CHAPTER 7
Bago mag simula ang klase sa paaralan, dumalo muna ang lahat sa pamisa ng punong-guro. Inalayan nilang lahat ng dasal ang mga biktima. Sa unang pag kakataon, dinamayan sila ng ibang mga estudyante sa kanilang pinag daraanan. Pag katapos ng dasal, dumiretso sila sa kani-kanilang mga silid-aralan.
"I heard may bago raw tayong classmates," wika ni Resha sa katabing si Arsela.
"Oo. Confirmed na raw," sagot ni Arsela habang may binabasa sa kanyang academic phone.
"Sana maging okay na ang lahat pag dating nila," magalak na sagot ni Alina. Nasundan ito ng matamis na ngiti ngunit agad ding naglaho nang biglang kumontra si Aliza.
"Hindi ba nila alam ang pinapasok nila? Hindi ba sila aware na iniisa-isa na tayo?"
Pag pasok nila sa classroom, nadatnan nila ang kanilang guro't principal na tahimik na nag hihintay. Lahat sila'y nanatiling nakatayo't nagbigay galang sa dalawang guro. Bago mag simula ang punong-guro sa kanyang sasabihin, napansin ng mga estudyante ang puting selyadong envelopes sa mesa.
"First of all, I'm deeply saddened by everything that has happened. Huwag kayong mag-alala, our office and the local police are already on it," pag-a-assure ng principal.
"Inside the envelopes are your plane tickets. Classes will continue inside a classified camp handled by the school. This is to ensure your safety, and at the same time, to give away for the on going investigations."
Marahang binuksan ng bawat isa ang bawat envelope.
Alam ng punong-guro ang madugong sinapit ng nakaraang pang-anim na seksyon sa kamay ng iba nilang schoolmates at hindi niya hahayaang mangyari ito muli. Bago lisanin ng principal ang classroom, inanunsyo nya ang desisyong mag karoon ang klase ng sariling prom. Sa kabila ng mga pangyayari, pinili niyang sundin pa rin ang nakasaad sa school calendar para magkaroon naman ng kahit katiting na pakiramdam ng normalcy.
Bahagya siyang natuwa nang makitang na-excite ang mga estudyante. Gustuhin mang isama ang kanilang klase sa iba, hindi pupuwede. Naniniwala siyang isa itong paraan upang mabawasan ang exposure ng sixth class sa ibang sections. Pag tapos noon ay nag paalam na sa klase.
Lumipas ang araw sa St. Venille na katulad ng ibang ordinaryong araw. Matapos ang mga klase, nag sibabaan ang mga estudyante maliban nila Sam, Cathrine at Kate. Dumiretso ang tatlo sa banyo. Naunang lumabas si Cathrine sa dalawa, patingin-tingin sa kaliwa't kanan. Nag masid siya dahil sa mabigat na nararamdam sa paIigid. Pakiramdam niya'y may naka tingin. Mariin siyang napa lunok nang napansin ang mantsa ng natuyong dugo sa sahig, katapat ng janitor's closet.
"Girls, bilisan n'yo," kinakabahan niyang sigaw saka kinatok ang banyo.
"Wait. Magpupulbos lang, bes," excuse ni Kate habang abalang magpa ganda sa harap ng salamin.
Pag kalabas sa banyo, mag kakasama nilang nilapitan ang itinuturo ni Cathrine.
"Dugo o," sabi ni Cathrine. Imbes na matakot, tinawanan lang siya ni Kate at saka inirapan.
"It's their job to clean up the mess," pag tataray niya.
"Wanna see what's inside?" curios na yaya ni Kate sa mga kasama.
Marahang inilapat ni Kate ang kanyang palad sa doorknob. Napahawak si Sam sa kanyang balikat upang pigilan ang kaklase.
"Huwag na. Kinakabahan ako," bulong ni Sam. Tinaasan lang siya ni Kate ng kilay.
