HAZEL'S POV
Kakatapos lang nang announcement ni Tito. Kaya papunta na ako sa first class ko.
Bigalang may sumabay sa akin sa paglalakad kaya napalingon ako sa kanya, si Garrett.
"Oh Garrett? Hindi ka pa ba pupunta sa first class mo?" tanong ko sa kanya.
"Ammm... You're the SC President now," sabi niya habang kumakamot na naman sa batok niya kaya natawa ako.
"Are you shy again, Garrett," natatawang sabi ko.
"Eh sa ngayon may karapatan na akong mahiya sayo. Ikaw na ang SC President nitong University," sabi niya.
"Ano ka ba? Wag mo na lang isipin na ako yung SC President kapag kasama mo ako para hindi ka nahihiya. I want you to be my friend, Garrett," sabi ko.
"So friend?"
"Yes... Friend," sabi ko. "Ano nga pala ang course mo?" tanong ko.
"Same to you," maikling sabi niya. Tumango na lang ako.
Sabay na kaming pumunta sa Building ng BM Department. Nang makarating na kami sa classroom ko ay huminto na kami. Medyo dulo pa daw kasi yung classroom niya.
"Sige dito na ako. See you later," sabi ko.
"Sige," sabi niya at nag lakad na paalis. Pumasok na ako at umupo sa seat ko.
"Sino yung lalaking kasama mo?" tanong ni Jerome. Lumingon ako sa kanya.
"Pakialam mo ba kung sino yung lalaking kasama ko," sabi ko.
"Baka boyfriend ni Hazel yun, Jerome," sabi ni Amber na nasa likod namin. Kaya napalingon kaming dalawa ni Jerome sa kanya.
"Tingin mo, boyfriend ko yun?" tanong ko kay Amber.
"Bakit naman hindi? Ang gwapo kaya nun, mayaman pa," sabi niya.
"Ewan ko sayo, Amber. Mayaman at gwapo lang ata yung hanap mo sa lalaki eh," sabi ko.
"Bakit ano masama sa mayaman at gwapo na lalaki?" tanong niya.
"Wala naman akong sinabi na masama ang magkagusto sa mayaman at gwapo. Sa ugali kasi nakabase yung kagwapuhan, Ate girl. Aanhin mo yung gwapo at mayaman kung masama naman yung ugali niya," sabi ko.
"So, ano nga sino nga yun?" tanong na naman ni Jerome. Nagkibit balikat na lang ako.
"Tss."
BREAKTIME...
Niligpit ko na ang mga gamit ko at saka tumayo. Tumayo na din si Jerome at sumabay sa akin lumabas ng classroom. Nauna na kasi kaninang lumabas si Amber.
Paglabas namin ng classroom ay nagulat ako ng makita kong naghihintay dito si Garrett sa labas ng classroom. Nakangiting lumapit siya sa akin.
"Can I help you, Ms SC President?" tanong niya. Tumango na lang ako kaya kinuha na niya sa akin yung dala kong libro. Napatingin ako kay Jerome na masama ang tingin kay Garrett.
"Mukhang hindi ka na nahihiya sa akin ngayon, Mr Dela Cruz," sabi ko.
"Ginawa ko lang naman yung sinabi mo sa akin kanina," sabi niya.
"So saan tayo?" tanong ko kay Garrett.
"Sa cafeteria na lang. Tara na," aya niya. Tumango naman ako. Aalis na sana kami ni Garrett ng magsalita si Jerome.
"Saan ka pupunta? May pinapagawa pa sa atin si Mr Alonzo," sabi ni Jerome. Napalingin ako sa kanya.
"Tsaka na yun at last week of this month pa naman yung event na yun kaya magagawa ko ba yun bukas or next week. And mahirap mag plano kapag walang laman ang tiyan," sabi ko. "Let's go," sabi ko at naglalakad na paalis.
Pagkarating sa cafeteria ay umorder muna kami, pagkakuha namin ng pagkain ay nahanap na kami ng table. Nakakita naman kaagad kami kaya nila pag na namin yung pagkain namin sa table at saka umupo. Nagsimula na kaming kumain.
