Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

CHAPTER 9

Sunod-sunod na dineliver ang mga magagarang damit na isusuot ng mga estudyante para sa prom na gaganapin din sa gabing iyon. Hindi makapag-focus ang ibang estudyante dahil sa pag kasabik. Sa isang five-star hotel gaganapin ang prom ng buong paaralan maliban sa pang-anim na seksyon na pupunta naman sa The Glass Gardens.

Ang hardin na ito ay pinalilibutan ng iba't ibang klase ng bulaklak. May mga ilaw na naka sabit sa mga puno at mga disenyong nakaukit sa mga pader. Sa gitna ng hardin na ito ang malawak na function area. Alas singko na nang mag karoon ng briefing tungkol sa gaganaping prom.

Tahimik na nakinig ang buong klase sa kanilang adviser. Pinaalalahanan sila ng mga rules at itinerary. Kahit na naka bukod sila sa iba, inutusan pa rin ng principal si Ms. Gomez na pumili sa kanyang mga estudyante na mag re-represent ng kanilang seksyon. Ibi-video ito't isasama sa documentary ng paaralan.

"Mayron ba sainyong gustong maging representative at mag pakita ng talent mamaya?" tanong ng guro ngunit walang nag taas ng kamay. Napa tingin silang lahat nang tumayo si Kyle at nag lakad papunta sa harap.

"I'll do it."

"All right, Miss Comsti. It's settled. Anong ipe-perform nyo?"

"Tsubasa wo Kudasai po ni Michio Tamagami."

"How exciting! I'm looking forward to your performance. Good Luck!" sagot ng guro. Nginitian lamang siya ni Kyle at tumango. Ilang minuto ang lumipas nang marinig nila ang tunog ng bell.

"Class dismissed!" Nag grupo-grupo ang mga estudyante. Nag tanong-tanong kung sino ang maaaring maka-partner para mamaya. Katabi ni Hunter si Lacus, pero lumipat si Alex para tanungin ang binata.

"Hi, Hunter. Will you be my partner for tonight?" Tiningnan siya nang masama ni Lacus at tinaasan ng kilay.

"Sorry, ha? Kami na kasi ang mag ka-partner," sagot ni Lacus kay Alex sabay turo sa katabi. Nayamot si Alex kaya bigla niyang itinulak si Lacus. Dahil dito, naagaw nila ang atensyon ng mga kaklase.

"Boy fight? Really?" sarcastic na tanong ni Aliza sa dalawa. Pinag bubulungan din sila ng Beasts. Nag buntonghininga na lang si Lacus at nag desisyong bumaba para umiwas sa gulo.

Tahimik na naka upo sina Tiffany at Zero sa isang bench malapit sa Academic Building. Abala sa pag susulat ang binata habang pinag mamasdan lang ni Tiffany ang malawak na kalangitan. Ilang sandali pa ay napa tingin si Tiffany sa binata't yumuko.

"Z-Zack, may gagawin ka ba mamaya?"

"Wala naman," naka-poker face na sagot ni Zero habang tuloy pa rin sa pag susulat.

"Ikaw na lang partner ko, ha?" pabirong bulong ni Tiffany. Hindi nag salita si Zero pero tumango ito.

Habang abala ang iba sa pag hahanap ng partner, iba naman ang pinag kakaabalahan nila Melcy. Nasa design committee kasi sila. Abalang mag print ng posters at gumawa ng mga dekorasyon para sa venue.

"Hoy! Wala na naman tayong mga partner," malungkot na wika ni Arsela sa mga kasama habang inaayos ang flower vase.

"Hayaan mo na, lilipas din yan," sagot ni Resha.

"Huwag na kayong mag-partner. Mapapahamak lang kayo, lalaki yan e," singit ni Cheska.

"Sus! Bitter, teh," pabirong wika ni Melcy na abala sa pag dikit ng posters, Napangalumbaba si Resha nang makitang parating si Alina at kasama nito si Cameron.

"Buti pa sya, may partner . . ." bulong ni Resha.

"Nako, nako! Tigilan na nga yang ka-dramahan na yan. Bilisan na natin para maka pag-ayos na tayo," paalala ni Cheska sa mga kasama.

Makalipas ang ilang oras, natapos din sila. Ang iba sa kanila ay dumiretso na sa kanya-kanyang dorm maliban kay Melcy. Gusto niya kasing i-double-check kung maayos ang lahat bago siya umalis.

"O, hindi ka sasama?" tanong ni Cheska.

