Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 14 - CHAPTER 13

Chapter 14 - CHAPTER 13

HAZEL'S POV

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ni Jerome. Sobrang sikip na ng dibdib ko dahil kanina ko pa pinipigilang wag humikbi.

Pumunta ako sa guest room at nilock ang pinto. Humiga ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha ko.

Humagulgol na ako sa iyak. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng sobra sobra sa mga narinig kong sinabi ni Jerome para kay Kath. Parang gusto kong sumigaw pero hindi pwede dahil wala akong karapatan para gawin yun.

Bakit ba ako umiiyak? Gusto ko lang naman siya at siya, may iba siyang gusto. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Gusto ko nga lang ba siya O mas higit pa dun?

Ang dami ko na namang tanong sa isip ko. Haiyy ewan, itutulog ko na lang to masasagot din lahat ng mga katanungan ko sa isip ko balang araw. Pinunasan ko na ang mukha kong basang basa na at umayos na akong humiga.

KINABUKASAN...

JEROME'S POV

Minulat ko ang mga mata ko at bumangon. Pumasok na ako sa bathroom at nagshower.

Pagkatapos kong magshower at magbihis ay kinuha ko na ang phone ko sa side table at lumabas na ng kwarto at bumaba na.

Pupunta na sana ako sa kusina ng may napansin ako sa sala. Nakita ko ang bag ni Hazel sa sala. Bakit kaya nandito? Ang aga nman niyang pumunta dito.

Napadaan naman si Ate Nancy na kakagaling lang kusina para sana lumabas kaso nakita niya ako kaya lumapit siya sa akin.

"Ate Nancy, bakit nandito ang gamit ni Hazel? Ang aga naman niyang pumunta," tanong ko sa kanya.

"Ah opo kay Ma'am Hazel nga po yan. Kagabi pa po siya pumunta dito," sagot niya.

"Ha? What do you mean na kagabi pa siya pumunta? Iniwan niya ang gamit niya dito?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi po. Nasa guest room po kasi ngayon natutulog si Ma'am Hazel. Nung pumunta po kasi siya dito ay mataas po ang lagnat niyo kagabi kaya inalagaan niya po kayo hanggang sa bumaba po yung lagnat niyo. Kaya sa guest room na lang siya natulog," paliwanag ni Ate Nancy.

"Ganon ba? Hayaan niyo mo na siyang matulog," sabi ko at pumunta na sa dining area dahil nagugutom na ako.

Kumuha na ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain. Bigla namang may umupo sa tabi ko, pagtingin ko si Hazel. Alangan naman si Ate Chrizalyn yan.

"Good morning. Musta na pakiramdam mo?" tanong niya habang kumukuha ng pagkain niya. Ang galing talaga ng babaeng to feel at home na feel at home kapag nandito.

"Okay na ako. Bakit ka nga pala pumunta dito kagabi?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at nilunok muna ang pagkain na nasa bibig niya.

"Wala lang. Curious lang ako kung bakit hindi ka pumasok kahapon," sabi ni Hazel at sumubo na ng pagkain niya. Hindi na ako nagsalita at kumain na lang din.

After that ay nandito kaming dalawa ni Hazel sa sala at nanood ng TV. Napatingin ako kay Hazel ng bigla siyang tumayo at kinuha ang gamit niya.

"Saan ka pupunta? Hindi mo ba ako tuturuan magpiano ngayon tutal nandito ka na rin naman?" tanong ko.

Kaya nagpapaturo ako sa kanya mag piano because I want to challenge myself sa mga ibang bagay. Isa lang kasi ang alam kong gawin, ang magdrawing. Kaya para maiba instrument naman ang gusto kong matutunan.

"Uuwi, alangan namang hindi ako uuwi diba? At nagpapasama pa ang dalawa kong pinsan pumunta sa mall," sabi ni Hazel. Nakatingin lang ako sa kanya na nakatingin din sa akin.

"Siguro kapag may free time na lang ako saka kita tuturuan," sabi niya. Bigla siyang umiwas ng tingin. Bakit parang may iba sa kanya? Parang Ang lungkot lungkot niya ngayon, kanina pa siya malungkot.

"What's your problem? Why are you sad?" sunod sunod na tanong ko.

HAZEL'S POV

"What's your problem? Why are you sad?" sunod sunod na tanong niya.

