Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 20 - CHAPTER 19

Chapter 20 - CHAPTER 19

HAZEL'S POV

Mahigit isang buwan na kaming nagpapanggap ni Jerome. Sinabi ko na din kanila Mom and Dad na boyfriend ko si Jerome para hindi sila mabigla sa Engagement party.

Nagdadalawang isip pa nga ako noon kung sasabihin ko ba o hindi kanila Mom at Dad. Dahil parang niloko ko na ang mga magulang ko sa pasisinungaling ko pero gagawin ko ang lahat para matuloy ang kasal namin ni Jerome.

Nandito ako ngayon sa SC office. Tahimik lang ako, wala si Kath dito dahil mag-ikot ikot daw siya. Napatingin ako kay Jerome ng may naalala ako.

"Sa Friday ang engagement party diba? Gusto ko lang itanong kung hanggang kailan mo balak lahat ng to... I mean until when you're gonna pretend that you'll marry me?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman sa akin si Jerome. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"I don't know. Siguro ay hanggang sa makabalik nga ang Mamita mo sa Italy. Masyadong halata pagmadalian nating binireak lahat. So let's be like this for a while," sabi ni Jerome.

Ouch! Kaya pa Hazel?

"So walang exact date?" tanong ko.

"Wala. Pero sinabi ko naman sayo non. Hindi natin pwedeng isa walang bahala ang lahat. Wala naman sigurong problema kung totohanin natin lahat," sabi ni Jerome.

Parang may mga anghel na tumutugtog ng harp ang nakapalibot sakin.

"Walang problema sayo kahit totohanin natin?" tanong ko sa kanya.

"Wala. I'm old enough to marry someone," sabi ni Jerome.

"We don't love each other?" pasisinungaling ko.

Well for me it's a lie... Dahil mahal ko si Jerome.

"Does it matter? May mahal na naman ng iba-- I mean magkaibigan naman tayo at wala namang magiging problema kung magkasama tayo. I guess it's a smart thing to do," sabi ni Jerome. Tumango-tango na lang ako.

Pero pinaikot ko yung chair ko patalikod sa kanya. Para maitago yung hurt na nakabalatay sa mukha ko. Dahil alam ko yung hindi natuloy na sabihin ni Jerome kanina. Sasabihin niya sana na 'May mahal na naman ng iba ang taong mahal ko'.

Kung ako na lang kasi ang mahalin mo di sana hindi ka na nasasaktan.

Tumayo na ako. Total magbibreaktime naman din, kakain na lang ako. Naglakad na ako para sana lumabas ng nagsalita si Jerome.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Kakain," tanging sagot ko at labas na nang SSC Office.

Pagkarating ko sa cafeteria ay umorder agad ako ng pagkain ko. Pagkakuha ko ng pagkain ko ay umupo na ako sa table na nakita ko.

Nagsimula na akong kumain. I really miss Clarence na. Hindi pa nagpapakita yung lalaking yun simula nung nabaril ako sa Anniversary Party ng company nila. Hindi din siya dumalaw noong nasa hospital ako. Siguro na guilty siya dahil siya yung radon kung bakit ako nabaril nung araw na yun.

"Bakit mag-isang kumakain lang dito, Si Ms Pres?" Nanlaki ang mga mata kong nagtaas ng tingin sa nagsalita. Alam ko na kung kaninong boses yun dahil pamilyar sa akin.

Napatayo ako. Nilapag naman niya yung pagkain niya sa table ko. Agad kong niyakap si...

"Clarence..." sabi ko. Niyakap naman niya ako pabalik.

"Miss mo na ako no?" tanong niya. Humiwalay na ako sa pagkakayap sa kanya. Umupo na ako sa kinauupuan ko kanina, tumabi naman sa akin si Clarence.

"Yes, I really miss you Clarence. 2 years kang hindi nag pakita sa akin ha. Hindi ka man lang dumalaw sa akin nung nasa hospital ako noon. Kaya mo akong tiisin nang ganun katagal?" nagtatampong sabi ko.

"Dumalaw kaya ako sayo sa hospital noon kaso hindi ka pa nagigising nung dumalaw ako," sabi ni Clarence.

"Eh nung magising ako, hindi ka dumalaw. Kahit nung nasa mansion na ako ng mahigit dalawang linggo ay hindi mo pa rin ako dinalaw. Nakakapagtampo ka na ha," nagtatampo paring sabi ko. Natawa naman siya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Sorry na eh sa naguilty ako sa nangyari sayo nung Anniversary Party eh," sabi ni Clarence. "Balita ko may boyfriend ka na daw?" tanong niya.

"Sinong nagsabi sayo?" tanong ko.

"Si Kath. Ano meron nga?" tanong niya ulit.

"Oo meron," mailing sabi ko sabay subo ng pagkain ko.

"And who's that lucky guy?" tanong niya. Sasagot na sana ako ng may sumagot nun.

