yung pagkain.
"Oo nga pala, uuwi ba yung Mama at mga kapatid mo this Christmas. Next month na yun?" tanong ko habang pinaikot ikot yung pasta sa tinidor sabay subo. Nagkibit balikat naman siya meaning hindi niya alam.
"Hindi pa kami nakakapag-usap ni Mama kung uuwi sila. Pero sigurado ako na uuwi sila dahil tuwing Christmas at New Year ay nandito sila. Bakit mo nga pala na tanong?" sabi niya at sumubo ng kinakain niya. Uminom muna ako bago sagutin yung tanong niya.
"Wala lang na tanong ko, kasi kapag wala kang kasama this Christmas and New Year, pwede kang makicelebrate sa amin sa mansion," sabi ko at pinagpatuloy na yung pagkain.
"Really?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Yeah. Hindi ka naman na bago sa amin eh," sabi ko. Nakangiting tumango siya at pinagpatuloy na namin ang pagkain namin.
************
Pagkatapos namin kumain ay binayaran na namin yung bill ng pagkain na kinain namin saka lumabas ng restaurant at sumakay na sa kotse.
Habang nasa byahe kami ay may nakita akong dalawang bata sa malayo na sa tingin ko ay hindi pa kumakain. Napalingon ako sa gilid ko at may nakita akong McDonald. Trapic naman kaya okay lang siguro na dumaan muna kaming McDonald para bilhan ng pagkain yung dalawang bata.
"Hon, drive thru ka sa McDo, please," sabi ko. Nagtatakang tumingin siya sa akin.
"Ha? Bakit gutom ka na naman?" natatawang tanong niya.
"Hindi naman para sa akin yun," sabi ko.
"Para kanino naman?" tanong niya.
"Basta mag drive thru ka na lang," sagot ko.
"Fine," sabi niya at sinunod na yung gusto ko.
Pagkatapos kung bilhin yung pagkain ay pinahinto ko kay Jerome yung sasakyan sa tapat ng dalawang bata. Binaba ko yung side window na nasa side ko at tinawag yung dalawang bata na lumapit din naman agad.
"Bakit po, Ate?" tanong nung batang babae sa akin na sa tingin ko ay ang mas matanda.
"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila. Umiling sila.
"Hindi pa po, wala po kasi kaming pera para makabili ng pagkain," sabi nung bata. Napatingin ako kay Jerome na nakangiti sa akin. Kinuha ko yung inorder namin sa McDo at binigay sa dalawang bata.
"Ito oh, para maka kain na kayo," nakangiting sabi ko sa mga bata.
"Ang bait mo naman po, Ms Ganda. Salamat po," sabi nung mas batang babae. Natawa naman ako dun.
"Sige na mga bata, alis na kami. Kumain kayo ha," paalam ko sa kanila.
"Opo, maraming salamat ulit, Ms Ganda," sabi nilang dalawa.
"Walang anuman," sabi ko at sinarado na yung side window.
"Ang bait mo talaga, Ms Ganda," natatawang sabi ni Jerome bago niya paandarin yung sasakyan. Natawa naman ako.
"One of my charm, Mr Pogi," natatawang sabi ko kaya mas lalong lumakas yung tawa niya.
Sana ganto na lang palagi? Sana masaya na lang palagi, yung walang sakit at lungkot na nararamdaman? Yung masaya lang.
***************
"We are here," sabi ni Jerome. Napatingin ako sa labas kung nasaan kami. And guess where we are?
Nandito lang naman kami sa Enchanted Kingdom. Well, hindi na ako nagulat na dito niya ako sa dalhin dahil nakapunta na kami nila Dad dito.
Pinagbuksan ako ni Jerome ng pintuan ng kotse kaya din naman akong lumabas.
"Thanks," sabi ko. Pumasok na kami sa loob ng EK.
"Tara doon tayo," sabi niya sabay hila sa akin doon sa isang rides na EKstreme Tower. Ayoko pa naman sa rides na yun.
Pinigilan ko siya kaya napalingon siya sa akin. Nagtatakang tumingin siya sa akin kaya umiling ako.
"Ayoko dyan," sabi ko.
"Wag ka ngang KJ dyan. Tara na, ang sarap kayang magrides dyan," sabi ni Jerome at hinila ulit ako papunta dun sa EKstreme Tower.
Huminga na lang ako ng malalim at nagpahila na lang sa kanya. Takot pa naman ako sa heights pero handa kong harapin ang kinakatakutan ko dahil alam ko namang hindi ako nag-iisa.
Pagkasakay namin ay halos nanginginig yung buong katawan kahit hindi pa naman umaandar. Napatingin ako kay Jerome ng hawak an niya yung nanginginig kong kamay.
"Bakit nanginginig at ang lamig ng kamay mo?" tanong ni Jerome. Iling lang ang isinagot ko sa kanya.
