Chereads / Bakit Siya Pa? / Chapter 9 - CHAPTER 8

Chapter 9 - CHAPTER 8

HAZEL'S POV

Maaga akong umalis sa mansion, gaya ng na pag-usapan namin ni PJ. Nandito na ako ngayon sa coffee shop na napag-usapan namin para ibigay niya yung bulaklak at yung letter na sinasabi niya.

Tumingin na lang muna ako sa labas, pumwesto kasi ako malapit sa salamin. Ang tagal naman ni PJ. Baka kasi may makakita sa akin na ako ang maglagay ng bulaklak sa upuan ni Kath at pagkamalan pa akong may gusto kay Kath.

Uminom ako ng cappuccino na inorder ko. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang sobrang kapal na wattpad book na dinala ko. Sinimulan ko ng basahin hanggat wala pa si PJ.

Maya-maya ay nasa ikatatlong kabanata na ako ng binabasa ko ng may umupo sa katapat kong upuan at naglapag ng bulaklak. Sinarado ko na ang librong binabasa ko at binalik na ulit sa bag.

Tumingin ako sa kaharap ko at si PJ pala yun. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti naman siya pabalik.

"Kanina ka pa ba dito? Sorry natagalan, nag-isip pa ako kung anong bulaklak ang bibili ko at kung anong letter yung isusulat ko," sabi niya.

"Yup kanina pa ako dito g 6:15 dito eh. Umalis kasi ako sa bahay ng 6 am dahil baka mahuli ako ng ibang classmate ko na ako ang naglagay ng bulaklak sa chair ni Kath. And okay lang naman hindi naman ka masyadong natagalan eh," sabi ko. Napatingin ako sa wristwatch ko, 6:30 am na.

"Oh ito na yung letter at bulaklak," sabi niya sabay about sa akin ng papel at bulaklak. Napatingin ako sa bulaklak. Ang ganda naman, Allium ang pangalan ng bulaklak.

"Bakit allium yung napilit mong bulaklak na ibigay sa kanya?" tanong ko. Nacurious lang naman ako.

"Nasa letter, kung gusto mo basahin mo. Okay lang naman sa akin kung basahin mo. Wag mo lang sabihin na nandito na ako sa pilipinas," sabi niya. Natawa naman ako ang lakas ko talaga dito kay PJ. Tumingin ako sa papel na may pangalan ni Kath. "Oh bakit ka tumatawa?"

"Wala. Sure ka bang ipapabasa mo sa akin itong letter na para kay Kath?" tanong ko.

"Oo, may tiwala naman ako sayo eh," sabi niya.

"Sure na sure ka ba talaga?" tanong ko ulit. Tumango lang siya. "Sige, basahin ko ha?" Tumango ulit siya kaya binuksan ko yung papel at binasa.

This flower is Allium means strength... The strength of my love for you...

From: PF

Shemssss. Nakakakilig naman kahit ang iksi lang ng nilagay ni PJ. Grabe talaga kung magmahal tong si PJ.

"Nakss naman, nakakakilig naman to kahit maiksi. Sigurado akong mamumula agad si Kath kapag nabasa niya to," sabi ko at tiniklop na yung papel.

"Talaga? Thats simple sentence make her blush?" tanong niya.

"Oo, ako nga tong kaibigan mo, kinilig ng mabasa ko. Si Kath pa kaya na girlfriend mo," nakangiting sabi ko. "Sige na PJ, pasok na ako baka may makakita pa sa akin kung hindi ko to mailagay agad sa upuan niya, " sabi ko at tumayo na. Kinuha ko na yung bulaklak at pinasok sa bag ko hindi naman masisira eh dahil unti lang ang laman ng bag ko.

"Sige balitaan mo na lang ako sa magiging reaction niya," sabi niya.

"Oo naman, bye," sabi ko at naglakad na palabas ng coffee shop.

CLASSROOM...

Pagpasok ko ng classroom ay tama ako dahil wala pa ang mga classmate ko. Pumunta agad ako sa pwesto ni Kath. Nilabas ko na yung bulaklak na nasa bag ko at nilagay sa table ni Kath, pati ang letter.

Pagkatapos kong mailagay yung bulaklak at letter ay pumunta na ako sa pwesto ko at umupo. Nilabas ko yung wattpad book ko at binasa ulit habang naghihintay ako sa mga classmate ko.

Napatigil lang ako sa pagbabasa ng dumadating na ang mga classmate namin. Napatingin ako sa mga classmate ko ng lumapit sila sa table ni kath, kaya tumayo ako at lumapit sa table ni Kath.

"Wag niyong gagalawin yan dahil hindi naman sa inyo yan," sabi ko.

