Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

HAZEL'S POV

"Dad?" tawag ko. Tumingin naman siya sa akin at lumapit. Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit, Sweetie?"

"Pwede po ba akong matanong?" tanong ko

"Tungkol saan?"

"Sa suspect. Nahuli na po ba siya? Umamin na po ba siya kung bakit niya ako binaril?" sunod-sunod na tanong ko.

"Nahuli na siya, sweetie. At umamin na siya. Hindi naman talaga ikaw ang babarilin niya. Si Clarence Sevilla, ang babarilin niya. Ang sabi niya, inutusan siya ng amo niya na patayin si Clarence dahil hindi daw pumayag si Charlie na makipag-negosyo sa amo niya," paliwanag ni Dad.

"Dad, galit ka po ba kanila Clarence dahil sila ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa hospital?" tanong ko.

"Hindi ako galit sa kanila. Matagal ko ng kaibigan si Charlie, alam kong hindi din niya ginusto ang nangyari sayo. Nakita ko sa mga mata niya nung gabing iyon na nag-aalala siya sayo. At hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa kanila dahil ang importante sa akin ay ang ligtas ka," mahaba ng sabi ni Dad.

"Ang bait mo talaga Dad," nakangiting sabi ko.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

"Come in," sabi ni Dad.

"Hello po, Tito Laurence, Tita Chrizel." sabi ni PJ pagpasok niya ng pinto. Tumayo na si Dad mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

"Kailan ka pa nakauwi, Fontanilla?" tanong ni Dad.

"1 month na po akong nandito sa pilipinas, Tito."

"Sige, iwan na muna namin kayo," sabi ni Dad. Tumango naman ako. "Mi, labas na muna tayo," Lumapit na si Mom kay Dad at lumabas na ng room.

Lumapit na sa akin si PJ ng lumabas na sila Mom. Nilagay na niya sa side table yung dala niyang prutas.

"May dala akong prutas. Gusto mo ba?"

"Mamaya na lang siguro," sabi ko.

"Mukhang ayaw mo na dito ha. Bored?"

"Oo, wala akong ginagawa masyado dito, puro tulog ang nagagawa ko. Tapos bantay sarado pa ako kanila Mom. Ngayon lang yun sila lumabas maliban na lang kung bibili ng pagkain," sabi ko.

"Mahal ka kasi ng parents mo at isa pa nag-iisa ka lang na anak nila. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng Candelaria Corp.," sabi ni PJ.

"Sayang nga kasi hindi na magkakaroon ng salinlahi ang pamilya namin. Nag-iisang anak din si Dad kaya hanggang sa akin lang ang apelyedo namin. Hindi ako nagkaroon ng kapatid na lalaki para mag-generation ang Candelaria sa susunod na generation," sabi ko.

"Kaya nga alagang-alaga sila sayo dahil sayo lahat mapupunta lahat ng pinaghirapan nilang buohin."

"Hay change topic na nga," sabi ko. May naalala naman ako bigla. "PJ, itutuloy mo pa ba yung pagbibigay ng flowers and letters for Kath?"

"Oo, pero pagaling ka muna? Ikaw lang naman ang pinagkakatiwalan ko para hindi malaman ni Kath na nandito na ako," sabi niya.

"Sa akin kaya, sino ang magbibigay ng mga ganun sa akin? Ang swerte ni Kath dahil meron siyang mapagmahal na boyfriend."

"Meron ding magbibigay sayo ng mga bulaklak at letters. Sa ganda mong yan, impossibleng walang magkagusto sayo."

"Bolero. Ano bang nagustuhan sayo ni Kath, ha? Yung pagiging bolero mo?" biro ko.

"Hindi. Ang pagkakaalam ko eh ang pagiging sweet ko ang nagustuhan niya sa akin."

"Eh talaga parang hindi kapani-paniwala ang mga sinabi mo," pang-aasar ko. Tinignan niya ako ng masama.

"Grabe ka talaga mang-asar no. Pasalamat ka nandiyan sila Tito kung hindi baka kung anong magawa ko sayo," banta niya.

"Kung hindi, ano?" lokong tanong ko.

"Wala," tanging sabi niya.

"Kasi alam mong kapag may nangyari sa akin dito ay ikaw ang malalagot dahil ikaw lang ang kasama ko dito," sabi ko.

"Ano? Hindi ka na bored?" tanong niya

"Hindi na, may naasar na kasi ako eh," natatawang sabi ko.

