Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 12 - CHAPTER 11

Chapter 12 - CHAPTER 11

HAZEL'S POV

3 DAYS LATER...

Umupo ako sa sofa pagbaba ko ng hagdan galing sa kwarto ko. Pinadischarge na ako kahapon sa hospital, dahil okay naman daw ako at medyo naghihilom na din yung sugar ko.

Ayaw din naman ako papasukin ni Dad sa school, magpagaling daw muna ako. Ano kayang pwedeng gawin? Nilibot ko ng tingin ang buong mansion, ang laki ng mansion tapos wala akong magawa. Kung may mag-aaya sana sa akin para malibang naman ako.

Inihiga ko ang ulo ko sa sofa at ipinikit ko ang mga mata ko.

"Hi Cozs," Napamulat ako at napaangat ng ulo ng marinig kung nagsalita si Aaliyah na kakapasok pa lang sa maindoor. Malapit lang kasi ang bahay nila dito kaya nakakapunta siya dito kahit anong oras.

"Hello Cozs," bati ko din sa kanya.

"Sama ka?" tanong niya.

"Saan naman?" tanong ko din sa kanya.

"Sa University niyo. Magpaparegister ako kay Tito Benjamin," sabi ni Aaliyah.

"Oo, Tara na," aya ko sa kanya at tumayo na. Kukunin ko na sana yung car key ko para ako ang mag drive pero naunahan ako ni Aaliyah.

"Ako ang magdadrive, papagalitan ako ni Tito kapag ikaw ang nag drive," sabi niya.

"Oo na, Tara na nga," sabi ko at lumabas na kami ng bahay.

"Hi Ate Hazel," bati ni Aaron na nakasandal sa kotse ko.

"Sasama ka din? Diba Senior High ka pa lang?" tanong ko.

"Opo sasama ako para makita ko yung loob ng University ni Tito Benjamin," sabi niya.

"Okay," sabi ko na lang at sumakay na sa passenger seat. Sumakay na din si Aaliyah sa driver seat at sa back seat naman si Aaron. Pinaandar na ni Aaliyah ang kotse.

**********

Bumaba na kami ng kotse na makapagpark na si Aaliyah sa parking lot ng University.

Pumasok na kami ng campus at wala kang makikita na students dahil may klase pa. Dumiretso na kami sa office ni Tito.

"Good morning, Ma'am Hazel. Si Sir Alonzo po ba ang hanap niyo, nasa loob po siya," sabi ni Ate Andrea.

"Salamat Ate Andrea," sabi ko at kumatok na sa pinto ng office ni Tito.

"Come in," sabi ni Tito at pumasok na kami nila Aaliyah. Nakita naming busying busy si Tito.

"Hi Tito Benjamin," bati ni Aaliyah kay Tito kaya napaangat siya ng tingin at tumitingin sa amin.

"Aaliyah, Aaron. Naparito kayo? At ikaw Hazel, bakit ka nandito? Diba dapat nagpapahinga ka?" sunod-sunod na tanong ni Tito. Bumeso kami ni Aaliyah kay Tito at nakipagbro hug naman si Aaron kay Tito.

"Tito naman eh, hindi na nga ako pinapasok ni Dad. Pati ikaw ayaw mo akong pasamahin kay Aaliyah papunta dito," kunwaring nagtatampong sabi ko. Umupo na kami sa harap niya.

"Hindi sa ayaw kita ng papuntahin dito. Concern lang naman ako sayo dahil baka dumugo yung sugat mo," paliwanag ni Tito.

"I know naman Tito, gusto ko lang naman na malibang ang sarili ko kaya ako sumama kanila Aaliyah dito," sabi ko.

"Sige na, ano nga ang pinunta ninyo dito?" tanong ni Tito.

"Mag-eenroll daw si Aaliyah," sabi ko. Nag-usap na sila Aaliyah at Tito. Ako naman ay nilibot ko ang buong office ni Tito. Si Aaron, ayon naglalaro ng online games.

**********

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Tito habang nililigpit ang gamit niya na nasa table.

