HAZEL'S POV
Ang sakit ng batok ko paggising ko. Nakatali pa rin kasi kami sa upuan. Wala pa rin akong makita dahil may blindfold pa rin.
Nakakakita lang ako ng may nagtanggal ng blindfold sa akin. Nilibot ko yung paningin ko, medyo lumiwanag na ang paligid dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa maliit na bintana nitong kwarto. Napaangat ako ng tingin para malaman kung sino yung nagtanggal.
Ito yung lalaki na kasama nung manyak kahapon. Buti nga at hindi yung manyak ang kaharap ko ngayon.
"Pakawalan mo na kami, please," sabi ko sa lalaki.
"Hindi pwede, Miss. Ako ang malilintikan kay Madame. Kailangan ko din kasi ng pera," sabi nung lalaki. Halata sa mukha nung lalaki na sobra niya talagang kailangan ng pera kaya niya nagawa to.
"Bakit kailangan mo ng pera?" tanong ko sa kanya.
"Nasa hospital kasi ang kapatid ko at kailangan niya ng ma-operahan kaya kailangan ko ng malaking halaga ng pera para dun," malungkot na sabi niya. Napatingin ako kay Jerome na nakatingin sa amin.
"Tutulungan kitang mapa-operahan ang kapatid mo basta ay tutulungan mo kami," sabi ko. Nakita ko sa mga mata niya na nagdadalawang isip pa siya.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwarto dahil hinihintay ko ang magiging sagot nitong lalaki sa harap ko.
"Ano bang tulong ang gusto mong gawin ko, basta siguraduhin mong maooperahan ang kapatid ko?" tanong niya. Napangiti ako dahil pumayag siya.
"Pangako ko yan sayo. Gagaling ang kapatid mo basta gagawin mo ang ipapagawa ko sayo," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.
Sinabi ko na sa kanya ang gagawin niya. Hindi naman siya mahihirapan sa ipapagawa ko sa kanya eh.
"Sige susubukan kong gawin," sabi niya bago lumabas nitong kwarto.
"Hon, sigurado ka bang matutulungan niya tayo?" tanong ni Jerome kaya Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Sigurado akong matutulungan niya dahil alam kong mabuti siyang tao. Kailangan niya lang talaga ng pera para sa kapatid niya kaya niya nagawa to," sabi ko kay Jerome.
"Paano kapag hindi niya nagawa ang pinapagawa mo?" tanong ni Jerome.
"Wag ka ngang nega dyan, Hon. Think positive. Diba gusto mong maaalis dito, siya lang ang makakatulong satin," sabi ko. Tumango na lang siya.
**************
Napatingin ako sa pintuan nitong kwarto ng bigla itong bumukas at pumasok ang lalaking kausap ko kanina at may dala siyang pagkain.
Lumapit ito sa akin at tinanggal ang pagkakatali ng lubid sa kamay ko. Yung sa kamay ko lang talaga ang tinanggal niya at hindi niya tinanggal yung pagkakatali ng mga paa ko, ibig sabihin ay hindi niya pa nagagawa ang pinapagawa ko.
"Hindi ko pa nakukuha yung pinapakuha mo na kay Madame kasi ang mga gamit niyo. Hindi ko din kayo mailalabas dahil maraming bantay sa labas," sabi niya. Lumapit siya kay Jerome at tinanggalan din niya ang pagkakatali nito sa kamay.
Napatingin ako sa waist ko. Namumula at may mga sugat na dahil sa higpit ng pagkakatali.
"Kumain muna kayo. Susubukan kung kunin mamaya yung pinapakuha mo, Ms Candelaria," sabi niya at binigay na niya yung pagkain namin.
"Hazel na lang. Masyadong pormal kapag apelyido ko pa. Ikaw anong name mo?" sabi ko.
"Dan ang name ko," sabi niya at umupo sa isang upuan na nandito. Tumango na lang ako at kumain na.
"Sino yung amo niyo?" tanong ni Jerome.
"Hindi ko alam kung anong pangalan niya basta Madame ang tawag namin sa kanya. Magkasing edad nga lang ata kayo," sabi ni Dan.
"Nasaan ang amo mo, baka bigla na lang siyang pumasok dito at makitang tinanggal mo ang pagkakatali namin?" sabi ko.
"Hindi niya malalaman dahil umalis siya kasama ang kasama ko kahapon," sabi niya. Tumango na lang ako.
Pagkatapos kumain ay tinalian niya na ulit kami dahil baka mahuli kami nung mga ibang bantay at isumbong siya. Piniringan na niya kami ulit kami.
*************
Napatingin ako sa may nagtanggal ng blindfold sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino siya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita pagkatapos ng graduation.
"T-Tiffany, ikaw ang magpakidnap sa amin?" gulat kong sabi. Napatingin ako kay Jerome na nakatingin sa amin wala siyang piring pero may takip siya sa bibig.
