AMBER'S POV
Pagkatapos naming mag-usap ni Hazel ay inaya ko siyang sumabay sa aming kumain pero kay Jerome na lang daw siya sasabay.
Lumabas na ako ng SSG office at naabutan kong hinihintay ako ni Boo. Boo is our endearment to each other. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun nung una pero pumayag din ako na yung ang endearment namin dahil unique sa pandinig.
"Kamusta pag-uusap niyo, Boo? Bati na kayo?" tanong ni Paul. Tumango naman ako.
"Oo, bati naman kami. Hindi naman kasi yun galit sa akin dahil sa inilihim natin yung relasyon natin. Nagtatampo lang yun dahil hindi siya nakapunta sa kasal natin," sagot ko. Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria.
"Gusto mo ba ng second wedding? Yung tradition wedding na ginagawa dito sa pilipinas?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya na nakangiting nakatingin sa akin.
"As in, church wedding ba?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Oo, alam ko na yun ang gusto mo noon na gawin natin sa kasal natin noon," sabi niya.
"Boo, gusto ko yang isip mo. Gusto ko ulit na maikasal sayo. Gusto ko na sa kasal natin ay nandun ang lahat ng mga kaibigan natin at ang mga magulang ko," masayang sabi ko.
"Sige, Boo. After graduation, aasikasuhin natin yung second wedding natin," sabi niya. Napayakap naman ako sa kanya sa tuwa.
"Thank you, Boo. You make my heart happy. Hindi ako nagsisi na binigyan kita ng pangalawang pagkakataon para mapatunayan mo sa akin na mahal mo ako," sabi ko sa kanya habang nakayap.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at unto niya akong nilayo sa kanya.
"Naguguilty na naman tuloy ako dahil pinaalala mo na naman ang panlolokong ginawa ko sayo noon. Pinagsisihan ko na niloko kita noon, tuwing iniisip ko yung ginawa kong yun, nasasaktan ako kasi ako yung dahilan kung bakit muntik mo na akong hindi bigyan ng second chance para mapatunayan na seryoso na ako sayo at para mapatunayan ko din sayo na totoong mahal kita," mahabang sabi niya.
"Alam mo Boo, dapat kinakalimutan na natin yung nangyari na yun. Nakaraan na yun. Ang mahalaga sa akin ay yung ngayon, yung kasama kita, yung mahal mo ako at mahal din kita." sabi ko sa kanya habang hinihimas yung gwapo niyang mukha.
"Hindi dapat kinakalimutan yun, Boo. Yung pangyayari na yun ay hindi dapat kinakalimutan," sabi niya. Kumot naman yung noo ko sa sinabi niya.
"Bakit naman hindi natin pwedeng kalimutan yun? Yun yung dahilan kung bakit nawasak ang puso ko," sabi ko.
"Alam ko naman na yun. Yung nangyari na yun sa buhay natin ang dahilan kung bakit merong tayo ngayon, kasi nalagpasan natin yung pagsubok na yun," sabi niya. Then he kiss me in my forehead.
Bigla naman akong natawa sa kadramahan namin.
"Tara na nga, nagugutom na ako. Ang drama natin dito sa hallway," natatawang sabi ko. Nagsimula na ulit kaming maglakad. Umakbay ulit sa akin si Paul.
Pagkarating namin sa cafeteria ay si Paul na ang pumunta sa counter para bumili ng pagkain namin.
Nang makabalik na siya ay nagsimula na kaming kumain.
"Boo?" tawag ni Paul kaya napatingin ako sa kanya.
"Hmmm?"
"I love you, Boo," malambing niyang sabi.
"I love you too, Boo," nakangiting sabi ko.
"Ti amo moltissimo, Boo," sabi niya. (I love you very much, Boo.) Napangiti naman ako. Ito yung namiss ko sa kanya, yung pagiging sweet niya sa akin.
Anyway... Half Italiano at half pilipino si Paul pero mas sanay siyang magtagalog dahil dito na siya lumaki sa pilipinas.
And about our wedding 3 years ago. Civil wedding lang ang kasal namin noon ni Paul kaya gusto magtraditional wedding kami.
Matagal ko ng pangarap ang maglakad sa gitna ng simbahan habang nakahawak sa magkabilang braso ko sila Mom and Dad, papunta sa lalaking gusto kong makasama habang buhay. Dream wedding ko yun.
Hindi rin nakapunta sila Mom at Dad sa kasal namin ni Paul sa Italy dahil ang alam nila ay magbabakasyon lang kami ni Paul dun. Kaya nagulat sila Mom at Dad nung umuwi kami ni Paul dito at sabihin namin na kasal na kami. Si Mom ay natuwa ng malaman niya na kasal na kami pero si Dad, hindi niya ako pinansin ng isang linggo because he disappointed to me. Hindi man lang daw sila nakapunta sa araw ng kasal ko.
