Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 13 - CHAPTER 12

Chapter 13 - CHAPTER 12

HAZEL'S POV

"Bwisit," sabi ni Tiffany at umalis na din sa harap ko.

Pasalamat siya na puro activity lang ang punishment niya. Kung ako si Tito suspended siya sa akin ng isang linggo.

"Let's go na nga guys," sabi ko. Nagsimula na kaming pumunta sa building.

"You look so beautiful today, Hazel," sabi ni Jerome na katabi ko. Napaiwas ako ng tingin. Feeling ko namumula na ako sa kilig na ewan ko. Bakit ko kinilig sa sinabi niya?

"T-Thanks," nauutal na sabi ko. Naman oh, ngayon pa ako nautal.

"Grabe ka, Hazel. Ang akala ko hindi mo na siya papatulan kaya pala pinaalis mo si Aaliyah," sabi ni Amber.

"Kaya pinaalis ko ang pinsan ko dahil ayokong makita niya na may kaaway ako dito. Isusumbong ako nun kay Dad," sabi ko.

"Ibang Hazel yung nakita namin kanina ha. Nagiging ibang tao ka pala kapag may kumakalaban sayo ng ganun," sabi ni Mia.

"Word lang yun, pero mapanakit," sabi ni Sav. Hindi ko na lang sila pinansin.

Pagdating namin sa classroom ay umupo na ako sa upuan ko. Kinuha ko yung hangout ng mga lessons sa bag ko at binasa.

BREAKTIME...

"Good Afternoon, Ms Candelaria," bati ng mga estudyante pagpasok namin nila Kath kasama si Jerome sa cafeteria.

"Good Afternoon," bati ko din sa kanila. Naghanap na kami ng table. Nakahanap naman kami agad. May lumapit sa amin na cafeteria staff.

"Ma'am, anong pagkain po ang gusto niyo? Ihahatid ko na lang po sa inyo," sabi nung staff.

"Yung palaging ini-order na lang ni Tito Benjamin," sabi ko. Tumango ang staff at umalis na.

"Hi Cozs," sabi ni Aaliyah na kakarating lang.

"Hi, Musta first day of class mo?" tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Okay naman may ilan na akong nakilala," sabi niya. "Cozs, who the guy beside you? He's so very handsome kahit kulot siya." tanong ni Aaliyah na nakatingin kay Jerome na nasa tabi ko.

"He's Jerome my friend. And Jerome, meet my cousin, Aaliyah," pakilala ko sa dalawa.

"Hi Aaliyah, you are newbie here?" Jerome ask to Aaliyah. Napangiti naman si Aaliyah.

"Oo, sa states kasi kami lumaki at nag-aaral na din. Dapat nga vacation lang kami dito ng 1 month kaso ayoko ng bumalik dun kahit nandun ang mga friends ko. Mas gusto ko na lang dito kasi nandito ang cousin ko," paliwanag ni Aaliyah.

"Me too, simula ng mamatay ang Dad ko sa states 5 years ago. Ayoko ng bumalik sa states dun kasi namatay si Dad kahit nandun lahat ng memories niya ng nabubuhay pa siya," malungkot na sabi ni Jerome. Kaya naman pala ayaw niyang pag-usapan noon ang tungkol sa Dad niya.

"Sad to hear that," sabi ko. Bakit ba panay ang English ko ngayong araw?

"Kaya ba ayaw mong pag-usapan noon ang Dad mo?" tanong ko.

"Oo, close kasi ako kay Dad. Sobrang sakit sa akin nung mawala siya," sabi ni Jerome.

"Hindi ko masasabing okay lang yan dahil sobrang sakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Hindi ko pa man nararanasan ang mawalan ng taong mahal ko pero alam kong sobrang sakit ng nararamdaman mo, Jerome," sabi ko.

"Actually kaya ko siya nabanggit dahil today is his 5th Death Anniversary."

"Here's your order, Ms Candelaria." Biglang sabi nung staff kanina at nilapag na sa table namin lahat ng pagkain.

"Thanks," sabi ko.

"Wow! Ang dami naman nito, Cozs. Ano bang meron?" sabi ni Aaliyah.

