Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 26 - CHAPTER 25

Chapter 26 - CHAPTER 25

HAZEL'S POV

4 MONTHS LATER...

Tahimik lang akong naglalakad papasok ng University. Maaga kasi akong pumasok ngayon.

"Good morning, Hon," bati ni Jerome at humawak sa bewang ko at mas nilapit sa kanya. My god! Amoy na amoy ko yung gamit niyang pabango.

"G-Good morning," nauutal kong sabi. Paano ba naman kasi ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Suot mo na naman," sabi niya. Ang tinutukoy niya is yung necklace na binigay niya sa akin.

"Ayaw mo ba? Gusto mo bang tanggapin ko na lang?" tanong ko. Lumayo ako ng unti sa kanya at tatanggalin na sana ng pigilan niya yung kamay ko.

"Biro lang. Gustong gusto ko ngang nakikitang suot mo yan eh," sabi niya. Ngumiti naman ako.

BREAKTIME...

Kanina ko pa hinahanap si Jerome. Wala kasi siya sa office kaya naisipan kong pumunta sa locker room dahil baka may kinuha lang siya sa locker niya.

Pagkarating ko sa locker room ay narinig akong boses na nag-uusap. Si Jerome at si...

Kausap niya si Clarence? Bakit kaya? Mukhang seryoso sila sa pinag-uusapan nila. Lumapit ako pa sa kanila pero yung hindi nila ako makikita. Nacu-curious lang naman ako.

"Tell me you're serious about Hazel. She's like a sister to me. And I don't want her getting hurt," seryosong sabi ni Clarence.

"Hindi ko kailangan mag-explain," sagot ni Jerome.

"Bakit? Ano bang kinakatakutan mo? Sasabihin mo lang naman. Do you love Hazel?" tanong ni Clarence. Hinintay ko yung sagot ni Jerome. He didn't answer, that's hurts.

Kulang pa ba? Hindi pa rin ba sapat? Is there really no way, he'll fall in love with me?

"Jerome? Niloloko mo lang ba si Hazel? Pinaramdam mo lang ba na mahal mo siya kahit hindi naman. Mas mabuting ng maghiwalay kayo kaysa ikasal kayo na hindi naman kayo nagmamahalan," sabi ni Clarence. Naramdaman kong tumulo na yung mga luha ko.

"Bakit ba Clarence? Hazel and I, okay lang kami. Magkaibigan kami, kaya naman naming tumagal na magkasama," sabi ni Jerome.

Ang sakit. Hanggang ngayon pa rin ba ay kaibigan lang ang turing niya sa akin, hindi na ba hihigit pa sa pagkakaibigan ang maiituturing niya sa akin? Ano yung mga pinaramsam niya sa akin niyong makalipas na buwan, wala lang ba yun para sa kanya?

Ilang beses ba dapat masaktan para masabi na tama na? Ilang beses ba dapat umiyak para masabi mong pagod ka na? Ilang beses ko kailangang magpakatanga para marealize mong may ako, na kahit paulit ulit mong saktan, paiyakin at baliwalain eh handa pa rin kitang mahalin?

"Kasi Magkaibigan kayo? Sa tingin mo dahil magkaibigan kayo, okay lang na magpakasal kayo? Why can't you go over the fact that Kath is married and you can never have her... ever," sabi ni Clarence. Nanlaki ang mga mata ko. Paanong nalaman ni Clarence yung tungkol dun?

"What the hell?! Paano--"

"Observant ako at hindi ako tanga. Akala mo ba hindi ko alam? Well, mali ka don. Now tell me--" Hindi na na tapos ni Clarence yung sasabihin niya dahil magsalita agad si Jerome.

"Ano bang gusto mong pang malaman? Na Mahal ko si Kath, na kahit kasal na siya mahal ko parin siya. Na siya lang ang minahal ko? At hindi ko siya magagawang kalimuntan?--" Hindi ko na narinig ang iba pang pinag-uusapan nila Jerome at Clarence dahil nag lakad na ako palayo.

Hanggang ngayon si Kath pa rin ang mahal niya? Ano bang meron si Kath na wala ako? Lahat naman ay nasa akin na. Pero bakit ganon, hindi pa rin niya ako nakuhang mahalin?