"Hindi pa, Tito," sabi ni Aaliyah.

"Tara kain tayo sa cafeteria," aya ni Tito.

"Sure," sabi namin ni Aaron.

Tumayo na kami at lumabas ng office.

Habang naglalakad papuntang cafeteria ay nakita ko sila Kath.

"Tito, sunod na lang po ako sa inyo sa cafeteria," paalam ko.

"Bakit? Saan ka pupunta?" takang tanong ni Tito.

"Kanila Kath lang, Tito," sabi ko.

"Sige." Pumunta na ako kanila Kath.

"Hi Guys," bati ko sa kanila napatingin naman sila sa direksyon ko.

"Hazel?!" sabi nila at lumapit sa akin.

"Bakit nandito ka? Kakalabas mo lang kahapon galing hospital, naggagala ka na agad," sabi ni Amber.

"Sinamahan ko lang si Aaliyah mag-eenroll kasi siya," sabi ko.

"Diba siya yung pinsan mo na maladyosa ang kagandahan at yung isa mo pang pinsan na malaprince charming na kasama niyo nung party," kinikilig na sabi ni Mia sa bandang dinidiscribe na niya si Aaron.

"Oo sila nga, pero si Aaliyah pa lang college. Next year pa magfi-first year college si Aaron," sabi ko.

"Sayang akala ko naman makikita ko siya araw-araw," malungkot na sabi ni Mia.

"Bakit Mia, crush mo ba yung pinsan ni Hazel?" tanong ni Sav kay Mia.

"Hoy hindi ah, nakakainlove lang ang kagwapuhan niya," sabi ni Mia.

"Yung pinsan ko na yun, hindi ka nun papansinin puro online games lang ang nasa isip nun," sabi ko.

"Tama na nga yan. Pumunta na lang tayo sa cafeteria. Nagugutom na ako," sabi ni Kath

"Gusto mo bang makita yung sinasabi mong Prince charming, Mia? Nasa cafeteria siya ngayon," pang-eechos ko kay Mia habang naglalakad kami. Pero hindi niya ako pinansin.

"Sigurado maraming babaeng students ang nakatingin doon sa pinsan ko," sabi ko.

Pagkarating namin sa cafeteria ay hinanap ko agad sila Tito.

"Bye guys. Nakalimutan ko kasabay ko palang kakain sila Tito. See you next next week na lang guys," paalam ko sa kanila.

"Sige, see you," sabi nilang apat. Pumunta na ako sa table nila Tito na may mga pagkain na.

"Ate Hazel, bakit ang tagal mo? Sino ba yung Kath na sinasabi mo?" tanong ni Aaron.

"Friends ko, medyo nag-kaasaran lang kaya ako natagalan," sabi ko. Tumango lang siya. Nag simula na kaming kumain.

Huminto sa pagkain si Aaron sabay lapit sa akin. "Ate, anong name nung friend mo na yun oh?" bulong na tanong sa akin ni Aaron sabay turo kay Mia.

"Bakit mo naman tinatanong yung name niya?" mahinang tanong ko yung kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Wala lang. Ang cute niya kasi. She's blushing nung tumingin siya dito at nung tinuro ko siya," sabi niya.

"Oh really? Her name is Mia Santiago," sabi ko.

"Yeah Ate. She have a nice name, Ate," sabi niya.

"Tama na yan, nakatingin na sa atin si Tito," sabi ko at umayos na siya ng upo at kumain na ulit.

**********

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na si Tito sa office niya dahil madami pa daw siyang gagawin kaya kami nalang tatlo nila Aaliyah ang magkakasama ngayon.

Naglalakad na kami papunta na sana sa parking lot ng makita ko sila Kath na papunta na sa building ng BM Department.

"GUYS, WAIT!" sigaw ko sa kanila. Lumingon naman sila. Lumapit na kami nila Aaliyah sa kanila.

"Guys meet my cousins, Aaliyah and Aaron. Coz, Aaron mga friends ko, sila Kath, Amber, Sav and Mia," pakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you all. Sana ay maging kaibigan ko din kayo." sabi ni Aaliyah.

