HAZEL'S POV
Apat na araw na ang lumipas since nung huling beses na magtalo kami ni Jerome, hindi na ako kinausap. Ilang beses ko na siyang iniinis pero hindi naman ako kinikibo kahit Hi lang.
Kahapon nga may dala akong juice at sinadya kong itapon sa kanya pero bumuntong-hininga lang siya at nagalit ng damit. Ano bang nangyari dun? Kaasar.
Wala siyang ginawa niyong makalipas na araw kundi maggdrawing. May hawak na matigas na parang canvass na ewan at may dinodrawing tapos tumitingin sa isang picture. Ano na namang trip ng lalaking to?
Bukas pa naman na yung birthday ko. Pareho na kami ni Jerome na 22. 5 months kasi ang tanda niya sa akin. Nov 9.
Nilingon ko si Jerome na busy parin sa pagdra-drawing. Napangiti ako bigla. An evil smile.
Dahan dahan akong lumapit. Kukunin ko sana yung ginagawa niya kaso na ilayo na niya agad.
"What do you think your doing?" tanong ni Jerome. Sinimangutan ko siya. Buti naman magsalita din.
"Ano kasi yan?" tanong ko sa kanya.
"None of your business," pagsusungit niya. Bwesit ka talaga.
"Nasaan yung pictures nung engagement party? Sabi ni Kath binigay niya sayo yun. Give it to me. Ang ganda ko daw don," sabi ko.
"Saka ko na ibibigay sayo. Nakalimutan ko sa bahay," sabi niya. Binalik na naman niya yung pa son niya sa ginagawa niya ay hindi na umimik.
Namumula na yung mukha ko sa inis. "I HATE YOU JEROME CALLIEGO!" sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Bago pa siya makapag tanong ay dirediretso na akong lumabas ng SSC office.
Lumabas ako ng campus at pumunta sa Hotel na pinagcheck-in ko kahapon. Pagkarating ko ay pumunta ako sa bathroom ay naghubad agad ako. I went to the tub na punong puno ng bubbles yung tubig.
Pinikit ko yung mata ko. Nakakarelax. Isa pa puro stress na lang ang laman ng utak ko kaya kailangan ko ng relaxing bath.
**********
JEROME'S POV
Pasaway yong babae yon. Buti hindi ko nalang siya pinatulan sa mga pang-aasar niya sa akin niyong makalipas na araw. Nabuhusan pa ako ng juice.
Nilayuan ko siya. Una dahil gulo g-gulo ang isip ko. Pangalawa busy ako. At wala na lang siyang ginawa kundi asarin ako.
*BLAG*
"Jerome!" Si Kath.
"Oh anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Anong gift mo kay Hazel?" tanong niya. Umupo siya sa table niya.
"Secret," sabi ko.
"Ang daya! Whatever... Mag suggest ka na lang."
"Kayo tong babae. Tapos hindi mo alam ang ibibigay," sabi ko.
"Ang hirap naman eh. Hmmm... Alam ko na," sabi niya. Ang bilis mag-isip.
"Ano?"
"Bibigyan ko na lang ng nude picture mo si Hazel. O diba! Bongga?" nakangiting sabi niya. Ano Daw?
"Ayoko nga!"
"Wag ka ng pakipot Jerome. Magpopost ka lang naman eh," sabi ni Kath at nilabas ang phone niya.
"No!"
"Ang KJ mo! Fine. Iba na lang," sabi ni Kath at tinago na lang ang phone niya. Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang sa pagdra-drawing.
Maya-maya ay naramdaman ko na dahan dahang lumala pit sakin si Kath. Sharp ang pakiramdam ko o kaya ay alam ko na ang balak niya.
Nilingon ko siya at nakita kong nakayuko pa habang dahan dahang lumalapit sa akin. Napangisi na lang siya ng makitang nabili ko siya.
"What's that?" tanong ni Kath.
"Elepante," sabi ko na lang.
"Weh di nga? Ang puti naman ng elapante na yan. Ano nga?" sabi ni Kath.
"Secret. Anyway, I give a suggestion. Wag mong mong bibigyan si Hazel ng clothes dahil marami na siya nun. Wag din libro dahil marami din siya nun at nagmistulang library n aang kwarto niya. I suggest na bilihan mo siya ng pet. Give her a pet na maaalagaan niya at madadala niya kung saan saan," sabi ko.
Nilingon ko si Kath na walang kurap na nakatingin sa akin. Tapos ngumiti siya, hindi yung ngiting nang-aasar. She looks happy for something.