"Hindi muna. Sige, una na kayo, ha? Marami pa akong gagawin, susunod na lang ako," paalam niya sa mga kasama. Iniwan nila si Melcy sa venue na nag-iisa.

Dumiretso ang dalaga sa dulo ng Academic Building kung saan naka tayo ang room ng Journalism Club. Pumasok si Melcy doon at sinimulan ang pag print ng dagdag na posters.

Makalipas ang ilang minuto, napa lingon siya sa pintuan dahil nakarinig ito ng tatlong malalakas na katok. Dali-dali niya itong binuksan sa pag-aakalang si CJ ang kumakatok ngunit wala roon ang binata. Dumungaw-dungaw din siya sa mag kabilang gilid ng hallway ngunit walang tao. Ini-lock niya ang pinto at bumalik sa ginagawa.

Nag lalakad papunta sa Journalism Club room si CJ nang bigla siyang napa hinto pag katapos makakita ng babaeng hinihintay lumabas si Melcy. Mariing napa lunok ang binata nang mapansin ang mantsang pula sa maskara ng estudyante. Natakot si CJ at nag tago para balaan si Melcy. Muling naudlot ang mag pi-print ni Melcy nang maka receive siya ng message sa kanyang academic phone. Galing ito kay CJ: Kahit anong mangyari, huwag mong bubuksan ang pinto. Nanganganib ang buhay mo.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Nilingon niya ang pinto nang marinig ang sunod-sunod na malalakas na pag katok. Palakas ito ng palakas kaya lalong natakot si Melcy.

"Whoever you are, stay away!" sigaw niya. Narinig siya ni CJ na siya ring nasa labas. Butil-butil na ang pawis ni Melcy dahil sa lumalalang takot. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang sinusubukang i-text si CJ para humingi ng tulong. Nag e-explore si Erizel sa campus nang makita niyang nag tatago si CJ. Nilapitan niya ito.

"CJ, Okay ka lang ba?"

"A-Ang killer, next na si Melcy," utal na sagot ni CJ. Nanlaki ang mga mata ni Erizel. Kumuha siya ng libro mula sa bag at ibinalibag ito sa sahig. Agad nakakakuton ang estudyanteng naka-maskara nang marinig ang echo kaya kumaripas ito ng takbo. Sinundan ito nina CJ at Erizel ngunit sadyang mabilis itong nakatakas. Binalikan nila si Melcy.

"M-Melcy? Buksan mo itong pinto, kami ni CJ at Erizel ito!" sigaw ng binata habang kinakalabog ang pintuan. Dali-dali silang pinag buksan ni Melcy. Niyakap niya si CJ nang mahigpit habang umiiyak sa takot.

"I'm so glad dumating kayo. Akala ko mamamatay na ako." hinatid ng dalawa si Melcy sa kanyang kuwarto bago dumiretso sa kani-kanilang dorm para mag handa sa gaganaping prom. Sinabihan nila si Melcy na wag nang sumama para makapag pahinga siya, ngunit mapilit ang dalaga kaya't nag handa pa rin ito.

Alas singko pa lamang sa St. Venille pero abala na ang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga sarili. Pag dating ng quarter-to-six, sinundo na ng mga binata ang kani-kanilang mga partners. Tatlong malalaking sasakyan ang nag hatid sa lahat ng estudyante ng pang-anim na seksyon. Pag dating ng Beasts sa venue, namangha sila sa kakaibang ganda ng mga bulaklak at disenyo ng lugar.

"Ang pretty naman ng mga flowers. I'll tell dad to buy me these, pag katapos ay ipapalagay ko siya sa greenhouse namin sa rooftop," maarteng wika ni Angela habang hinahaplos ang mga bulaklak.

"Really? Wala kayong ganyan sa bahay nyo? Kasi kami meron, halos lahat na yata ng klase ng bulaklak naron na," pagmamaybang ni Pau.

"Ako, ayoko. Ba't pa ako mag-aalaga nyan? Pagod lang yan at gastos," wika ni Cathrine.

"Ang cheap mo talaga, Cathrine," sagot ni Sam at umirap.

"Beast member ka ba talaga?" pag mamataray ni Kate. Hindi sila pinansin ni Cathrine at nag patuloy lamang sa pag lalakad.

Dumating si Melcy sa venue hawak ang mga posters. Ikinuwento niya ang nangyari pero hindi siya pinaniwalaan ng mga kaklase. Gumagawa lang daw siya ng kuwento para mas lalo silang matakot. Nag simula ang programa mag katapos makita ng guro na kumpleto na ang klase. Masigabong nag palakpakan ang mga estudyante nang umakyat na sa stage ang kanilang guro.