"Ang SC Vice President," sabi ni Kath at nakakalapit lang sa amin. Inuutusan nila si PJ at Paul na dugtungan yung lamesa namin.

Nang malagyan na ng isang table at mga upuan ay nagsiupo na silang anim.

"Si Mr Calliego?" tanong ni Clarence.

"Yup, si Jerome yung boyfriend ni Hazel," sabi ni Kath.

"Sila na?" sabay sabay na tanong nila Amber, Sav, Mia, Paul at PJ.

"Oo kami na," Napatingin kami sa nagsalita. Si Jerome. Naglakad na siya pa palapit samin. Bakit parang nag slow motion yung paglalakad niya?

"Bakit parang shock kayo?" tanong niya sa mga kasama namin ng makalapit na siya at umupo sa tabi ko.

"Shocks talaga," sabi ni Mia.

"Kailan pa parang ang bilis namang maging kayo? Halos araw araw kayong nag-aasaran naging kayo pa," tanong ni Sav.

"Actually 2 years na kami ni Hazel. Hindi lang namin pinapaalam sa inyo yung tungkol sa relasyon naming dalawa," sagot ni Jerome. Bahala na nga silang mag-usap usap dyan. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko habang sila ay nag-uusap.

Nakita kong umalis yung mga lalaki kaya kaming limang magkakaibigan na lang ang natira dito.

"Kami na lang ata ni Sav ang walang lovelife ah. Tatlo na kayong mga may lovelife, nakakainggit na kayo," sabi ni Mia. Napailing na lang ako.

"Alam ko kung bakit wala ka pang boyfriend ngayon, Mia," sabi ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"Ano?" tanong niya.

"Hindi ano, sino?" pagtatama ko.

"Oh sino nga?" tanong niya.

"Ayun siya oh," sabi ko sabay turo dun sa table nila Aaliyah at Aaron. Napatingin din yung dalawa dito at ngumiti.

Napatingin ako kay Mia. Tumingin siya sa akin.

"Tama ako no? Siya ang dahilan kung bakit wala kang boyfriend ngayon, Mia?" tanong ko kay Mia. Napayuko siya.

"Wala akong pag-asa dyan sa pinsan mo. Hindi naman niya ako magugustuhan at I think dalawang taon ang tanda ko sa kanya," ma lungkot na sabi ni Mia habang nakayuko.

"May pag-asa ka dyan, promise. At isa pa ang pagmamahal ay walang pinipiling edad," sabi ko. Napaangat siya ng tingin at tumingin sa akin.

"Paano mo naman nasabi ng may pag-asa ako dyan sa pinsan mo?" tanong ni Mia sa akin.

"Basta alam ko lang. Alam kong may nararamdaman na ang pinsan ko sayo, Mia. Minsan nakita kong iniistalk niya ang account mo," sabi ko. Napangiti siya.

"Totoo ba yan, Hazel? Mamaya pinagloloko mo lang si Mia," sabi ni Kath.

"Totoo ang sinasabi ko kahit tanungin niyo pa si Aaliyah. Yan at yan din ang sasabihin niya," sabi ko.

"Here's your meal," sabi ni Jerome. Nakabalik na pala sila. Nagsiupo na sila, kinuhaan na din pala ni Clarence ng pagkain sina Mia at Sav. Napatingin ako sa pagkain at saka tumingin kay Jerome.

"Bakit mo pa ako kinuhaan ng pagkain eh katatapos ko lang kumain?" tanong ko.

"Basta kainin mo na lang yan," sabi niya.

Bahala na nga. Nagsimula na ulit akong kumain. Nagsikainan na din sila. Kung hindi lang talaga kita mahal, Jerome. Hindi ko to kakainin.

*************

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan naman kami dahil may ilang minuto pa bago matapos ang breaktime.

"I have a question for you, Jerome," Baling ni Clarence kay Jerome. Parehas kami ni Jerome na napatingin kay Clarence.

"Yes?"

"How much do you love, Hazel?" tanong ni Clarence. Nagulat ako sa tanong ni Clarence pero hindi ko ipinahalata. Hindi ko inaasahang na yun ang itatanong ni Clarence.

Napatigil ako. Naramdaman ko rin na Jerome stiffened beside me.

"Yes I do love her, I can't tell you how much. But all I know is l love her," sagot ni Jerome.

Gaano na ba katagal na hinihiling ko na marinig kay Jerome lahat ng to?

Pero ang sakit lang kasi. Alam kong hindi naman para sa akin ang sinabi niya. I know na para kay Kath yon... Never for me.

I'm just a woman who's wishing that it was for me.

"That's so sweet... And Hazel? How much do you love Jerome?" tanong ni Sav.

Sumagot ako ng walang pag-aalinlangan.

"Hindi ko din masasabi kung how much I love him. But what I do know is that I love him more than anything. Maybe even more than my own life," buong puso kong sagot.