"Ang dami mong alam ah. Di ko akalain na ang dami mong alam kay Hazel," sabi ni Kath. Nag start na namn ako sa pagdra-drawing.
"Observant lang ako. Isa pa bestfriend natin si Hazel," sabi ko.
"Fine. Bukas na ako bibili dahil sigurado akong sarado na ang petshop mamayang dismissal. Wala naman sigurong allergy si Hazel sa mga hayop. Thanks," sabi niya. Nakangiting lumabas ng pinto si Kath. Napailing na lang ako.
Namamanhid na yung kamay ko. Maya't-maya ko ng ginagawa to eh.
Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Para lang kay---
Walang ibig sabihin to. Wala.
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Mr Alonzo.
"Where's the SC President? I need to talk to her for the upcoming events next month," sabi ni Mr Alonzo.
"She's outside, Sir," sabi ko.
"Wala siya, kanina ko pa siya pinapahanap pero wala pa din. Mr Calliego find Hazel now," utos sa akin ni Mr. Alonzo.
"Okay po, Sir," sabi ko
"I need to talk all SSC officers after dismissal."
"Okay po, Mr Alonzo." sabi naming lahat at lumabas na si Mr. Alonzo.
Grabe mag-iisang oras na. Tinawagan ko si Hazel pero walang sumagot. Tumayo na ako. Wala akong choice kundi ang puntahan siya. Hayy tinatamad pa naman ako.
Lumabas na ako ng SSC office at naglakad palabas ng campus. Pumunta ako sa Hotel room na pinag check in namin ni Hazel kahapon dahil maraming ipinagawa sa amin kahapon. Baka sakaling nandun siya.
Pagkarating ko sa hotel room ay pumasok ako. May dalawa kasing kwarto tong hotel room na kinuha namin, ang isa ay akin at kay Hazel ang isa.
Kumatok ako sa kwarto ni Hazel pero wala parin. Kumatok ulit ako. Tulog ba yun? Pero bakit kinakabahan ako?
Sinubukan kong pihitin ang door knob. Bakit bukas ang pinto? Nagmadali akong pumasok, wala sa loob ng kwarto si Hazel. Pumunta ako sa bathroom at nakita kong nakasarado ang shower curtain. God no!
"HAZEL!" sigaw ko. Inahon ko siya sa tubig. Nakalubog na siya.
Pinakinggan ko ang heartbeat niya, mahina. Meaning medyo matagal tagal na siyang nakalubog.
"Hazel, hang on! Don't dare to leave me!" Sabi ko. Inilatag ko ang katawan niya sa tiled floor ng bathroom. I give her a CPR.
"Hazel, please! Open your eyes. Hindi ka pwedeng mawala marami pa akong sasabihin sayo," sabi ko.
Sasabihin ko pa sayo ang mga bagay na tinatanggi ko sa sarili ko. Things that I'm so damn scared to admit to myself.
Patuloy ako sa pagc-CPR at pagbibigay ng mouth to mouth resuscitation kay Hazel.
"Hazel... I like you," sabi ko. Biglang umubo si Hazel.
I promise Hazel. Konting panahon na lang. I like you. Hindi na bilang kaibigan. I like you more than that.
I just need a little more time. Just little more time.
**********
Dumating na ang tinawagan kong personal doctor ni Hazel na si Dr Mendez. Chinecheck up na niya si Hazel na nakahiga sa kama at natutulog. Lumapit na si Doc sa akin.
"Doc, kamusta na po siya?" tanong ko.
"Normal na ang heartbeat niya and kailangan niya lang ay magpahinga para maging okay na siya bukas," sabi ni Dr Mendez.
"Doc, may ipapakiusap po sana ako sayo, kung pwede lang?" tanong ko.
"Ano ba yun, Mr Calliego?" tanong ni Dr Mendez sa akin.
"Maari po bang wag niyo na lang sabihin sa parents ni Hazel yung nangyari ngayon?" pakiusap ko.
"Kung yan ang gusto mo, Mr Calliego," sabi ni Doc. Tumingin siya sa relo niya. "I have to go, Mr Batolina. Marami pa akong pasyente sa hospital," sabi niya.
"Sige po. Thank you Doc," sabi ko at lumabas na siya ng kwarto ni Hazel.
**********
HAZEL'S POV
Ang sakit ng ulo ko ng magising ako, pati lalamunan ko ang sakit sakit. Ano bang nangyari? Parang naliligo lang ako kanina---
Napabangon ako bigla ng nasa kwarto ako. Anong nangyari sa akin? Sinubukan kong tanggapin yung dextrose na nakakabit sa akin pero may mga kamay na pumigil sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Si Jerome?