Napapahigpit ako ng hawak sa kamay ni Jerome at napapapikit ng unti-unting umaakyat yung kinauupuan namin.
Naririnig kong tumatawa ng mahina si Jerome na nasa tabi ko. Mamaya ka sakin, Batolina.
Nang nasa tuktok na kami ay nireready ko na yung sarili ko sa biglang pagbaba nito.
"WAAAAAAAAHHHHHHH." I scream in the top of my lungs.
"HAHAHAHAHAHAHA," tawa ni Jerome na parang wala ng bukas sa kakatawa. Mamaya ka talaga saking lalaki ka.
Hanggang sa makababa kami ay wala pa rin siyang tigil sa kakatawa.
"Grabe ka kung makasigaw kanina ha," natatawang sabi nito. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Baliw ka ba? Siguro kung may sakit ako sa puso malamang sa malamang ay inatake na ako sa rides na yun," sabi ko sa kanya.
"Grabe ang ganda mo dito oh," sabi niya sabay pakita sa akin ng phone niya naman picture ko kanina ng sumigaw ako.
"Hoy, idelete mo yan," sabi ko at pilit kinukuha yung phone niya.
"Bakit ko naman idedelete to eh best shot mo pa naman to," sabi niya.
"Delete that, ang panget ko dyan," sabi ko pero hindi niya ako pinansin at itinago na niya yung phone niya. Okay lang sana kong ang ganda ng pagkakakuha niya kaso hindi eh.
"Don't worry, hindi ko naman ipopost yun," sabi niya at hinila na ako sa iba pang rides.
***********
Napatingin ako sa wristwatch na sout ko dahil madilim na, 7:37 na. Nasakyan na namin lahat ni Jerome yung iba pang mga rides. Isa na lang ang hindi pa namin nasasakyan, ang Wheel of Fate dahil gusto ni Jerome na gabi na kami sumakay para daw malamig.
Nandito ako sa isang bench at hinihintay si Jerome na bumalik dahil bumili ng maiinom at makakain namin. Bakit kaya ang tagal niya? Kanina pa siya umalis hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakabalik.
Tumayo ako at hahanapin na sana si Jerome ng makita ko siyang papalapit na sa akin.
"Bakit ang tagal mong bumalik?" tanong ko.
"May kinuha lang ako sa kotse," sabi niya at binigay na sa akin yung shawarma at coke in can na dala niya. Kinuha ko naman at kumakain na kami.
"Ano yung kinuha mo sa kotse?" tanong ko at uminom ng coke.
"Secret. Malalaman mo din mamaya," sagot niya.
Napatingin ako sa kamay ko na hawak na coke in can at kung nasaan nakasuot yung engagement ring. Magaling pumili ng singsing tong si Jerome ha. Ang ganda talaga at bagay na bagay yung singsing sa kamay ko.
Sa susunod dalawa na yung singsing ko sa kamay. Wedding ring na ang susunod na suot ng kamay ko. Pero ang tanong matutuloy ba ang wedding.
************
Nakasakay na kami dito sa Wheel of Fate. Grabe para akong mahuhulog dahil medyo nasa tuktok na kami kaya ang higpit ng kapit ko sa braso ni Jerome. Ang taas pa naman nito.
"Takot ka sa heights?" tanong ni Jerome.
"Hindi pa ba obvious?" sagot ko sa kanya.
"Alam mo ba kung saan ako takot?" tanong niya.
"Nope," maikling sagot ko.
"Natatakot akong mawala yung mga taong mahalaga sa akin. Ayokong mawala ka sa akin, Hazel. Mahalaga ka sa akin," sabi niya. Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
May kinuha siya sa bulsa niya na mahabang box. Binigay niya yun sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Ano to?" tanong ko sa kanya.
"Open it," sabi niya. Sinunod ko naman yung sinabi niya. Binuksan ko na yung box.
OMG! Ang ganda ng necklace. It's a sunset necklace design. Magaling talaga tong pumili si Jerome ng mga bagay na magugustuhan ng babae. Napatingin ako kay Jerome.
"Ang ganda. Para kanino to?" tanong ko sa kanya.
"Para sayo," nakangiting sabi ni Jerome.
"Ha? Bakit mo naman ako bibigyan nito?" naguguluhang tanong ko.
"Second gift ko yan sayo," sabi niya. Kinuka niya yung necklace sa box at sinuot sa akin.
"Maganda?" tanong ko sa kanya ng maisuot na niya. Tumango naman siya.
"Oo, maganda. Lalo na yung nagsusuot," sabi niya.
"Bolero," sabi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin dahil sobrang pula na ng pisngi ko. Napansin kong nasa wheel of fate pa pala kami. Nawala tuloy yung takot ko.
"Hindi ako nagbibiro. Totoo namang maganda ka eh," sabi niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba ka talaga Jerome, kaya mahal na mahal kita eh.
Unti Unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Marahan niyang dinampi ang labi niya sa labi ko. I kiss him back.