Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 31 - CHAPTER 30

Chapter 31 - CHAPTER 30

HAZEL'S POV

Ito na ang pangatlong araw namin dito. Hindi pa nagpapakita sa akin si Dan mula kahapon, hindi ko tuloy alam kung nagawa na niya yung pinapagawa ko, iba kasi ang nagbantay sa aming kahapon. Paniguradong nag-aalala na sila Mom sa akin at kay Jerome.

Ang sakit na talaga ng batok ko. Nakakabwiset kasi yang si Tiffany dahil lang sa pagmamahal kaya niya nagagawa to. Bakit ba kasi ayaw na lang niyang tanggapin na hindi na siya mamahalin ni Jerome.

Napaangat ako ng tingin ng may nagbukas ng pintuan at nakita ko si Dan na pumasok. Lumapit siya sa akin at niluwagan ang pagkakatali ng kamay at paa ko. Ibig sabihin ay nagawa na niya.

"Nagawa mo na?" tanong ko kay Dan na niluluwagan ang pagkakatali ng kamay at paa ni Jerome.

"Oo, paniguradong parating ang mga pulis. Sorry kong natagalan, nahirapan akong kunin yung cellphone mo, Hazel," sabi niya.

"Salamat, Dan," sabi ko.

"Walang anuman, basta ay hindi ako makukulong at mapapagamot ang kapatid ko," sab niya.

"Pangako ko yan sayo," nakangiting sabi ko. Tumango naman siya.

"Paano alis na ako, parating na dito sila Madame," paalam niya at saka lumabas na.

Pagkalabas niya ay may narinig akong boses.

"Anong ginagawa mo sa loob?" tanong ng pamilyar na boses. Boses ni Tiffany.

"T-Tinignan ko lang po yung dalawa, Madame," sabi ni Dan at bumukas yung pinto. Pumasok si Tiffany at napatingin ako sa hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko.

Halos manginig ang buong katawan ko ng makita ang hawak niya. May hawak siyang baril. May kutob ako na kapag hindi pa dumating yung mga pulis ay may hindi magandang mangyayari isa sa amin ni Jerome.

"Nakikita niyo ba tong hawak ko?" nakangiting sabi ni Tiffany. Nababaliw na talaga siya.

"Nababaliw ka na talaga eh no, Tiffany! Hindi mo na ba kami titigilan ha! Hindi ka pa ba napapagod sa mga pinaggagawa mo!" sigaw ni Jerome.

"Hindi pa ako napapagod, nag-eenjoy pa nga ako sa ginagawa ko eh. Nag-eenjoy pa akong nakikita kayong dalawa na nahihirapan sa mismong harapan ko," tumatawang sabi ni Tiffany. 

"At mas lalo akong mag-eenjoy kapag nakita kong parehas kayong patay na. At ikaw ang uunahin ko, Hazel," sabi niya at tinutok ang baril niya sa akin.

"Sige, gawin mo ang gusto mo, tutal pagod na pagod na din naman na ako dahil sa mga pinaggagawa mo. Nakakasiguro naman ako na kapag pinatay mo ako ay habang buhay ka ng mabubulok sa kulungan. Pinagsisihan ko na naging mabait ako sayo na dapat ay hindi ko na ginawa kung ito din naman ang gagawin mo, ang patayin ako," kalmadong sabi ko sa kanya.

"Dapat nga ay hindi ka na naging mabait pa sa akin. Dapat namatay na ka na lang nung ikinulong kita sa storage room, hindi ka na dapat na buhay. Edi sana ay ako ang mahal ngayon ni Jerome, hindi ikaw," sabi ni Tiffany at mas lumapit pa sa akin. Natawa naman ako dahil sa mga sinabi niya.

"Kung sakaling namatay nga ako noon. Sa tingin mo nasaan ka dapat ngayon, hindi ba nasa kulungan? Sa tingin mo mamahalin ka ni Jerome dahil sa ugali mo, hindi. Dahil kahit kailan hindi kamahal mahal ang ugali mo," sabi ko sa kanya. 

*SLAP* Napatagilid ang mukha ko at may nalasahan din akong dugo dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Tama na. Huwag mo siyang saktan, ako na lang ang saktan mo!" sigaw ni Jerome na nakapagpaagaw ng atensyon ni Tiffany. She smirk at Jerome.

"Hanga din ako sa pagmamahal mo kay Hazel, Jerome. Kung ako sana yung minahal ay hindi mangyayari lahat ng to. Hindi ko gagawin lahat ng mga ginagawa ko kung minahal mo lang ako," sabi ni Tiffany. Bakas sa tono ng pananalita niya kay Jerome ay malapit ng tumulo ang mga luha niya.