"What happen?" tanong ko. Tumingin ako sa wallclock, 12 am na pala. Ilang oras na pala akong tulog.
"Nalunod ka. Bakit kasi natulog ka sa tub? Hindi mo ba alam na delikado yun?" sabi ni Jerome. Hayy naku talaga tong lalaking to. Wala nga dito si Dad para sermunan ako, pero ito namang lalaking toh ang pumalit.
"Para namang sinadya kong matulog dun, accident ang tawag dun. Bakit nandito ka pala? Madaling araw na nagpupuyat ka pa, birthday ko pa naman ngayon. Mamaya mukha ka ng panda bear bukas-" Hindi ko na na tapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Jerome.
"Shhh..." Tumabi sa akin si Jerome at nakisukob sa kumot ko.
"Jerome, what-"
"Para hindi ka tumakas, kailangan mong mag pahinga para may lakas ka na para makipag-asaran sa akin bukas. Isa pa, hindi ko gusto na makita ka bukas ng mga ka kilala natin sa party na mukha kang nalunod. You're my bride to be kaya dapat hindi mo ako ipahiya," sabi ni Jerome.
"Ang yabang nito," sabi ko.
"One of my charms," natatawang sabi ni Jerome. Anong nakain nito? Parang Ang landi ni Jerome ngayon.
Kung ganto pala reaction ni Jerome kapag nalulunod ako eh di sana magpapalunod na lang ako lagi.
Crazy. Yeah, crazy inlove with him.
"You're different today, Jerome," sabi ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. Haiyyy, so complicated. Sinubukan ko ulit bumangon.
"Ang kulit. Magpahinga ka nga sabi," sabi ni Jerome. Para naman tong si Dad.
"Madaling araw na no, at saka kanina pa ako natutulog kaya hindi na ako inaantok." Not true. Kahit kagigising ko lang parang inaantok ako ulit. Akalain niyo yun, nakakapagod din palang malunod.
"Kahit na, pilitin mong matulog dahil magmumukga kang hinabol ng kabayo bukas," sabi ni Jerome. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. Wooo! Nasa heaven na ata ako.
Napabalikwas ako ng may maalala ako bigla.
"Bakit?" tanong ni Jerome.
"Ikaw ba ang nagligtas sa akin?" tanong ko.
"Oo. Ano bang problema?" What? Siya talaga ang nagligtas sa akin?
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh-" sigaw ko. Tinakpan ni Jerome bigla ang bibig ko
"Ano ba?! Bakit ka sumigaw? Magigising mo pati patay sa lakas ng sigaw mo?" sabi ni Jerome.
"Bwwittwwwan mwwo-" Tinanggal na ni Jerome yung pagkakayakap ng kamay niya sa bibig ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Anong nakita mo?!" sabi ko at pinalo ko siya sa braso.
"Aw! Anong nakita?"
"Niligtas mo ako nung nasa tub ako... Wala akong damit nun!" sabi ko. Napailing-iling si Jerome at bumuntong-hininga.
"Ms. SC President, emergency yon. Sa tingin mo ba magagawa ko pang titian yang katawan mo habang hindi ko alam kung mare-revive pa ba kita o hindi." sabi ni Jerome. Sabagay, may point si Jerome.
"Sabi ko nga," sabi ko na lang.
"Ewan ko sayo. Bakit hindi ka na lang mag thank you tapos matulog ka na?" sabi ni Jerome. Hinigit niya ulit ako pahiga at niyakap ulit. Nakakarami nato ah! Kanina pa yakap ng yakap.
So nagrereklamo ka? Ayaw mo? Wala naman akong sinabi na ayaw ko, Gustong-gusto ko nga eh.
"Hazel..."
"Hmmm?"
"Wala ka bang nagaalala or narinig habang unconcious ka?" tanong ni Jerome. Ano Daw?
"Ang gulo mo Jerome. Unconcious ako, Paano ako may matatandaan?" sabi ko.
"Sabi ko nga wala."
"Ano ba yung dapat kong maalala or marinig?" tanong ko.
"Ammmm."
"Ano?" Ano kaya yun? At saka si Jerome nagbablush? Ano kayang meron?
"Hoy, Jerome! Ano nga?" pamimilit ko.
"Saka ko na lang sasabihin sayo. Sa birthday party mo," sabi niya.
"Ganun ka importante?"
"Oo." Hindi na ako nagsalita.
Fine. Sa birthday ko na lang. Sleep muna ako.
I'll sleep. In the arm of the man I love.
KINABUKASAN...
Iinat-inat ako ng magising ako. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko. Tumingin ako sa right ko ng maramdaman kong may kumilos don.