"Tuwang tuwa eh no. Pero okay lang nawala naman ang bored mo," sabi niya.

"Mamaya may aasarin na naman ako," sabi ko.

"Sino?" tanong niya.

"Sila Kath. Pupunta daw sila mamayang dismissal," sabi ko.

"Miss ko na siya," biglang sabi niya.

"Eh bakit hindi ka kasi tumatawag sa kanya? Nang inasar ko siya last week tungkol sa hindi mo pagtawag ay naging malungkot siya," sabi ko.

"Eh kasama nga yun sa plano ko eh. Yung malungkot siya, para lalo niya akong mamiss."

"Ano ba talaga ang plano? Sabihin mo na sa akin," tanong ko.

"Okay sige. Gusto ko kasing pakantahin siya sa birthday niya at yung ang entrance ko para magduet kami. And gusto ko ikaw ang mag request nun sa kanya, para hindi siya tumanggi."

"Ah so ako na naman? Grabe ka talaga sa akin, Paris James Fontanilla," sabi ko.

"Eh sa ikaw lang ang makakatulong sa akin."

"Sige na payag na ako. Basta yung sinabi mo ha," Tumango naman siya.

"Oo, promise ko yan sayo. Yun lang naman ang paraan para makabawi ako sayo eh," Tumingin siya sa wristwatch niya. "Sige ha, alis na ako, may gagawin pa ako sa bahay eh."

"Thank you sa pagdalaw, PJ. Nawala ang pagkabored ko dahil sayo." Tumango siya.

"Okay, pagaling ka ha." Lumabas na siya ng room.

Pumasok na sila Mom at Dad. Lumapit sa akin si Mom.

"Ano pinag-usapan niyo, Anak?" tanong niya.

"Pinag-usapan lang po namin yung tungkol sa surprise niya para sa birthday ni Kath." Tumango na lang si Mom. "Mom, bumalik na ba sila Aaliyah papuntang states?" tanong ko.

"Ang sabi ng Tita Rizel mo, hindi na daw sila babalik sa states."

"Bakit po?"

"Ayaw na daw umalis dito nila Aaliyah at Aaron. Kaya dito na lang daw sila sa pilipinas, nandito naman daw ang business ni Gerald kaya mas mabuting dito na lang sila," sabi ni Mom.

"Ibig sabihin po, schoolmate na kami ni Aaliyah at Aaron?"

"Maybe," tanging sabi ni Mom.

**********

"May gusto ka bang kainin, Sweetie?" tanong ni Dad. Napa-isip naman ako kung anong gusto kong kainin.

"Meron po."

"Ano?

"Kahit ano po, basta luto ni Manang Esther," nakangiting sabi ko.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Magsasalita sana si Dad ng may biglang kumatok kaya nakatingin kami ni Dad.

"Come in," sabi ni Mom. Bumukas ang pinto at pumasok sila Kath. Bumilis ang tibok ng puso ko ng nagtama ang mga tingin namin ng huling pumasok, si Jerome.

"Hello po. Tito Laurence, Tita Chrizel," bati ni Kath kay Dad at Mom. Bumeso sila Kath, Amber, Sav at Mia kay Mom at Dad.

"Hi Girls," sabi ni Mom. "Sino naman tong gwapong lalaking kasama niyo?" tanong ni Mom na nakatingin kay Jerome.

"Hello po, Mr and Mrs Candelaria. I'm Jerome Calliego, Hazel's friend," he introduced himself.

"Ang gwapo mo naman, Jerome," sabi ni Mom.

"So hindi pala ako gwapo?" sabi ni Dad na nakaupo pa din sa tabi ko.

"Gwapo ka kaya, Dad," sabi ko.

"Pero mas gwapo yung asawa ko," sabi ni Mom. Natawa naman kaming lahat.

"Tara na, Mi. Magpapaluto pa tayo kay Manang Esther ng pagkain ni Hazel," sabi ni Dad at he kiss my forehead. Lumabas na sila.

Nang makalabas na sila Mom ay bigla akong sinunggaban ng yakap ni Mia.

"D*mn Mia, yung sugat ko sumasakit sa higpit ng yakap mo," sabi ko ng maramdaman kong kumirot yung sugat ko sa sobrang higpit ng yakap ni Mia.

"Sorry na, Hazel," sabi niya ng hindi parin humihiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"Oo na, kainis ka kasi eh," Humiwalay na siya sa akin. Hay salamat.

"Oo ang ibig sabihin, bati na tayo?"

