Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 15 - CHAPTER 14

Chapter 15 - CHAPTER 14

HAZEL'S POV

KINABUKASAN...

Nandito ako ngayong sa gate ng campus para hintayin si Kath. And para na rin ibigay kay PJ yung class schedule niya na nakalimutan kong ibigay sa kanya nung Saturday. Alam kong ihahatid niya si Kath kaya in aabangan ko sila dito.

May sasakyan na huminto sa harap ko at lumabas si PJ galing driver seat. Napatingin siya sa akin at agad umiikot para buksan yung pintuan ng passenger seat.

"Oh bakit nandito ka sa labas, Hazel? May hinihintay ka?" tanong ni Kath pagkababa niya ng sasakyan.

"Kayo ang hinintay ko. May ibibigay kasi ako kay PJ," sabi ko binuklat ko ang libro at hinanap yung schedule ni PJ. Dito ko kasi inipit yun, Nasaan na ba yun?

"Ano yung ibibigay mo, Zel?" tanong ni Kath.

"Here," sabi ko ng mahanap ko na at ibinigay kay PJ. Napangiti si PJ sa akin.

"Thank you, Hazel," sabi ni PJ. Kinuha ni Kath yung binigay ko at binasa.

"Class schedule mo, Love? Paanong--" Hindi na natapos ni Kath yung sasabihin niya ng magsalita agad si PJ.

"Paanong nakapagparegister na ako?" pagtutuloy ni PJ sa sasabihin ni Kath.

"Oo. Paanong nakapagparegister ka na agad? Kahapon lang ang balik mo dito diba?" tanong ni Kath.

"Hindi pa nasasabi ni PJ sayo lahat?" singit ko sa usapan nila.

"Anong lahat? Ano yung sinasabi ni Hazel na hindi mo pa nasasabi, Love?"

"So hindi pa nga? Gusto mo ako ang magsabi, PJ?" tanong ko.

"Ano ba kasi yun?" halatang nalilito na si Kath. Napangiti naman ako sa naiisip kong kalokohan.

"Na..... Kami na," sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni PJ na napatingin sa akin. Napatingin ako kay Kath, may tumulo ng luha mula sa mga mata niya kaya nawala ang mga ngiti ko. Gusto kong matawa sa reaction nila dahil sa kolokohan ko pero umiyak na talaga si Kath.

"Kath, wag kang umiyak. Please, joke lang yun," sabi ko. Tinignan niya ako ng masama.

"Bwisit ka talagang babae ka. Akala ko totoo, humanda ka sa akin," sabi ni Kath kaya dali dali na akong tumakbo papasok ng campus.

Tumatawa ako habang tumatakbo. Huminto lang ako ng mapagod na ako.

"Kainis ka, Hazel," sabi ni Kath at hinampas ako sa balikat. Nasa likod naman niya si PJ na tawa ng tawa.

"Gusto mo sabihin ko sayo, yung hindi masabi sayo ni PJ?" tanong ko sa kanya.

"Ano na naman yan?"

"Promise. Totoo na to," sabi ko.

"Siguraduhin mo lang kapag kalokohan na naman yan. Bahala ka na sa buhay mo."

"Alam ko kung kailan bumalik dito si PJ, hindi totoo na kakabalik lang niya kahapon," sabi ko. Umupo ako sa bench na nakita ko kaya umupo din sila.

"What do you mean?"

"Ano sasabihin ko ba, PJ?" tanong ko kay Pj pero nagkibit-balikat lang siya. Bahala siya sasabihin ko lahat ng alam ko.

"2 months ng nandito si PJ, hindi niya sinabi sayo dahil gusto ka niyang surprisahin sa birthday mo na nangyari naman."

"And?"

"Ako yung naglalagay ng mga bulaklak at sulat na binibigay sa akin ni PJ para ilagay sa upuan mo. Ako rin ang tumulong sa kanya na magparegister agad dito para sabay na kayo palaging pumasok," paliwanag ko.

"Kaya pala wala yung mga bulaklak at sulat akong natataggap ng 3 linggo kang hindi pumasok. May duda na rin akong ikaw yun pero binalewala ko na lang," sabi ni Kath.

"Yan nasabi ko na lahat ng alam ko. Bahala na si PJ magpaliwanag ng iba kung meron pa," sabi ko.

"Hoy wala na yun na yun lahat wala ng iba," biglang sabi ni PJ. Natawa kaming dalawa ni Kath.

"Bakit may nagtanong ba sayo?" sabay na sabi namin ni Kath. Natawa ulit kami.

"Babalik na nga lang akong states. Dalawa na yung nang-aasar sa akin dito," sabi ni PJ.