"Hindi naman namin ginalaw ha. Tinitignan lang namin. Ang ganda kaya ng bulaklak, ano bang tawag dyan?" sabi ng isang classmate ko.

"Allium ang pangalan ng bulaklak," sabi ko. Napatingin naman sila sa akin.

"Paano mo naman nalaman na Allium ang pangalan ng bulaklak?" tanong ng isa ko pang kaklase.

"Mahilig ako sa mga flowers, kaya alam ko," sabi ko.

Nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko. Nag text si Kath. Binuksan ko naman at binasa.

Kath: Hazel, where are you na ba? Nandito na kami sa gate.

Nireplyan ko naman agad siya.

Me: Nasa classroom na ako. Punta na kayo dito bilis may dapat kang makita.

Kath: Bakit? Ano ba ang dapat kong makita. Reply ni Kath.

Me: Basta pumunta na lang kayo dito.

Binalik ko na ulit yung phone ko sa bulsa ng mareplayan ko na si Kath.

"Hazel, anong meron dito?" tanong ni Kath. Grabe naman tong apat na to ang bilis maglakad. Nakarating agad.

"Ayun kasi ang dahilan oh," sabi ko at tinuro ang table niya na may bulaklak.

"Kanino galing yan?" tanong sa akin ni Kath. Nagkibit-balikat lang ako.

"Tignan mo na lang. Nakita ko kanina may papel na nandiyan eh," sabi ko. Lumapit naman si Kath sa table niya at kinuha ang bulaklak at papel na nilagay ko kanina.

Binuksan niya yung letter at nakita kong namumula siya habang binabasa niya. Sabi na eh, kahit simpleng sentence lang yun kikiligin at mamumula na si Kath.

"Ano kanino galing?" tanong ni Amber. Sa tono ng pananalita ni Amber, mukha ng excited na siyang malaman.

"PF lang ang nakalagay na pangalan eh," sabi ni Kath.

"Mukhang alam ko na kung sino ang nagbigay niyan. Ayieee," pag-aasar ko at sinagi ang balikat ni Kath.

"Sino? Kilala mo Hazel?" pang-eechos ni Mia.

"Oo, pero hindi ko sasabihin dapat si Kath ang magsabi sa inyo kung sino siya," sabi ko. Tumango na lang silang tatlo. Tumingin ako kay Kath na namumula parin. "Hoy, ano kilig na kilig, baka mapagkamalan ka dyan na lasing sige ka," pang-aasar ko.

"Ano ba nakalagay sa letter Kath? Pwedeng pabasa?" tanong ni Sav. Binigay naman agad ni Kath yung letter. Binasa na nilang tatlo at nung mabasa na nila ay kinilig yung tatlo.

Ibibigay na sana ni Amber sa akin pero sumenyas ako na wag na lang.

"Sige balik na ako sa upuan ko. Bahala kayong kiligin dyang apat," sabi ko at naglakad na papunta sa pwesto ko. Binasa ko na lang ulit yung wattpad book na binabasa ko.

BREAKTIME...

Nandito ako ngayon sa classroom, niyaya ako kanina nila Kath na kaka in kami sa cafeteria pero hindi ako sumama dahil may gagawin pa ako.

Kinuha ko sa bag ko yung brown envelope na binigay sa akin ni PJ kahapon. Hindi ko pa nakikita ang mga laman nito dahil ako ang pinalinis ni Dad ng office niya, wala kasi siyang tiwala sa mga maids namin dahil baka may mawala kaya ako ang palaging inuutusan ni Dad malinis doon.

Binuksan ko yung envelope at nilabas ang mga laman. Inisa-isa kong tignan ang mga papel na kailangan para sa registration. Napatingin ako sa mga report card ni PJ.

Hindi ko akalaing tumaas ang mga grades ni PJ simula ng doon siya nag-aral sa states.

"Kaninong requirements yan?" Nagulat ako ng marinig ko ang bosses ni Jerome sa likod ko. Binalik ko agad yung mga requirements sa brown envelope.

"Sa Friend ko galing states , pinapaasikaso niya sa akin dahil hindi niya maasikaso dahil madami daw siyang gagawin kaya ako ang nag-aasikaso," sabi ko.

"Gusto mo tulungan na kita?" offer ni Jerome. Tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom. Nakasunod naman sa akin si Jerome.

"No need, kilala ko kung sino ang may ari nitong University. Sa kanya na lang ako magpapatulong," sabi ko.

"Samahan na lang kita," sabi niya.

"Sige," sabi ko at sabay na kaming pumunta sa office ni Tito Benjamin.