"Wala naman, pa-come back ko lang. Bakit ayaw mo ba?" sabi ko at akmang kukunin ko ang pinggan na may pagkain na nasa harap niya pero agad naman niyang na ilayo.

"May sinabi ba akong ayaw ko. Binibiro ka lang eh," sabi niya. Natawa naman ako. Nagsimula na kaming kumain.

"Tutal namiss ko nang pumunta sa Musical room. Ano punta tayo pagkatapos nating kumain?" aya ko.

"Game kami dyan," sabi nila Kath.

"Me too, hindi mo pa ako tapos turuang mag-piano," sabi ni Jerome.

"Sama din ako, Cozs," sabi ni Aaliyah sa pagitan ng pag-nguya.

"Wag kang mag-alala tuturuan pa kita, Mr VP," sabi ko kay Jerome. "At ikaw, Aaliyah Faith Salazar. Huwag kang magsasalita kapag may laman pa ang bibig mo," sabi ko. Nilunok muna ni Aaliyah ang pagkain na nasa bibig niya bago nagsalita.

"Sorry naman."

Kumain na lang ako. Napatingin naman ako kay Kath ng may naalala ako bigla.

"Ano plano para sa linggo, Kathie," sabi ko kay Kath. Kathie kasi minsan ang tawag ko sa kanya.

"Same last year. Sila Dad parin ang nagpaplan," sabi niya. Sumubo na siya ng kinakain niya.

"Eh about PJ? Pupunta ba siya? Diba dapat nandito na siya ngayon kung pupunta siya?" sunod-sunod na tanong ko. Napatigil naman siya.

"Ewan ko sa kanya. Malalagot siya sa akin kapag hindi siya umuwi dito," sabi ni Kath. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.

To: PJ

PJ, call me now pero hindi ako ang sasagot si Kath. Mukhang iiyak na, naasar ko na naman eh. HAHAHAHA.

Sinend ko na agad at nilagay sa ibabaw ng lamesa. Sumubo na ako ng kinakain ko.

*KRING KRING KRING*

Kinuha ko na ang phone ko ng magring na, tinignan ko ang caller. Masunurin talaga tong si PJ.

Hinarap ko kay Kath yung phone ko. "Speaking of Paris James. Ano ka kausapin mo ba? O ako ang sasagot tutal sa akin tumawag?" tanong ko. Nanlaki naman ang mata ni Kath.

"Bakit may contact ka kay PJ?" tanong ni Kath pero nagkibit balikat lang ako.

"Ano kakausapin mo ba?" tanong ko ulit.

"Akin na nga," sabi niya at kinuha na sa akin yung phone ko. Sinagot na niya.

"Hey Love... Bakit ka sa kanya tumatawag? Bakit may number ka ni Hazel?... Pupunta ka ba talaga sa Sunday?... Mapapatay talaga kitang bwisit ka... Ewan ko sayo."

Binalik na sa akin ni Kath ang phone ko. Natawa naman ako ng kausapin niya si PJ kanina.

"Akala ko ba nagalit ka sa kanya kanina. Pero ng tumawag may pa 'Hey Love'. Marupok si Kathie," sabi ni Amber. Lalo akong natawa.

"Mukhang ito ang sadiest birthday mo, Kathie," pang-aasar ni Mia.

*KRING KRING*

Sinagot ko naman yung phone ko dahil si PJ yung tumatawag.

"Bakit, Fontanilla?" sabi ko ng nakatingin kay Kath. Napatingin naman siya sa akin.

(Hazel, mukhang nagalit ata si Kath.)

"Ano na naman ang pinagsasasabi mo?" Sumenyas sa akin na wag ko na yun sabihin pero ano magagawa niya nasabi ko na.

(Sinabi ko na hindi ako makakauwi dyan. Na hindi ako makakapunta sa birthday niya.)

"Edi subukan mong makauwi dito bago mag Sunday," sabi ko.

(Nandiyan siya no, kaya ba parang galit ang bosses mo kung kausapin mo ako.)

"Basta pumunta ka na lang kahit late."

(Sige na, bye. Baka kung ano-ano pa ang masabi mo dyan.) He ended the call.

Nilapag ko na ang phone ko sa lamesa at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

"Ano ang sabi ni PJ, Hazel?" Nilunok ko muna ang pagkain nginunguya ko bago sagutin si Kath.