"Pwede mo naman kaming maging kaibigan simula ngayon," sabi ni Sav.

"Wow! ang babait niyo naman," sabi ni Aaliyah.

"Nice to meet you too all, mga Ate," sabi ni Aaron.

"Una na kami, Hazel. May mga class pa kami eh. Nice to meet you Aaliyah and Aaron," sabi ni Kath.

"Sige, see you next next week, guys," sabi ko at bumeso sa kanila.

"See you, Hazel. Paggaling ka," sabi nila at nag lakad na papunta sa BM building.

Pumunta na din kami sa kotse at sumakay agad.

"Coz, talaga bang sasabay ka sa akin pagpasok ko? 2 weeks pa akong hindi papasok dahil yun ang sabi sa akin ni Tito. Excuse naman daw ako sa mga classes ko," sabi ko habang nasa byahe kami pauwi sa mansion.

"Oo naman, Coz. Okay lang sa akin. And hindi naman sa excuse ka lahat, may home study ka diba? Para hindi ka bored na bored," sabi ni Aaliyah.

"Oo nga may home study ako. Eh puro hangouts lang yun ng mga lessons."

"Mag-aadvance study naman ako kaya wala ng problema dun," sabi ni Aaliyah. "Ang babait pala ng mga kaibigan mo, Coz?" tanong niya.

"Oo mababait talaga sila. Kaya nga very thankful ako na sila ang mga kaibigan ko eh," sabi ko.

"Friend na nila agad ako, kahit ngayon pa lang kami nagkakilala," sabi ni Aaliyah.

"Eh ganun naman talaga kapag mabait ka eh. Kahit sandali pa lang kayo magkakilala, kakaibiganin at kakaibiganin ka nila," sabi ko.

"Ngayon alam ko na," sabi na lang ni Aaliyah.

2 WEEKS LATER...

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Nakita kong hinihintay na ako ni Aaliyah at Aaron.

"Wow! Naman Cozs, ang ganda ng hairstyle mo ha. Sinong nag hairstyle sayo?" sabi ko ng makalapit na ako sa kanila. Nakatirintas kasi ang buhok niya na parang pa-headband sa isang side lang at yung kabila hindi.

"Ako lang naman Cozs, gusto mo bang ayusin ko din yang buhok mong nakalugay na lang palagi?" sabi ni Aaliyah.

"Sige, basta wag mong itirintas. Baka kumulot ang buhok ko. Gusto ko simpleng ayos lang," sabi ko.

"Hmmm... Alam ko na kung anong hairstyle ang gagawin ko dyan sa buhok mo," sabi niya.

"Ano?" I ask.

"Basta makikita mo din mamaya," sabi niya at hinila ako paakyat ng hagdan. Pumasok kami sa loob ng kwarto ko. Pinaupo niya ako sa vanity table ko at kinuha ang hair comb.

Hinayaan ko na lang siya sa kung anong gagawin niya sa buhok ko tutal maaga pa naman.

AFTER 15 MINUTES...

"Yan okay na," sabi ni Aaliyah. Napatingin naman ako sa buhok ko. Naka bun hairstyle yun na may unting tirang buhok sa magkabilang pisngi ko. Yung katulad sa hairstyle ng mga bride.

"Perfect, cozs. Mukha na akong bride pero I like it," natatawang sabi ko.

"Eh sa yan ang naisip kong gawin sa buhok mo eh. Ang ganda kaya kapag ganyan ang buhok mo bagay sayo, make-up na lang ang kulang. Mukha ka ng prinsesa," sabi ni Aaliyah.

"Edi wow, Cozs," sabi ko na lang.

"Light make-up lang naman para bumagay lang dyan sa buhok mo," sabi niya.

"Sige light lang," sabi ko. Nilagyan na ako ng light make up ni Aaliyah.

Nang matapos na ay bumaba na kami ni Aaliyah. Kinuha ko ang gamit ko na nasa sofa at ang car key ko.