"Asa ka naman na mamahalin kita. Kahit sinong lalaki ay hindi kayang mahalin ang isang tulad mo na masama ang ugali kaya kahit kailan ay hinding hindi kita mamahalin. Tandaan mo yan, Tiffany," madiing sabi ni Jerome. Napatango tango si Tiffany.

"Mas mabuti ng magpaalam ka na lang sa babaeng mahal mo, Jerome," sabi ni Tiffany at mas lalong itinutok ang baril sa akin. Nanatili pa rin akong tahimik. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng mga pulis?

"Hindi mo alam kung paano gamitin yan," biglang sabi ni Jerome.

"Alam ko kung paano gamitin to. Nagamit ko na to sa mga magulang ko at sa ampon kong kapatid," sabi ni Tiffany. Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ako makapaniwalang pinatay niya ang sarili niyang mga magulang. Nabalitaan kasi na may pumatay sa mga magulang niya at kapatid niyang lalaki sa mismong bahay nila. Ang akala nga ay baka may ng loob kaya namatay ang mag-asawang Brilliantes at ang anak na lalaki nito noong isang buwan. Hindi ko akalain na kayang gawin ni Tiffany na patayin ang sarili niyang magulang.

"Wala kang puso. Pati sarili mong mga magulang ay nakuha mong patayin dahil lang sa wala kang maramdaman na pagmamahala sa kanila at inggit na nararamdaman mo para sa kapatid mo," sabi ni Jerome. Halatang hindi na gustuhan ni Tiffany ang sinabi ni Jerome kaya...

*BANG* 

Nakalabit niya ang baril buti na lang at hindi na sa akin nakatutok ang baril kundi sa gilid ko. 

"Kung ikaw na lang kaya ang unahin ko, Jerome," sabi ni Tiffany at kay Jerome na itinutok ang baril.

"Mas mabuti ngang ako na lang ang unahin mo kung kaya mong patayin ako, ang lalaking mahal mo," sabi ni Jerome.

"Nagawa ko nga sa magulang ko sayo pa kaya. Alam mo wala akong pakialam kung ikaw man ang taong mahal ko," natatawang sabi ni Tiffany.

"Ako na lang ang patayin mo wag na si Hazel. Pakawalan mo na siya," sabi ni Jerome. 

Tinanggal ko na ang pagkakatali ng kamay ko at pati na rin yung sa paa ko hindi na nakatingin sa akin si Tiffany.

"Kung hindi ka din naman magiging akin. Mas mabuting patayin na kita sa harap ni Hazel para hindi mo makitang mamatay ang babaeng mahal mo sa harapan mo," sabi ni Tiffany. Itinutok niya kay Jerome ang baril na hawak niya. No! Hindi pwedeng mamatay si Jerome.

Tumakbo ako palapit kay Jerome para saluhin ang bala na tatama sa kanya.

Gagawin ko ang lahat para sa kanya, ganun ko siya kamahal. Kaya kong itaya ang buhay ko, para sa lalaking mahal ko.

JEROME'S POV

"Kung hindi ka din naman magiging akin. Mas mabuting unahin na kita para hindi mo makitang mamatay ang babaeng mahal mo sa harapan mo," sabi ni Tiffany. Yumuko ako at pinikit ang mga mata ko.

Tanggap ko na ang mangyayari sa amin. Hanggang dito na lang kami.

*BANG*

Nang marinig ko ang putok na baril ay nagtaka ako dahil wala akong naramdaman na balang tumama sa akin kaya minulat ko ang mata ko.

Nabaril siya. Isinalba niya ang buhay ko. Tinanggal ko na ang pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Nang matanggal ko na ang pagkakatali sa akin ay nilapitan ko si Hazel. Iniangat ko ang ulo niya na nahiga na sa sahig.

"Hazel bakit ginawa mo yun?" naluluha kong tanong. Tumingin siya sa mga mata ko.

Nanghihina niyang iniabot ang mukha ko. "J-Jerome... tatandaan mo... gagawin ko ang lahat... para sayo," Nanghihina sabi niya. Tumulo na ang luha ko, sobrang sakit sa akin na makita siyang ganito nang dahil sa akin.

"Hazel huwag kang bibitaw, dadalin kita sa hospital. Hold on," umiiyak kong sabi.

"You don't have to... Sabihin mo na lang kanila Mom and Dad... na mahal na mahal ko sila," hinawakan ko ang kamay niya.

"Hazel huwag mong sabihin yan. Mabubuhay ka!" sigaw ko.

"Jerome, isa lang ang gusto kong sabihin ngayon..... Mahal na mahal kita," sabi niya at unti-unting pumikit ang mga mata niya.

"HAZEL! HUWAG MO AKONG IWAN!" Humahagulhol kong sigaw. Napatingin ako kay Tiffany. 