"Do you have a girlfriend?" tanong ko.
"Dati meron. Ngayon wala. I'm single again," sagit niya.
"Bakit anong nangyari?"
"She cheated on me. I saw her with other guy," malungkot na sabi niya.
"Nagawa niya yun, ang akala ko lalaki lang ang nagloloko. Ang bait mo tapos nagloko lang siya. Grabe naman yung babaeng yun," sabi ko. Natawa naman siya.
"Ano ka ba? I understand why she cheated me. Nawawala na kasi ako ng time para sa kanya, masyado akong tutok noon sa study ko," sabi niya. Napa-ahh na lang ako.
"Ikaw? Do you have a boyfriend?"
"Wala pa. Pero may lalaki nang bumihag sa puso ko kahit alam kong hindi naman niya ako kayang mahalin pabalik. He loves me as friend only," seryosong sabi ko.
Napatingin ako sa isang table na nasa side namin ni Garrett,dun kasi nakapwesto sila Jerome at ang barkada. Nakatingin ng masama dito si Jerome. Bakit ba ang sama niyang tumingin kay Garrett? Ano bang prolema niya? umiwas na ako ng tingin.
"May mga bagay talaga na ayaw mo ng ituloy pero takot kang wakasan, yun bang ayaw mo nang umasa pero gusto mo pa ring maghintay, kahit alam mong nasasaktan ka na niya andyan ka parin naghihintay at umaasang may magbabago pa," sabi ni Garrett. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa sinabi ni Garrett.
"Minsan kahit ilang beses ng sabihin ng utak mong 'tama na' pilit paring sinasabi ng puso mong 'kunting tiis pa' ipaglaban mo kung meron kang dahilan para lumaban, pero kung wala, matuto kang sumuko at tumanggap ng katotohanan," pagpapatuloy pa niya. Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.
"Naging tanga ka na ba pagdating sa pag-ibig?" tanong ko. "Sorry dun sa bad word."
"You mean, kahit alam mong niloko ka na niya mahal mo pa rin siya? Yes, naging tanga na din ako sa love. Nang makita ko siyang may kasamang lalaki nun, nakipagkita ako sa kanya para makipaghiwalay pero hindi ko na natuloy na hiwalayan siya ng makita ko siya nung araw na yun dahil mahal ko siya kaya umabot pa yung relasyon namin ng isang buwan. Then, dumating yung araw na umamin siya sa akin na ginamit niya lang ako, yung pera ko para makuha ang gusto niya. Siya na din ang nakipaghiwalay sa akin," kwento ni Garrett.
"Mahirap talaga kapag mas mahal mo ang isang tao kesa mahal ka niya. Ikaw palagi ang magho-hold on at umaasapero merong times na pakiramdam mo nakakasawa na at ang pinaka mabuti na lang gawin ay itigil na ang pagiging martir at tanga," sabi ko.
Kakausap namin ni Garrett ay hindi ko namalan na ubos na pala yung pagkain ko. Uminom ako ng juice ko. Ano kaya pwedeng gawin? Nilibot ko yung paningin ko sa buong cafeteria. Saktong may pumasok na lalaking may dalang gitara. Tumayo ako pero pinigilan ako ni Garrett.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Wait for me here. May pupuntahan lang ako saglit," sabi ko at umalis na. Lumapit na ako doon sa lalaking may dala ng gitara.
"Can I borrow your guitar?" Napalingon sa akin yung lalaki.
"Yes pwede naman basta ikaw, Ms SC President," sabi nung lalaki at inabot na sa akin yung gitara. Napangiti ako at kinuha ang gitara.
"Wag kang mag-alala ibabalik ko agad," sabi ko at umalis na ako. Bumalik na ako sa table namin ni Garrett.
"Marunong ka niyan?" tanong ni Garrett.
"Oo," sabi ko. kinalabit ko na yung gitara kaya lahat ng estudyante ay sa akin na nakatingin ngayon.
[12:51 by Krissy & Ericka]
~Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading that text you sent me again
Though I memorized it anyway~
~It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cause I looked away~
~And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night~
~'Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer~
~Oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh...~
Napapangiti ako dahil yung ibang estudyante ay sumasabay na sa akin sa pagkanta. Naging concert na tuloy yung canteen dahil sa sabay sabay naming pagkanta.
