JEROME'S POV
Kita ko sa mga mata niya na naguguluhan siya sa sinasabi ko dahil alam kong nakita niya sa mga mata ko na hindi ako sigurado ng sinabi ko sa kaniya ang mga salitang yun dati.
"Jerome..." tawag niya sa akin.
"You heard me Hazel. Ang sabi ko, I love you," sabi ko.
"You love me?" Hindi naniniwalang tanong ni Hazel.
"Ilang beses ko bang uulitin ha? I love you, I love you, I love you, I love you, I love you," natatawang sabi ko. She smiled at me. Pero nawala agad yun. Then, kumunot ang noo niya.
"Pero nung sinabi mo yun sa akin sa SSC Office, parang hindi ka pa sigurado, narinig ko pang tinatawagan mo si Kath," sabi ni Hazel.
"The reason I want to talk to Kath. Alam kong mahal kita, pero I want to be sure. Gusto ko kapag sinabi kong mahal kita, wala na akong kahit konting doubt. That's why I want to talk to Kath," paliwanag ko.
"Why did you lie to me? Sabi mo kausap mo yung friend mo," seryosong tanong niya.
"I'm not that stupid Hazel. Alam kong magdududa ka at masasaktan pagnalaman mo na kausap ko si Kath. I just don't want you to get worried again. Hindi ko akalain na nasasaktan kita ng ganito," sabi ko. I know she can see the sincerity in my eyes.
"Hazel, I'm attracted to you the first time I get saw you. Pero, nakilala ko si Kath and I fell for her. Lagi mo na lang kasi akong binabara at lagi mo akong inaasar. So I treated you like a friend," sabi ko pa.
"Narinig ko kayo ni Clarence na nag-uusap. Sabi mo, m-mahal mo pa rin si Kath. Wag ka ng magsinungaling sa akin Jerome. Naiintindihan ko naman eh," umiiyak na sabi ni Hazel. Then she covered her eyes with her hands.
I embrace her. Ayoko siyang makita na ganito. It also hurts me to see her crying like this, I don't her to be hurt because of me again.
"Shhh... Don't cry. I'm sorry, kung nakinig ka talaga sa amin ni Charlene dapat alam mo yung huli kong sinabi. Alam kong nag tanong si Kath kay Clarence, pero wala namang sinabi si Clarence dahil iyon ang sinabi ko sa kanya," sabi ko.
"What do you mean?" Halata ng naguguluhan na si Hazel.
"Listen," sabi ko.
*FLASHBACK*
"Tell me you're serious about Hazel. She's like a sister to me. And I don't want her getting hurt," sabi ni Clarence.
"Hindi ko kailangan mag-explain," sabi ko.
"Bakit? Ano bang kinakatakutan mo? Sasabihin mo lang naman. Do you love Hazel?" tanong ni Clarence.
I didn't answer. Hindi ko kailangang mapaliwanag kahit kanino, kay Hazel lang ako mag-eexplain.
"Jerome? Niloloko mo lang ba si Hazel? Pinaramdam mo lang ba na mahal mo siya kahit hindi naman. Mas mabuting ng maghiwalay kayo kaysa ikasal kayo na hindi naman kayo nagmamahalan," sabi ni Clarence.
This guy. He's really getting on my nerves, but I know he just care for Hazel.
"Bakit ba Clarence? Hazel and I, okay lang kami. Magkaibigan kami, kaya naman naming tumagal na magkasama," sabi ko.
"Kasi Magkaibigan kayo? Sa tingin mo dahil magkaibigan kayo, okay lang na magpakasal kayo? Why can't you go over the fact that Kath is married and you can never have her... ever," sabi ni Clarence. Nanlaki ang mga mata ko. Paano?
"What the hell?! Paano--" Hindi ako pinatapos ni Clarence sa sasabihin ko.
"Observant ako at hindi ako tanga. Akala mo ba hindi ko alam? Well, mali ka don. Now tell me--" Hindi ko din siya pinatapos sa sasabihin niya. Nakakaasar na!
Si Kath na naman ang na sali. I loved Kath... 'Loved' past tense. My love for her now, its different the right way. I love her as a friend.
"Ano bang gusto mong pang malaman? Na Mahal ko si Kath, na kahit kasal na siya mahal ko parin siya. Na siya lang ang minahal ko? At hindi ko siya magagawang kalimantan? Hell, Clarence! Ang tsismoso mo kung yon lang ang gusto mong marinig, ayan na nasabi ko na," galit kong sabi sa kanya.
"Not enough. Inamin mo na din na hindi mo talaga gusto si Hazel, na you're playing with her," sabi ni Clarence.
"I'm not. Sinabi ko lang ang gusto mong marinig pero hindi ako aamin sayo. Hindi ako bakla pare. Aamin lang ako kay Hazel at sa kanya lang ako magco-confess, kahit sino matanong sa inyo hindi ko sasabihin hanggat hindi ko pa na-aamin kay Hazel," sabi ko. Nakangiting umiling-iling siya.