Kaya masaya ako na magpapakasal ulit kami ni Paul. Matutupad na ang dream wedding na gusto ko dahil makakapunta na sila Mom at Dad sa kasal namin. At may bonus pa dahil makakapunta din sila Hazel. Hindi na siya magtatampo ulit sa akin dahil lang sa hindi siya nakapunta sa kasal ko.
"Hey Boo, bakit nakatingin ka lang sa pagkain mo at hindi mo ginagalaw? Ayaw mo ba ng inorder ko para sayo?" tanong ni Paul.
"May iniisip lang ako," sabi ko at nagsimula na ulit sumubo.
"Boo, after our second wedding. Honeymoon na tayo. Gusto ko ng magkababy tayo pagkatapos ng kasal natin," sabi niya.
"Ilang anak ba ang gusto mo?" biglang tanong ko.
"Kahit isa lang basta lalaki para masalinlahi ang mga kagwapuhan ng mga Fuentes," sabi niya.
"Ang hangin mo, Boo," sabi ko sa kanya. "Okay lang sayo kahit isa lang ang anak natin?"
"Oo naman, basta nga lalaki. Pero okay din kung dalawa ang anak natin. Isang babae at isang lalaki," sabi niya.
"Sige, honeymoon tayo pagkatapos ng second wedding natin," sabi ko. Malapad na ngiti ang gumuhit sa labi niya.
"Sabi mo yan ha," sabi niya.
"Oo naman," sabi ko.
KATH'S POV
AFTER 1 MONTH...
Pakiramdam ko kahit anong gawing makeup sakin namumutla parin ako. Nahihilo ako na hindi ko maintindihan. Halos isang drum na ata ng tubig ang nainom ko pero hindi parin ako kumakalma.
"Ano ka ba, Kath? Kamalma ka nga," sinimangutan ko si Hazel na kasalukuyang inaayos ang dress na suot ko.
"I'm gonna pass away--...I mean out," sabi ko. Kinakabahan talaga ako.
"Relax. Everything will be fine," sabi ni Hazel.
Tumili ako ng Pagkalabas-lakas. Napapikit naman si Hazel pero hindi naman siya nagreklamo. Alam kong naiintindihan naman niya ako kung bakit abot-abot na lang ang kaba ko.
After all this is my...
Wedding day.
"Oh My God, Hazel! I'm getting married!"
Natatawang tinapik-tapik ako sa balikat ni Hazel.
Hazel is my Maid of Honor. And Jerome is the Best Man. Si PJ ang nagdesisiyon kung sino ang magiging maid of honor and best man, hindi na ako nangi-alam pa dahil si Hazel naman talaga ang gusto Kong maging maid of honor ko.
"Yes, Kath. I know. Si Eliza kaya ang nag-ayos ng kasal mo, duh?"
Eliza is her friend.
Tinalo ni Eliza ang pinakamagaling na wedding coordinator sa mundo. Siya na ata ang pinakamabilis na nakapag-arrange ng wedding. Hindi na kasi makapag-intay si PJ ang neither am I.
I know, I know. I'm too young. But I think it's about time I think my happiness first. And PJ is my happiness.
"Dapat ikaw ang makasalo ng bouquet ko mamaya ha? Para kayo naman ni Jerome ang sunod na ikasal."
Nginisihan ko siya naka agad ding nawala ng mapansin kong hindi siya sumagot sa sinabi ko. Kada kasi aasarin ko sila ni Jerome Lagi nilang itinatanggi na attracted sila sa isa't-isa.
"Wala akong pag-asa don. Ikaw ang maha-" Bigal siyang tumigil sa pagsasalitaan niya na parang may narealize siya sa sasabihin niya.
Nanglaki ang mga mata niya. Tinakpan niya ang bibig niya. Kumunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?
"I don't understand," sabi ko.
Alanganing mgumiti sya. "Wag mo na lang akong intindihin, Kath. Medyo pagod lang siguro ako kaya kung ano-ano na ang nasasabi ko."
Tatanungin ko pa sana siya ng may biglang kumatok sa pintuan.
*KNOCK KNOCK KNOCK*
Rumehistro ang lungkot sa mukha ni Hazel bago nakangiting lumayo siya sa akin at naglakad na papunta sa pinto. Binuksan niya yun at bumungad sa amin si Jerome. Tuloy- tuloy na lumabas si Hazel ng hindi binabati si Jerome.