~And I saw you with her
Didn't think you'd find another
And my world just seemed to crash
Shouldn't have thought that this would last~
~And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night~
Tumingin ako kay Jerome na nakatingin lang sa akin. Sana ako na lang yung minahal mo Jerome. Bakit siya pa? Bakit si Kath pa ang minahal mo, pwede naman ako na lang ang mahalin mo?
~'Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer~
~As the sky outside gets brighter
And my eyes begin to tire
I'm slowly drowning in memories of him
And I know it shouldn't matter
As my heart begins to shatter
I'm left to wonder
Just how it should have been, yeah~
~12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed
I'm not thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight~
~Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on
Cause I'll prove you wrong that I can move on through this song~
~So much stronger
Oh oh oh oh...~
Pagkatapos ng kanta ay nagpalakpakan lahat ng estudyante dito sa loob ng canteen.
"Galing mo naman. Hindi ko akalain na maraling ka palang mag-gitara at kumanta," sabi ni Garrett.
"Ang galing mo, Ms President. Sana all marunong mag-gitara at kumanta."
Natawa ako sa isang student na sumigaw.
1 MONTH LATER....
Isang buwan na ang lumipas. Wala pa ring nagbago sa amin ni Jerome. Katulad pa rin kami ng dati, puro barahan at asaran ang maririnig sa aming dalawa.
Nililigpit ko na ang gamit ko, dismissal na rin kasi eh. Ang nagbago lang sa makalipas na isang buwan ay ang hindi na pala sabay sa amin ni Amber.
Palagi siyang nagmamadaling umuwi. Nung magkaayaan nga ang barkada na magbar ay hindi rin siya sumama.
Sabi ni Sav nakita daw niya si Amber na may kasamang lalaki sa isang restaurant. Hindi rin naman namin matanong si Amber.
Tumayo na ako, pati si Jerome at Amber ay tumayo na rin. Naunang mag lakad si Amber kaya sumunod lang kami sa kanya.
Pagkalabas namin ng classroom ay may biglang lumapit sa amin, este kay Amber pala na lalaki.
Napaiwas ako ng tingin ng bigla silang maghalikan. Ano ba tong dalawang toh kailangan sa corridor pa talaga maghalikan?
Tumikhim ako. "Kailangan dito pa kayo maghalikang dalawa, Amberlyn?" sabi ko. Tumingin naman silang dalawa sa amin.
Lumapit ako sa kanila. Napatingin ako sa I.D nung lalaki.
Paul Andrei Fuentes
"Ms President and Mr Vice President? Nandiyan pala kayo. Sorry," sabi ni Paul.
"Anong meron sa inyong dalawa?" tanong ko. Napapaiwas ng tingin si Amber. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Hazel, wag ka ngang mangialam sa kanila," sabi ni Jerome. Hindi ko siya pinansin.
"Walang sasagot sa inyo?"
"Ammm... Friends lang kami," sabi ni Amber. Natawa ako sa sinabi niya.
"May friends bang naghahalikan? Yung totoo, anong meron sa inyong dalawa? Kapag hindi niyo ako sinagot ng maayos hindi kayo ma kakauwi," sabi ko. Nakatingin silang dalawa. Hinawakan ni Paul yung kamay ni Amber.
"Sige na sabihin na natin. Hahaba at hahaba lang tong usapan kapag hindi pa natin sinabi at wala namang mawawala kapag sinabi natin," sabi ni Paul kay Amber.
"Bahala na," sabi ni Amber saka sila lumapit sa akin.
"Ammm... Paano ba?" Halata kay Amber na hindi niya masabi yung sasabihin niya.
"Amber and I, we're married. We've been married for 3 years," sabi ni Paul. Nanlaki yung mga mata ko.
"What? Paanong kasal ka na, Amber?" naluluhang tanong ko.