Yes, Tito ko ang may ari ng University. Kapatid ni Mom si Tito Benjamin, hindi ko nga lang masyadong nakikita si Tito dito dahil sobrang busy. Ngayon lang din ako makakapunta sa office niya dahil last school year pa ang huli kong punta doon.

Nang makarating kami sa tapat ng office ni Tito ay saktong lumabas ang secretary niya.

"Hi Ate Andrea, nandiyan ba si Tito Benjamin sa loob?" tanong ko sa secretary ni Tito.

"Ahm Opo Ma'am Hazel, nandiyan po siya. Pasok na lang po kayo," sabi ni Andrea.

"Sige Ate, salamat," sabi ko. Tumango lang siya.

"Tito mo pala ang may-ari nitong University?" tanong ni Jerome na katabi ko.

"Oo," tanging sabi ko at kumatok na sa pinto ng office ni Tito.

"Come in," sabi ni Tito mula sa loob. Binuksan ko na ang pinto ng office ni Tito at pumasok, pumasok na din si Jerome.

"Oh Hazel, naparito ka. May kailangan ka ba?" tanong ni Tito. Lumapit ako sa kanya, yumakap at bumeso ako sa kanya.

"Yes Tito, I really need your help," sabi ko. Umupo ako sa harapan ni Tito, umupo na din si Jerome.

"What is it?"

"For this." Inabot ko na kay Tito yung brown envelope. Binuksan naman agad ni Tito.

"You want to enroll Paris James Fontanilla in our university?"

"Yes Tito, galing kasi siyang states kaya ngayon lang siya makakapasok dito sa University," paliwanag ko.

"Where is he?" tanong ni Tito.

"Busy po kasi siya ngayon eh," sagot ko.

"Kailan ba siya papasok? Complete na ang requirements niya kaya makakapasok na siya dito sa University."

"Eh Tito ang sabi niya sa akin nung nagkita kami. Next month pa siya makakapasok," sabi ko.

"It's okay, ipapagawa ko na yung schedule niya. Engineering ang course niya diba?"

"Yup," tanging sabi ko.

"Sige, ibibigay ko na lang sayo ang schedule niya next month," sabi ni Tito.

"Thank you, Tito. The best ka talaga," sabi ko.

"Kumain ka na ba, Hazel? And you Mr Calliego," sabi ni Tito at tumitingin siya kay Jerome.

"Actually Tito, hindi pa kami kumakain eh," sabi ko.

"Tamang tama hindi pa din ako kumakain. So tara na kain tayo sa canteen?" aya ni Tito at tumayo na siya.

"Sige po Mr Alonzo, sa sabay na din po ako sa inyo kumain," sabi ni Jerome. Tumayo na kami ni Jerome. Lumapit naman sa akin si Tito at inakbayan ako.

"Tara na. Namiss ko ng kasabay kumain itong pamangkin ko eh. Ang dami ko kasing ginagawa kaya hindi ako nakakasabay sayo," sabi sa akin ni Tito. Lumabas na kami ng office niya, si Jerome naman ay nasa likod lang namin ni Tito.

"I miss you too, Tito. Hindi ka na pumupunta sa bahay. Miss ka na din ni Mom," sabi ko.

"Sa Sunday pupunta ako sa bahay niyo. Miss ko na din si Ate," sabi ni Tito.

Pagkarating sa canteen ay nakita ko sila Kath. Tumingin sila sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanila.

"Good Afternoon Mr Alonzo and Ms Candelaria," sabi ng mga studyanteng madadaanan namin. Himila binabati ako ng mga studyante. Alam ko namang babatiin lang nila ako kapag kasama ko si Tito, pero kapag wala siya walang mga batian ang nagaganap.

"Napakaplastic ng ibang student. Babatiin lang ako kapag kasama ko si Tito. Iilan lang talaga ang bumabati at gumagalang sa akin," bulong ko. Narinig kong natawa ng mahina si Tito kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi kasi nila alam na pamangkin kita. Dibs nga hindi ka na naglalagay ng middle initial mo. Or kung maglalagay ka man hindi nila alam kung anong ibig sabihin nun," sabi ni Tito at umupo kami sa bakanteng lamesa. Hindi na pumupunta si Tito sa counter dahil alam na nila ang order ni Tito.

"Sabagay, wala ngang nakakaalam. Ito ngang si Jerome, hindi rin alam nung una eh," sabi ko.

"Gusto mo sabihin ko sa kanila na pamangkin kita, para araw-araw kang hindi plastikin," sabi ni Jerome.

"No need, wala naman akong pakialam kung plastikin nila ako o hindi," sabi ko.

Pagkarating ng mga pagkain ay kumain na ako.

DISMISSAL...