Bakit nandito si Jerome?
"Hmmm... Morning," sabi ni Jerome.
Oo nga pala, tumabi siya sa akin para pigilan ako bumangon at para matulog na lang.
Ganto ba to kahit umaga? Ang gwapo pa rin?
"Morning," bati ko din sa kanya.
"Anong oras na?" tanong ni Jerome. Tumingin ako sa wallclock tapos sumilip ako sa bintana.
"Shit! 5 na ng hapon!" sabi ko.
"Syempre pagod ka, ikaw ba naman ang malunod," natatawang sabi ni Jerome.
"Eh ikaw na lunod ka ba?"
"Hindi, pero ilang araw narin akong kulang sa tulog dahil may ginagawa pa ako," sabi niya.
Ano naman kaya yon? Wala namang masyadong ginagawa sa school. Drawing lang siya ng drawing.
Tinanggal ko na ang dextrose ko at tumayo na. Lalabas na sana ako ng kwarto ng pigilan ako ni Jerome.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jerome.
"Saan pa ba? Edi uuwi, papagalitan ako ni Dad kapag hindi ako umuwi bago mag 5," sabi ko.
"Sige, akala ko kung saan ka pupunta. See you later," sabi ni Jerome at binitiwan na ang kamay ko.
Pumasok na ako sa bathroom at nagshower muna. Pagkatapos ay nagbihis na ako at lumabas. Kinuha ko na ang bag ko at ang car key ko.
Lumabas na ako ng hotel room at pumasok na sa elevator. Sumakay na ako sa kotse ko ng makarating na ako sa parking lot at pinaandar ko na ang kotse.
**********
Nang makarating sa mansion ay agad akong bumusina para pagbuksan ako ng pinto. Binuksan naman agad kaya pinasok ko na yung kotse ko at pinarada sa parking space.
"Ma'am Hazel." Sumalubong sa akin si Nellie pagbaba ko ng kotse.
"Ate Nellie, dumating ba yung mga caterer?" tanong ko. Naglakad na ako papasok ng main door.
"Opo, inayos na po nila yung loob. Nakahanda na rin po yung mga pagkain, yung cake padating na daw po," sabi ni Nellie.
"Good... Sila Mom and Dad?" tanong ko.
"Si Ma'am po nasa kitchen. Si Sir naman ay nasa office niya," sabi niya. Pumasok na ako sa loob at naabutan kong inayos na nga kaya dumiretso ako sa kitchen.
"Mom, bakit nandito ka sa kitchen?" tanong ko at bumeso sa kanya.
"Nagluluto lang ako ng paborito mo," sabi ni Mom.
"Ang dami ng dalang pagkain ng caterer, nagluluto pa po kayo."
"Sus ito lang naman ang niluto ko for your birthday. Happy Birthday, Anak," nakangiting sabi ni Mom. Napangiti ako.
"Thank you, Mom. Punta muna akong office ni Dad bago mag-ayos," sabi ko.
"Sige," sabi ni Mom. Lumabas na ako ng kitchen at pumunta na sa office ni Dad. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Dad," tawag ko. Lumingon naman siya.
"Happy Birthday, Sweetie," sabi ni Dad. Bumeso ako sa kanya at yumakap.
"Thanks, Dad."
"Sige na, mag-ayos ka na. Gusto ko maganda ka tonight," sabi ni Dad.
"Sige po," sabi ko at lumabas na ng office. Pumunta na ako sa kwarto ko at nag-ayos na.
Nagpalit na ako ng pink dress ko na above the knee. Ang make up ko ay di masyadong dark.
Exact 7pm ay tapos na ako. I'm sure nagsisimula ng magdatingan ang mga tao. Tumayo na ako at tinignan ko sa salamin ang itsura ko. Perpect.
*KNOCK KNOCK*
"Ma'am Hazel," Binuksan ko ang pinto.
"Yes?"
"Dumating na po ang mga bisita. Yung mga Sevilla ay dumating na din po," Nakasimangot na sabi ni Nellie. Sigurado akong nasungitan na naman ni Nathalie to.
"Dumating na ba si Jerome?" tanong ko. Lalong sumimangot si Nellie.
"Naku Ma'am Hazel. Bumaba na po kayo dun. Parang matutunaw na si Sir Jerome sa Nathalie na yun," sabi ni Nellie. Natatawa g tumango ako. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.
Nasa gitna pa lang ako ng pagbaba sa hagdan ng makita ko si Nathalie. Hindi ko na lang siya pinansin. Nakita kong dumaan si Jerome at nakatingin siya sa akin.