"Oo, kasal na kami ni Paul. Sa Italy kami nagpakasal dahil gusto ng lolo ni Paul na makitang maikasal muna ang apo niya bago siya mamatay. Hindi naman kami tumanggi ni Paul dun dahil mahal naman namin ang isa't isa kaya pumayag kami. Nang makagraduate na kaming dalawa ni Paul ng high school ay nagpakasal na kami," kwento ni Amber.
Napapa-sana all ako sa isip ko habang nagkukwento kanina si Amber. Nakakainggit na ha. Ang daming nakapaligid na mga lovers.
"Sa mahigit na tatlong taon na pagkakaibigan natin tinago mo yun. Sana kahit isa man lang sa amin may alam nun katulad ng kay Kath, pero hindi. Tinago mo yun, kaibigan mo ba talaga kami, Amber?" tanong ko. Nagbabadya ng tulo yung mga luha ko.
"Sasabihin ko naman sa inyo eh, hinihintay ko lang na umuuwi dito si Paul. Para dalawa kaming mag sabi sa inyo," sabi ni Amber. Tumulo na yung mga luha ko.
"Ilang buwan na bang nandito si Paul? Diba, 4 months na. Pero hindi mo pa rin agad sinabi kahit nandito na siya," sabi ko. Hindi siya sumagot.
"Bibigyan kita ng isang araw para sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo agad sinabi sa amin agad yung tungkol sa inyo ni Paul nung nandito na siya. Kapag hindi mo sa akin na sabi sa akin bukas ng dismissal hindi ko alam kung kaibigan pa ba ang turing ko sayo," sabi ko at umalis na. Narinig ko pang tinawag ako ni Jerome pero nagpatuloy lang ako sa pagbaba ng building.
Nakasalubong ko sila Kath na papaakyat ng building. Pinahid ko yung luha ko.
"Hazel? Bakit ka umiyak?" tanong ni Kath.
"Nothing. Kausapin niyo yung si Amber. I need her explanation tomorrow," sabi ko at nagmadali ng umalis.
KINABUKASAN...
Breaktime na pero wala akong ganang kumain. Nandito lang ako nakaupo sa table ko dito sa SSC Office.
"Mag-usap kayo ni Amber, Hazel. Ayoko yung ganito kayo, hindi kayo nagpapansinan kaninang umaga," sabi ni Kath.
"Siya ang lumapit sa akin at sabihin niya ang dahilan niya kung bakit hindi niya sinabi agad ng dumating na dito si Paul," sabi ko. Biglang bumukas yung pintuan ng office. Pumasok si Amber.
"Ano sasabihin mo na?" tanong ko kay Amber.
"Oo, ayoko ko kasi ng hindi mo ako pinapansin. Kaya sasabihin ko na yung reason ko," sabi ni Amber.
"Labas lang kami," sabi ni Kath at lumabas na sila ni Jerome.
"Hazel, galit ka ba sa akin? Ang totoo niyan, naghahanap lang talaga ako ng tiempo para sabihin sa inyo yung tungkol sa amin ni Paul," sabi niya.
"Yun lang ba talaga ang rason, Falculan?" tanong ko. Alam nila na kapag tinawag ko sila sa surname nila ay seryoso na ako.
"Oo yun lang."
"Hindi naman talaga ako galit eh. Nagtatampo lang ako kasi wala kaming mga kaibigan mo sa araw ng kasal mo. Alam ko naman na hindi pa tayo magkakilala noon, ang gusto ko lang naman ay marinig yung vow niyong dalawa," sabi ko.
"Yung vow lang talaga ang gusto mong marinig sa kasal ko," sabi niya.
"Syempre hindi lang yun, gusto ko din na makita kang masaya nung araw na yun kasama si Paul," sabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Love you, Hazel."
"Love you too. Next month si Kath naman ang ikakasal. Nakakainggit kayo, nakita niyo na yung lalaking mag mamahal sa inyo. Ako kaya kailan?" sabi ko. Humiwalay na kami sa pagkakayakap.
"Darating din yung lalaking mag mamahal sayo at mamahalin mo. Hintay hintay ka lang," sabi niya.
Dumating na siya ang kaso iba ang minahal niya. Kung sana ako na lang ang minahal niya edi sana ay hindi siya masasaktan sa araw ng kasal ni Kath.