"Oo ako nga, sa totoo lang ikaw lang dapat ang ipapakidnap ko kaso kasama mo pala ang fiancee mo kaya pati siya ay nadamay," sabi ni Tiffany. Tumingin pa siya kay Jerome ng sabihin niya ang 'fiancee'.
"Ano na naman ba ang kailangan mo at bakit mo kami pinakidnap?" tanong ko sa kanya.
"Kailangan? Wala akong kailangan, ayoko ko lang talaga kayong maging masaya samantalang ako ay miserable," May diing sabi niya.
"Nasisiraan ka na talaga ng bait, Tiffany. Nanahimik na kami kaya pakawalan mo na kami at please tigilan mo na kami," pagmamakaawa ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
Magsasalita na sana siya ng biglang may nagring. Kinuha niya yung cellphone. Itinapat niya sa akin yung phone. Nakita kong phone ko pala yung hawak niya.
Mom calling...
"Alam mo nakakainggit ka. Mahal na mahal ka talaga ng parents mo, Hazel. Tawag sila ng tawag sayo. Sobrang nag-aalala sila siguro sayo ngayon. Samantalang ako ay nikunting katiting na pagmamahal mula sa magulang ay wala akong naramdamang pagmamahal at pag-aalala sa kanila," mahabang sabi niya. Nakita kong may mga luha ng tumulo sa mga mata niya.
"Impossibleng hindi ka mahal ng magulang mo. Dahil kong hindi kanila mahal ay hindi ka na sana nila binuhay ngayon. Mahal ka ng magulang mo, hindi mo nga lang makita kong anong way yung pagmamahal na ipinapakita nila sayo," seryosong sabi ko sa kanya.
"Wag mong sabihin yan dahil wala ka sa posisyon ko, hindi mo nararanasan yung mas uunahin pa nila ang trabaho kay sa anak nila, na parang hangin ka lang sa kanila. Kaya wala kang karapatan na sabihin akong mahal ako ng magulang ko!" napapalakas na ang boses niya.
Tumahimik na lang ako dahil hindi ko naman siya makukunbinsi kapag nagsalita pa ako.
"Gusto mo bang malaman lahat ng dahilan kung bakit ginagawa ko to sa inyo? Gusto mo bang malaman ang rason kung bakit siniraan ko si Kath noon, kung bakit kita ikinulong sa loob ng storage room at kung bakit ko gustong hindi kayo maging masaya?" tanong niya. Tumango na lang ako dahil gusto ko din naman talagang malaman.
TIFFANY'S POV
Pagkatango ni Hazel at muli kong inalala lahat ng pinaggagawa ko. Ang dahilan kung bakit ko siniraan si Kath noon. Kung bakit nasira ang pagkakaibigan naming dalawa.
*FLASHBACK*
(4 years ago)
(A/N: Itong flashback ni Tiffany ay ikinukwento niya kanila Hazel.)
Isang buwan na ang nakalipas ng ipakilala ko si Carl, ang boyfriend ko kanila Vanessa. At simula noong araw na yun ay bigla na lang siyang nang lamig sa akin.
Pinapansin nila lang ako kapag kasama namin sila Vanessa, Angel at Kath. At may napansin ako kay Carl tuwing kasama namin yung tatlo. Palagi siyang nakatingin kay Kath at patagong ngumingiti.
Nandito kaming dalawa ni Carl sa likod ng building ng Department nila.
"Sabihin mo nga sa akin, Carl. May gusto ka ba kay Kath?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Ano ba yang sinasabi mo ha, Tiffany?" mahinahon niyang tanong sa akin.
"Huwag ka ng mag-maang maangan. Sagutin mo yung tanong ko! May gusto ka ba kay Kath kaya nanlamig ka na sa akin?! Kaya ka nakipagrelasyon sa akin ha?!" napapalakas na yung boses ko.
"Oo! May gusto ako sa kanya matagal na!" sigaw niya sa akin. Tumulo na yung mga luha ko.
"N-Niloko mo lang ba ako? G-Ginamit mo lang ba ako para mapalakit ka kay Kath?" umiiyak kong tanong sa kanya.
"Oo, ginamit lang kita. Hindi naman talaga kita mahal. Si Kath ang totoong mahal ko," sabi niya. Sinampal ko siya.
"B-Bakit? Bakit mo nagawa sa akin to? Anong meron si Kath na wala ako ha?" umiiyak kong tanong sa kanya.
"Wala na akong dapat pang ipaliwanag sayo. Mas mabuti na lang siguro na maghiwalay na lang tayo tutal hindi naman kita mahal," sabi niya tumalikod na sa akin at nagsimula na siyang maglakad palayo.
Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Please huwag mo kong iwan. Pag-usapan natin. Mahal na mahal kita. Please," pagmamakaawa ko. Pinipilit niyang tanggapin ang mga braso kong nakayakap sa kanya pero lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Let me go. Wala na tayong dapat pang pag-usapan dahil tapos na tayo," sabi niya.
"No, please," pagmamakaawa ko.
"AYOKO NA SAYO!" sigaw niya na lalong nagpa-iyak sa akin at tuluyan na niyang natanggal yung kamay ko at naglakad na siya paalis.
Agad kong pinunasaan ang mga luha ko at agad pumuntang cafeteria. Hinanap ko si Kath at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko naman siya kasama sila Vanessa.
Agad akong lumapit sa kanya at agad siyang sinampal. Napahawak naman siya sa pisngi niya dahil sa lakas ng sampal ko.
"Kasalanan mo kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Carl. Napakalandi mo!" sigaw ko kay Kath.
"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong ginagawa sa inyo," sabi niya.
"Anong wala? Nilandi mo si Carl kaya siya nakipaghiwalay sa akin," galit kong sabi sa kanya.
"Hindi ko nilandi si Carl," sabi niya.
Dahil sa galit ay agad kong hinila yung buhok niya at sinabunutan siya.
"Tiff, tama na," suway ni Vanessa at pilit na inaawat kami.
May umawat sa amin at pumagitna sa aming dalawa ni Kath. May mga humawak sa akin at pinigilan akong lumapit kay Kath. Napatingin ako sa babaeng pumagitna sa amin, si Hazel.
"Ano bang problema mo ha? Kung nakipaghiwalay sayo ang boyfriend mo, wag mong isisi sa iba," sabi ni Hazel.
"Wag kang mangialam dito. Wala kang alam. Nilandi niya si Carl," sabi ko.
"Wala siyang nilalandi. Kung nilandi niya ang boyfriend mo nasaan ang katunayan na ginawa niyang panlalandi sa boyfriend mo. Wala diba ibig sabihin wala siyang nilalandi," sabi nito.
"Wag ka nga sabing mangialam dito!" sigaw ko kay Hazel.
"May boyfriend si Kath kaya hindi niya nilandi ang boyfriend mo. Ikaw ang problema kaya nakipaghiwalay ang boyfriend mo sayo dahil ang sama ng ugali mo," sabi niya at hinila na niya palabas ng cafeteria si Kath.
*FLASHBACK END*
"Huwag mong isisi sa iba na hindi ka minahal ng taong mahal mo dahil hindi naman sila ang may kasalanan nun," sabi ni Hazel.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan. Hindi mo alam ang pakiramdam ng hindi ka mahal ng mga magulang mo at ng taong mahal mo." naluluhang sabi ko.
"Naiintindihan kita kung bakit mo siniraan si Kath, nagmahal ka lang Tiffany. Alam ko ang pakiramdam ng hindi ako mahal ng taong mahal ko. Kagaya mo nagmahal din ako ng taong hindi naman ako mahal pero kahit kailan ay hindi ko sinisi ang ibang tao dahil sa hindi ako minahal ng taong mahal ko," mahabang sabi ni Hazel habang nakatingin kay Jerome.
Lumapit ako kay Jerome at tinanggal yung takip niya sa bibig. Masama ang pagkakatingin nito sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Kung nakakamatay ang masamang tingin ay siguro patay na ako ngayon.
"Ano na naman ba tong ginagawa mo ha? Nahihibang ka na ba talaga ha?" galit na sabi nito sa akin. Tumingin ako ng diretso sa kanya.
"Alam mo bang ikaw ang dahilan ko kung bakit ko ito ginagawa. Ikaw din ang dahilan kung bakit ikinulong ko si Hazel sa storage room ng University," sabi ko sa kanya. nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko.
"Nababaliw ka na ba ha? Paano ako ang magiging dahilan eh ika---" Hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita ako agad.
"Dahil mahal kita. Nagpakatanga at nagpakabulag ako sa pagmamahal ko sayo kaya nagawa ko yun kay Hazel. Nagkamali na naman ako ng minahal na tao," umiiyak na sabi ko kay Jerome. Si Jerome naman ay nakatitig sa akin at natahimik.
Napatingin ako kay Hazel. Halata sa kanya na nagulat siya sa mga sinabi ko.
"Kaya ayoko ko kayong maging masaya dahil nasasaktan ako. Bakit ba hindi ako minamahal ng mga minamahal ko?" sabi ko sa kanila.
"Hindi ka nila mamahalin dahil masama ang ugali mo," sabi ni Hazel.
"Tumahimik ka," sabi ko kay Hazel.
Hindi na lang ako umimik at lumabas na ng kwarto. Lumabas ako ng warehouse at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko at humagulhol.
Kung hindi din naman magiging akin si Jerome, mas mabuting mamamatay na lang sila parehas.