"Oo nga, ang kulit," sabi ko. "May sasabihin ako sa inyo, guys. Na never ko pang nasabi sa iba."

"Ano yun?" tanong ni Amber.

"Bestfriend ko kayo diba?" tanong ko sa kabilang lahat.

"Oo naman," sabi nilang lahat maliban kay Jerome.

"Bakit hindi ka sumagot, Jerome?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman ako bestfriend diba. Kaibigan mo lang ako," sabi niya.

"Parehas lang naman yun ha. You already my bestfriend, kahit saglit pa lang tayo magkakilala," sabi ko.

"Ano na yung sasabihin mo, Hazel?" atat na sabi ni Sav.

"Ito palagi niyong tatandaan ha, pati na rin ikaw Jerome..." putol ko sa sasabihin ko. "Pagbestfriend ko kayo, awayen niyo man ako or talikuran niyo man ako as your bestfriend, bestfriend ko pa din kayo, may special place kayo sa buhay ko na walang kahit sinong pwedeng umagaw. Ganon ko kayo kamahal," pagpatuloy ko.

"Ang sweet mo talaga, Hazel," sabi ni Amber.

"Totoo yang sinabi ko, kahit magalit man kayo sa akin, yun ang palagi niyong tatandaan," sabi ko. "Makakaasa ba ako sa inyo?" tanong ko.

"Oo naman," sabi nilang lima.

"Group hug!" sigaw ni Mia. Nagsilapitan naman silang lahat sa akin at nag-group hug kami.

Parang gusto ko na lang na kainin ako ng lupa dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Paano ba naman kasi eh, katabi ko si Jerome.

Naghiwalay-hiwalay na kami sa pagkakayakap. "Ano ba pwedeng gawin, guys? Pampatanggal ng bored ko," tanong ko.

"Truth or Dare," sabi ni Kath. Napatingin naman ako sa kanya.

"Sayo pa talaga ng galing yan, eh sasabihin mo ba yung totoo. Lalo na yung tungkol kay PF," sabi ko.

"Oo, sasabihin ko. Hindi na ako tinatawagan nun. Lagot talaga siya sa akin kapag hindi siya umuwi sa birthday ko," sabi ni Kath.

"Sige, game ako dyan," sabi ni Mia.

"Game," sabi ni Jerome.

"Game din ako," sabay na sabi ni Amber at Sav.

"Game din ako, pero sa paanong paraan tayo maglalaro? Walang bote dito, kung may other way lang talaga na papalit sa bote," sabi ko. Chineck naman ni Kath yung bag niya.

"Here, may die akong dala," sabi ni Jerome kaya tumigil na si Kath sa paghahalungkat sa bag niya.

"Papaano natin malalaman kung sino ang talo?" tanong ni Sav.

"Pipili tayo ng number na hanggang six, sakto six tayo. And kung sino yung nakapili ng number na lalabas ay siyang talo," paliwanag ni Jerome.

"Sa sahig tayo umupo," sabi ko.

"Kaya mo ba?" tanong ni Kath.

"Oo, tutulungan niyo naman akong makababa dito," sabi ko. Kinuha ni Kath yung lagayan ng dextrose para makagalaw ako. Inalalayan na nila akong makababa sa hospital bed at umupo sa sahig.

"Game na," excited na sabi ni Mia ng makaupo na ako sa sahig.

"Anong number sa inyo? Akin ang 6," sabi ni Jerome.

"5 ang akin," sabi ko.

"4 sa akin," sabi ni Sav.

"3 ang sa akin," sabi ni Kath.

"Akin ang 2," sabi Mia kaya ang 1 ay kay Amber.

"Ikaw na ang mag-roll ng die, Jerome," sabi ni Amber. Pinagulong na ni Jerome at 2 ang lumabas.

"Sino ang magtatanong or mag-uutos?" tanong ni Mia.

"Syempre ako, ako ang nag-roll ng die," sabi ni Jerome. "Truth or Dare?" tanong ni Jerome.

"Truth," sagot ni Mia.

"Kung papipiliin ka, mahal mo o mahal ka? At bakit?" tanong ni Jerome. Huminga naman ng malalim si Mia.

"Ang pipiliin ko ay ang mahal ako kasi matutunan ko din naman siyang mahalin balang araw kaysa piliin ko ang mahal ko masasaktan lang ako kasi hindi naman niya ako mahal," sagot ni Mia.

"Grabe yung sagot ni Mia. Walang second thoughts, kung sasagutin ba o hindi," sabi ni Sav.

