Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

LAURENCE CANDELARIA'S POV

(Hazel's Dad)

Nandito kami sa waiting area at kanina pa iyak ng iyak si Chrizel (Hazel's Mom) ng malaman namin na may bumaril kay Hazel.

"Mi, tumahan ka na. Magiging okay din siya," sabi ko kay Chrizel at niyakap siya.

"Hindi ko kaya kapag nawala siya sa atin," umiiyak na sabi niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap ko sa kanya at tumingin sa akin.

"Hindi siya mawawala, lalaban siya. Ayaw ka niyang nakikitang umiiyak kaya tumahan ka na," pagpapalakas ko ng loob niya. Pinunasan ko ang mga luha niya.

*KRING KRING KRING*

Kinuha ko yung phone ko ng magring. Tumatawag si PNP Chief Gonzales. Tumingin ako kay Chrizel.

"Kausapin ko lang si Chief Gonzales baka may balita na suspect," paalam ko sa kanya. Tumango naman agad siya kaya Tumayo na ako. Sinagot ko naman dahil baka tungkol sa suspects na bumaril kay Hazel.

"Chief, may balita na ba sa suspect na bumaril sa anak ko?" tanong ko pagkasagot ko sa tawag.

(Oo na huli na namin ang suspect. Iniinterrogate na siya sa Interrogating room. Ilang beses na namin siyang pinapaamin pero ayaw.)

"Ako ang kakausap sa kanya baka sa akin umamin na siya," nanggigigil kong sabi.

(Pero Mr Barrientos---) hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita agad ako.

"No buts. I'll be there in 15 minutes," sabi ko at pinaba ko na yung tawag. Lumapit ako kay Chrizel.

"Mi, pupunta lang akong presento. Kakausapin ko yung suspect, ayaw umamin. Gusto ako pa ata na ang kumausap sa kanya," paalam ko.

"Sige, mag ingat ka ha," sabi niya. Tumango ako at hinalikan siya ko siya sa noo.

"Babalik din ako agad," sabi ko. Tumango naman siya. Naglakad na ako papuntang parking lot.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar papuntang police station.

POLICE STATION...

Sinalubong ako ni Chief Gonzales pagpasok ko ng police station.

"Nasaan na yung suspect?" kalmadong tanong ko.

"Nasa interrogating room, Mr Barrientos," sabi ni Chief Gonzales. Sinamahan naman niya ako papunta doon.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng makarating kami sa interrogating room. Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakayuko. Umupo ako sa harapan niya kaya nag-angat siya ng tingin at tumingin sa akin.

"Bakit mo binaril ang anak ko?" kalmadong sabi ko.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" sagot nito. Aba talagang ginagalit ako nito.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko kung ayaw mong mamatay ng maaga," banta ko. Nakita kong gumuhit ang takot sa mukha niya.

"Hindi naman talaga ang anak mo ang babarilin ko kundi ang anak na lalaki ni Sevilla. Nadamay lang ang anak mo," sabi niya.

"Bakit mo babarilin ang anak ni Sevilla? Anong kasalanan ang ginawa nila sayo para gawin mo to?" tanong ko.

"Wala silang kasalanan sa akin, napag-utusan lang ako. Sa amo ko sila may kasalanan. Pinapapatay ng amo ko ang anak ni Sevilla, kaso humarang ang anak mo kaya sila ang nabaril ko," paliwanag niya.

"Sino ang amo mo?"

"Hindi ko siya kilala ibang tao ang nag-utos sa akin. Ang alam ko lang ay kaibigan ng amo ko si Sevilla. Pero dahil sa hindi pag-payag ni Sevilla na makinegosyo sa amo ko kaya inutusan akong patayin ang anak ni Sevilla, yun lang ang alam ko wala ng iba," sabi niya.

Tumayo na ako at lumabas ng interrogating room dahil narinig ko na ang dapat kong marinig. Lumabas na ako ng police station at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na pabalik sa hospital.

CHRIZEL ALONZO-CANDELARIA'S POV (Hazel's Mom)

Napatayo ako ng makita kong bumukas ang glass door ng operating room at lumabas ang doctor. Lumapit ito sa amin. Dahil kasama ko sila Rizel.

"Doc, kamusta na po ang anak ko?" tanong ko sa doctor.

"Successful naman ang operation at nakuha na ang balang tumama sa kanya. She's lucky dahil walang nataman na internal organs. And she will be fine soon," sabi ng doctor.