Oo, ikaw ang problema ko. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi mo na para naman dapat kay Kath. Hindi ko alam kung bakit ko ba nararamdaman to? Ang sakit.

"Why are you crying? May problema ka ba?" tanong ulit niya.

"Nothing. Aalis na ako," sabi ko at pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Naglakad na ako papuntang maindoor ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. May naramdaman akong kuryente na dumaloy sa kamay ko kaya napabitaw agad ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumingin ako ako sa kanya.

"Thank you for taking care of me last night," sabi niya. Napangiti naman ako sa kanya.

"Kaibigan kita kaya aalagaan kita oras na kailanganin mo yun. Wag ka lang mahihiyang magsabi kahit sino naman gagawin ang ginawa ko," sabi ko. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"I love you, Bestfriend," sabi niya. Okay nasa yung I love you kaso dinugtungan pa niya ng bestfriend.

**********

Nandito kami nila Aaliyah sa mall para bumili ng gift daw niya para kay Kath bukas. Ako ay tapos ng bumili last week pa.

"Ano ba magandang pang gift, Cozs?" tanong sa akin ni Aaliyah.

"Kahit ano naman magugustuhan nun," sabi ko. Hindi naman mapili si Kath sa mga bagay eh. Kahit nga walang regalo eh, ang gusto lang niya ay kasama niya ang mga kaibigan niya sa birthday niya.

"Kahit ano magugustuhan niya," ulit ni Aaliyah sa sinabi ko. Tumingin tingin siya ng pwede niyang pang regalo dito sa isang boutique sa mall.

"Oo," sabi ko at hindi na lang siya pinansin.

*KRING KRING KRING*

Kinuha ko sa sling bag ko. Naka-tss na lang ako ng makita ko kung sino yung tumatawag, si PJ. Ano na naman kaya ang kailangan nitong lalaking to?

"Bakit na naman?" sabi ko pagkasagot ko.

(Ay ang sungit mo naman. Itatanong ko lang naman kung nasaan ka ba ngayon? O Kung free ka ba today?)

"Bakit mo naman tinatanong? May kailangan ka na naman ba?" tanong ko.

(Wala, just answer my question.)

"Fine! I'm here in the mall with my cousins."

(Bonding?)

"Yeah! Ano ba kasing kailangan mo?" tanong ko na naman.

(Gusto ko kasing mag coffee with you. Pang bawi na rin sa mga pinapagawa ko sayo.)

"Sus hindi ko pa nga nagagawa ang huli mong ipapagawa sa akin. Malay mo hindi ko magawa bukas yun," sabi ko.

(Alam ko namang hindi makakatanggi si Kath sayo kaya magagawa mo yun. Nasaan ba kayo? Nandito ako ngayon sa mall.)

"Nasa Gift Shop kami."

(Sige, kita tayo dyan,) he ended the call. Parang ewan naman yung lalaking yun.

"Sino yung tumawag sayo, Ate?" tanong ni Aaron.

"Friend ko lang," sabi ko.

Nang makapili na si Aaliyah ng pang regalo niya ay pumunta na kami sa counter para mabayaran na niya yung bibili niya.

Lumabas na kami ng shop ng mabayaran na. Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin. Napatingin naman ako at sinamaan ko siya ng tingin.

"Yung kamay mo, PJ. Mapuputol sa akin yan," sabi ko kaya tinanggal na niya yung kamay niya na nakaakbay sa akin kanina.

"Aakbayan ka lang naman eh," sabi ni PJ.

"Ewan ko sayo," sabi ko at naglakad na ng mabilis. Hinila ko na sila Aaliyah at Aaron.

"Hazel, biro lang naman eh. Parang hindi ka na nasanay sa akin," sabi ni PJ na humahabol sa amin.

"Cozs, sino ba yung nang-akbay sayo kanina?" tanong ni Aaliyah. Huminto na ako sa paglalakad kaya napahinto din sila. Lumingon ako kay PJ na nakangiting sumusunod sa amin.

"Oh bakit tumigil ka sa paglalakad, Candelaria. Pagod ka na ba?" sabi ni PJ sabay tawa. Tinignan ko siya ng masama.

"I'll call Kath. Sasabihin kong nandito ka na, Fontanilla. Para sira ang surprise mo bukas," sabi ko at kinuha ang phone sa sling bag ko at kunwaring nagdial.