"Sabi niya, pupunta daw siya pero hindi niya alam kung makakaabot pa siya dahil ang schedule ng flight na nakuha niya ay 1pm ng Sunday," palusot ko.

"Sayang mukhang male late nga siya," sabi ni Sav.

"Ano bang meron sa Sunday?" tanong ni Jerome.

"Oo nga, kanina niyo pa yan pinag-uusapan. OP na ako dito." sabi ni Aaliyah.

"Sa Sunday is Kath's Birthday. July 21," sabi ko.

"Punta kayo ha. Pero hindi ko pa sure kung saan gaganapin," sabi ni Kath.

Hindi ko na lang pinakinggan pa ang mga usapan nila at inubos ko na lang ang pagkain ko.

**********

Nang matapos na kaming lahat kumain ay lumabas na kami ng cafeteria para pumunta na sa Musical room.

"Cozs nga pala, nakipag-away ka daw kanina dun sa babaeng nakasalubong natin," sabi ni Aaliyah.

"Oo, wag mong sasabihin kay Dad kung ayaw mong hindi nakita papansin," sabi ko. Bigla naman siyang kumabit sa braso ko.

"Bakit hindi mo na lang siya pakisamahan para mawala na ang inis niya sayo?"

"Pakikisamahan ko yun, sa ugali nun. Ayokong makipag-plastikan sa kanya," sabi ko.

"Kaysa naman maging malala pa ang away niyo," sabi ni Aaliyah.

"Marunong naman akong makisama. Mabait ako kung mabait ang kaharap ko. Kung plastik siya, bakal ako," sabi ko. Hindi ko napansin na nasa Musical room na pala kami.

Kinuha ko na ang gitara dahil wala ako sa mood na mag piano ngayon. Umupo ako sa isang gilid, nakiupo na din sila Kath sa tabi ko, kinalabit ang gitara. Nagsimula na akong kumanta ng "Torete" by Moira Dela Torre.

Nang mag simula na akong kanta ay sinabayan ni Kath yung paggigitara ko ang pagva violin niya.

Sina Aaliyah, Sav at Mia naman ay sinadabayan akong kumanta habang sila Jerome at Amber naman ay nakikinig lang. Ang sarap pakinggan ang ginagawa namin tugtog ni Kath.

Napapangiti ako habang kumakanta at nakatingin kay Jerome na nakatingin sa akin at nakangiti din. Bakit ba ang gwapo niya kapag ngimingiti?

Pagkatapos ng kanta ay tinabi ko muna yung gitara sa gilid.

"Ang galing niyo talagang dalawa. Napapaganda niyo yung mga kanta dahil sa pagsasabay niyo ng pagtugtog," sabi ni Sav.

"Parang hindi pa kayo nasanay sa amin ni Kath eh kapag tumutog ako talaga namang isinasabay niya ang violin niya," sabi ko.

"Cozs, hindi ko alam na may hidden talent ka sa pagkanta. Ang akala ko lang ay magaling ka lang sa piano at gitara. Ang ganda pala ng bosses mo," sabi ni Aaliyah.

"Talaga namang hindi mo malalaman na magaling akong kumanta. Remember sa States ka na lumaki," sabi ko. Napakamot naman sa ulo si Aaliyah.

"Oo nga pala," sabi na lang niya.

"Ang dami mo palang talent, Hazel. Na sayo na talaga lahat," sabi ni Jerome. Napatingin naman ako sa kanya.

"Wag mong lahatin, may mga ibang bagay pa akong hindi kayang gawin. And may hidden talent din yang si Kath. Sa birthday niya malalaman niyo," sabi ko sabay kindat kay Kath.

Tumayo na ako at binalik yung gitara sa pinag kuhaan ko kanina. Lumabas na kami ng Musical room.

KINAGABIHAN...

Humiga na ako sa kama ko pagkapasok ko sa kwarto ko. Napapangiti ako ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Jerome kanina habang papunta kami sa classroom.

'You look so beautiful today, Hazel'

'You look so beautiful today, Hazel'

Paulit ulit yang nagpeplay sa utak ko. Napapatakip ako ng unan sa mukha ko dahil baka hindi ko na makayanan ay maisigaw ko na lang bigla.

FRIDAY...