"Good evening, my lovely students. This is your night. Seize the moment and enjoy!"

Matapos ang speech ay agad sumunod ang tugtugan. Sa gitna ng sayawan, halatang masama ang tingin ni Alex kay Lacus dahil naka-partner nito si Hunter imbes na siya napa ngiti si Caleb na napansing tinititigan ni Alex ang dalawa. Nilapitan niya ito at tinapik sa likuran.

"Naunahan ka, no?" tanong niya.

"Oo, eh . . ." tugon ng dalaga at umiling.

"Would you like to dance?" Napalingon si Alex. Ngumiti na lamang siya't maluwag na tinanggap ang alok ng binata.

"S-Sure?" Dumiretso ang dalawa sa gitna. Ramdam ang pag mamahalan sa bawat kanto ng Glass Gardens. Bukod sa pag sasayaw, pagkain masasarap ang inatupag ng iba habang masayang nakikinig sa mga kanta.

"O, ingat lang, ha? Mahirap na, baka may matulad kay Xyza," paalala ni Cheska sa mga nakapila sa buffet.

"She deserved to die, anyway!" mataray na wika ni Aliza habang pumipili ng kakainin. Tinapik siya ng kanyang kapatid na si Alina.

"You're so evil, ate!" Binalewala lang siya ni Aliza.

"Let's face it: our section is much better without her. We don't need her in our class. Epal lang siya sa classroom," wika niya bago bumalik sa kanilang table, naka sunod pa rin si Aliza na siyang may dalang mabigat na tray.

Bago matapos ang programa, muling tumungo ang guro nilang si Ms. Gomez sa stage para tawagin si Kyle para sa kanyang inihandang performance.

"Before the night ends, let's all listen to Kyle, our representative, serenade us with a song!" anunsyo ng guro.

Tumugtog ang piyesa at tumahimik ang lahat. Nag taas sila ng mga kamay habang sumasabay sa tono ng kanta. Nag dilim ng kaunti ang buong venue at may spotlight na naka tutok kay Kyle, na mala-anghel ang boses. Kahit na may pag ka-warfreak ito, makakalimutan mo yon dahil sa ganda ng kayang boses. Hindi napigilan ni Kyle na maluha dahil ito ang lagi niyang kinakanta sa kanyang nanay bago ito mamatay dahil sa cancer.

Bago matapos ang kanta, nagulat ang mga estudyante nang biglang nagliyab ang palibot ng stage. Lumingon si Kyle sa dingding kung saan lumabas sa malaking LCD screen ang kanilang class picture; mukha naman niya ang may marka ng ekis doon. Napangiti lang siya't ipinagpatuloy ang pag kanta. Inisip na makikita na muli niya ang kanyang ina matapos ang mahabang panahon. Nag kagulo ang mga estudyante sa garden. Hindi nila matulungan si Kyle dahil sa pag laki ng apoy. Napasigaw sila lalo nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Isa-isa nang pinatay ang servers at hotel staff.

"Guys, ang fire extinguisher!" sigaw ni Cameron habang tinutulungan ang isang duguan staff.

"I can't! I-I'm sorry!" sigaw ni Eugene at tumakbo papalayo. Tiningnan niya si Zero pero nakita niyang nakayakap ito kay Zoey.

"A-Ako na lang ang kukuha," sabi ni Tiffany. Kumaripas ito ng takbo papunta sa naka sabit na fire extinguisher sa entrance. Unti-unti nang natutuklap ang balat ni Kyle dahil sa sobrang init. Nang matapos ang kanyang kanta, bahagya siyang ngumiti at napa bulong sa kanyang sarili.

"Looks like I'm next . . . I'm coming home, mom . . ." Humakbang siya paatras at natisod sa isang manipis na sinulid. May narinig siyang malakas na tunog galing sa itaas, ang chandelier. Hindi na niya tinakpan ang kanyang mukha at matapang na hinarap na tiningala ang pag bagsak nito. Natahimik ang buong paligid sa malakas na ingay mula sa stage. Patay na si Kyle.

Pag kabalik ni Tiffany, ibinigay niya ang dalawang fire extinguishers. Naapula na ang apoy sa stage, pero huli na ang lahat. Sa kabila ng sinapit ni Kyle, naka ngiti pa rin ito, masaya sa kanyang pamamaalam. Hindi na hinintay ng lahat ang hatinggabi. Nagsiuwian ang lahat nang luhaan.