Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 29 - CHAPTER 28

Chapter 29 - CHAPTER 28

HAZEL'S POV

"Kamusta, may napili na kayong Hotel?" tanong ni Mom sa amin ni Jerome.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng asikasuhin namin yung kasal. Tapos na sin namin kausapin yung wedding organizer. Ilang linggo din ang tinagal bago kami nakapili ng Hotel para sa reception. Nakapili na din kami ng Church ni Jerome. Tapos na namin lahat ng dapat asikasuhin kaya relax na lang kami ngayon.

"Yes, Mom. May napili na po kami, malapit lang siya sa Church," sabi ko.

"That's good," sabi ni Mom.

"Ipapamigay na din namin ni Jerome yung mga invitation sa mga friends namin ngayon," sabi ko. Kumuha na ako ng pagkain ko dahil maya maya ay darating na si Jerome para sunduin ako.

"Grabe, dalawang buwan na lang at ikakasal na kayo, Anak. I'm happy for you," naluluhang sabi ni Mom.

"Mom, masaya ka ba talaga na ikakasal na ako?" tanong ko.

"Oo masaya ako dahil ikakasal ka na sa lalaking mahal mo at makakasama mo na siya habang buhay," sabi ni Mom.

"Eh bakit ka po umiiyak kung masaya ka? Dapat nakasmile lang tayo," nakangiting sabi ko.

"Tears of joy lang to. Biruin mo ba naman eh ikakasal na yung nag-iisang anak ko," sabi niya. Hindi naman nawala yung mga ngiti ko sa mga labi ko.

"Hi Tita Chrizel, Hi Hon," bati ni Jerome na kakapasok lang dito sa dining room.

"Oh Jerome, kumain ka muna bago kayo umalis," sabi ni Mom kay Jerome.

"Hindi na po, kakatapos ko lang pong kumain," sabi ni Jerome. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa forehead.

"Hintayin mo na lang ako sa sala, kakasimula ko pa lang kumain," sabi ko sa kanya.

"Okay," sabi niya at lumabas na siya ng dining room. Pinagpatuloy ko na yung pagkain ko.

**************

Pagkatapos kong kumain ay umalis na kami ni Jerome ng mansion at nagsimula na kaming pumunta sa bahay ng mga friends namin. Actually mga close friends lang namin ang personal na bibig yan namin ng invitation dahil yung iba ay ipapahatid na lang.

Una naming pinuntahan ay sila Kath at PJ. Nagdoorbell na ako at pinagbuksan kami nung isang maid nila Kath.

"Good morning, Ma'am Hazel, Sir Jerome," bati nung maid sa amin.

"Good morning din. Si Kath and PJ ba nandiyan?" tanong ko.

"Opo Ma'am Hazel nandito po si Ma'am Kath. Pasok po kayo," sabi nito kaya pumasok na kami ni Jerome.

Pagpasok namin ni Jerome ay nakita naming pababa ng hagdan si Kath. Ngumiti siya ng makita kami.

Pagkababa niya ay agad siyang lumapit sa amin at bumeso. Tumingin ako sa mukha na namumutla.

"Kath, are you okay? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Parang magkakasakit nga ako eh, kaya nga hindi na ako pinapasok ni PJ sa trabaho. Bakit nga pala kayo nandito?" sabi niya. Pinaupo ko siya sa coach nila at umupo din kami ni Jerome.

"Ibibigay namin to," sabi ko at inabot sa kanya yung small white envelope na may invitation.

Kinuha naman ni Kath yun at binuksan. Pagkatapos niyang basahin ay ngumiting Tumingin siya sa amin.

"2 months na lang pala kasal niyo," nakangiting sabi ni Kath.

"Yeah kaya gusto ko nandon ka din sa kasal ko," sabi ko sa kanya.

"Oo pupunta ako. Hindi pwedeng hindi ako punta sa kasal ng bestfriend ko," sabi niya.

"Kailan pa yang pamumutla mo, Kath?" tanong ko.

"Ngayong umaga lang," sagot niya.

"Pa check-up ka na," sabi ni Jerome.

"No need. Inuman ko lang to ng gamot wala na to," sabi niya pero hindi pa rin ako kunbinsido.

