Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

CHAPTER 10

Mabilis kumalat ang balita ng pag kamatay ni Kyle. Binanggit ni Melcy na kailangan na ring makialam ng ibang seksyon sa pagtugis sa killer. Hanggang ngayon, nag hihinala pa rin siyang nasa loob lang mismo ng school ang killer. Ikinabahala ni Erika ang isinulat ni Melcy sa school paper. Pinuntahan niya ito at ibinalibag sa harap niya ang diyaryo.

"Ano nanaman ba to, Melcy?" naiiritang tanong ni Erika Tumayo si Melcy. Lumala ang tensyon sa pagitan nila.

"Ito na lang ang nakikita kong paraan, Erika. Kapag hindi pa ako humingi ng tulong sa iba, e baka maubos tayo."

"Bakit? Kasi ikaw ang nasusunod?" Nanlaki ang mga mata ni Melcy nang marinig ito.

"Tama na nga yan, nag kakainitan na kayo, e," saway ni Hunter sa dalawa. Tatayo sana si Alex para makisali pero pinigilan siya ni Lacus.

"Mapapahamak ka lang niyan." Tinaasan lang siya ng kilay ni Alex at inirapan.

"Pakialam mo? Doon ka sa Hunter mo," mataray na sagot ni Alex.

Pumunta siya sa harap at pinagitnaan ang dalawang nag-aaway. Tumabi si Alex kay Hunter at pasimpleng yumakap sa binata. Natahimik silang lahat nang pumasok sa loob ang kanilang guro. Tumigil na ang dalawa.

Habang nag kaklase, tumabi si Sakura kay Melcy, pinag lalaruan nito ang stuffed toy niyang si Mika.

"Ang cute naman niyan, parehas kayo ni Zoey," pag pupuri ni Melcy. Narinig siya ni Zoey na nasa likuran at halatang nainis.

"No we're not! Mine's better!" angal ni Zoey at niyakap ng mahigpit ang kanyang stuffed toy na rabbit. Hindi umimik si Sakura.

Nanahimik na lang si Melcy, na may nararamdamang pag kabagabag. Hindi na sita maka-concentrate sa kaiisip sa nangyari kahapon. Naalimpungatan na lang siyang makarinig ng bulong . . . "You're next." Nag sitaasan ang mga balahibo ni Melcy.

"H-Hindi! I'm not going to die!" paulit-ulit na sigaw nito. Nagulat ang lahat.

Sa taranta, napatakbo si Melcy, pero hinarangan ito ni Cameron.

"Let me out!" nang gigigil na sigaw ni Melcy.

Ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok na para bang nawawala sa sarili. Nag matigas si Cameron at hindi umalis sa harap ng pintuan. Tumingin sa paligid si Melcy at may nakitang ballpen sa sahig. Dali-dali niya itong kinuha, pag katapos ay tinusok si Cameron sa braso. Nag matigas pa rin si Cameron. Hinawakan nila Caleb ang mga braso ni Melcy. Sinubukan nitong manlaban, pero hinigpitan ang pag kakahawak sa kanya upang di na siya maka sakit pa. Nilapitan ito ni Zoey at mariing niyakap. Umiiyak ito.

"A-Ate . . . Ate Melcy . . ." Napa upo si Melcy sa sahig. Nilapitan siya ni Erika at inalayan ng panyo.

"Sorry. Mahahanap din natin ang killer," bulong ni Erika sa kaibigan. Naka tulala pa rin si Melcy habang pinapatahan si Zoey.

Ilang saglit pa ay narinig na nila ang bell. Nag puntahan ang mga estudyante sa locker room upang magbihis, maliban kina Melcy at Cameron, na sinamahan ng kanilang adviser sa clinic. Nahuling pumunta si Cheska sa locker room dahil nangopya pa ito ng notes sa blackboard.

Nang siya na ang nasa locker room para kumuha ng gamit, napa kunot ito sa napansing CD na naka ipit sa kanyang P.E. uniform. Ipinakita niya ito sa mg kaklase.