"Masyado ka kasing in denial, wala pa ngang nagtatanong sayo denideny agad," sabi ko.

"Eh sa advance ako mag-isip," sabi na lang ni PJ.

1 YEAR LATER...

Ang bilis lumipas ng panahon, isang taon na ang lumipas. I'm 20 years old now, kaka-birthday ko lang last November. And si Jerome, he's 21 years old now. Kaming dalawa lang ang nag-celebrate ng 21st birthday niya nung April, ayaw pa nga niyang mag-celebrate eh kaso pinilit ko siya.

Si Kath and PJ is getting married in October. Nag propose na kasi si PJ last week ang sweet nilang dalawa. Alam kong masakit kay Jerome na makitang ikakasal na ang taong mahal niya pero hindi ko siya masisisi dahil hindi naman natin madidiktahan yung puso nating mag mahal ng iba dahil kusa itong titibok.

Ngayon malinaw na sa akin kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Jerome. Alam ko na yung dahilan kung bakit ako nasasaktan noon ng malaman kong mahal ni Jerome si Kath. Tama si Jerome, hindi ko lang siya gusto dahil MAHAL KO NA SIYA.

Mahal ko siya kahit alam ko naman na hindi yun ang nararamdaman niya para sa akin dahil kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

Sa nakalipas na isang taon mas nakilala ko siya, merong time na inaasar ko siya, nagkakatampuhan. Ginagawa ko yun para magpapansin sa kanya, para makita niya ako. Dahil masyado na siyang nabulag sa pagmamahal niya kay Kath kahit impossibleng maging sila.

Nasaan na kaya si Jerome? Nilibot ko ang ng tingin ang buong classroom pero hindi ko nahanap si Jerome. Nasaan na kayo yun?

Lumingon ako kay Amber na likod ko at busy kakabasa. Kaming tatlo lang kasi ni Jerome at Amber ang magkaklase ngayong 3rd year. Nasa ibang section sila Kath, Sav at Mia pero nagkakasama naman kami tuwing breaktime.

"Amber, si Jerome nakita mo?" tanong ko. Napatingin naman sa akin si Amber at umiling.

"Hindi pa eh, padating na din yun," sabi ni Amber. Tumango na lang ako at umayos na ng upo.

"Hinahanap mo na naman ako. Bakit may kailangan ka ba?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Jerome at umupo na siya sa tabi ko.

"Wala. Bakit masama bang hanapin ka lang?" sabi ko. Nag-uumpisa na naman po kami.

"Oo, araw-arawin mo ba naman eh," sabi ni Jerome. Patagong inirapan ko siya.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog yung phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko sa bulsa ko yung phone at tinignan kung sino yung nag text.

From: Tito Benjamin

Hazel, pumunta ka dito sa office ko mamayang breaktime isama mo sila Mr Calliego at Ms Salvador may iooffer ako sa inyo.

Nireplyan ko naman agad at sinend. Pinatong ko muna yung phone ko sa table ko at tumitingin kay Jerome.

"Jerome, punta daw taong mamayang breaktime sa office ni Tito Benjamin kasama si Kath," sabi ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Weh! Totoo ba yan? Baka niloloko mo lang ako," hindi naniniwalang sabi ni Jerome.

"Prove ba gusto mo?" sabi ko. Kinuha ko ulit yung phone ko at pinakita yung text ni Tito. Kinuha naman niya yung phone ko at binasa.

"Ngayon naniniwala ka na?" sabi ko ng binalik na niya sa akin yung phone ko. Tinago ko na ang phone ko.

"Oo na," sabi niya. Napailing na ako. Akala kasi palaging biro ang sinasabi ko kahit totoo naman.

Dumating na ang Prof namin kaya nagfocus na ako sa lecture.

BREAKTIME...

Papunta na kaming tatlo ngayon sa office ni Tito. Palaisipan pa rin sa akin kung ano yung iooffer ni Tito. Kung ano man yun, excited na ako.

Pagkarating namin sa office ay kumatok muna ako bago kami pumasok.

"Tito," tawag ko at lumapit sa kanya para bumeso.

"Take your seat," sabi ni Tito kaya umupo kami sa harapan niya.

"Tungkol saan po ba ang iooffer mo, Tito?" tanong ko. Tumingin sa akin si Tito.

"Tungkol sa SSC. Ako kasi ang nagdedecide kung sino ang magkakaroon ng position sa SSC," sabi ni Tito.

"And?"

"Kayong tatlo ang napili ko para sa position. Ikaw Hazel, ang napili ko as SC President. Mr Calliego as SC Vice President. And Ms Salvador is will be the SC Secretary," sabi ni Tito. Nanlaki ang mga mata ko.