Ang bilis lumipas ng araw, biyernes na agad. Napatingin ako sa wristwatch ko, 8:03 na pala. Bakit kaya wala pa si Jerome?

"Joenard nakita mo ba si Jerome? Malapit ng dumating si Prof, wala pa siya," tanong ko kay Joenard na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko.

"Hindi eh. Baka absent siya today," sabi ni Joenard.

Parang nakakatamad pumasok kapag wala si Jerome, ang boring. Kapag nandito naman siya minsan nang-aasar. Hayy bakit ko ba siya iniisip?

Dumating na Prof kaya nagfocus na lang ako sa lesson kaysa isip in ng ispin si Jerome. Pupunta na lang ako sa bahay niya mamaya.

DISMISSAL...

Papunta na kaming parking lot ng biglang huminti si Mia sa paglalakad. Napahinti din kami.

"Tara punta tayo sa club," aya ni Mia.

"Tara, matagal na nung last akong makatikim ng alak," sabi ni Aaliyah.

"Sama ako dyan, para makilala din naman natin tong si Aaliyah," sabi ni Sav sabay kapit sa braso ni Aaliyah.

"Sige sama din ako," pagpayag ni Amber.

"Ako din." sabi ni Kath. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Sumunod naman sila sa akin.

"Hindi ka ba sasama, Cozs?" tanong ni Aaliyah. Pagpayag na sana ako ng bigla akong may naalala. Pupuntahan ko nga pala si Jerome sa bahay niya.

"Oo nga, Hazel. Sumama ka na din. Minsan lang naman tayo magclub," pamimilit ni Sav.

"Ammm... May Pupuntahan kasi ako ngayon kaya hindi ako makakasama," sabi ko. Lumungkot naman ang mga mukha bilang lima.

May tumutulak kasi sa akin na wag sumama kanila Kath at puntahan ko na lang si Jerome. Para bang sinasabi na kailangan ako ni Jerome ngayon.

"Si Aaliyah na lang ang isama niyo," sabi ko.

"Saan ka ba pupunta ha?" tanong ni Amber.

"Basta. Hatid niyo na lang yang pinsan ko sa bahay pagkatapos niyong mag-inuman. See you in Sunday, Katie," sabi ko. Sumakay na sa kotse ko at pinaandar paalis.

**********

Pagkarating ko sa tapat ng gate ng bahay ni Jerome ay bumusena ako para pagbuksan ako. Lumabas si Ate Nancy, isa sa mga maids ni Jerome.

Lumabit siya sa side ko kaya binaba ko ang salamin ng kotse sa gilid ko.

"Ma'am Hazel? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Ate Nancy.

"Si Jerome, nandiyan ba siya?"

"Ah Opo. Saglit po, buksan ko po muna yung gate," sabi niya. Pumasok na siya at binuksan ang gate para makapasok yung kotse ko.

Bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa loob ng bahay. Wala sa sala si Jerome.

"Ate Nancy, si Jerome po nasaan?" tanong ko. Lumingon naman siya sa akin.

"Nasa kwarto po niya nagpapahinga," sabi niya. Ang aga pa natutulog na siya agad.

"Ang aga pa ah natulog agad yun," sabi ko.

"Masama po kasi ang pakiramdam ni Sir Jerome, Ma'am Hazel. Naulanan po kasi siya kahapon," sabi ni Ate Nancy. Kaya pala hindi siya pumasok kanina.

"Ganon ba? Uminom na ba siya ng gamot?"

"Opo nung bumaba siya kanina para kumain at uminom ng gamot," sabi niya.

"Nasaan ba ang kwarto niya?" tanong ko.

"Halika po, hatid ko po kayo," sabi niya at nauna ng umakyat sa hagdan, sumunod naman ako.

Pagkarating sa kwarto ni Jerome ay nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Nilapitan ko agad siya, umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ko ang noo niya.

Ang sobrang taas ng lagnat niya. Para tuloy akong mapapaso sa sobrang init niya. Napatingin ako kay Ate Nancy.

"Ate Nancy, pwede mo ba akong kuhaan ng malamig na tubig at bimpo. Sobrang taas kasi ng lagnat niya," sabi ko.

"Sige, kuha lang po ako sa baba," sabi niya. Tumango na lang ako. Lumabas na siya ng kwarto.

