HAZEL'S POV
Ang lamig talaga sa lugar na to, ang hangin. I always love this place.. somehow.. It always make me feel happy kapag nakakapunta ako rito. But right now... the magic of this place wasn't able to touch me.
"Whats the problem? Kanina ka pa hindi umiimik," Nilingon ko si Garrett. Yes... I'm with Garrett Dela Cruz.
This palace is my favorite beach resort na napuntahan ko. Kaya dito ko binalak na pumunta kahit hindi ako siguro na papasukin ako dito. Luckily... nandito pala si Garrett, kaya nakapasok ako. Siya pala ang may-ari nitong resort. Nagbabakasyon daw siya dahil sobrang stressful daw sa school. Malapit na kasi ang graduation namin.
"I'm fine Garrett. Don't worry," sabi ko.
"Nag-away kayo ni Jerome?" tanong ni Garrett. Natahimik ako. I don't want to talk about it but I know I need to. I need to get it off my chest.
"Sort of... It's not working. All of this crap," sabi ko.
"Why?" tanong niya.
"He's in love with our friend. You know Kath, The SC Secretary. Pero married na si Kath, and after all this time. Sa lahat ng mangyayari, I thought somehow he's learning to love me back," sabi ko. Tumulo na yung mga luha ko. I tried to stop but I can't. Inakbayan ako ni Garrett, then he pat my head lightly.
"Shhh... Everything will be okay," sabi niya.
"I hope so. It's ok kahit na... kahit na hindi na kami magpakasal basta... basta parang yung dati pa rin. I can handle it... I think I can," umiiyak kong sabi. Nilingon ko si Garrett, then i smiled at him.
"Ano bang ginawa ni Jerome?" tanong ni Garrett.
"I heard him talking to my friend Clarence. Narinig ko na sinabi niyang mahal niya parin si Kath," sabi ko.
"I gonna punch that guy!" galit na sabi ni Garrett.
"No, don't... I'll be fine. I know I will," natatawang sabi ko.
"You don't look fine," sabi ni Garrett.
"But i'm gonna be," sabi ko.
"Hazel, hiding your feelings inside and locking it away then smiling. That doesn't mean you're okay," sabi niya.
"Yun na lang ang choice na natitira sa akin. Lahat na ibigay ko na. I give Jerome my love, and my heart. Wala ng natitira sa akin. Only a little pride. Dahil kahit ang pride ko binaba ko na para sa kanya. It hurts too much," sabi ko. Nanatili kami don ni Garrett. Tahimik naming pinagmamasdan yung sunset.
*KRING KRING KRING*
Kinuha ko yung phone ko. Si Kath. I guess nakita na niya yung letter.
"Hello?" sabi ko ng masagot ko na yung tawag.
(Come back, Hazel,) sabi ni Kath.
"I will. Nagbabakasyon lang ako. Para naman makapag-isip isip ako."
(May pasok pa tayo, we need to plan for the graduation,) Natawa ako.
"Matagal na akong hindi umaabsent give me some credits, Kath."
(Maloloka ako sayo! Bumalik ka na, nasampal ko na si Jerome. Mag-usap kayo Hazel.)
"We will, as I said... I need a vacation."
(Nasaan ka ba?) Natawa na naman ako.
"Nice try Kath. Let's just say na nasa isa akong lugar na may magic. It always made me feel happy before kapag pumupunta ako dito. The fee of the wind, the sunset... the smell of the salt," sabi ko.
(Fine, hindi na kita pipiliin. Pero dalian mong umuwi ha? I'm gonna miss you.)
"I'll miss you too, Kath. Sige na, bye bye," sabi ko. In-off ko na yung phone ko.
"Garrett. Akala ko ba pupuntahan mo ngayong hapon kay Charlotte," Baling ko kay Garrett.
"Yup, pinacancel ko. Maiintindihan naman niya ako. Hindi muna ngayon dahil may next time pa naman," sabi niya.
"You don't to do that for me."
Charlotte is Garrett's girlfriend. Kaya pala hindi ko na siya masyadong nakikita niyong makalipas na buwan simula nung huli naming pagkikita nung engagement party namin ni Jerome.