"Siya ba si PJ, yung boyfriend ni Kath, Cozs. Ang gwapo niya," sabi ni Aaliyah. Natawa naman ako.

"Yan gwapo, hindi kaya," sabi ko sabay turo kay PJ.

"Ang sama mo eh no," sabi ni PJ. "Iced Americano lang ang kailangan mo, back to normal ka na. Puro pang-aasar ang laman ng utak mo," sabi pa niya at hinila na ako, sumunod naman sila Aaliyah.

"Wow naman talaga," sabi ko na lang.

Pagkarating namin sa coffee shop ay si PJ na ang pumunta sa counter para umorder. Kami naman ay umupo na sa table na nahanap namin.

"Si PJ ba talaga yun, Cozs?" tanong ni Aaliyah.

"Oo siya nga. Kaya itikom mo yang bibig mo, wag mong sasabihin kay Kath na nandito na si PJ," sabi ko.

"Oo, hindi ko sasabihin. Baka yang si Aaron, sabihin niya."

"Pati ako Ate Aaliyah idadamay mo dyan sa kaanuhan mo. Nananahimik ako dito eh," sabi ni Aaron.

"Oh ito na coffee niyo," sabi ni PJ at binigay na sa amin yung coffee na inorder niya.

"Ano ba pag-uusapan natin, PJ?" tanong ko. Ang boring ng buhay ko, grabe.

"Kahit ano," sabi ni PJ.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan dahil ang dami gustong malaman ni Aaliyah about sa love story nila Kath at PJ. Si PJ naman eh sinagot naman niya.

KINABUKASAN...

"Yan tapos na, Cozs. Perfect parang nung Monday lang," sabi ni Aaliyah. Siya kasi ang pina-ayos ko sa buhok ko at nagmake-up na rin. Nagustuhan ko kasi yung pagkakaayos niya sa akin nung Monday kaya siya na rin ang pina-ayos ko.

"Mas gumanda nga ang pagkakaayos mo sa akin ngayon eh dahil hindi na masyadong light ang make up ko lalong bumagay sa dress na sout ko," sabi ko habang tinitignan ko ang mukha ko sa salamin. Ngayon ko lang napansin na may ikakaganda pa pala ako kapag hindi masyadong light ang make up.

"Tara na, Cozs. Mauuna daw tayong pumunta dun dahil susunod na lang daw sila Tito pati na rin sila Dad," sabi ni Aaliyah sabay sukbit ng sling bag niya sa balikat niya. Napailing na lang ako at kinuha ko na rin ang sling bag ko sa ibabaw ng kama. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba.

Pagkababa namin ay lumapit na sa amin si Aaron na nakapormal outfit. Alangan naman magsando yan sa party, Hazel. HAHAHA.

"Gwapo naman ng pinsan ko," sabi ko. Ngumiti naman si Aaron sa akin.

"Matagal ko ng alam yan, Ate," sabi ni Aaron. Ang hangin naman nito.

"Tara na nga, kung ano pa pinag-uusapan niyo dyan," sabi ni Aaliyah at nauna ng lumabas ng bahay.

Sumakay na kami ng kotse at pinaandar ko na paalis. Malapit lang naman dito yung hotel na paggaganapan ng party ni Kath.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe hanggang sa makarating kami sa venue. Sinalubong kami ng parents ni Kath.

"Hi Tita Kazarine, Tito Gabriel." bati ko sa kanila at nakibeso ako kay Tita Kazarine.

"Hello Hazel, lalo ka ata gumaganda ha," sabi ni Tita. Natawa naman ako ng mahina.

"Hindi naman masyado, Tita. Si Kath nga po pala nasaan?" tanong ko.

"Nasa hotel room pa niya. Maya-maya ay baba na rin."

"Ah sige po. Nga po pala my cousins Aaliyah and Aaron."

"Nice to meet you Aaliyah and Aaron. Enjoy the party. I need to greet my amiga pa kaya I need to go," sabi ni Tita ay umalis na.

Lumigon-lingon ako para hanapin yung iba. Nakita ko naman sila agad na nasa isang table kaya lumapit na kami sa kanila.

"Hi Guys," sabi ni Aaliyah. Napalingon naman sila sa amin.

"Hello Hazel, Aaliyah, Aaron," bati din nila sa amin.