"Jerome?" tawag ko.
Ngumiti naman si Jerome at lumapit sakin.
"You look beautiful, Kath," nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Bolero. Wait. Diba dapat nasa simbahan ka na? At saka nag-away ba kayo ni Hazel? Para kasing hindi kayo napapansin," napapatanong ako. Hindi ko naman sila nakikitang ganito eh nitong makalipas na isang buwan ko lang napansin.
"Wala naman kaming problema," sabi niya.
I doubt that. Parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Well, actually dati pang may kakaiba sa kanila. Mas lumala lang sila ngayon dahil imbis na mag-asaran ay hindi sila nag-iimikan.
"I'm really happy for you."
Ngumiti naman ako. "Thank you, Jerome. That really means a lot to me."
"Kath..."
"Yes?"
"I just want to tell you something. Something that I decided before to hide from you. Pero naisip ko na kailangan kong sabihin sayo kesa buong buhay kong isipin na ano kaya ang maaaring nangyari kung sakaling sinabi ko sa inyo," seryosong sabi ni Jerome.
"Kinakabahan naman ako sayo, Jerome. Ano ba kasi yon?"
"I love you, Kath," sabi ni Jerome. Nanlaki ang mga mata ko.
Napasinghap ako. Sunod-sunod na umiling ako na animo mabubura non ang narinig ko. Humakbang palapit sa akin si Jerome dahilan para mapaatras ako.
No. This is impossible. Ni minsan hindi ko kinakitaan si Jerome ng interes sa akin. Noon pa man close na kami but--
'Wala akong pag-asa don. Ikaw ang maha--'
Mahal? That's what Hazel meant earlier. Ako ang dahilan kung bakit malungkot siya. Kung bakit iniiwasan niya si Jerome. Bulag na lang ang hindi makakakita na may nararamdaman si Hazel para kay Jerome. But I never thought that I will be the cause of her pain.
"Jerome..."
"Don't Kath... Don't be sad for me. Hindi ko iyon sinabi para manggulo. Gusto ko lang na malaman mo ang nararamdaman ko. I'm not asking for anything in return. For the last time I want to take a chance because maybe after this, I can finally move on," seryosong sabi ni Jerome.
"W-Why me?" Napapatanong ako.
"I don't know, Kath. I've been asking the same question over and over again. Basta ang alam ko, minahal kita unang beses pa lang kitang nakita. You're different from the others. I don't know why all people ikaw pa ang minahal ko when I know along that will never feel the same. I just fell for you. I just did, Kath," sabi niya.
Huminga ako ng malalim at lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at naluluhang tumingin sa kanya.
"You're a great person, Jerome. You deserve to be happy, but not with me. I'm in love with PJ. I'm bound to him. Mahalaga ka para sa akin but I'm not the woman meant for you. You will find her. I know you will," sabi ko.
Ngumiti si Jerome at masuyong hinaplos ang pisngi ko. "Maybe."
She's right there beside you, Jerome. Hindi mo lang siya nakikita dahil nakatuon ang atensyon mo sa akin. But soon I know you'll realize that she's the person that you will spend your life with. Soon, you'll both be happy. I'm sure of that.
HAZEL'S POV
Nakakaiyak yung kasal ni Kath nung isang araw. Nakakainis! Yung dalawa kong kaibigan, married na. Ako kaya kailangan? Kailangan darating yung araw na mahalin na din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Sinubukan ko siyang iwasan nitong nakalipas na isang araw pero hindi ko maiwasan na hindi kami magkita dahil parehas kami ng section at SSC officers din siya. Kahit ata libangan ng libangan ko yung sarili ko ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko.
Papunta na ako sa klasa ko at kasama ko ngayon ang barkada. Napapaiwas ako ng tingin. Dahil po yung dalawa kong kaibigan ay nang iingit sa mga lovey-dovey nila.
"Ehem. Napapaligiran kami ng mga lovers. Paraan nga muna. Mamamatay na ako sa inggit eh," sabi ko at nauna ng mag lakad sa kanila. Natawa naman sila.
"Bakit ka ma-iingit diba may Garrett ka?" sabi ni Amber. Napalingon ako kay Amber na nakakapit sa braso ni Paul.
"What the? Sinong nagsabi sayong naging kami ni Garrett? Excuse me, Mrs. Fuentes. HINDI NAGING KAMI," sabi ko. Diniinan ko talaga yung huling tatlong salitan binanggit ko.
"Lagot ka! Amberlyn. Nag sasabi ka ng hindi naman totoo," pang-asar ni Sav.
"Sorry Hazel," sabi ni Amber.
"Tss," Naglakad na ako paalis at iniwan sila.