"Right now, Hazel. You need a friend," sabi ni Garrett.
Right, I need a friend and a time to think.
***********
JEROME'S POV
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Hazel. Naghahanap kami nung mga picture ng mga Lugar na pwedeng puntahan ni Hazel.
Kaming dalawa lang ni Kath ang nandito. Wala si PJ dahil may gagawin pa raw siya.
Bati na kami ni Kath. I want to tell her everything, pero kailangan kay Hazel ko muna sabihin before I tell anyone. Kailangan si Hazel muna ang makaalam.
I hate myself for it kahit anong galit nila Kath O ng kahit sino. Lahat ng galit nila sa akin, hindi matutumbasan nun ang galit ko sa sarili ko.
Lumapit ako sa may cabinet ni Hazel at binuksan yon. May nakita akong box. Binuksan ko yun at nakita ko ang mga pictures ng mga lugar na sigurado ako ay mga na puntahan na niya dati.
Habang in iisa-isa kong tignan ang mga litrato ay may picture na nalalaglag at may nakasulat sa likod na... Magical.
"Magical? Anong lugar yon? Perya? Disneyland?" tanong ni Kath na nakatingin dun.
Pinulot ko na yung picture at tinignan. Kumunot yung noo ko.
It's a picture of Garrett and Hazel. Nasa likod ni Hazel si Garrett at nakayakap sa kaniya. Sa likod nila may sunset.
"Ano ang exact na sinabi niya sayo kung nasaan siya, Kath?" tanong ko.
"Ang sabi niya, if I'm right 'let's just say na nasa isa akong lugar na may magic. It always made me feel happy before kapag pumupunta ako dito. The fee of the wind, the sunset... the smell of the salt' yon," sabi ni Kath. Tinignan ko yung picture kahit na parang gusto ko ng sunugin yon.
May sunset sa likod nila ibig sabihin open area, nililipad din ng hangin yung buhok ni Hazel. She looks very beautiful sa picture nato. Young and Beautiful.
Ang sabi ni Kath, the feels at the wind, the sunset, the smell of the salt meaning nasa resort siya... a beach resort.
"Kath, may alam ka bang beach resorts na palaging pinupuntahan ni Hazel or napuntahan niyo na kasama siya?" tanong ko kay Kath.
"Patingin nga ako niyang picture," sabi ni Kath. Binigay ko naman agad.
"It's familiar. Napuntahan na namin ni Hazel to eh," sabi ni Kath.
"Alam mo kung saan yan?" tanong ko
"Oo," sabi ni Kath.
Wait for me, Hazel. I really need to tell you a lot of things. When I find you... I promise you.
***************
HAZEL'S POV
Ang ganda talaga dito. Actually 3 days na ako dito.
I'm happy na hindi ako nag-iisa ngayon. Garrett and I were friends. And he's right na sa ngayon, kaibigan ang kailangan ko.
"Hazel?"
"Hmmm?"
"If you want. May konting advice lang ako," sabi ni Garrett.
"Ano yun? About saan?" tanong ko.
"About you and Jerome," sabi ni Garrett.
Nawala yung ngiti ko ng marinig ko yung pangalan ni Jerome. Napayuko ako. Nalulungkot ako kapag naririnig ko yung pangalan niya.
Napa-angat yung ulo ko ng may narinig akong screech ng kotse. Wala lang siguro yun.
"Ano nga ulit yung advice mo?" tanong ko.
"Gusto ko lang iadvice sayo na. Wag ka sanang sumuko kay Jerome. Umabot na kayo ka na dito eh. Sayang lang kung hindi mo pa itutuloy," sabi ni Garrett. Easier said than done.
"Matagal ko na siyang inintay Garrett. Yes, I do said I'm letting go, but that doesn't mean I don't love him anymore, that don't mean na I'm giving up. I'm just letting go, I want to give him time. Or maybe none of all, kahit na maging mag kaibigan lang kami. And even though I'm letting go of him, that doesn't mean I already give up loving him. I'm just setting him free," sabi ko.