I don't want to listen anymore. I shouldn't have in the first place, then maybe I won't be hurting this time. It's hurt's when you have someone in your heart but you can't have them in your arms. It hurts knowing you tried doing your best and it still wasn't good enough.

But can I live like that? A lie? Can I live with a lie?

Ano nga ba yung tanong ko kanina? If hindi pa rin sapat and if there's really no way he'll fall in love with me..

I guess, I guess I have the answer now.

KINABUKASAN...

Maaga akong nakatulog kagabi. Which means I'm still lucky.

With all that I'm going though right now, sa mga narinig ko. I don't think any same people can sleep at night. Which means I'm insane.

But I already know that. Sino bang matinong tao ang aasa ng gantong katagal? Sino bang matinong tao ang magmamahal ng lalaking hindi ka naman kayang mahalin? Sino bang matinong tao na aasa na balang araw ay mamahalin ka din niya kahit impossible namang mangyari?

Only those people who's insane at love like me. Only those people who's blind in love like me.

Nandito ako sa table ko dito sa SSC Office ngayon.

Yeah, Yeah. Same old, same old... The same Hazel na nakikita nila araw araw, no one will ever see that I'm breaking piece by piece inside. Because I'm so good at hiding my feelings. I'm so use to it.

"Hazel?" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

Oh, here he is... The reason of my heartbreak.

I smiled at him.

"Yes?"

"Anong gusto mong lunch?" tanong niya.

"Kahit ano na lang," sabi ko at tumayo na. Gusto ko munang mag-ikot ikot at makapag-isip isip na din.

"Hazel?" Napahinto ako at nilingon ko si Jerome.

"Hmmm?"

"Something's wrong... What is it?"

"Nothing... I'm fine," natatawang sabi ko at umiwas ng tingin. Nagmamadaling lumabas na ako ng office. Naglakad lakad na ako.

**********

Nang nakaramdam na ako ng pagod. Syempre kailangan ko na uling bumalik sa office. Kahit ayoko munang makita si Jerome, wala akong magagawa.

I still don't want to cancelling the wedding. Yes, maybe I'm such an idiot for not cancelling it, but I need to do this one time. I can of the take the hunt just not everything.

Binuksan ko yung pintuan ng office. Hindi natuloy kasi narinig ko si Jerome na may kausap sa phone. Dalawang beses niya rin yung pinatay, meaning hindi sumagot yung caller.

"Kath... I'm... I want to tell you something-- Shit!"

Kath? Again?

"Kath?... I want to tell you something... I want to make sure that..."

Pumasok na ako. Napatingin sa akin si Jerome at tinago niya yung phone. Ngumiti siya sa akin.

Damn it! It hurts so much.

"Hazel. Nandito na yung pagkain mo," sabi niya. Tumango ako.

"Okay. We're you talking to someone? Baka nakakaistorbo ako--"

"No. I'm just calling my friend," he said.

"Ahh. Cool," sabi ko na lang. Why did he lied? Bakit kailangan niya pang itago sa akin?

"Jerome?" tawag ko. Lumingon naman siya.

"Hmmm?"

"I want to ask you something...na dapat tinanong ko na sayo before," sabi ko.

"What is it?"

"Do you love me?" tanong ko. Mukhang nagulat siya sa tanong ko. I guess... Hindi niya ini-expect na ito ang itatanong ko.

"Hazel."

"Just answer it Jerome. It's okay," sabi ko.

"I love you, Hazel," Tumulo yung luha ko.

Heaven knows kung gaano katagal ko tong hinintay. Na sabihin niyang mahal niya rin ako. But I'm not happy.

Because I know na he said it because he knows that what I want to hear.

Akala ko wala ng sasakit pa sa lahat ng nararamdaman ko. Pero mas masakit pala to. Mukha bang kailangan ko ng awa? Awa na lang? Bakit kasi kung sino pa yung tunay na nagmamahal siya pa yung laging nasasaktan?

I can see in his eyes na kahit si Jerome ay hindi siya sigurado sa sinabi niya. I can't see it and it hurts so much.

"T-Thats good to hear. Hey, Jerome. Alis muna ako saglit, may kukunin lang ako sa mansion namin," sabi ko.

"Hazel--" Hindi ko na siya pinatapos. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglabas. Pumunta na ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na yun paalis.

