CHAPTER 8
Kahit na natatakot, pinili pa ring pumasok ni Zoey sa klase. Umupo siya sa last row upang iwasan si Erika. Normal na ang kilos nito. Napahinto silang lahat nang pumasok ang kanilang guro na may kasamang walong mag-aaral. Nagulat si Zoey nang makita niyang may dala ring stuffed toy ang isa sa mga bagong estudyante. Nag kasalubong sila ng tingin. Agad niyang inilihis ang tingin dahil sa pag kailang.
"Class, let's welcome our guests! They are exchange students from Xavier Academy," magalak na pag papakilala ng guro.
Matapos ang anunsyo, isa-isang nag pakilala ang mga exchange students. Naunang nag pakilala ang isang babaeng punong-puno ng confidence sa sarili. Si Erizel Fajardo. Five feet and four inches, maputi, brown-haired at galing sa isang elite na pamilya. Kilala siya sa Xavier bilang risk-taker. Lahat ay hahamakin dahil sa curiosity.
"I decided to join the exchange program because I heard that this section was cursed," prangkang bungad ng dalaga. Nag bulong-bulungan ang lahat. Napayuko na lang si Ms. Gomez dahil sa pag kailang sa narinig.
Sumunod na nag pakilala si Caleb Pascual.
"Hello, I'm Caleb Pascual. Please be good to me."
Matangkad, maputi, medium-built ang katawan, at naka salamin. Siya ang pinakatahimik. Gusto raw kasi nitong takasan ang pambubully sa kanya sa Xavier kaya siya sumali sa program. Matalino siya pero madalas, sinasamantala ito ng mga bully dahil alam nilang hindi siya lalaban. Nag-bow lang ang binata matapos mag pakilala.
Sumunod si Sakura Castaneto, ang tipong iniiwasan daw sa classroom. Maganda siyang paranoid sa Xavier dahil sa kakaibang hilig niya sa gore at matutulis na bagay. Sinasabihan siyang baliw minsan dahil madalas niyang kinakusap ang kanyang stuffed toy na parang isang ventriloquist. Ikinaway-kaway niya ang kamay ni Mika.
"Heyow sha inyo, ako nga paya shi Sakura," wika ng dalaga, at nasundan ng nakakapangilabot na tawa.
Naka agaw naman ng atensyon ang isang babae na naka yukong pumasok sa classroom. Nag-bow lang siya sa klase.
"Ako ng pala si Lacus Yamato," matipid niyang pakilala. Siya raw ang tipong hindi agad nag titiwala. Nag desisyon siyang sumama sa programa para makasama ang isa sa mga estudyante ng seksyon, si Hunter. Sinubukan niyang tingnan ang binata ngunit umiwas lang ito ng tingin sa kanya.
"Hi, I'm Jeffrey. Jeff for short," nahihiyang pakilala ng binatang sumunod. May pag kapihikan daw ito at pumipili lang ng taong kanyang kinakausap. Mas gustong mag kulong o umistambay sa sulok para mag laro ng kanyang handheld gaming console kaysa makipagkaibigan. Ang tanging rason lamang kaya siya sumali sa exchange program ay para sa kanyang girlfriend na si Miles.
Mag papakilala na sana ang dalagang susunod nang bigla siyang tinulak ni Alex. Halata sa mukha niyang wala siya sa mood at inaatake nanaman ng kanyang katarayan. Maarte niyang hinawi ang kanyang buhok at tumingin sa mga kuko nitong may bagong lagay ng kyutiks.
"Alexandra Bartolome's my name," walang gana niyang pakilala. Mabait siya't friendly minsan pero kapag wala sa mood, nagiging kabaliktaran ang kanyang ugali. Huling nag pakilala ang isang babae: si Alyssa De Lara. Kilala bilang happy-go-lucky. Maganda pero madalas inaatake ng katamaran. Humarap siya sa klase at nag-bow.
"Hi, my name is Alyssa and I'm looking forward na maging close tayong lahat," sabi nito na may flying kiss pa. Mararamdaman ang pag dududa ng buong seksyon sa mga bagong estudyante. Tahimik lang sila't pinapakiramdaman ang mga ito. Bago matapos ang klase, hinista sila ng principal na may kasamang isa pang estudyante. Masama ang tingin niya sa buong klase at panay irap.
"My name is Miles, and sana maging friends tayo," pag papakilala niya na may pa-inosenteng tono. Ngumiti sita pag katapos mag sasalita pero halatang peke ito. Alam niyang may attitude siya at madalas walang makasundo sa mga kaklase maliban sa boyfriend niyang si Jeff. Pero sa likod ng mataray niyang pag-ugali ay isang malambot na puso. Nag desisyon siyang sumali sa program dahil ang totoo ay biktima rin siya ng pambu-bully. Pag katapos mag pakilala ni Miles, agad silang i-dinismiss ng adviser.
"Sana mag kasundo kayong lahat," huling paalala ng guro bago mag paalam. Matapos ang klase, dumiretso ang mga exchange students sa main library. Nais kasi nilang simulan ang pag-imbestiga rito. Naniniwala silang dito makukuha ang unang clue sa pag resolba ng misteryo ng pang-anim na seksyon.
"Alam nyo ba kung bakit ko kayo rito dinala?" tanong ni Erizel sa mga kasama pero nagkibit-balikat lang sila.
"We need to know what happened to the previous batch," pabulong na paliwanag niya. Tulung-tulong silang nag-research. Di naglaon ay mayroon silang na tagpuan, ang class picture na nakaipit sa isang yearbook na hawak ni Miles. Agad niyang tinawag ang atensyon ng mga kaklase, ay letrang ekis sa mga mukha ng lahat ng estudyante sa litrato maliban sa isang binata. Sa likod ng litrato ay may nakasulat na: Moriendo Renascor. Latin ito na may kahulugang in death I am reborn. Nakita sila ng librarian na nag kukumpulan kaya agad silang nilapitan nito.