"Jerome! Buti naman nandito ka nabobored na kasi--" Hindi na natuloy ni Nathalie ang sasabihin niya dahil hindi siya pinansin ni Jerome.
Tumigil si Jerome sa baba ng hagdan, ako naman ay pinagpatuloy ang pagbaba ko. Inabot ko ang nakalagad na kamay ni Jerome.
"Buti natapos ka na. Ilayo mo ko dyan sa kaibigan mo," sabi ni Jerome. Sinong kaibigan? Si Nathalie?
"Hindi ko nga yan kaibigan diba?" sabi ko.
"Edi kapatid ng bestfriend mo," sabi ni Jerome. Natawa na lang ako at lumapit ka nila Clarence.
"Happy Birthday, Hazel," sabi ni Clarence.
"Thanks." sabi ko.
"Lalo kang gumaganda, Hazel," sabi ni Tita Kylie.
"Hindi naman po masyado, Tita. By the way... Enjoy the party," sabi ko.
Paalis na sana kami ni Jerome ng mapandin kong umalis si Nathalie at may nilapitan na lalaki. Si PJ.
Playboy noon si PJ. Nung hindi pa sila ni Kath pero loyal na siya ngayon.
Kaya kitang kita sa mukha niya ang di gusto ng halos idikit ni Nathalie ang katawan niya kay PJ.
"That's trouble," sabi ko. Maglalakad na lang sana ako paalis ng napalingin ako ng biglang tumaas ang boses ni Nathalie.
"At sino ka naman?" tanong ni Nathalie. Napa-iling kami ni Jerome.
Lumapit na pala si Kath kay PJ. At ngayon ay naka-ang kala ang braso ni Kath kay PJ. Nakataas na din ang kilay ni Kath. Patay ka Nathalie.
"Dapat ako ang nagtatanong niyan," sabi ni Kath.
"Sorry. I don't have interest to you. Leave... I just want--" Napahinti si Nathalie sa pagsasalita ng magsalita si PJ.
"Hey, Lady. Don't talk to my wife like that. Hindi ako pumapatol sa babae pero pagnarinig ko ulit na nagsalita ka ng ganyan sa asawa ko ipapalapa kita sa aso," Hinila na ni PJ si Kath palayo. Naiwang nakatunganga si Nathalie.
"Yan ang sinasabi ko. Jerome halika na nga," sabi ko.
Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa gitna. Nag kanya kanya kami ng kuha ng champagne.
"Everyone. I would like to thank you all for coming to my 22nd birthday. Thank you for my parents na pumayag na dito na lang sa mansion kaganapin ang birthday ko," sabi ko. "Enjoy the party," pahabol ko pa. Nagpalakpakan sila. Nginitian ko lang sila.
"Hoy, Jerome. gift ko?" tanong ko.
"Halika," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.
Parang sekretong sekreto naman yung gift niya. Nagpunta kami sa labas, sa may pool area.
"Bakit nandito yung gift mo? Diba dapat nandun sa table?" tanong ko sa kanya.
"Wala namang kukuha dito niyan. Isa pa... Ayokong ilagay dun," sabi niya. Inabot niya sa akin yung rectangular shape na nakabalot sa brown wrapper.
Excited na ako kaya binuksan ko kaagad.
"Jerome..." Napatingin ako kay Jerome.
"Yan yung dino-drawing ko this past few days. Kinopya ko yan sa picture mo nung engagement party natin," sabi ni Jerome.
Tinignan ko ulit yung drawing. Akong ako talaga. Nakaframe na yun.
My eyes suddenly filled with tears.
"Hazel..." tawag sa akin ni Jerome kaya pinahid ko yung luha ko.
"Wala to. Natouch lang ako," sabi ko. Nabigla ako sa ginawa niya.
HE KISS ME.
It's a very passionate kiss. He softly caressed my face...like he's afraid of breaking me.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pareho pa naming hinahabol ang hininga namin.
"Jerome..."
"Hazel... I like you."
Gusto ako ni Jerome?
I smiled at him.
"Just wait for me a little more, Hazel. Gusto ko lang muna makasigurado sa nararamdaman ko. But I'm very sure now. That you're important to me. And I like you. Gusto kita higit pa bilang kaibigan," sabi ni Jerome. Lalo akong naluha.
Okay na sakin kahit hindi niya pa ako mahal. Okay lang sakin.
"Jerome, it's okay. Naiintindihan ko naman. And I'm willing to wait for you," sabi ko.
"It won't take long, Hazel. And we're getting married. Sigurado ako na gusto kitang pakasalan," sabi ni Jerome.
Jerome kissed me again.