Nakasakay na ako ng taxi, As always. Di bale hindi na ako magcocomute next week dahil babalik na sila Aaliyah sa US next week.

*KRING KRING KRING*

Kinuha ko yung phone ko. Tumatawag si PJ, sinagot ko naman agad.

(Ano ng balita? Successful ba?)

"Oo, namula si Kath. Habang binabasa niya yung letter."

(Talaga?) tanging sabi niya.

"Oo, and by the way about sa pagpasok mo sa University. Okay na, schedule mo na lang ang ibibigay sa akin." sabi ko.

(Ang bilis naman kahapon ko lang binigay yung requirements ko. Tapos okay na agad.)

"Oo, may tumulong kasi sa akin. Kaya napadali agad."

(Sino?)

"Si Tito Benjamin, ang may ari ng Benjamin University." sabi ko.

(Tito mo ang may ari?)

"Oo, sige na. See you tomorrow." sabi ko.

(Sige.) I ended the call.

KINABUKASAN...

Nandito ako sa classroom at nilagay ko na ang bulaklak at letter na ipinabibigay ni PJ. Dalawang klase nga ngayon ng bulaklak na inilagay ko sa table ni Kath. Armaryllis and Carnation ang name ng flower.

Kinilig na naman ako sa letter na ginawa ni PJ.

This flower is Armaryllis means beauty... I'm captiveted by your beauty. And the another one is Carnation means fascination... you always fascinate me.

Text ko na sila Kath na nandito na ako sa classroom dahil alam kong maghihintay na naman sila sa gate.

***********

"Hala girl, Meron ka na namang bulaklak sa table mo? Sino ba talaga yung PF na yun?" tanong ni Mia kay Kath. Kinuha ni Kath yung letter.

Natawa na naman ako sa mukha ni Kath, para siyang kamatis sa sobrang pula ng mukha niya. "Ano kilig na kilig ka na naman dyan, Kath? Mukha kang kamatis sa sobrang kapulahan ng mukha mo," pang-aasar ko. Tinignan niya ako ng masama.

"Wag ka ngang epal dyan, Hazel," sabi niya.

"Bakit totoo naman ang sinasabi ko eh. Kahit tanungin mo pa sila Amber, yan din ang sasabihin nila sayo," pang-aasar ko pa.

"Wag ka ngang ano dyan, Hazel."

"Tawagan mo na lang kasi, baka mamaya hindi naman pala siya yung nag ibibigay niyan," sabi ko.

"Eh ayoko nga. Baka makaabala pa ako sa mga ginagawa niya," sabi ni Kath.

"Hindi ka na siguro niya tinatawagan no. Ilang linggo na lang birthday mo na, tapos walang paramdam," sabi ko. Nakita kong lumungkot yung mukha ni Kath.

"Uuwi siya sa birthday ko. Nangako siya sa akin," sabi ni Kath.

"Okay, sabi mo eh," sabi ko at pumunta na sa upuan ko.

SATURDAY...

Bumaba na kami ng kotse ng makarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang Anniversary Party ng company nila Clarence.

Humawak ako sa braso ni Dad at ganun din si Mom sa kabilang braso ni Dad.

Dumating na din sila Tito Gerald at Tita Rizel kasama ang dalawa kong pinsan na agaw attention talaga ang kagandahan at kagwapuhan.

Pero syempre hindi ko sinasabi na hindi ako maganda, agaw attention din naman tong beauty ko. Hahahhaha.

I'm wearing simple light blue dress na hanggang tuhod. Dapat ang susuotin ko nga ay yung dress na hanggang hita kaso si Dad ang sabi niya masyado daw maikli kaya nagpalit na lang ako.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng hotel.

"Good evening po Ma'am and Sir. This way po," sabi ng isang receptionist at tinuro ang daan.

Pagkarating namin sa Hall ay agad kaming lumapit sa mga Sevilla.

"Thank you for coming Amigo," sabi ni Tito Charlie at nagkamayan sila ni Dad. Humiwalay na ako sa pagkakahawak sa braso ni Dad para lapit an si Clarence.

"You're so beautiful to your dress, Hazel," sabi niya. Ngumiti naman ako.

"Thank you," sabi ko at bumeso sa kanya.

"Sh*t!" singhal ko ng may nararamdaman akong maliit na metal na tumama sa likod ko. Napahawak ako sa braso ni Clarence.

"Hazel, are you okay?" tanong ni Clarence sa akin pero hindi ako makasagot dahil nagdidilim na yung paningin ko.

Naramdaman ko na lang na tumama ako sa sahig.

"Hazel!" narinig kong sigaw ni Mom at Dad. Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.