Napatingin ako kay Jerome. Napahaplos ako sa mukha niya. Ang sarap hawakan ng pisngi niya kahit mainit siya. Bakit kasi ng paulan tong lalaking to kahapon yan tuloy nagkasakit?

"Bakit ba ang gwapo mo, Jerome? Ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng lalaki ikaw pa ang nagustuhan ko kahit isang buwan pa lang tayong magkakilala. Gusto kita hindi bilang kaibigan lang kundi mas higit pa dun," kusang lumabas yan sa bibig ko.

Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si Ate Nancy na dala ang pinapakuha ko.

"Ito na po yung pinapakuha mo, Ma'am Hazel," sabi niya. Inabot na niya sa akin yung bowl na may malamig na tubig at bimpo.

"Thank you," sabi ko. Kinuha ko na sa kanya yun at agad kong pinigaan yung bimpo at pinunas kay Jerome.

"Kumain na po ba kayo, Ma'am Hazel? Ipaghahanda ko po kayo. May gusto po ba kayong kainin?" tanong niya.

"Kahit ano na lang at mamaya na lang pagbaba ko. Pahanda naman ako ng guest room, doon na lang ako matutulog," sabi ko.

"Sige po," sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Pagkatapos kong punasan si Jerome sa kamay at mukha niya ay nilagyan ko siya ng bimpo sa noo para bumaba ang lagnat niya.

Lumabas na muna ako ng kwarto at bumaba para kumain. Pumunta ako sa kusina at may nakahanda ng pagkain sa mesa. Umupo na ako at kumuha ng pagkain. Nagsimula na akong kumain.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko ng maramdaman kong mag-vibrate. Mag message si Dad.

From: Dad

Where are you, sweetie? Aaliyah is here na at Ang sabi niya ay may pinuntahan ka daw kaya hindi kayo magkasama.

Oo nga pala, hindi pa pala ako naka kapag paalam kay Dad. Agad ko naman siyang nireplyan.

To: Dad

Nandito pa ako sa house ng classmate ko at dito na po muna ako matutulog ngayong gabi.

Sinend ko na. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Nag reply naman agad si Dad.

From: Dad

Okay, umuwi ka agad bukas, sweetie.

To: Dad

Okay po.

Pagkasend ko ay pinatay ko na yung cellphone ko at kumain na.

**********

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ni Jerome. Tinanggal ko ang bimpo sa noo niya, pinigaan ko ulit yung bimpo at binalik sa ulo niya. Medyo bumaba na ang lagnat niya.

"Hmmm... Kath," sabi ni Jerome.

"Jerome," tawag ko sa kanya. Nakapikit siya habang binabanggit ang pangalan ni Kath.

"Kath."

"Jerome. Ako to si Hazel," sabi ko.

"Sana ako na lang ang minahal mo, Kath. Ang akala ko ay may pag-asa maging tayo kapag inamin kong mahal kita pero hindi pala ang sakit ng malaman kong may iba ka palang mahal at malabong maging tayo dahil may boyfriend kana," sabi ni Jerome habang nakapikit parin ang mata niya. Naramdaman kong biglang tumulo ang luha ko.

"Simula ng malaman kong may boyfriend kana sinabi ko sa sarili kong magmomove on na ako sayo at hindi ko na lang sasabihin ang nararamdaman ko sayo. Pero hindi ko pala kayang gawin yun," sabi pa ni Jerome may luhang tumulo sa mata niya. Tuloy tuloy na ang pag tulo ng mga luha ko.

"Nasasaktan ako tuwing pinag-uusapan niyo si PJ pero nanatili parin akong tahimik kahit sobrang sakit na. Ayaw kong mawala ka dahil mahal kita. Ayaw kong iwan mo ako dahil hindi ko kaya pero handa akong magparaya kung sa kanya ka masaya..." sabi niya.

Ang sakit, parang dinurog na naman ang puso ko sa mga narinig ko. Hindi ako nasasaktan dahil nasasaktan ngayon si Jerome kundi nasasaktan ako dahil nalaman ko na ang taong mahal niya ay si Kath.

Ang sakit din pala na ikaw yung nasa tabi ng taong gusto mo pero iba ang hinahanap niya.