"Kahit hindi ko pa nararanasan ang mag-mahal, alam ko naman kung paano masaktan dahil nagbabasa din ako ng mga love story kagaya ni Amber," sabi ni Mia.

"Roll the die, Mia," sabi ni Sav. Niroll na ni Mia yung die at lumabas ang 4. Lagot ka ngayon, Sav. Masyado ka kasing atat. Hahahah.

"Truth or Dare, Sav?" tanong ni Mia.

"Dare," sabi ni Sav. Alam niya kasi kung ano ang itatanong ni Mia kapag naggtruth siya.

"Hug mo si Jerome ng 5 minutes," utos ni Mia. Tumayo agad si Sav na katabi ni Kath at lumapit kay Jerome na katabi ko. Walang pag-aalinlangang niyakap ni Sav si Jerome, hindi naman umangal si Jerome.

After 5 minutes ay humuwalay na si Sav sa pagkakayakap niya kay Jerome at bumalik na sa inupuan niya kanina.

"Okay na ba?" sabi ni Sav. Tumango na lang kami kaya niroll na niya yung die. Lumabas ang number na pinili ni Amber.

"Truth or Dare, Amber?" tanong ni Sav.

"Dare."

"Kantahan mo kami kahit chorus lang," utis ni Sav.

"Ano bang klaseng kanta gusto niyo?" tanong ni Amber.

"Aahon by JMKO," sabi ni Jerome. Tumango lang si Amber.

"Tatahakin ang lahat para lamang sayo

Mahal ko, sa'yo aahon

Makakasama lang muli

Maibabalik silakbo ng kahapon ako'y aahon

Sayo aahon."

Ngumiti kami sa kanya pagkatapos niyang kumanta. Pinagulong na niya yung die at lumabas ang number ni Kath.

"Truth or Dare, Kath?" tanong ni Amber.

"Truth," walang pag-aalinlangan na sagot ni Kath.

"Sino si PF na nagbibigay sayo ng bulaklak at sweet letters last week?" tanong ni Amber. Patay ka Kath, sagutin mo yan.

"Sagutin mo yan, Kath. Nag-truth ka kaya sagutin mo yan ng maayos kung hindi ako ang magsasabi sa kanila," sabi ko kay Kath.

"Oo sagutin ko, ako ang nagsabing laruin natin to," sabi niya.

"I'm listening here," sabi ni Sav.

"Si PF is Paris James Fontanilla or for short PJ. He's my 4 years boyfriend and nasa states siya ngayon," sagot ni Kath.

"Yung pinaregister mo last week," bulong ni Jerome sa akin.

"Oo siya yun, hindi alam ni Kath na, nandito na si PJ. Ako pa lang ang makakaalam, kaya sana wag mong sabihin kay Kath na nandito na si PJ kundi lagot ako dun," bulong ko din sa kanya.

"Sige, hindi ko sasabihin," sabi ni Jerome.

"Shocks, ang akala namin single ka Kath. Taken ka na pala," sabi ni Mia.

"Oo nga eh," sabi ni Sav.

"Roll the die na Kath," sabi ni Amber.

Pinagulong na ni Kath yung die at lumabas ang number ko.

"Truth or Dare, Hazel?" tanong ni Kath.

"Truth," sabi ko.

"Kung mapapasama sa SSC, sa anong position mo gusto?" tanong ni Kath.

"Kung mapapasa ako sa SSC, syempre ang pipiliin kong position is president. Yun nga ang balak ko next year eh," sabi ko. Pinagulong ko na yung die at 6 ang lumabas.

"Truth or Dare, Jerome?" tanong ko.

"Truth," sabi niya.

"May nagustuhan ka na bang babae or minahal?" tanong ko. Parang nagsisisi ako kung bakit yun pa ang naisip kong it anong sa kanya?

"Oo meron na akong nagustuhan last year pa. Nalove at first sight ako sa kanya, pero ng makilala ko ang kaibigan niya ay nalipat dun ang atensyon ko. Ang kaibigan niya ang minahal ko hanggang ngayon tapos nalaman kung may mahal pa lang iba ang minahal ko," sabi ni Jerome.

Napayuko ako. Hindi ko alam, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang ilang beses ng sinaksak yung puso ko ng malaman kong may mahal siya.

Bakit parang ang sakit? Bakit ako nasasaktan ng ganito dahil lang nalaman kong may mahal na siya? Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit iba ang pakiramdam ko kay Jerome?