"Really, Tito? I'm the SC President now?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes, ayaw mo ba?" pagbibiro ni Tito.

"Hindi ah, gustong gusto ko nga eh. May sinabi ba akong ayaw ko?"

"Yan si Hazel tatanggi for the SC President position eh yan nga ang balak niya this year, Mr Alonzo," sabi ni Kath.

"Kayo bang dalawa, tatanggapin niyo?" tanong ni Tito kaya napatingin ako sa dalawa.

"Yes, I accept it, Mr Alonzo," sabi ni Jerome.

"Me too, Mr Alonzo. Tatanggihan ko pa po ba tong opportunity na to," sabi ni Kath.

"Good. In Monday I announced that to all students. Your my now take your breaktime," sabi Tito kay tumayo na kami.

"See you in Monday, Tito," sabi ko bago lumabas ng office niya.

DISMISSAL...

Papunta na akong lobby dahil pinakuha ko na kay Aaliyah yung kotse ko. Tinatamad na kasi akong pumunta sa parking lot kaya si Aaliyah na lang ang pinakuha ko ng kotse.

May humintong dalawang kotse sa harapan ko. Lumabas ang mga Men's in Black sa isang sasakyan at pinagbuksan kung sino man yung tao sa kabilang sasakyan. VIP ata to, ang daming bodyguard.

Hindi ko na lang pinansin dahil dumating na si Aaliyah, bumaba na siya at halatang nagtataka din kung sino yung dumating.

"My dear granddaughter," Nanlaki ang mga mata kong lumingon ng marinig ko ang boses ni Mamita na papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng makalapit na siya sa akin.

"Mamita?" Hindi makapaniwalang banggit ko. Tagal na din naming hindi nagkikita dahil sa Italy siya nakatira.

"Yes, dear. You miss me?" tanong niya. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Yes naman, Mamita. Matagal tagal na din ng huli nating pagkikita," sabi ko.

"Hi po, Mrs Candelaria," bati ni Aaliyah kay Mamita.

"Hello. You are?"

"She's my cousin Aaliyah, Mamita. Tita Rizel's daughter," sabi ko.

"You are Aaliyah?"

"Yes po. You know me?"

"Yeah, you are child when I last saw you. Mas lalo kang gumanda," sabi ni Mamita kay Aaliyah.

"Hindi naman po."

"Sasabay ka ba sa amin, Cozs? O ikaw na lang ang mag-uuwi ng kotse ko," tanong ko kay Aaliyah.

"Hindi na ako sasabay, Cozs. Dadaan pa akong bookstore, may bibilin lang ako," sabi niya.

"Sige, Cozs," sabi ko. Sumakay na ulit siya sa kotse at pinaandar paalis.

"Let's go na, dear. Marami pa tayo ng pagkukwentuhan habang nasa byahe," sabi ni Mamita na nakasakay na pala sa kotse. Sumakay na din ako at tumabi sa kanya.

"Kailan pa po kayo nakarating dito sa pilipinas? Alam na po ba ni Dad na nandito ka na po?" tanong ko.

"Minute after since I was arrived. And your Dad didn't know I was here dahil ikaw agad ang naisip kong puntahan," nakangiting sabi ni Mamita.

"Bakit umuwi ka po dito, Mamita?"

"Because I miss my beautiful granddaughter," nakangiting sabi ni Mamita.

"I miss you too, Mamita," sabi ko. Huminto na ang sasakyan at pinagbuksan na kami ng pintuan ng bodyguard ni Mamita.

Nauna akong pumasok sa loob ng mansion. Nakita kong nasa sala sila Mom at Dad. Bumeso ako sa kanilang dalawa bago umupo sa tabi nila.

"We have a visitor," sabi ko. Nakakunot noong lumingon sa akin sila Mom at Dad.

"Who?" tanong nilang dalawa. Tumingin lang ako sa maindoor at pumasok na si Mamita.

"Me," nakangiting sabi ni Mamita Napatingin ako kay Dad. Nanlaki ang mga mata niya. Napatayo sila Mom at Dad habang nakatingin kay Mamita.

"Ma, you're here. I miss you," sabi ni Dad. Lumapit siya kay Mamita at yumakap.

"I miss you too, Son," sabi ni Mamita at humiwalay na sila sa pagyayakap kaya si Mom naman.

"Ma, when did you get here?" tanong ni Mom sabay yakap kay Mamita. Humiwalay naman din sila agad ng yakap.

"Just a few minutes," sabi ni Mamita.

Pumunta na kami sa kusina at para makapagpahinga na rin pagkatapos.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama.

KINABUKASAN...