"Man, your hopeless. Dalian mo lang at mamaya niyan mahuli ka pa," sabi ni Clarence bago siya umalis.
*FLASHBACK END*
Tinignan ko si Hazel ng maikwento ko na sa kanya lahat. Nakatulala lang siyang nakatingin sa akin. Napangiti ako ng mapakurap siya.
I bend down and kiss her lips. Napangiti ako ng mapakurap siya.
"So you mean..." sabi niya.
"Yes, nagalit ka at nalungkot sa isang bagay na hindi naman totoo. I love you Hazel. Aaminin ko hindi ako sigurado sa feelings ko sayo nung pumayag ako na magkunwaring fiancee mo pero that day sumuko na rin ang puso ko sayo. Though naguguluhan pa rin ako. I'm happy, kaya hindi ko na napapansin na hindi ko pa pala nasasabi sayo, then napaisip ako ng todo..." nakangiting sabi ko.
"Na?"
"Tungkol sa future. So I want to see Kath and talk to her... To clarify things. Reality check ko na siguro ng bigla niya akong sinampal," sabi ko. Natawa siya. I touch her cheeks softly.
"I love you Ma Hazel Candelaria. I love you so much. Wag mo na ulit akong iiwan, those past days was hell. Alam kong nasaktan kita dahil sa hindi ko pag sasabi sayo kaagad, akala ko kasi action speaks louder than words eh. Pero talagang kailangan ng confirmation. I know now, I know now you're feeling ng akalain mo na mahal ko pa rin si Kath. I've been there Hazel, and I don't want you to feel that way again," sabi ko.
"Then always be with me. Wag mo na ulit akong iiwan. Always tell me you love me," she said.
"I will. I love you, you're my future now Hazel. Mahal kita, kung masasaktan man ulit kita sa future. Always remember na I wouldn't hurt you intentionally, cause when I hurt you. It's like I'm hurting myself too," seryosong sabi ko.
I kissed her again. I can feel her tears, but now. It's not tears because she's hurt. It's a tears of joy.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay ngumiti siya sa akin. Pinaandar ko na yung kotse pabalik sa mansion nila.
HAZEL'S POV
A month past since magkabati kami ni Jerome. And from these past month, nakita ko yung different side ni Jerome, yung very very sweet na Jerome.
Nakasuot kami ngayon ng black toga. Katatapos lang ng graduation ceremony namin and I'm happy because sa wakas ay nakagraduate na ako.
"Congrats, Hon," sabi ni Jerome at niyakap niya ako. Niyakap ka naman din siya pabalik.
"Gongrats din, Hon," sabi ko. Humiwalay na kami sa pagkakayakap namin at tumingin kanila Mom at Dad. Agad silang yumakap sa aking dalawa.
"Gongrats Anak/Sweetie," sabay na sabi ni lang dalawa.
"Thank you po, Mom, Dad," sabi ko bago sila maghiwalay ng yakap sa akin.
"Hazel!" Napalingon ako sa mga tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko yung apat na papalapit sa akin. Agad ko silang niyakap ng makalapit na sila sa akin.
"Congrats sa atin, Guys," sabi ko sa kanila. Humiwalay na sila sa pagkakayakap namin.
"Paano ba yan minsan na lang ulit tayo magkikita kita, dahil magiging busy na tayo," sabi ni Amber.
"Oo nga for sure. Lalo na tong sila Amber at Kath, magiging busy na yan sa mga asawa nila," sabi ko.
"Parang ikaw hindi ah. Magiging busy ka na din kaya dahil sa preparation niyo ni Jerome sa wedding niyo," sabi ni Kath.
"Nga pala, Mia. Umamin na ba sayo?" tanong ko. Umiling siya. Tumango ako.
"Meron yan, promise," sabi ko.
"Hey, Hon. Let's go," sabi ni Jerome na nakalapit na pala sa amin. Tumango naman ako.
"Paano ba yan? Kailangan mo ng umalis," sabi ni Sav.
"Bye na, guys. Bonding na lang tayo kapag may libre tayong oras," paalam ko sa kanila.
"Sige. Bye Hazel," sabi nila.
Nagsimula na kaming maglakad balik ni Jerome kung saan nandon sila Mom, kasama ang Mom at mga kapatid niya.
Pagkarating namin dun ay naabutan naming nag-uusap sila Mom at Tita Cherry. Samantalang si Dad ay may kausap sa phone. Si Mom ang unang nakapansin sa amin.
"Oh ayan na pala sila eh," sabi ni Mom. Lumapit kami sa kanila.
"Saan po kayo magcecelebrate, Tita?" tanong ko sa Mama ni Jerome.
"Sa restaurant dapat kami magcecelebrate kaso wag na lang daw sabi ng Mom mo dahil may small celebration daw sa mansion niyo," sabi ni Tita Cherry. Nagkatinginan kami ni Jerome at napangiti.
"Really?" tanong ko.
"Yes, para mapag-usapan na din natin yung sa kasal niyo," sabi ni Tita. Hindi mawala yung ngiti ko dahil sa sinabi ni Tita.