"Huwag nyong papakialaman yan. Hindi nyo alam kung anong nangyari sa mga estudyante sa larawang yan," babala ng matanda at kinuha ang litarato't yearbook. Nag taka sila nang bigla silang palabasin ng library. Sinubukang kausapin ni Erizel ang librarian ngunit pilit na umiiwas ito. Ngunit bago tuluyang makalabas, palihim na ibinulsa ni Sakura ang class picture na itinabi ng matandang librarian.
Pabalik na sila sa mga dorm nang makasalubong nila si Cheska sa hallway. Matamlay ang dalaga kaya nilapitan nila ito.
"O? Bat ang lungkot mo?" mahinahong tanong ni Erizel. Tiningnan lang siya ng dalaga't nag patuloy sa pag lalakad. Halatang walang balak makipag kaibigan ang mga natitirang estudaynte dahil alam nilang pahamak lang ang dala nito sa kanila.
Sa ilalim ng balete naka tambay ang ilang estudyante ng sixth class. Abala silang nag pupulong kung ano ang gagawin nilang aksyon bunsod ng pag dating nga mga bagong kaklase.
"Ipapahamak lang nila tayo," wika ni Erika.
"They shouldn't be here," dagdag ni Angela.
"I have a plan. Ipakita natin sa kanila na hindi sila welcome, na hindi sila belong," suhestiyon ni Pau.
"Ang kontrabida naman," pabirong sagot ni Cathrine.
Late nang dumating sina Zoey at CJ na halatang ilang kay Erika. Masama ang tingin ng dalawa kay Erika pero nginitian lang sila nito. Nag desisyon ang dalawa na manahimik muna para sa kanilang kaligtasan. Papasok na sana ang mga exchange students sa kanilang dorm nang makitang nag pupulong-pulong ang iba sa kanilang bagong seksyon. Lumapit sila pero biglang tumahimik ang mga napupulong.
"Alam naming nagulat kayo sa bigla naming pag pasok, pero sana naman maging okay tayo. We're unwelcome, e," malumanay na paliwanag ni Erizel at bahagyang ngumiti.
"Kung alam nyo naman palang ayaw namin sa inyo, e bat hindi pa kayo umalis?" mataray na sagot ni Kyle.
"Aba? Ano bang gusto mo, ha? Away?" matapang na sagot ni Alex, Nilapitan nya si Kyle tila nag hahamon. Itunulak ni Alex si Kyle. Mabilis na umaksyon ang mga binata para umawaat.
"Tayo-tayo na nga lang pwedeng mag tutulungan nag kakagulo pa tayo," mahinhing wika ni Caleb.
"Hindi na dapat kayo nag pa-transfer. Hindi nyo alam ang pinasok nyo," sabi ni Chantelle. Napa hinto ang lahat. Hinawakan siya ni Erizel sa balikat at niyugyog.
"Tell me, may nalalaman ka ba sa nakaraan ng pang-anim na seksyon?" tanong niya. Nginitian lamang siya ng dalaga't inalis ang pag kakahawak niya sa kanya. Para hindi lumala ang tensyon, naisipang ilabas ni Sakura ang class picture na nakuha sa library. Nagulat si Chantelle dito at dahan dahang itong sinuri.
"The past is going to repeat itself . . . " misteryosong wika ni Chantelle bago umalis. Dahil dito, nag desisyon ang lahat na bumalik na lang sa mga dorm.
Sa dorm ng mga exchange students, nag pa-panic sila't iniisip kung ano ang mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Nag desisyon si Miles na mag-impake na habang maaga pa.
"I'm getting out of here before it's too late," paalam ni Miles, pero pinigilan siya nina Caleb at Alyssa.
"Iiwan mo kami nang ganon-ganon lang?" naka kunot na tanong ni Caleb.
"Hindi naman siguro tayo tanga, right? Alam nyo namang ayaw nila sa atin. Besides, bakit ko ba kailangan pang ipagsiksikan ang sarili ko?" inis na sagot ni Miles.
"You can't undo what's already been done," bulong ni Sakura sa stuffed toy nyang si Mika. Napatingin ang mga exchange students nang bigla siyang nag labas ng pocket knife mula sa bulsa. Pinag lalaruan niya ito't pinapadulas ang matalim na blade sa kanyang balat.
"Mika, I have an idea kung sino ang killer," malamig na bulong ni Sakura. Walang nag tangkang sumagot sa kanya dahil natatakot sila sa hawak niyang patalim.
"Wala na tayong takas. Kabilang na tayo sa sekyson ng demonyo. Ang maaari na lang natin gawin ay . . . "
Pinutol ni Sakura ang kanyang sasbaihin dahil nag matapang na lumapit at umupo sa tabi niya si Erizel.
"We just need to play the game," bulong niya. Lumabas ng kuwarto si Sakura at naiwang magulo ang isip ng mga kaklase. Hindi nila alam kung ano ang tunay na gusto nitong iparating.
May mga bagong estudyante sa klase pero okay lang. Hindi bat sabi nga nila, the more the merrier? At least ngayon may katulong na ako sa pakikipaglaro sa mga natitirang estudyante. Buti na lamang at dumating siya. Magiging masaya ang mga susunod na mangyayaari. Bukas nang gabi ang J.S. prom at panigurado, masu-surprise sila sa aking hinandanag regalo.
"Exchange students, hold on to your seats, I'm coming to get you," mapaglaro nitang bulong sa sarili habang pinag mamasadan ang exchange students.