"Pa check-up ka, Kath. Kahit kay Aaliyah lang," sabi ko.

"Sige na po magpapacheck-up na po kay Nurse Aaliyah, Ms President," natatawang sabi niya. Natawa din kami.

"Sige una na kami, need pa naming puntahan yung iba. Pagaling ka, Katie," paalam ko sa kanya at bumeso na.

"Hatid ko na kayo sa gate," sabi ni Kath pero pinigilan ko siya.

"Wag na, magpahinga ka na lang," sabi ko at naglakad na.

"Bye, Kath," paalam ni Jerome at lumabas na kami ng bahay nila Kath.

Sumakay na kami ng kotse at pinuntahan na yung iba pang bahay ng mga friends namin.

*************

Pagkatapos naming puntahan at ibigay kay Joenard ang invitation ay agad din kaming umalis at sumakay na sa kotse.

Pinaandar na niya yung kotse. Tumingin ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin saglit at binalik na yung tingin sa daan.

"Ayoko pang umuwi," sabi ko. Nakita kong kumunot yung noo niya habang ang tingin ay nasa daan.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Maaga pa naman at saka wala naman akong gagawin sa mansion," sagot ko.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya. Napangiti naman ako.

"Sa Park," sabi ko. Tumango naman siya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Park. Naglakad lakad kami habang magkahawak ang kamay hanggang sa makakita kami ng makakain.

"Kain tayo dun," aya ko sa kay Jerome. Hindi ko na siya hintay na sumagot at hinila na siya dun.

Pagkarating namin ay agad kong tinignan yung tinda ni manong. Wow! Fishball.

"Kumakain ka ba niyan?" tanong ni Jerome sa akin. Tumango naman ako.

"Oo, kumakain ako nito. Hindi porket mayaman ako ay hindi na ako kumain ng mga Street food," sabi ko. Kumuha na ako ng stick at nagtusok ng Fishball. Magsasawsaw na sana ako ng pigilan ako ni Jerome.

"Manong may mani ba yung sauce niyo?" tanong ni Jerome kay manong. Napangiti ako dahil na alala niyang allergic ako sa peanut.

"Wala, Hijo," matipid na sagot ni manong. Tumango naman si Jerome. Tumingin siya sa akin.

"Pwede ka ng magsawsaw, Hon," sabi ni Jerome.

"Naalala mo pa pala yon," sabi ko sa kanya.

"Oo, baka kasi maulit na naman yung dati, mahirap na baka mamatay ka pa," sabi niya.

"Love mo talaga ako," nakangiting sabi ko.

"Naman," maikling sabi niya at kumuha na din ng stick at nagtusok ng Fishball.

Nang mabusog na kami ay kinuha ko yung wallet ko sa slingbag ko. Kinuha ko yung five hundred at inabot ko kay manong.

"Ang laki naman nito, hija. Wala akong panukli sayo," sabi ni manong. Natawa naman ako.

"Give the change na lang manong," sabi ko.

"Ang bait mo naman, hija. Bihira lang ang anak mayaman na katulad mo," nakangiting sabi ni manong.

"Mabait po talaga tong fiancé ko, manong," nakangiting sabi ni Jerome at inakbayan ako.

"Alam niyo, bagay kayo," sabi ni manong. Napangiti ako.

"Salamat po, paano po alis na po kami," paalam ko at naglakad na kami palayo ni Jerome.

Nakakita kami ng bench na nakatapat sa Bay. Umupo kami ni Jerome dun. Napatingin ako sa wristwatch ko, alas kuwatro na pala ng hapon kaya pala paglubog na ang araw.

Nagulat ako ng biglang humiga si Jerome sa bench at ginawang unan ang lap ko. Pinikit niya yung mga mata niya.

"Sleep lang ako saglit, Hon," sabi niya ng hindi dinidilat yung mata niya.

"Okay," sabi ko na lang at kinuha yung pocket book ko sa slingbag ko. Palagi kasi akong may galang pocket book sa bag.

Tahimik kong binasa yun.