"Ang ganda mo, Ate Hazel. Ano bang meron? May date ka ba Ate?" tanong ni Aaron. Natawa naman kami ni Aaliyah. Lumabas na kami ng bahay at pumasok na sa kotse.

"Wala nga akong boyfriend, kadate pa kaya. At saka nag-make up lang may date na agad, hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-ayos," sabi ko. Pinaandar ko na ang kotse.

"Sorry, akala ko kasi Ate may kadate ka," sabi ni Aaron na nasa backseat.

"Okay lang," sabi ko na lang.

Pagkahatid namin kay Aaron sa school niya ay pumasok na din kami ni Aaliyah sa University.

And guess what?

Nakatingin lang naman sa akin lahat ng mga student na madadaanan namin ni Aaliyah.

Bakit masama na bang maging maganda at lahat sila ay sa akin ngayon?

"Si Ms Candelaria ba yun, pare? Ang ganda pala niya kapag nakapusod ang buhok niya."

"Oo nga, pare eh. Hindi ko akalain na may igaganda pa pala siya."

Napapa edi wow na lang ako sa mga naririnig kong sinasabi sa akin ng dalawang lalaking nag-uusap.

Ngayon pa lang ba nila nalaman ang kagandahan kong taglay? HAHAHAAHA.

"Ang ganda ni Hazel ngayon. Nawala lang siya ng dalawang linggo, gumanda na siya pagbalik."

"Oo nga eh, nakakainggit siya. Galing kasi siya sa mayamang pamilya at siya lang ang nag-iisang tagapagmana ng Candelaria Corp."

"Hindi lang yan, close din siya sa owner nitong University. Nakakasama pa niyang mag lunch minsan. Napakaswerte niya talaga. Iba talaga kapag nasa mayaman kang pamilya."

Bakit ba ako na lang ang pinag-uusapan ng mga estudyante? At Paano nila nalaman na ako ang nag-iisang tagapagmana ng company?

Oo nga pala, sikat nga pala ang company kaya alam nila.

"Hazel!" Lumingon naman akosa likod ko nga may tumawag sa akin. Si Mia kasama ang barkada at naglalakad sila palapit sa amin.

"Hi guys," bati ni Aaliyah kanila Kath.

"Hello din Aaliyah," sabi ni Sav. Napatingin naman silang apat sa akin.

"Kaya naman pala usap-usapan ka ngayon. Ang ganda mo, Hazel. Ngayon lang kitang makita na nag-ayos ng walang event," sabi ni Kath. Napangiti naman ako.

"Ano bang meron, Hazel. At ang ganda mo ngayon?" tanong ni Amber.

"Wala lang naman, gusto ko lang mag-ayos. Remember 2 weeks akong hindi pumasok kaya naisip kong magpaganda, minsan lang naman ako mag-ayos," sabi ko. Nag lakas na kami papunta sana sa Nursing Department para ihatid si Aaliyah ng makasalubong namin ang grupo ni Tiffany.

Sa dinami-dami ng makasalubong namin ngayong araw, bakit si Tiffany pa? Kakabalik ko lang dito eh, akala ko pa naman ang ganda ng araw ko kaso mukhang hindi na.

"Oh kaya naman pala ang daming bulong bulungan na may dumating na babaeng maganda na dalawang linggong hindi pumasok. So ikaw pala yun Hazel," sakrastikong sabi ni Tiffany. Napatingin naman ako kay Aaliyah.

"Cozs go to your classroom now. Hindi na kita ma ihahatid," sabi ko. Tumingin na ulit ako kay Tiffany na nakatingin lang sa akin.

"Okay," sabi ni Aaliyah at umalis na.

"Oo ako nga, bakit bawal ba? At wala kang paki alam kung bulong bulungan man ako ng lahat ng estudyante ang pangalan ko. At least hindi masama ang pinagbubulungan nila tungkol sa akin," sabi ko kay Tiffany ng masigurado ko ng nakalayo na si Aaliyah.

"Wow! Hindi lang pala siya maganda, palaban din."