Minsan kasi mahirap yung pilit mong binubuhay ang isang relasyon kahit alam mong wala na. Kapag natitiis kana niya tanggapin mong hindi ka na importante sa kanya, kaya tayo sinasaktan ng taong mahal natin kasi alam nilang hindi natin sila kayang iwan.
"Free? Hindi mo naman siya ikinulong ah."
"Ikukulong ko pa lang siya. If we get married dahil magkaibigan kami, then kinulong ko na siya nun. I don't want him married me dahil magkaibigan lang kami. I want him to marry me because he loves me," seryosong sabi ko.
"Such a complicated love. Ano pa bang kulang sayo?" sabi ni Garrett. Natawa naman ako.
"The funny thing is... yan din ang tinatanong ko sa sarili ko noon. Ano pa bang kulang sa akin na hindi niya ako magawang mahalin? Kulang na lang ay ipabago ko yung mukha ko para maging kamukha ako ni Kath," sabi ko.
Mahirap palayain ang isang taong mahal mo, pero minsan, kailangan gawin di dahil ayaw mo na sa kanya, kundi dahil masakit ang maghintay at umasa sa taong binabalewala ka na. At hindi mo alam kung ano ka ba sa buhay niya. Minsan kailangan din nating bumitaw para malaman nila na napapagod din tayo.
"You don't need to do that for him, dapat mahalin ka niya kung sino ka," sabi ni Garrett.
"I thought na-iinlove na rin siya sa akin I mean we're okay on this past few months. Pero narinig ko nga sila ni Clarence, dun ko nalaman na... I failed again after all. Yes, I did make him see me, but still... hindi pa rin niya ako mahal," naiiyak na sabi ko. Naiiyak na naman ako. Kahit pa mahal na mahal mo yung tao pag hindi sayo, hindi magiging sayo.
"Bakit ba kasi kailangan mong sukuan kong alam mong mahal mo pa naman? Minsan talaga kailangan mong lumayo para malaman mo kung mahalaga ka ba talaga sa kanya," tanong ni Garrett. Hindi ko siya sinagot at nanatili na lang tahimik habang humihikbi. Damn I felt that.
May mga pagkakataon talaga na kahit gaano katamis ang simula bigla nalang tatabang pagdating sa gitna, pero isang bagay lang ang pinaka tumatak sa isipan ko, yun ay ang tanggapin ang mga bagay na wala na at maging masaya sa kung ano ang natira.
Narinig kong bumuntong-hininga si Garrett then niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'll always be here for you, me and Charlotte... wag ka munang sumuko ha? I want you to be happy," sabi niya.
"Heaven knows I want to be happy, pero parang hindi pa rin ako gustong laptan ng happiness," sabi ko.
"In the right time, Hazel. I'm sure you'll find it," sabi ni Garrett.
Mahal pa rin kita pero ayoko na, kasi ang sakit-sakit na. Ayoko pa sana bumitaw para ipakita na mahal kita pero binigyan mo ako ng maraming dahilan para isuko ka. Bakit kung sino pa yung tunay na nagmamahal siya pa yung laging nasasaktan. Sana hindi na lang kita nakilala para hindi ako nasasaktan ngayon ng sobra, pero alam kong darating din ang panahon na masasanay din akong wala ka.
"Kung tapos na kayo dyan pwede ko na siguro ng iuwi si Hazel," Nanlaki ang mga mata ko ng bigla kong narinig ang boses niya. Napahiwalay ako kay Garrett. Nilingon ko yung nagsalita.
"J-Jerome?" tawag ko.
"Yes. Now, halika na," sabi ni Jerome at hinila na niya ako patayo.
"Hey, pare. What do you think you're doing?" tanong ni Garrett at tumayo na din.
"Iuuwi ko na si Hazel," sabi ni Jerome.
"Sinong may sabi na pwede mong dalin ang girlfriend ko sa kung saan mo gusto?" tanong ni Garrett. Nanlaki ang mga mata ko dun.
Pareho ata kaming nagulat ni Jerome. Pareho rin naming tinignan si Garrett. Ako nagtatakang tingin, kay Jerome nakamamatay na tingin.