"Kagagawan mo ang lahat nang ito. Kung hindi dahil sayo hindi siya mababaril. Kapag may nangyaring masama sa kanya hinding hindi kita mapapatawad. Pagbabayaran mo ang lahat ng ito," galit kong sabi.

Narinig kong may padabog na nagbukas ng pinto at pumasok ang mga police. Agad ni lang pinusasan si Tiffany. Binuhat ko na si Hazel at lumabas na ng bahay ni Tiffany.

Lumapit sa akin si Tito Laurence at Tita Chrizel.

"Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Tito Laurence.

"Binaril po siya ni Tiffany," sagot ko. Nag simula ng umiyak si Tita Chrizel.

"Isakay mo na siya sa kotse. Bilis! Dadalin na natin siya sa hospital," sabi ni Tito kaya isinakay ko na siya sa kotse. Please Hazel, lumaban ka.

********** 

Pagkarating sa ospital ay agad siyang pinasok sa loob ng OR. Naiwan kami dito sa labas at umupo sa waiting area. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kamay ko. 

"Sabihin mo sa akin, Jerome. Ano ang nangyari sa anak ko?" tanong ni Tito Laurence.

"Hindi naman po talaga siya ang mababaril, Tito. Ako dapat ang tatamaan ng bala, kaso humarang siya at siya ang nabaril," sabi ko ng hindi tumitingin kay Tito at nakayuko lang.

Hindi na umimik si Tito at umupo na lang sa tabi ni Tita Chrizel. Hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya kay Hazel. At lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Kasalanan ko to. Ako dapat yung nabaril, ako yung dapat nasa loob OR ngayon at hindi siya," wala sa sariling sabi ko. Nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Tita Chrizel.

"Sshh... Wag mong sisihin yung sarili mo. Mahal ka ni Hazel kaya niya ginawa yun. Alam ko kung bakit niya itinaya ang buhay niya para sayo, Jerome. Mahal na mahal ka ng anak ko, ngayon lang siya may ipinakilalang lalaki sa amin dahil mas gugustuhin niyang sunduin ang gusto ng Daddy niya. Itinaya niya yung buhay niya para sayo," umiiyak na sabi ni Tita.

Alam kong hindi din niya kakayanin kapag nawala si Hazel sinusubukan niya lang na maging matatag dahil alam niyang pareho lang ang nararamdaman namin.

"Hindi ko po kayang mawala si Hazel, Tita. Mahal na mahal ko po siya, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kapag nawala siya. Ayoko na pong mawalan ng taong mahal ko," tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Kahit ako, hindi ko kakayanin na mawala siya. Siya lang ang nag-iisang anak ko," sabi ni Tita.

"Kamusta si Hazel?" tanong ni Kath na kakarating lang. Kasama niya din sila Mama, Ate Chriz at Kuya Raven.

Magsasalita na sana ako ng lumabas na yung Doctor kaya napatayo kami agad pati na ang kanina pang walang imik na si Tito.

"Kamusta na ang anak ko?" nag-aalala tanong ni Tito.

"I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat pero hindi niya talaga kinayang lumaban. She's dead. Malalim ang naging tama ng bala sa kanyang puso. I'm sorry Mr Calliego and Mr Candelaria," parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Napaupo ako sa sahig. Lalong umiyak si Tita Chrizel.

"Kath!" sigaw ni PJ ng mawalan ng malay si Kath na nasalo naman niya agad at dinala na sa ER.

Hindi! Hindi totoong patay na siya. Dali-dali akong tumayo at pumasok sa loob ng OR.

Niyakap ko siya. "Hazel! Huwag mo akong iwan," humahagulhol kong sabi.

"Sir bawal po kayo dito," suway sa akin ng nurse, pero hindi ko siya pinansin. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makita ko siyang buhay at ang masayang Hazel.

"Hazel! Huwag mong gawin sa akin ito. Hindi ito ang gusto ng magulang mo at ng mga taong nagmamahal sayo. Mabuhay ka! Hazel," sigaw ko, pilit akong pinapaalis ng nurse pero nanglalaban ako.

Sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Parang ilang beses sinaksak ang puso ko.

"Hazel, huwag mo akong iwan dahil mahal na mahal kita," sabi ko.

"Doc! Nagkaheartbeat po uli yung pasyente!" sigaw nung nurse. Napatingin ako sa monitor at nagkaroon nga ng heartbeat.

"Mr Calliego lumabas po muna kayo," sabi ng doctor at pinipilit akong palabasin pero nanlalaban ako.

"No hindi ako lalabas, gusto kong makita kung paano siya lumalaban," seryosong sabi ko. Wala din naman silang nagawa kundi ang pabayaan ako at inasikaso na nila si Hazel.

Hazel, salamat dahil lumaban ka. Mahal na mahal kita...