"Thank you, Lord," sabi ko. "Pwede ko na bang makita nag anak ko?"

"Maya-maya ay makikita niyo na siya pagkalipat sa kanya sa private room," sabi ni Doc. "Sige maiwan ko muna kayo."

"Sige po. Thank you, Doc," sabi ko. Umupo na ulit ako sa kinauupuan ko.

**********

Tumingin ako kay Hazel, nandito na siya sa private room. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinimas-himas.

"Salamat anak, dahil hindi mo kami iniwan ng Daddy mo. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin, hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa amin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nangyari yon," naluluhang sabi ko. Pinunasan ko naman agad yung luha ko. Hinalikan ko sa noo si Hazel.

"Ate, nakakaiyak naman ang sinabi mo," sabi ni Rizel. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nagpupunas siya ng luha niya. "Hindi naman tayo agad iiwan ni Hazel. Dahil alam niyang pagnawala siya ay malulungkot tayo. Kaya lumaban siya para sayo Ate, kasi ayaw niyang nakikita kang umiiyak at malungkot," dagdag pa ni Rizel. Kung hindi ko lang talaga kapatid to naku.

"Totoo naman talaga ang sinasabi ko, Rizel. Si Hazel lang ang nag-iisa kong anak, hindi ko kayang mawala siya sa akin," sabi ko at tumingin ulit kay Hazel. Tumayo ako at hinalikan si Hazel sa noo.

MONDAY...

PJ'S POV

Tumingin ako sa wristwatch ko. 6:45 na, bakit kaya wala pa si Hazel? Hindi naman siya nalelate na pumunta dito dahil siya pa nga ang mas nauuna kaysa sa akin. Pero bakit ngayon wala pa siya?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Hazel.

"Hazel, nasaan ka na ba? Kanina pa ako dito sa coffee shop," sabi ko ng sinagot na niya yung tawag.

(PJ, napatawag ka? At hindi siya papasok ngayon eh. Hindi mo ba na balitaan ang nangyari sa kanya?) Nanlaki ang mga mata ko na hindi si Hazel ang kausap ko sa phone kundi si Tita Chrizel. Tinignan ko ang phone ko dahil baka nagkamali lang ako ng dial, pero hindi dahil pangalan ni Hazel ang nakalagay.

"Bakit po? Ano po bang nangyari sa kanya, Tita?"

(Nabaril siya nung nakaraang araw at hindi pa siya nagigising simula kahapon.)

"Ganun po ba? Sige po, Tita. Ibababa ko na po may gagawin pa po ako. Dadalawin ko na lang si Hazel, mamaya pag gising na siya. Pakisabi na lang po sa kanya na tumawag ako pagnagising na siya," sabi ko.

(Sige. Sasabihin ko sa kanya,) Binaba ko na ang tawag.

Lumabas na ako ng coffee shop at sumakay sa kotse ko. Bibisitahin ko na lang siya.

HAZEL'S POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Iniangat ko ang kamay ko at may nakakabit sa aking dextrose.

"Hazel?!" tawag ni Mom na kakagaling lang sa restroom. Lumapit siya sa akin.

"Mom, where's Dad?" tanong ko.

"Bumili muna siya ng pagkain," sabi ni Mom. Tumango naman ako.

"Ilang araw na po ba akong tulog?" biglang tanong ko.

"2 days," maikling sabi ni Mom. "Saglit lang, tatawag muna ako ng doctor," sabi ni Mom at lumabas na ng kwarto.

After one minute or two ay bumalik na si Mom kasama ang doctor. Lumapit agad sa akin yung doctor at chineck-up ako.

"What are you feeling, Ms Candelaria?" tanong ni Doc.

"I'm fine," tanging sabi ko.

"Good. How about your wound, masakit pa ba?"

"Hindi na masyado." Tumango lang si Doc.

"Mag-intay pa tayo ng 2-3 for the observation, kapag okay na makakauwi ka na," sabi ni Doc. Tumango lang ako.

"Thank you, Doc," sabi ko bago sila lumabas ng kwarto.

"Mom, where's my phone?" tanong ko ng kami na lang dalawa ni Mom.

"Nasa bag ko. Saglit kunin ko lang," sabi ni Mom.

"Sige po." Kinuha na ni Mom yung phone ko sa bag ko.

"Oo nga pala, tumawag sayo kanina si PJ. Diba si PJ yung boyfriend ni Kath na nasa states?" tanong ni Mom. Lumapit na siya sa akin at binigay sa akin yung phone ko, kinuha ko naman.