"Huwag ka ngang duwag!" angal nito. Kinapa ni Kate ang switch para buksan ang ilaw. Napa sigaw sila nang makitang nakasabit sa kisame ang nilalangaw na bangkay ni Bianca. Lasog-lasog ang katawan niya't tila naka tingin sa kanila. Nag takip sila ng ilong dahil sa amoy. Nag-unahan silang bumaba ng hagdan. Hindi nila napansin na mayron palang misteryosong estudyante sa dulo ng hallway na tahimik silang pinag mamasdan. Ngumingisi ito't tila natutuwa sa kanyang pinapanood.
Nakasalubong nila sa pag baba si CJ at Ms. Gomez. Nag sumbong ang mga dalaga. Dahil dito, sinamahan nila ang mga ito.
"Sigurado kayong bangkay niya ang nakita n'yo rito?" tanong ng guro.
"Baka nanloloko lang kayo, ha?" mahinahong saway ni CJ, pero nag pumilit si Kate.
"Maniwala po kayo, nasa loob niyang ang katawan ni Bianca. Kung gusto n'yo po, buksan natin para maniwala kayo," dagdag niya.
Tumango si CJ at binuksan ang pintuan. Muli, sinalubong sila ng amoy. Hindi maka paniwala ang tatlo nang makitang wala na ang bangkay. Malinis na rin ang sahig at tangin ang amoy na lang ang nanatili.
"You girls must be seeing things. Tulog lang ang solusyon diyan, bukas wala na 'yan," biro ni CJ sa tatlo.
"Mag pahinga na muna kayo. Don't stress yourselves out too much, okay? Dumaan kayo sa clinic if you're not feeling well," paalala ng guro. Yumuko lamang ang tatlo. Inutusan si CJ na ihatid ang tatlo. Wala sa kanila ang nag sasalita habang naglalakad. Alam nila na hindi rin naman maniniwala si CJ sa kanila.
Napatigil sila nang makitang tumatakbo si Zoey papunta sa kanila. Mahigpit niyang yakap-yakap ang kanyang bunny stuffed toy. Hinawakan siya ni Sam sa braso.
"May nangyari nanaman ba? Bakit ka tumatakbo?"
"She's going to kill me . . . Let me go!" hinihingal niyang sagot kay Sam. Napakunot ang noo ni CJ.
"Kill you? Sino?" naguguluhang bulong ng binata. Bago siya sumagot, mariin munang lumunok si Zoey at diretso siyang tiningnan sa mga mata.
"Si Erika."
Nanlaki ang mga mata ng binata. Sa kanilang pag lingon, nakita nila si Erika na tahimik na nag lalakad. May hawak siyang kutsilyo sa kaliwang kamay habang naka tingin sa kanila.
"What the hell are you doing?" sigaw ni CJ. Papalapit nang papalapit ang dalaga nang bigla siyang napahinto't napa halakhak na tila nawawala sa kanyang sarili.
"The killer's inside our classroom, CJ! Even the principal knows it. They wanted to keep us in a lousy camp para ma-monitor tayo. For them to easily catch the murderer," paliwanag ng dalaga.
Napa atras si CJ nang makitang itinutok ni Erika ang kutsilyo sa direksyon ni Zoey.
"The quiet ones are the ones you need to watch out for," sigaw niya.
"Sino ba bukod sa kanya ang nakaka alam na may drugs sa ininom ni Xyza? Siya lang, hindi ba? I'm going to kill her to end this nightmare!"
Ngumiti muna si Erika bago siya tumakbo papunta kay Zoey. Hinigpitan lalo ni Sam ang pag kahawak sa kanyang braso. Siniko ni Zoey ang kaklase para mabitawan siya. Malayo na sana siya nang mabitawan niya si Mister Nameless, ang kanyang laruan. Kahit na kinakabahan, binalikan niya ito. Napa hinto siya nang makitang hawak ni Erika ang kanyang hinahanap.
"A-Ate Erika, please, ibalik mo na siya sa'kin . . ." pag mamakaawa ni Zoey, pero nginisian lang siya ni Erika.
"You want this garbage? Come and get it," sigaw ni Erika. Binato niya ang stuffed toy sa ere. Umabante si Zoey, akamang saluhin ito.
"Kill or get killed!" nababaliw na sigaw ni Erika. Umabante rin siya para saksakin si Zoey, pero humarang si CJ.
