CHAPTER 11
Nanlumo si CJ sa nadatnan. Hindi na niya makilala ang kaibigan dahil sa mga sugat. Napa sigaw ito. Sa mga dingding ay mga naka paskil na mga kopya ng class picture nila. Si Melcy ang pinakabagong may marka ng ekis. Sumaklolo ito sa mga kinauukulan.
Bago matapos ang araw, nagtipon-tipon ang buong seksyon. Kailangan nila ng panibagong aksyon.
"Kung hindi ako nag kakamali, isa itong Japanese poem," wika ni Alina sa mga kaklase.
"Haiku," matipid na sagot ni Sakura. Muli nilang binasa ang haiku na mula sa video at sinubukang alamin ang mensahe sa likod nito.
"Flagpole. Flagpole ang sagot sa haiku," matipid na sagot ni Sakura, saka umalis.
Kinabukasan, maagang gumising ang mga estudyante sa St. Venille. Naging abala sila sa pag hahanda para sa field trip. Umaalingawngaw ang sigawan ng mga estudyante. Papunta pa lang sa quadrangle ang mag kakaibigang sina Sakura, Alyssa at Erizel nang marinig nila ang anunsyo ng punong guro sa mga speakers.
"Calling the attention of classes four to six. Please proceed to the Seminar Room."
Nadatnan nila doon ang principal na tahimik na nag hihintay. Halos lahat ng mga estudyante ay takot sa kanya. Gagawin niya ang lahat para ma-maintain ang standing ng St. Venille sa listahan ng mga top schools sa bansa. Karamihan ng mga estudyante sa prestihisyosong school na ito at galing sa elite na pamilya.
Nag mamadaling tumatakbo si Kate papuntang seminar room. Late na siya. Nahuli rin siya nag handa para sa trip. Napa hinto siya nang mapansin ang class picture na naka dikit sa isa sa mga pintuan ng mga kwarto. Room 1975. Mariin siyang napa lunok nang makita ang isang babaeng naka-maskara na kinakawayan siya mula sa dulo ng hallway. Sinubukan niyang tumakbo pero agad din siyang napa upo nang biglang mahablot ang kanyang buhok ng isa pang estudyanteng naka-maskara. Piniringan ang dalaga at pag katapos ay sinaksakan ng syringe sa leeg, dahilan para mawalan ito ng malay.
Kahit na hindi kumpleto, sinimulan na ng punong-guro ang pag aanunsyo ng mga guidelines ng trip. Mananatili raw ang buong klase sa loob ng Koch's Camp. Tatagal sila doon ng tatlong araw. Bukod sa guidelines, ipinakita rin ng principal ang iba't ibang akrtibidades na gagawin sa loob ng camp.
Matapos ang paliwanag, i-dinistribute niya ang mga camping passes at saka i-dinismiss ang mga estudyante. Palabas na sana sila pero naka-lock ang pintuan. Agad tumawag ang punong-guro ng security. Sa gitna ng pag hihintay, nakatanggap ang bawat isa ng mensahe. Video ito mula sa isang unregistered user na may alyas na letrang 'S'.
"A-Anong ibig sabihin nito?" nang gagalaiting tanong ng principal sa katabing operator.
"Tsinetsek na po namin ang records, pero mukhang wala po ang numerong yan," nag tatakang sagot ng operator.
Sinubukang i-play ng ibang estudyante ang natanggap. Nagulat sila nang makita ang isang babaeng naka gapos. Si Mariel Kate Pascual. Naka upo siya at naka patong ang mga kamay sa malapad na mesa. May mga maliliit ng kutsilyong naka siksik sa kanyang mga kuko.
Bukod dito, mayron ding nakadiin na hacksaw sa dalawang pulso. Si Kate ay kabilang sa grupong Beasts. Siya ang tinaguriang "Queen of the Gossips" dahil alam niya lahat ng mga usap-usapang kumakalat sa paaralan. Siya rin madalas ang pinag kukuhanan ni Melcy ng leads para sa mga sinusulat nito.
Ilang saglit ay naka rinig sila ng matinis na ingay mula sa speakers. Napa takip ng tenga ang ilan. Minasdan ng punong-guro ang mga takot na estudyante. Inutusan niya si Ms. Gomez na pakalmahin ang mga ito habang hinihintay ang tulong na darating.
"A world without pain is a world without love. To my dearest sixth class, let's play a game. This time, I want all of you to feel my torment," mapaglarong anunsyo sa buong klase.
"Stop this madness at once!" sagot ng principal pero tinawanan lang siya na parang isang bata.
Ilang sandali pa ay nagising si Kate mula sa kanyang kinauupuan. Agad nag-panic ang dalaga nang makita ang mga naka kabit sa kanya. Sinubukan niyang galawin ngunit bawat galaw niya ay may kaakibat na sakit.
Maya-maya pa ay may narinig siyang tunog ng makina galing sa kanyang harapan.
"This time, I want you to watch closely. I want all of you and your stupid teachers to watch what agony really feels like."
"Fuck! Kung sino ka mang demonyo ka, makonsensya ka! Let me go!" sigaw ni Kate habang panay lingon sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makaramdam ng matinding sakit sa kanyang hinliliit.
Unti-unting inaangat ang maliit na kutsilyo. Sunod ay hintuturo naman, unti-unting pina paangat ang mga ito para alisin. Napa sigaw at napa iyak ang dalaga. Maya-maya pa ay kuko naman sa palasingsingan niya ang inaangat. Nanginginig na ang dalaga sa sakit. Hindi rin siya makapalag dahil sa hacksaw na nakadiin. Hindi tumigil ang pag tuklap ng mga kuko hanggang sa maubos lahat ito. Patuloy sa pag sisigaw at pag mumura ang dalaga. Biglang bumuhos ang alcohol mula sa kisame. Direkta sa mga nag durugong mga kamay ni Kate. Gusto na niyang matapos ang kanyang pag hihirap.
"Please . . . patayin mo na lang ako!" nag mamakaawa nitong sigaw. Pumipiyok na siya sa kawalan ng boses.
Tumakbo sina Hunter at Cameron palabas ng seminar room nang mabuksan na ito ng mga guwardiya. Sinamahan din sila ng mga ito na nag hanap kung saan nakakulong si Kate. Napalingon si Hunter nang marinig ang sigaw sa dulong kwarto sa hallway.
"Si Kate! Music room!" sigaw ni Hunter. Nag bilang sila hanggang tatlo at saka pinuwersa ang pintuan. Sa pag kabukas ay may pumutok na baril. Dumungaw si Hunter at nakitang may matulis na bakal na tumusok sa batok ni Kate. Tagos ito sa kanyang ulo. Napa upo't nag susuka si Cameron nang makita ang mata ni Kate sa dulo ng bakal.
Pag balik ng dalawang binata sa seminar room, nadatnan nilang nag-iiyakan ang mga miyembro ng Beasts. Sa halip na ikansela ang trip, pinili ng punong guro na ituloy ito sa paniniwalang magiging maayos ang lahat at mapapakalma ang mga estudyante.