"So let's go," sabi ni Dad na kakatapos lang kausapin yung kausap niya sa phone. Tumango naman kami at sumakay na sa kotse.
**************
"Ano ng plano niyong dalawa? Kailan ang wedding?" tanong ni Ate Chrizalyn habang kumakain kami.
"Actually Ate Chrizalyn, may date na kami for the wedding, preparation na lang ang kulang," sagot ko.
"That's great," sabi niya.
"So kailan ang kasal?" tanong ni Kuya Raven.
"4 months from now, Kuya," sagot ni Jerome.
"Malapit na pala," sabi ni Kuya Raven.
"Kailangan elegant ang wedding dress mo, Dear," sabi ng Mom ni Jerome sa akin.
"I agree, lalo na at you are my one and only daughter. And I want you to be the most beautiful bride in the world, Anak," nakangiting sabi ni Mom. Napangiti na lang ako at napatango dahil sa mga sinabi ni Mom at Tita Cherry.
Hindi na ako nag-abala pang tumanggi sa mga gusto nila dahil okay lang naman sa amin ni Jerome. One in a lifetime ka lang naman ikakasal kaya mas mabuti na ring bongga.
"Kailan niyo ba sisimulan ang pag-aasikaso para sa kasal niyo?" tanong ni Mom.
"Next week po Mom and kailangan pa namin puntahan ni Jerome yung mga hotel na pagmamay-ari ng pamilya natin para sa reception and food tasting," sagot ko.
"May napili na ba kayong hotel? Dahil panigiradong mahihirapan kayong pumili dahil sa dami ng mga hotels natin," natatawang sabi ni Dad.
"Sa dami nga nun ay aabutin kayo ng siyam siyam," biro ni Mamita. Natawa naman kaming lahat dun.
"May napili na din ba kayong magaling na wedding organizer?" tanong ni Ate Samantha, ang asawa ni Kuya Raven.
"About the wedding organizer, imemeet na namin siya ni Hazel this week para pag-usapan ang theme and others," sabi ni Jerome.
"That's good," sabi nila.
*************
Pagkatapos naming kumain at pag-usapan ang tungkol sa wedding ay agad kaming dumiretso ni Jerome sa kwarto ko.
Mga sis, wag po kayong masyadong greenminded dyan. Kaya pumunta kami ni Jerome sa kwarto para tumambay sa terrace. Baka kung ano yung iniisip niyo dyan. Hahahaha.
"Ang lamig," sabi ko dahil dumaan ang malamig na hangin ng gabi. Naramdaman kong umakbay sa akin si Jerome kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano malamig pa ba?" tanong niya. Umiling ako. Humiwalay muna ako sa kanya.
"Ang boring, gusto ko may music. Saglit kunin ko lang," sabi ko.
"Alin?" tanong niya.
"Basta. Dyan ka lang," sabi ko at pumasok na ulit sa loob ng kwarto ko.
Kinuha ko sa walk in closet ko yung nakatagong gitarang regalo sa akin ni Dad nung 15 years old ako, minsan ko lang kasi to gamitin kaya nakatago lang. Bumalik na ulit ako sa terrace at binigay kay Jerome yung gitara.
"Anong gagawin ko dito?" takang tanong niya ng inabot ko sa kanya yung gitara.
"Maggitara ka at kumanta. Hindi pa kita naririnig na kumanta eh," sabi ko.
Kinuha naman niya sa akin yung gitara at agat pinatugtog. Nagsimula na siyang kumanta ng "Walang Papalit" by Music Hero.
Hindi ko inakala na ang ganda pala ng boses niya kapag kumakanta siya. Nakangiti siya habang kumakanta at nakatingin sa lang sa akin.
Bakit ba hindi ko siya pinakanta non? I love his voice. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya dahil sa ganda ng boses niya at lalong nakakadagdag sa kagwapuhan niya.
Ngumiti ako sa kanya. I love this man na nasa harap. Akala ko ay hindi na niya ako mamahalin, pero nagkamali ako. Minahal niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Buti na lang at hindi ako sumukong magmahal sa kanya kahit alam ko noon na mahal niya si Kath.
Pagkatapos niyang kumanta ay binaba niya yung gitara sa gilid ng terrace at lumapit sa akin. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap. Niyakap ko din siya.
"Ikaw lang ang tanging pag-ibig ko at wala ng makakapalit pa sayo sa puso ko, Hazel," malambing niyang sabi.
"Thank you for loving me back. Ikaw lang ang mamahalin ko at ikaw lang ang laman nitong puso ko," malambing ko ding sabi sa kanya. Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang gitara ko.
Umupo kami sa upuan dito sa terrace at kinalabit ko yung gitara. Ang sarap talaga pakinggan ang tugtog ng gitara pero mas gusto ko parin yung piano.
Napatingin ako kay Jerome na nakangiting nakatingin sa akin.
"I love you, Hon," malambing na sabi niya.
"I love you too, Hon," malambing ko ding sabi sa kanya.
Unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sa akin. Automatikong napapikit yung mga mata ko ng magtagpo na ang mga labi namin.