"Opo, actually nandito na siya sa pilipinas. Hindi nga lang alam ni Kath na nandito si PJ dahil ayaw ipaalam ni PJ. May surprise daw siya for Kath's birthday," sagot ko. "Ano nga po pala yung sinabi ni PJ? At bakit po siya na pa tawag?"

"Ang sabi niya dadalawin ka na lang niya kapag gising ka na," sabi ni Mom.

"Sige po, tawagan ko na lang siya mamaya," sabi ko at binuksan ang cabinet ng side table. Nilagay ko muna yung phone ko.

Napatingin kami ni Mom ng biglang bumukas yung pinto. Pumasok si Dad, napangiti siya ng napatingin siya sa akin.

"I'm glad you're awake," nakangiting sabi ni Dad. May dala dala siyang paper bag. "Kumain ka muna. Para gumaling ka na."

"Sige po, alam ko naman na magagalit ka kapag hindi ako kumain eh. Takot ko lang po sayo," sabi ko kay Dad na inaasikaso na yung pagkain ko. Natawa naman si Dad.

"Kilalang-kilala mo talaga ang Dad mo anak. Hindi na nga yan pumasok simula kahapon dahil ayaw niya daw na iwanan ka dito. Mas mahalaga ka daw kaysa sa company," sabi ni Mom.

"Really Dad?" tanong ko kay Dad.

"Yes sweetie, mas mahalaga ka at ang Mom mo kaysa sa kahit anumang bagay. Baka mabaliw ako kapag nawala kayo ng Mommy mo sa akin," sabi ni Dad pagkaupo niya sa tabi sa hospital bed.

"Ang sweet naman ng Daddy ko." Niyakap ko siya. "Ang swerte ko dahil ikaw ang naging Daddy ko. Ang suwete ko din kay Mom, never niyo akong pinagalitan at pinagbuhatan ng kamay. Iba kayo sa ibang magulang, napakabait niyo," sabi ko habang yakap siya.

Humiwalay sa pagkakayakap ko si Dad at tumingin kay Mom.

"Mi, halika nga dito. Iyak ka na naman ng iyak dyan," natatawang sabi ni Dad. Natawa din ako.

"Eh, ang sweet kasi ng anak ko," sabi ni Mom at umupo sa tabi ko.

Niyakap ko silang dalawa. "I love you, Mom and Dad," sabi ko.

"I love you too, Anak/Sweetie." sabay na sabi nila Mom and Dad. Natawa naman kami.

"Sige na sweetie, kumain ka na. Baka dumating na yung nurse na magpapainom ng gamot sayo," sabi ni Dad at nilagay na sa harap ko ang hospital dining table na may pagkain ko.

"Thank you, Dad," sabi ko at nag simula ng sumubo.

"You're always welcome, sweetie," sabi ni Dad.

**********

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko yung phone ko sa pinaglagyan ko kanina. Dinial ko ang number ni PJ. Sinagot na man niya agad.

(Hello Tita, gising na po ba si Hazel?) Natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni PJ.

"Gg ka talaga, PJ. Anong Tita, pasalamat ka hindi kita mababatukan ngayon," sabi ko.

(Sorry. Hazel? Okay ka na ba?)

"I'm fine, medyo sumasakit lang yung wound ko."

(Grabe, ang tagal kaya kitang inantay sa coffee shop kanina. Tinawagan kita at si Tita Chrizel ang sumagot. Sinabi niya sa akin na nabaril ka daw. May balita ka na ba suspect na bumaril sayo?)

"Wala pa eh. Hindi ko pa natatanong kay Dad."

(Ganun? Pwede ba akong dumalaw sayo after lunch?)

"Kailangan na po uminom ng gamot ang pasyente," sabi ng nurse na dumating.

"Oo, pwede naman. Sige PJ, kailangan ko ng ibababa ang tawag. Kailangan ko na kasing uminom ng gamot," sabi ko.

(Sige, punta na lang ako dyan mamaya.)

"Sige." And I ended the call.

Ininom ko na ang gamot na inabot sa akin ng nurse.

"Thank you," sabi ko sa nurse at lumabas na siya.

Maya-maya ay nakakaramdam ako ng antok dahil sa gamot na ininom ko kanina kaya tumingin ako kay Mommy.

"Mom?!" tawag ko kay Mom. Tumingin naman siya sa akin.