Tahimik lang akong kumakain dito ng breakfast ko habang pinapakinggan ang mga pinag-uusapan nila Mamita, Dad at Mom about sa business and the other properties ng Candelaria at Alonzo. Hindi na lang ako nakikisali sa usapan nila dahil wala pa akong alam dyan.

"Hey, Dear," tawag sa akin ni Mamita kaya napatingin ako sa kanya.

"Yes, Mamita," sabi ko sabay punas ng table napkin sa bibig ko.

"Get dressed after you eat," sabi ni Mamita.

"What for, Mamita? Where are we going?" tanong ko.

"I want you to meet my amiga and her grandson, Dear."

"Okay," sabi ko na lang. Wala naman akong magagawa, kahit humindi ako ay ipagpipilitan pa rin ni Mamita ang gusto niya.

Pagkatapos kong kumamain ay nagbihis na ako. Hindi na ako nag-ayos ng bongga.

Kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas na sa kwarto. Pagbaba ko ay tumingin sa akin si Mamita.

"You look so beautiful, Dear. Let's go," sabi niya. Tumango na lang ako. Lumabas na kami ng mansion at sumakay sa kotse.

**********

Pagkarating namin sa restaurant ay pumunta kami sa table na pinareserved ni Mamita.

Ilang minuto pa ay may dumating na isang mayaman babae na kasing edad ni Mamita at may kasamang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang ang lumapit sa amin.

"Amiga," sabi nung babaeng mayaman. Napalingon si Mamita at napatayo, tumayo na rin ako.

"Amiga. Long time no see," sabi ni Mamita at nagbesuhan sila. Napatingin ako sa lalaking nasa likod ng babaeng mayaman.

"This is your granddaughter. She's so beautiful," sabi sa akin nung babae kaya napabaling sa kanya yung atensyon ko at ngumiti.

"Yes, Amiga. She's my one and only granddaughter, Hazel." pakilala sa akin ni Mamita. "Hazel, Dear. This is my Amiga, Margareth Dela Cruz," pakilala ni Mamita dun sa babaeng mayaman.

"Nice to meet you, Hazel," sabi ni Mrs Margareth at nakibeso sa akin.

"Nice to meet you too, Mrs Margareth," nakangiting sabi ko.

"By the way, this is my grandson, Garrett," pakilala niya dun sa lalaking kasama niya. Napangiti siya sa akin. Infairnes gwapo naman pero mas gwapo si Jerome sa kanya.

"Nice to meet you, Hazel," sabi ni Garrett.

"Me too, Garrett," sabi ko at nakipagshake hand sa kanya.

"So let's eat, kanina pa nasasabi si Garrett na gutom na daw siya," sabi ni Mrs Margareth. Umupo na kami at

"Mamita," suway ni Garrett sa Mamita niya. May lumapit na waiter sa amin at binigay yung menu. Umalis din yung waiter pagkakuha ng order.

Ilang minuto lang ay dumating na yung order.

"Yan lang ang kakainin mo, Hija," sabi ni Mrs Margareth. Pasta lang kasi ang inorder ko.

"Yes po, kakatapos lang kasi naming magbreakfast kanina," sabi ko. Tumango na lang siya.

Nagkwentuhan na sila ni Mamita kaya tahimik lang akong kumakain, pati na rin si Garrett.

***********

Nauna na akong lumabas ng restaurant pagkatapos ng mahabang pagkukwentuhan nila Mamita at Mrs Margareth.

"Hazel." Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Garrett. Napahinto ako sa paglalakad.

"Yes?"

"Can I ask something?"

"What is it?"

"You are studying at Benjamin University, right?" tanong niya.

"Yes, paano mo nalaman?" tanong ko.

"Actually doon din ako nag-aaral. Matagal na kitang kilala dahil you are the top student of BM Department. Gusto ko lang sana na sabay tayong mag-lunch sa Monday, kung pwede?" sabi niya habang nagkakamot sa batok niya. Nahihiya ba siya sa akin?

"Sure. And don't be shy at me, Garrett. I'm not a famous person para mahiya ka," sabi ko.

"Okay, bye. Hazel, see in Monday," sabi niya at naglakad na siya paalis. Sumakay na siya sa kotse.

"Mukhang close na agad kayo." Nagulat ako ng may biglang magsalita, si Mamita.

"Not yet, Mamita," sabi ko.

"Gusto kong makipagmabutihan ka sa kanya, dear. I like him for you," sabi ni Mamita.

"But Mamita, I don't like him. May mahal na po akong iba," sabi ko.

"Just make friends with him," sabi ni Mamita at sumakay na sa kotse. Sumakay na din ako sa kotse.

Fine, makikipagkaibigan lang ako sa kanya.