How I wish everything's true.

Nag paalam muna ako saglit kay Jerome na pupunta ako ng restroom. He looks so deep in thought.

Pumasok ako sa restroom. I can't help but cry.

"So hindi totoo lahat ng yon?" Narinig kong sabi ni Amber.

Humarap ako at nakita ko si Amber na nakatayo sa pinto. Sinundan niya pala ako. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kaniya.

"Amber--" Magpapaliwanag sana ako sa kanya kasi hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Don't lie to me. Kanina ko pa kayo nahahalata. Well, I know na hindi mahahalata yon ng iba dahil mukha naman talaga kayong mag-on pero I'm your friend. Kilala kita... Nang sabihin kanina ni Jerome na mahal ka niya I saw pain on your eyes," sabi ni Amber. Lumapit sakin si Amber then she hug me.

"Hindi ko kailangan ng explanations, Hazel. Pero lagi lang akong nandito. Okay?"

"O-Okay," naluluhang sabi ko.

Lumabas na ako at naglakad pabalik na sa canteen. At umupo sa tabi ni Jerome. Parang may iniisip parin siya.

Maya-maya ay natapos na rin ang breaktime kaya nagsimula na kaming maghiwalay hiwalay. Nandito kaming dalawa ni Jerome sa office, may class kasi ngayon si Kath kaya wala siya dito.

Naglagay na lang ako ng earphone sa magkabilang tainga ko habang nakatingin kay Jerome. Nagplay ang 143 by Dwin Araza.

Mukhang pinapatamaan ako ng kanta. Tinanggal ko yung isang earphone sa kabilang tainga ko ng tumingin sa akin si Jerome. Nag-Iwas ako ng tingin.

"Hazel?" tawag ni Jerome. Tumingin naman ako sa kanya.

"Hmmm?"

"Yung sinabi mo kanina," sabi niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko.

"What about it?" takang tanong ko.

"Amm. Gusto ko lang itanong kung may tao ka bang mahal? Kasi the way you said that words," sabi niya.

"Kailangan ba may special someone para lang masabi ko yon?" tanong ko.

"Well. Akala ko ganon yun eh."

Yeah. Like you. Iniisip mo si Kath habang sinasabi mo yon.

"Ano nga?" tanong ulit ni Jerome.

"Meron," maikling sabi ko.

"And?"

"He belong to someone else," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Pagkatapos ng kanta ay tinanggal ko na yung earphone ko.

"May asawa na or girlfriend?" tanong niya

"Wala pa," sabi ko. Tumingin ulit ako sa kanya. Napakunot ang noo niya.

"So bakit sabi mo 'he belong to someone else'. Kung single pa naman siya?" tanong niya. Napayuko ako.

"Because his heart belong to someone else... How can I compete with that?" sabi ko.

Tumahimik na lang ako. At pinaikot yung wheelchair patalikod sa kanya. Kinuha ko yung libro ko at nagbasa na lang.

**************

Pagkauwi ko sa mansion ay para akong lutang na ewan.

"Mom, Dad, Mamita I'm home," sabi ko at bumeso sa kanila. Umupo na ako sa tabi nila.

"Bakit ang tamlay mo, may sakit ka ba?" nag-aalalang sabi ni Mom sabay hipo sa noo at leg ko. "Wala ka namang sakit ah," sabi ni Mom.

"Wala nga po. Dapat nga ay masaya ako dahil nakasama kong maglunch si Clarence," sabi ko. Siguro ay kakaisip ko lang to kung paano ko magagawan ng paraan para ma tuloy ang kasal namin no Jerome.

"Anong problema mo baka matulungan ka namin?" tanong ni Dad. Umiling lang ako bilang sagot.

"Nag-away kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Mamita kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi rin po," sagot ko. "Pagod lang po siguro ako. Akyat lang po ako sa kwarto ko," sabi ko at tumayo na.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong nagalit ng damit. Pagkatapos ay humiga na ako. Nakatingin lang ako sa puting kisame.

Pumasok sa isip ko yung sagot ni Jerome sa tanong ni Clarence kanina.

Sana totoo na lang lahat ng to. Sana ako na lang yung minahal niya. Kung ako na lang kasi yung minahal niya ay parehas na sana kaming naging masaya.

Sana hindi ko na lang siya nakilala para hindi ko na siya minahal ng ganito. Alam kong may mahal siyang iba pero pa tuloy pa rin ako sa pagmamahal sa kanya.

Sana ay hindi na lang siya ang minahal ko para hindi ako nasasaktan tuwing naaalala ko na si Kath ang mahal niya at hindi ako, na kunwarian lang ang lahat sa amin.

Puro sana ang laman ng isip ko. Mga sana na hindi ko dapat ginawa noon pa man para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Hanggang asa na lang ba talaga ako sa kanya?

Bakit kung sino pa yung tunay na nagmamahal siya pa yung laging nasasaktan?