"Bwisit yang si Tiffany, akala ko ang bait bait yun pala nakatago ang tunay na ugali."

"Kaya nga, kita niyo naman ngayon na nanahimik ang grupo ni Ms. Candelaria, bigla lang dumating yang si Tiffany."

Napangise naman ako sa mga narinig ko. Mukhang marami na ang ayaw kay Tiffany dahil sa ugali niya.

"Oh ikaw na ang pinag bubulungan ngayon dahil sa ugali mo," sabi ko.

"Bwisit kang babae ka," sabi niya at akmang sasampalin niya ako ng pigilan ko siya.

"Tandaan mo hindi ko hahayaang dumampi ang maduming palad mo sa mukha ko," sabi ko. Padabog kong binitawan ang kamay niya.

"Ang akala ko ba mabait ka eh katulad din naman pala ng ugali ko ang ugali mo," sabi ni Tiffany. Napangise na naman ako.

"Hindi ako katulad mo Tiffany kaya wag mong sasabihing magkaparehas ang ugali nating dalawa. Mabait ako kung mabait ka sa akin, pero kung hindi wag mong aasahan na magiging mabait ako sayo," sabi ko.

"Hazel, that's enough. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao," sabi ni Kath.

"No, kung akala ng iba na mahina ako dyan sila nagkakamali dahil hindi ko hahayaan na apihin ako ng kahit sino. Tandaan niyo hindi niya pa ako totally kilala. Hindi niyo alam kung sino ang kinakalaban niyo," sabi ko.

"Hazel!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Lumapit siya sa amin.

"Jerome?" tawag ko din. Napatingin siya kay Tiffany. Napaiwas naman si Tiffany ng tingin ng tumingin sa kanya si Jerome. Bakit hindi makatingin kay Jerome si Tiffany?

"Anong meron dito? And who is she?" tanong ni Jerome sabay tingin kay Tiffany.

"Ow really? Hindi mo ako kilala?" sakrastikong tanong ni Tiffany kay Jerome.

"I'm not interested to you. At wala akong panahon makipagkilala sa iyo," giit ni Jerome.

"She's Tiffany," sabi ni Amber kay Jerome.

"Now I know you, ikaw din ang babaeng nagsaboy ng juice kay Hazel noon. So, mukhang si Hazel pala ang hindi mo kilala at kung anong pwedeng gawin ni Mr. Alonzo kapag may ginawa kang hindi maganda kay Hazel," sabi ni Jerome.

"Bakit naman na pasok sa usapan si Mr. Alonzo?" tanong ni Tiffany.

"Anong meron dito? Hazel, welcome back," Biglang dumating si Tito. Lumapit siya sa akin. Bumeso ako sa kanya.

"Thank you po, Tito," sabi ko. Pinagdiinan ko ang pagkakasabi ko ng word na Tito. Nanlaki naman ang mga mata ni Tiffany.

"You hear it. Tito ni Hazel si Mr Alonzo," sabi ni Kath.

"Ano ba talaga ang meron dito?" tanong ulit ni Tito.

"Si Tiffany po ang nag-umpisa ng away dito, Mr Alonzo. Dumadaan lang po talaga kami papuntang classroom." sabi ni Sav.

"Ms Brilliantes totoo bang ikaw ang nag-umpisa ng away?" tanong ni Tito kay Tiffany. Nakita kong umiling-iling si Tiffany bilang sagot.

"You deny it. Lahat ng estudyante alam na ikaw ang nauna. Sinubukan mo pa akong sampalin kanina kung hindi ko pinigilan ang kamay mo," sabi ko. May lumapit sa aming isang estudyante na babae.

"Totoo pong si Tiffany ang nauna. Dumadaan lang po talaga sila Ms Candelaria kanina," sabi nung estudyante.

"All students, go to your class now. Wala namang nasaktan kaya wala namang dapat parusahan. Ms Brilliantes, asahan mong maraming activity ang gagawin mo mamayang dismissal. That's your punishment," sabi ni Tito at umalis na.

"Bwisit," sabi ni Tiffany at umalis na din sa harap ko.