JEROME'S POV

Napadilat ako at bumungad sa akin ang tahimik na nagbabasa na si Hazel. Bumangon ako at sinandal yung ulo ko sa balikat niya. Isang page na lang at matatapos na niya yung book.

Napatingin ako sa kanya ng isarado na niya yung libro at nakita kong may tumulo ng luha sa mata niya.

"Hon, bakit ka umiiyak?" tanong ko kay Hazel. Umiling siya.

"Eh kasi naman eh. Kung kailan sila nagkita saka namatay yung lalaki. Sobrang sakit diba, ngayon lang ulit kayo nagkita ng taong mahal mo tapos yun pala ang huli niyang paghinga dito sa mundo," sabi niya. Natawa ako, kaya mahal ko tong babaeng to eh. Kakaiba, pati ang mga novel books iniiyakan niya. Niyakap ko siya.

"Hindi sila magkakaroon ng ending dahil true love sila," sabi ko kahit hindi ko naman alam kung anong nangyari sa kwentong binasa niya. Humiwalay naman siya sa pagkakayakap ko at nagtatakang tumingin sa akin.

"Ha? Paano magiging true love yun eh namatay nga si Boy. Sad ending nga eh," sabi niya.

"For me, happy ending doesn't exist, because if it is true love. It will never end," nakangiting sabi ko. Nanatili naman siyang tahimik at nakatingin lang sa akin.

"Kahit namatay man yung lalaki, mananatili ang pagmamahalan nila dito sa mundong ibabaw hanggang sa kabilang buhay. Yan ang tinatawag na Forever," paliwanag ko.

Para sa akin, hindi kami magkakaroon ng happy ending ni Hazel, dahil hindi magwawakas ang pagmamahalan namin ni Hazel mananatili ito habang buhay. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka, maniwala ka sa FOREVER.

HAZEL'S POV

Maya-maya ay na isipan na din naming umuwi dahil magdidilim naman na din.

Habang naglalakad kami ni Jerome dito sa sidewalk papunta sa pinagparkingan ni Jerome ng kotse.

May biglang huminto na puting van sa gilid namin at may mga lalaking bumaba na may mga takip sa mukha. May dala silang mga baril at tinutok sa aming dalawa ni Jerome. Bigla akong kinabahan, dahil kapag hindi namin sinunod yung gusto nila ay papatayin nila kami.

"Sakay!" utos ng lalaki. Tumingin sa ako kay Jerome at sumenyas siya sa akin na sundin yung utos ng lalaki.

Sumakay na kami sa van at agad na pinaandar. Tumingin ako sa mga lalaki.

"Sino ba kayo ha? Saan niyo ba kami dadalin ha?" tanong ko sa kanila.

"Manahimik ka na lang, Miss," sabi niya at may pinaamoy sa akin sa panyo na dahilan para mawalan ako ng malay.

****************

Napadilat ako pero madilim na kapaligiran ang bumugad sa akin. Nilibot ko ang paningin ko para malaman ko kung nasaan ako pero madilim talaga.

Napalingon ako sa may gilid ko ng may narinig akong may bumuntong-hininga. Naalala ko naman na kasama ko pala kanina si Jerome at kasama ko din siya nung may mga lalaking pwersahan kaming pinasakay sa van bago magdilim yung paningin ko ng may pinaamoy sila sa akin.

"Jerome?" mahinang tawag ko pero sapat lang para marinig niya.

"Hazel, nasaan ka?" tanong niya.

"Hindi ko alam, basta medyo malayo ka sa akin," sabi ko. Gumalaw ako ng unti dahil nakatali ang kamay at para ko sa upuan kaya hindi ako masyado makagalaw.

Napatigil lang ako sa paggalaw ng may narinig akong dalawang lalaking nag-uusap hindi kalayuan sa amin. Kaya rinig ang mga pinag-uusapan nila.

"Mukhang gising na yung dalawa. Kailangan nating bantayan yun dahil tayo ang malilintikan kay Madame."

"Kapag nakalabas sila ay baka hindi natin makuha yung malaking pera na naipangako sa atin ni Madame kapag nakatakas yung dalawa."