Pero hindi ako dumiretso sa mansion... Sa bahay nila Kath at PJ ako pumunta. pagkarating ko sa bahay nila Kath ay lumapit yung isa sa mga maids nila Kath sa akin.

"Ma'am Hazel? Wala po si Ma'am Kath dito," sabi nung maids.

"Si PJ nandito ba?" tanong ko.

"Wala din po," sagot nung maids.

"Ganon? Punta lang ako sa kwarto nila may kukunin lang ako," sabi ko.

"Okay po, Ma'am," Umalis na siya at bumalik na sa kusina.

Pumunta na ako sa kwarto nila Kath at PJ. Pumilas ako sa isang notebook at may isinulat. Pagkatapos kong magsulat ay inilagay ko yun sa table ni Kath. Then umuwi na ako sa mansion.

"Hija, Bakit nandito ka? May pasok ka diba?" tanong ni Manang na kakagaling lang ng kusina. Hindi ko siya pinansin at dirediretso ako papunta sa kwarto ko. Kinuha ko yung bagahe ko sa cabinet at nag-impake na.

Nang matapos na akong mag-impake ay lumabas na ako ng kwarto ko. Buti na lang at nasa company pa sila Mommy. Wala din si Mamita, hindi niya makikita kung gaano ako nasasaktan ngayon. Mas mabuti na rin na wala sila, hindi nila ako makikitang umalis. lumabas na ako ng mansion at sumakay na ulit sa kotse ko.

I need to get away from here. I can't take it anymore. I always thought that love is blind, that i am blind. For loving someone that would never love me back. But now, I truly understand, that I'm wrong. That love can see, but i just. But i just didn't care to mind.

Kath,

I love him... I tried to love him from afar... I tried to be his friend... I tried to make him mine... But now, I'm trying to let go.

-Hazel

**********

JEROME'S POV

Kanina pa ako nandito sa SSC Office. Hinahantay ko si Hazel, hindi na kasi siya bumalik kahapon. Ewan ko kung bakit wala pa siya ngayon dito. Ang pagkakaalam ko ay hindi naman siya nalelate, siya pa nga ang unang dumadating dito.

Napatayo ako sa gulat ng may padabog na bumukas ng pintuan ng SSC Office, Si Kath. Lumapit ako sa kanya.

"Kath, nakita mo ba si Hazel? Kanina--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng magulat ako sa ginawa niya.

*SLAP* What the hell? Napahawak ako sa pisngi ko. She slap me. Ang lakas nun ha.

"Kath?" tawag ko.

"Damn you, Jerome!" galit na sabi ni Kath. Ano bang problema niya? Bakit galit na galit siya? And... She's crying.

"Kath..."

"Ano na namang ginawa mo? What stupidity have you done this time?" galit na tanong ni Kath. Kumunot yung noo ko, hindi ko siya maintindihan.

"What--" Hindi na niya ulit ako pinatapos sa pagsasalita dahil may inilagay siya sa kamay ko ng isang piraso ng papel.

Kath,

I love him... I tried to love him from afar... I tried to be his friend... I tried to make him mine... But now, I'm trying to let go.

-Hazel

"Anong ... anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko.

"Can you read? Are you really that stupid! Well I think maybe this can convince you more... Ang sabi ko sa sarili ko dati ibibigay ko na lahat sa inyo yung copy, pero tinago ko pa rin yung isa. Now watch," sabi ni Kath. Inabot niya sa akin yung cellphone niya.

A video... A video of me and Hazel... A very familliar one.

"Ma. Hazel Candelaria. Alam mo ba matagal na kita ng mahal? Alam ko kaibigan kita pero mahal na mahal kita. Hindi talaga ako interesado sa pakikipagrelasyon, pero nakuha mo yung atensyon ko. Mula noon hindi na ako uli tumingin sa ibang babae, pero may mahal kang iba eh. Ang sakit-sakit, pero anong magagawa ko? Mahal kita eh...okay na to...at least alam kong nandiyan ka parin sa tabi ko kahit hindi ka magiging akin."

Napansin ko yung isang bagay na hindi ko na pansin dati. Her eyes... Hazel's eyes. She's crying, and she looks broken... but then. Her eyes harden, like yung nakita ko sa mga mata niya kahapon... Like she's hiding something.