"Walang malulutas kung gagawin mo 'yan. Paano kung hindi siya? Erika, please don't do anything stupid," sigaw ng binata. Natauhan si Erika at binitawan ang kutsilyo matapos marinig ito. Napaupo siya.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ayokong mahuli ang lahat," nanginginig niyang bulong sa sarili. Inalalayan siyang tumayo ni CJ at niyakap. Palihim namang tumakas si Zoey habang na-distract ang lahat.
"CJ, can you do me a favor?" pabulong na tanong ni Erika. Nanlaki ang mga mata ni CJ nang maramdaman ang pag baon ng matulis na bagay sa kanyang tiyan. Napa upo siya at nakitang sinaksak siya gamit ang isang gunting.
"You think you can outsmart me? Mag kasabwat kayo ni Zoey! Hindi ko hahayaang patayin mo ang iba nating kaklase!" banta ni Erika bago siya umalis.
Gumapang ang takot sa buong katawan ni CJ nang marinig ang katakot-takot na halakhak ni Erika habang nag lalakad palayo. Tumakbo si Zoey palapit kay CJ nang makitang nakalayo na si Erika. Laking tuwa na niyang makita sina Cameron, Hunter at Zero na nag lalakad papunta sa kanilang direksyon. Mabilis na napansin ni Cameron ang sugat ni CJ kaya pinag madali niya ang dalawang kasama para puntahan ang kaklase.
"Anong nangyari?" tanong ni Cameron.
"Mahabang kuwento," matipid na sagot ni Zoey.
"Tulungan n'yo akong dalhin si CJ sa clinic," sigaw ni Hunter sa mga kaibigan habang inakay ang nasugatang kaklase.
"Okay," matipid at seryosong sagot ni Zero. Tulong-tulong silang itinayo si CJ.
Nagulat si Zoey nang madatnan nila sa clinic si Erika. Nakangiti siya kina Zoey't CJ na tila walang nangyari. Sinalubong niya si CJ na parang alalang-alala siya sa binata. Natatarantang lumapit ang nurse at agad pinahiga ang binata sa kama. Mabilis itong nag-administer ng first aid. Naunang lumabas si Erika matapos makitang walang malay si CJ.
"Anong nangyari kay Mr. Moreno?" tanong ng nurse pero walang may gustong sumagot. Nagkibit-balikat lang ang mga binata't naguguluhan din sa kung anong nangyayari. Nakayuko lang si Zoey at umiiyak. Natatakot kasi siyang magsalita. Sinusubukan siyang patawanin ni Cameron pero walang nangyari. Lumapit si Zero at tinapik-tapik sa ulo si Zoey, dahilan para yakapin siya nito.
"Ako na ang bahala sa kaibigan n'yo. Ipapahatid ko na lang siya sa dorm kapag okay na ang kalagayan niya," malumanay na wika ng nurse. Nag pasalamat sila sa nurse bago mag paalam. Hinatid muna nila si Zoey bago sila magtungo sa kani-kanilang mga dorm.
Pag pasok ni Zoey sa kuwarto, sumalubong sa kanya ang isang envelope sa sahig. Kulay pula ito na may puting sticker sa gitna. Naka sulat ang kanyang pangalan sa sticker.
Hi, Zoey! Gusto ko sanang humingi sa'yo ng sorry sa nagawa ko kanina. Marami lang siguro akong inisip. Huwag mo ring balaking ipaalam sa iba nating kaklase ang nangyari kung ayaw niyong maaagang mamatay si Moreno. Good night! Sweet dreams!
Nanlaki ang mga mata ni Zoey. Nanginginig niya itong nilukot at itinapon sa basurahan. Di man naka lagay kung kanino galing, alam niyang gawa ito ni Erika. Pag dungaw niya sa bintana, napa atras siya nang makitang pinag mamasdan siya ni Erika mula sa kanilang dorm. Agad niyang isinara yung blinds at nahiga. Nag dalawang-isip siya kung ipapaalam ba niya ang nangyari o manahimik na lamang para sa kaligtasan nilang dalawa ng kuya CJ niya.