Teka, ano yung sinabi nila? Madame? Ibig sabihin babae ang nagpakidnap sa amin. Sino kaya yung babaeng yun? Bakit niya kami kidnap? Anong ginawa namin sa kanya para kidnapin niya kami?

Biglang bumukas yung pinto at may dalawang pigura ng tao ang pumasok dito. Base sa mga katawan nila ay mga lalaki ito. Ito siguro yung dalawang lalaking narinig kong nag-uusap.

Bumukas yung ilaw kaya nakita ko na ang paligid. Nasa isang lumang bahay kami na wala kahit isang gamit maliban sa tatlong upuan at isang lamesa.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko doon si Jerome na nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.

Nawala ang mga ngiti ko ng may humawak sa mukha ko at pilit pinapatingin sa kanya. Tumingin naman ako sa lalaking nasa harap ko.

"Ang ganda mo talagang babae, Ms Candelaria. Ang sarap mo sigurong halikan," lokong sabi nung lalaking nasa harapan ko.

"Don't touch me ugly boy," may diing sabi ko.

"T*ng*na pare, ugly ka daw," sabi nung isang lalaking kasama niya.

"Anong magagawa mo, Ms Candelaria eh malaya kong mahahawakan lahat sayo dahil nakatali ka," sabi niya habang hinimas ang pisngi ko. Nanggigigil ako at makakagat ko na siya ano mang oras. Nakakat*ng*na siya.

"T*ng*na ka, huwag mong hahawakan ang fiancee ko," sabi ni Jerome at pilit tinatanggal yung pagkakatali sa kanya. Pero itong lalaking nasa harap ko ay patuloy parin sa paghimas sa pisngi ko.

Nanggigil na talaga ako kaya kinagat ko na talaga yung kamay ng lalaking may hawak sa pisngi ko.

"Aray!" sigaw nung lalaki. Tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko. Galit na galit na tumingin ito sa akin. Hahawakan na sana niya yung mukha ko ng may nagring.

*KRING KRING KRING*

Kinuha na niya yung phone niya at gad sinagot.

"Madame... Sige po... Masusunod po," sabi nito at tinago na yung phone. Tumingin ito sa kasama niyang lalaki.

"Lagyan daw ng piring yung dalawa," sabi niya nung lalaki sa may kasama niya.

Lumapit sa akin yung lalaki kanina at nilagyan na ako ng blindfold.

THIRD PERSON'S POV

"Diba sabi ko si Hazel lang ang kunin niyo." galit niyang sabi sa mga tauhan niya.

"Magkasama kasi yung dalawa, Madame. Kaya dinamay na namin yung lalaki dahil baka magsumbong." sagot ng isang tauhan niya.

"Nasaan na yung dalawa?" tanong ng isang babae sa mga tauhan niya. Kakapasok pa lang nito sa warehouse at agad bumugad sa kanya yung lima niyang tauhan.

"Nasa loob ng kwarto po yung dalawa, Madame," sabi ng isang tauhan niya at sinamahan siya sa kwarto kung nasaan sila Hazel at Jerome.

"Iwan mo na ako dito," utos niya sa tauhan niya. Agad namang sumunod ang tauhan niya at lumabas na ng kwarto. Naiwan siya sa kwarto kasama ang dalawang magkasintahan.

Lumapit siya kay Jerome at hinawakan ang mukha nito.

"Dapat si Hazel lang yun ipapakidnap ko pero dahil makasama kayo dinamay na din kita," sabi niya kay Jerome.

"Sino ka ba? Bakit gusto mong kidnappin si Hazel?" tanong ng binata sa kanya. Natawa naman siya

"Hindi na mahalaga kung sino ako at gusto ko siyang ipakidnap dahil ayoko kayong maging masaya," galit na sabi niya.

Si Hazel naman ang nilapitan niya at biglang nag-iba yung mood niya pagkakita palang niya dito ay agad na niya itong sinampal.

Nanatiling tahimik lang si Hazel at parang walang pakialam nung sampalin niya ito. Lumabas na siya ng kwarto at sinarado ang pinto.

'Hinding hindi ko hahayaan maging masaya kayo samantalang ako ay malungkot kaya ipaparanas ko sa inyo kung anong nararanasan ko ngayon.'