"Bakit, Anak?" sabi ni Mom at lumapit siya sa akin.

"Inaantok po ako dahil sa gamot na tinake ko kanina," sabi ko.

"Sige na magpahinga ka muna."

"Mom, pwede mo po ba akong gisingin mamayang 12nn."

"Sige." sabi ni Mom.

Humiga na ako ng maayos, pinikit ko na ang mga mata ko. Nakatulog naman agad ako.

JEROME'S POV

Bakit kaya hindi dumating kahapon si Hazel? Siguro ay hindi totoo ang sinabi niya na hindi siya galit. Hindi na niya siguro ako tuturuan. Sinubukan ko siyang tawagan kahapon sa messenger niya pero hindi siya online. Wala din naman akong number niya.

Ang nakakapagtaka ay hindi siya pumasok ngayon. Nang makila ko sila Kath, Amber, Sav, at Mia ay may mga lungkot sa mga mukha nila. Nginitian ko sila kanina pero hindi sila ngumiti pabalik.

Hanggang sa magbreaktime ay hindi sila kumikibo. Hindi sila nag recite kanina. Umupo ako sa bakanteng upuan sa table nila.

"Kath, pwede ko bang mahingi yung number ni Hazel? Hindi kasi siya pumunta sa bahay para turuan ako," sabi ko.

"Hindi talaga siya makakapunta sa bahay mo kahapon," sabi ni Kath. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" I ask to Kath.

"Nasa hospital ngayon si Hazel at hindi pa siya nagigising simula kahapon," sabi niya.

"Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ko.

"Nabaril siya nung Saturday sa Anniversary Party ng company ng bestfriend niya," sabi ni Amber.

"Dadalaw ba kayo sa hospital mamaya?" I ask.

"Oo. Sasama ka ba?" tanong ni Mia.

"Oo, kaibigan ko si Hazel kaya dadalawin ko siya mamaya," sabi ko.

HAZEL'S POV

"Anak." Minulat ko na ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Mommy at tumingin sa wallclock dito. 12:07 pm.

"Anak may gusto ka bang kainin?" tanong ni Mom ng tumingin ako sa kanya.

"Wala po, busog pa po ako?" sabi ko at kinuha ang phone ko.

"Sabihin mo sa akin kapag may gusto kang kainin o kapag may kailangan ka ha."

"Opo Mom."

Hinanap ko ang pangalan no Kath sa phone book ko at tinawagan siya.

(Hello) Bati ni Kath ng sagutin na niya ang tawag.

"Kath," sabi ko.

(Hazel, Okay ka na ba? Wait, speaker kita kasama ko sila ngayon,) sabi ni Kath.

"I'm fine. I miss you guys. Hindi ko pa kayo nakikita simula nung party."

(I miss you too, Hazel. Pumunta kami kahapon dyan pero hindi ka pa daw nagigising sabi ni Tita.)

"Kanina lang kasi ako nagising. Ano nga pala ang nangyari sa party?" biglang tanong ko.

(Hindi na natuloy ang party dahil nag panic na din ang mga tao,) sabi ni Sav.

"Sayang naman. Anniversary party pa naman ng company nila Clarence yun. Guys, gusto ko ng pumasok, nabobored na ako dito."

(Baliw ka talaga. Hindi papayag ang Daddy mo na pumasok ka, alam mo naman yun protective sa unica hija niya. Ikaw pa naman ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng property ng pamilya niyo. And baka dumugo lang ang sugat mo kapag pumasok ka,) sabi ni Amber.

"Eh wala akong magawa eh, palagi lang akong nakahiga dito. Unting galaw ko lang kikirot ang sugat ko. Kapag iinom naman ako ng gamot, maya-maya lang ay aantukin na naman ako," sabi ko.

(Hazel, ano ba gusto mo? Para madalan ka namin pagdalaw namin dyan sayo mamaya.)

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Jerome sa kabilang linya.

Yan na naman ang abnormal kong puso? Bakit parang gusto ko na araw-araw narinig ang boses ni Jerome? Parang mga musika ang boses niya sa tenga ko.

"Jerome, nandiyan ka pala? And wala naman akong gustong ibabili," sabi ko "I miss you, Jerome," pahabol na sabi ko bago sila magsalita sa kabilang linya.

(Ang tanong, miss ka ba?) sabat ni Mia.

"Bwesit ka, Mia. Bahala na nga kayo dyan," I said and I ended the call.

Bwesit talaga nakuha pang mang-asar.