Narinig kong nagsalita si Kath sa video.

"I-Ikaw naman Hazel."

"Jerome Calliego. Mahal na mahal kita unang kita ko pa lang sayo. Sobrang mahal, pero may mahal kang iba. Kaya okay na ako sa ganto. Minsan naisip ko kung tama yung sinasabi nila. Na maganda ako, mayaman, matalino at lahat daw ay nasa akin na. Lahat daw na gusto ng mga lalaki na sa akin na. Naisip ko kung totoo ba yon, kasi bakit ikaw. Hindi mo ako magustuhan katulad ng ibang lalaki na sinasabi nila. Sana ako na lang kasi. Bakit hindi na lang ako. May kulang pa ba sakin?"

Naalala ko tuloy yung araw ng kasal ni Kath. After na mag-usap kami ni Kath nun. Nasa isang tabi ako nun ng simbahan at umiiyak. Tumayo ako non ng mag-simula na yung kasal. Pumunta ako sa gilid ng simbahan.

*FLASHBACK*

"Hey! Bawal ang iyakin dito," Nilingon ko yung nagsalita, si Hazel lang pala. pinahid ko yung luha ko.

"Wala to," sabi ko.

"Tears of joy?" tanong nita

"Yes, finally. Kasal na ang kaibigan natin," sabi ko. Nakatitig lang siya sa akin. Her eyes, it's different. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I'll be fine Jerome... You don't need to cry," sabi niya.

"I know," sabi ko

"Kung sana lang..."

"Ano?" tanong ko.

"Ha? Ammm. Wala...halika na bumalik na tayo," aya niya. hinila na niya ako.

I can see na teary eyed din siya. Maybe... tears of joy.

*FLASHBACK END*

Kinuha na sa akin ni kath yung cellphone niya.

"You see?" tanong ni Kath.

"Hindi para sa akin yung sinabi niya---"

*SLAP*

"Kath," sabi ni PJ. Hinawakan ni PJ yung kamay ni Kath, pero nagpumiglas siya. Umiiyak na hinarap niya ako.

"Damn you for hurting Hazel this way! P-Pero... Pero damn myself because I'm the reason why the two of you are hurting this way! I just... I just wish na hindi mo na lang ako minahal. I have PJ now, Jerome. Kailan mo ba bubuksan yang mata mo para makita mo na hindi mo na ako mahal! I'm not saying na you never love me, I'm not dumb. But hindi naman impossible na nagbago na yung feelings mo," galit na sabi ni Kath. Umiiyak na siya.

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko, Kath. Don't talk as if you know my feelings," sabi ko.

"You're right. I don't know kung ano yung nararamdaman mo. Pero ikaw, alam mo ba? Do you really know what you're feelings."

"Kath, I need time to think," sabi ko.

"How much time? 5 minutes? A day? Another 2 years? Well, Jerome. Guess what? You don't have a freaking time. Hindi mo man ba naiisip na may nasasaktan ka? Right now... I don't want to wish that you and Hazel get married. Dahil kung ganiyan lang naman pala ang gagawin mo mabuti ng wag na lang kayong magkatuluyan," sabi ni Kath. Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko.

"Mahal ka ni Hazel, Jerome. Pero hindi mo siya makita dahil sa iba ka tumitingin. And she's okay with that. All this years... minahal ka niya sa malayo and I want her to be happy. I want you to be happy," umiiyak na sabi ni Kath.

"I know that," sabi ko. Mukhang nagulat si Kath.

"What did you say?" tanong niya.

"Kailangan ko munang makasigurado. I really love you Kath, and it's hard dahil its in the way... with me and Hazel. I want to be sure first, hindi ko naman gusto na mangyayari lahat ng to," sabi ko.

"What are you saying?" tanong ulit ni Kath na halatang hindi niya pa rin naiintindihan. Ngumiti sa akin si PJ. I think naiintindihan ako ni PJ kung bakit ayaw kung magsalita.

"Kath, halika na," aya ni PJ.

"PJ--"

"I'll tell you later... Right now, It's up to them," sabi ni PJ.

That's right. It's up to us... It's up to me and Hazel. To have a happy ending of our story. All I have to do is make a move to make it happen.