"Maybe that can help us," wika ni Zero.

"Tara sa library," yaya ni Arsela sa mga kasama. Nandon kasi ang mga computers.

Naka salubong nila sina CJ at Melcy habang nag lalakad. Sila'y may dala-dalang mga paper bag na may lamang groceries.

"Para saan yan?" tanong ni Arsela habang sinisilip ang laman ng mga bag.

"Para sa trip bukas," paliwanag ni CJ.

"Ang aga nyo namang mag handa," wika ni Arsela.

"Ewan ko ba rito kay Melcy, masyadong excited," biro ng binata. Biglang sumingit sa biruan si Chantelle.

"Huwag nyo nang ituloy yang trip na yan," babala nito. Nailang ang dalawa. Tinaasan siya ng kilay ni Aliza at akmang itutulak pero sinaway ito ni Melcy.

"Salamat, Chantelle. Hayaan mo, bibigyan na lang kita ng luto ko." nag patuloy ang mag kahiwalay na grupo sa pag lalakad.

Pag dating sa library, nadatnan nila si Cheska na kanina pa pala nag hihintay. Nakapangalumbaba ito habang naka tulala sa naka bukas na computer sa kanyang harapan.

"I-play nyo na," utos ni Aliza sa mga kasama. Umupo si Arsela sa tabi ni Cheska sa harap ng computer. Ang iba naman ay naka tayo sa likuran.

Nag pop-up ang isang window sa screen, pero audio lamang ito. Pinindot ni Arsela ang play button. Naka rinig sila ng boses ng isang binata na walang humpay sa pag sigaw ng saklolo. Kinabahan sina Arsela. Sumunod ay isang message box.

Made of stainless steel, Connects to country's symbol. Pulled up at Monday.

"Isulat na natin ito sa papel at ipaalam sa iba," suggestion ni Zero.

Pag dating nina CJ at Melcy sa dorm, agad nilang inayos ang mga ipinamili upang masimulan na ang pag luluto. Pero naka tanggap si CJ ng text mula kay Arsela: Pumunta ka rito sa gymnasium, bilisan mo!

Napa kunot ang noo ni CJ. Napansin ni Melcy ang reaksyon ng binata.

"May problema ba?" Sa halip na sagutin siya ay nanahimik lang ang binata at kinuha ang kanyang bag.

"Punta raw akong gym, sabi ni Arsela. Mukhang importante. Babalik din ako agad. Promise," paalam ni CJ kay Melcy na abalang nag papaypay sa iniihaw niyang barbeque. Pumayag ang dalaga. Tumango ang binata at kumaripas ng takbo.

Unti-unting kumapal ang usok sa pag luluto niya ng barbeque.

"O? Ambilis mo. HIndi mo ako matiis, no?" pabirong wika ni Melcy habang abala pa rin. Hindi siya masyadong makakita dahil sa kapal ng usok na tumatama sa kanyang mata. Walang sumagot sa kanya.

Papalingon siya ay biglang may sumabunot sa kanya pero walang tao sa mga oras na yon. Hindi siya makalaban. Napuruhan ng mga baga ang kanyang mga mata. Malakas na inuntog sa semento ang kanyang ulo saka kinaldkad sa banyo. Tuwang-tuwa ang naka-maskara habang pinapanood niyang mag sisigaw ang dalaga. Binuksan nito ang hot shower at nilagay ang setting sa pinakamainit.

"P-P-Parang awa mo na . . . P-Patayin mo na lang ako . . ." nang hihinang paki usap ni Melcy pero tinawanan lang siya nito't dinuraan.

Napa ngiti ang babaeng naka-maskara nang puno na ang bathtub. Inilublob niya ang mukha ni Melcy doon. Nag kulay-pula ang tubig. Nang hindi na ito gumagalaw, saka umalis ang naka-maskara.