"Girlfriend? Kailan mo pa naging girlfriend ang fiancee ko?" tanong ni Jerome kay Garrett.
"Let me see. Maybe nung umalis siya sa poder mo," sabi ni Garrett.
"She's still my fiancee and we're getting married," seryosong sabi ni Jerome. Nahahalata na kay Jerome na pinipigilan niyang huwag magalit.
Natawa si Garrett. "Modern na ang panahon ngayon, Jerome. Ang I really don't care if she's getting married. Mukhang wala ka namang pakialam sa kanya," sabi ni Garrett.
"I care and SHE'S MINE!" napasigaw na si Jerome.
"Since when?"
"Wala ka na don! Back off, pare... pag hindi ako nakapagtimpi lulunurin na kita," galit na sabi ni Jerome. Hinila na niya ako paalis.
Nilingon ko si Garrett. He just winked at me. Pasaway talaga.
"Jerome... yung mga gamit ko," sabi ko habang pala as kami ng resort.
"Nakuha ko na kanina pa at kanina pa ako dito. Busy ka kasi sa pakikipagharutan dun sa BOYFRIEND MO kay mo ako napansin na FIANCEE MO," sabi ni Jerome. Parang gusto kong matawa, pinagdidiinan pa niya yung mga words.
Nang makarating kami sa kotse ay ipinasok niya ako sa passenger seat, tapos umiikot siya at sumakay na rin. Pinatakbo niya ng mabilis yung sasakyan.
Ito ata yung narinig ko kanina.
"So anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"In case na hindi pa rin obvious... iuuwi na kita," sabi niya.
"I'm still on vacation," sabi ko.
"March pa lang, may pasok pa tayo. Hindi ka din nagpaalam sa parents mo," sabi niya.
"How did you find me?" tanong ko.
"Nakita ko yung picture niyo ng BOYFRIEND MO. Kahit na gustong gusto ko ng sunugin yun. Kaya tinanong ko kay Kath kung alam niya kung saan yung lugar na yun. At alam ni Kath kung saan yun kaya nahanap kita," sabi ni Jerome. Yung picture ata na nakita niya is yung picture namin ni Garrett nung pumunta kami dun.
Nakakunot noong tinignan ko siya. Nang lumingon siya sa akin nagbawi lang ako ng tingin.
I whispered. "Why you should search for me?"
"We need to talk," seryosong sabi niya.
Para ano? Para face to face niyang sabihin na hindi niya ako mahal? Para formal ang break up?
"Hazel--"
"Stop Jerome. I understand... naintindihan ko na everything's over," sabi ko.
"Talaga bang naiintindihan mo ako ha? Tapos pupunta ka sa BOYFRIEND MO?" I glared at him. Nakakainis na tong lalaking to. Kanina pa siya ha.
"Damn you! Sa tingin mo makakahanap na agad ako ng ipalit sayo sa loob ng ilang araw? Garrett and I? Mag kaibigan lang kami! Ilagay mo yan sa makitid mong utak para hindi kung ano ano ang iniisip mo!" sigaw na sabi ko.
Natahimik siya. I tinigil niya yung kotse sa gilid ng kalsada.
"Bakit sa kanya ka pumunta?" tanong niya
"Gusto kong pumunta sa resort na yun. Anong magagawa ko kung si Garrett ang may-ari non?" sagot ko.
"Why do you still keep your picture with him?" tanong na naman ni Jerome.
"Ano namang masama dun. Garrett and I had a wonderful memories, kasama na ang picture na yun. Kaibigan ko siya," sabi ko.
"Why did you leave?"
"You know why," sabi ko. Question and answer portion ba to? Ang dami pang tanong. Nakikipaghiwalay na lang ang dami pang sinasabi.
"Bakit hindi mo ako inintay na mapaliwanag--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Alam ko na ang sasabihin mo," sabi ko.
"You really thing you do?" tanong niya.
"Yes," sabi ko.
"Do you still love me?" tanong ni Jerome. Nanlaki yung mga mata ko.
"Jerome--" Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Because... I still do, Hazel. I really love you."