"Hello mga Ate, and Kuya," sabi ni Aaron at umupo na kami.

"Hi Jerome," bati ko kay Jerome. Napangiti naman siya.

"Hello Hazel, you look so beautiful in your dress," sabi ni Jerome. Napaiwas ako ng tingin dahil nasa harapan ko siya nakaupo.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG

Kinuha ko na lang yung tubig na nasa harap ko at agad ininom.

"T-Thanks, Je," nauutal kong sabi.

"Hi Guys," Napatingin naman kami sa nagsalita. Lumapit siya sa amin.

"Happy Birthday, Katie," sabi ko at niyakap siya.

"Thank you, Zel," sabi ni Kath. Napangiti ako ng sabihin niya ang nickname ko. Naghiwalay na kami sa pagkakayakap. Binati siya at niyakap ng barkada.

**********

Nang matagap ko na ang text ni PJ na nasa entrance na siya ay tumayo ako at lumapit kay Kath.

"Kath, can I request something?" bulong ko kay Kath.

"Oo naman. Ano ba yun?"

"Pwede ka bang kumanta?" tanong ko.

"Ah sure," sabi ni Kath at tumayo na. Kinausap niya yung emcee. Bumalik na siya sa harap.

Lumapit ako sa emcee at hiniram yung isa pang mic. Lumapit ako kay Aaliyah.

"Nasa labas si PJ, pakibigay naman tong mic, Cozs," bulong ko.

"Sige," sabi niya at tumayo na, kinuha niya sa akin yung mic at naglakad na papuntang entrance.

KATH'S POV

Pagkatapos kong kausapin yung emcee para sa music na pinili kong kanta ay bumalik ako sa gitna.

First time ko tong gagawin kaya bahala sila kung panget yung boses ko.

[Ikaw At Ako By Moira and Jason]

~Sabi nila

Balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling

At nung dumating

Ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli~

~Ang pag-asang nahanap ko

Sayong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala~

~At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon

Hanggang ngayon

Ikaw at Ako~

Alam kong pang duet ang pinili ko pero yun lang ang kasi ang alam kong kantahin.

Kakantahin ko na sana yung next verse ng may narinig akong kumanta nun. Sobrang pamilyar sa akin ng boses na yun.

Lahat ay nakatingin sa entrance ng may pumasok dun. Nakita ko ang isang lalaki na matagal ko ng gustong makasama.

PJ:

~At sa wakas

Ay nahanap ko na rin

Ang aking tanging hinihiling

Pangako sa'yo

Na ika'y uunahin

At hindi naitatanggi~

Naglakad siya papunta sa akin habang nakatingin lang sa akin.

~Ang tadhanang nahanap ko

Sa'yong pagmamahal

Ang dudulot sa pag ibig

Natin na magtatagal~

"Happy Birthday, Love," sabi niya ng makalapit na siya sa akin.

Me and PJ:

~At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon (Mula noon)

Hanggang ngayon

Ikaw at Ako~

Niyakap ko siya. I really really miss him. Humiwalay na ako sa pagkakayakap namin.

Me:

~At ngayon, nandito na

Palaging hahawakan

Iyong mga kamay~

PJ:

~'Di ka na mag-iisa

Sa hirap at ginhawa

Ay iibigin ka

Mula noon

Hanggang ngayon~

Me:

~Mula ngayon

Hanggang dulo~

Me and PJ:

~Ikaw at Ako~

Pagkatapos ng kanta ay niyakap ko ulit siya.

"Nasurprise ka ba, Love?" tanong niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Loko ka talaga. Akala ko ay hindi ka makakaabot," naluluhang sabi ko.

"Sinabi ko lang yun para matuloy ang surprise ko sayo," sabi niya.

"I love you, PJ," sabi ko.

"I love you too, Kathie," sabi niya at uni until niyang nilapitang mga mukha niya sa akin.

He kissed me.

JEROME'S POV

Pagkatapos kumanta nila PJ at Kath ay tumayo ako at lumabas ng venue. Pumunta ako sa garden at umupo sa isang bench.

I'm happy for Kath and PJ. Kahit na nasasaktan ako kasi mahal ko si Kath simula pa lang ng una ko siyang makita last year. Nalove at first sight ako sa kanya.

*FLASHBACK*

(1 YEAR AGO)

Nilibot ko ng tingin ang buong canteen para maghanap ng table na mapagpwepwestuhan ng biglang may bumangga sa akin at natapunan ako ng juice.

"Sorry, hindi ko sinasadya nagmamadali lang," sabi nung babaeng nakabangga sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng ma kilala ko kung sino yung nakabangga sa akin. Si Ms Candelaria, ang top 1 student ng BM Department.

"It's okay, magpapalit na lang ako," sabi ko.

"Hazel, Tara na. Pupunta pa tayong library," sabi ng babaeng lumapit kay Ms Candelaria. Napatingin ito sa akin.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG

Bakit ako biglang kinabahan ng tumingin siya sa akin? Ano yun love at first sight?

"Nagmamadali, Kath. May time pa kaya, walang humahagol sayo," biro ni Ms Candelaria.

"Gusto ko ng matapos yung pinapagawang report sa atin, kaya tara na," sabi nung Kath.

"Sige, I need to go. Sorry ulit," sabi ni Ms

Candelaria sa akin at umalis na sila.

Bakit kaya ako biglang kinabahan ng tumingin sa akin yung kasama ni Ms Candelaria? Sino ba siya?

Kath? Katherine Salvador. Siya si Ms Salvador ang sumunod kay Ms. Candelaria sa Top.

*FLASHBACK END*

Noon ay si Hazel at Kath pa lang ang magkaibigan hindi pa nila kaibigan noon sila Amber, Sav at Mia silang dalawa pa lang.

Kilala silang dalawa last year, pati ngayon dahil palagi sila ang top sa buong BM Department. Pangatlo lang ako sa kanila.

Kung alam ko lang noon na may boyfriend na si Kath edi sana ay hindi ko na lang siya minahal at si Hazel na lang sana ang minahal ko.

Actually, matagal na akong may gusto noon kay Hazel since senior high, magkaklase kasi kami noon pero hindi ko alam kung bakit hindi siya ang minahal ko.

Ano bang meron si Kath at minahal ko siya ng ganito? Anong meron kay Kath na hindi ko makita kay Hazel? Sana si Hazel na lang yung minahal ko para hindi ako nasasaktan ng ganito.

"Bakit nandito ka?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Hazel. Umupo siya sa tabi ko.

"Nagpapahangin lang. Ikaw bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin.

HAZEL'S POV

"Nagpapahangin lang. Ikaw bakit nandito ka?" tanong niya. Napalingon ako sa kanya.

"Sinundan kita, akala ko kasi uuwi ka na eh," sabi ko. Sinundan ko kasi siya nung na tapos kumanta nila Kath at PJ.

"Ang sakit pala no, kapag nakikita mong masaya yung taong mahal o taong gusto mo sa iba, sa taong mahal nila," sabi ni Jerome. Napatingin naman ako sa kanya.

"Oo masakit nga yun. Lalo na kung malalaman mo na ang taong gusto mo ay mahal ang bestfriend mo," sabi ko.

"Bakit naranasan mo na bang mag-mahal?" tanong ni Jerome.

"Hindi, pero may gusto akong tao kaso mahal niya yung bestfriend ko. Ewan ko ba, pero parang ang sakit nung malaman ko yun, parang dinurog yung puso ko. Gusto ko nga lang ba siya o mahal ko na siya?" sabi ko. Naluluha na naman ako.

"Baka mahal mo na siya kaya ka nasasaktan ng malaman mo yun," sabi niya.

"Malay ko, hindi ko nararanasan ang mag-mahal," sabi ko. "Ikaw naranasan mo na?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang sagot niya.

"Oo, isang taon ko na siyang mahal pero hindi pwedeng maging kami dahil may mahal siyang iba," sabi ni Jerome.

"Sobrang sakit pala kapag nagkamali ka, nagkamali ka ng taong nagugustuhan o mamahalin," biglang sabi ko.

"Masakit din kapag nahulog ka na sa kanya kaso bawal dahil may mahal siyang iba," malungkot na sabi ni Jerome.

"Tara balik na tayo sa loob baka hinahanap na tayo ni Kath," sabi ko. Tumayo na ako.

"Tara," sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko. Naramdaman ko na naman yung naramdaman ko kahapon. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula sa kamay niya.

Ano ba talaga yung nararamdaman ko sayo, Jerome? Like or Love?