CHAPTER 6
Takot na pumasok ang mga estudyante. Lahat ay tahimik na pinapakiramdaman ang bawat isa. Marahang pumasok sa kuwarto ang kanilang guro. Bakas sa mukha niya ang pag kalungkot sa nangyari. Gustuhin niya mang pagalitan ang mga estudyante dahil sa pag takas nila kagabi ay hindi niya magawa. Mas kailangan ng mga bata ang suporta. Minsan, naiisip niyang huwag na pumasok sa klase dahil din sa takot, pero hindi niya magawa. Tila ba mayroong pumipigil sa kanya na huwag sumuko. Sa kabila ng lahat, hindi siya nag pakita ng kahinaan at sinimulan na ang kanyang pag tuturo.
Pag dating ng lunch break, isang grupo lamang silang kumakain, ayon sa plano ni Erika. Nag kawatak-watak na lamang sila para mag handa para sa P.E. class.
Nag desisyon si Cameron at Arsela na dumaan sa hallway ng Academic Building. Hindi nila maikaila na sila ang nagiging usapan ng ibang mga estudyante. Pababa na sila ng hagdanan nang makita nila si Ms. Gomez. Tahimik lamang ang guro't tila may malalim na iniisip. Binati nila ito ngunit hindi sila pinansin at nag patuloy lamang sa kanyang pag lalakad.
"Okay lang ba si Ms. Gomez?" tanong ni Cameron sa katabi.
"Malamang hindi, dahil iniisa-isa tayo," malumbay na tugon ni Arsela.
"Maki ako gulong-gulo na rin. Marami tayo pero wala tayong laban!" wika ng binata.
"Huwag na kayo masyado mag-isip. Mukhang may ginagawa naman silang aksyon e," singit ni Tyrone sa mga kasama. Nag buntonghininga lang si Cameron at napayuko.
"Sana nga," sagot ni binata. Papunta na sila sa P.E. ckass nang biglang napa hinto si Arsela. Napansin niya ang LCD TV sa hallway ng static lang ang pinapakita. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makakita siya ng anino ng tao sa screen. Napa atras siya nang makarinig ng tatlong sigaw ng "tulong!" galing sa speaker nito.
"Arsela! Bilisan mo, male-late na tayo!" sigaw ni Pau sa kaklase. Napatingin si Arsela dito at nakitang kumakaway-kaway ito sa kanya. Bahagya siyang ngumiti't kumaripas ng takbo patungo sa direksyon ng dalaga.
Mag kakasama ang buong sixth section na nanood ng laban ng basketball ng ibang seksyon. Kahit na gustuhin nilang sumali, hindi nila magawa dahil ayaw ng karamihan. Masaya silang nanood kahit na mayroon pinag dadaanan. Nakuntento na lamang sila sa panonood.
Matapos ang isang oras, pinili nilang mag paiwan para mag pulong. Nasa bleachers sila habang pinakikinggan si Erika. Sa gitna ng pakikinig, nagulat sila nang mamatay ang ilaw sa buong gymnasium. Luminga-linga si Erika't pilit na pinapakiramdaman ang kanyang paligid. Natahimik silang lahat nang makitang bumukas ang malaking TV sa pader ng gymnasium. Agad nilang binuksan ang kanilang mga academic phones na nag silbing ilaw. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Erika, alam niyang kailangan nilang kumilos ng mabilis. Inutusan niya ang Beasts, na kinabibilangan nina Angela, Pau, Sam, at Cathrine, upang pumunta sa switch room ng gym at upang buksan ang ilaw. Ang grupo naman nila Cameron ang inutusan niyang hanapin ang kanilang adviser at humingi ng tulong.
Ilang sandali pa'y nakita nila sina Grace at Maki sa screen. Una nilang napansin ang sira-sira't duguang uniporme ng dalawa. Hindi mag kanda ugaga si Grace at walang humpat na sumisigaw ng "tulong!" katabi niya ang nakaupong si Maki.
Sinusubukan ng binatang pakalmahin ang dalaga habang nag hahanap ng paraan para maka takas.
Si Grace ang presidente ng student council. Aktibo ito sa lahat ng aktibidad, kaya naman hindi maitanggi na paborito siya ng ilang guro. Si Maki naman ay kilala bilang basagulerong estudyante, ang tipong walang pinapakinggan kundi ang kanyang sarili.
"Look who's next," bulong ni Kate kay Cathrine habang naka tingin sa kanyang mga kuko.
"Wait. Parang familiar ang room na 'yan. . ." wika ni Eugene.
"Iyan ay lumang AVR sa Academic Building," sabi ni Erika. At agad niyang inutusan sina Hunter, Cameron, Xhan, at CJ para tingnan ang nasabing AVR. Kumaripas ng takbo ang mga binata upang puntahan sina Grace. Natahimik silang lahat nang marinig ang isang anunsyo mula sa screen. Tuwing mayrong nasa panganib, iba-iba ang boses na kanilang naririnig kaya naman hindi nila mabosesan ang nasa likod ng mga 'to.
"Let's play a game."
Boses ito ng isang batang babae. Napahawak nang mahigpit si Grace sa kamay ni Maki. Mariin iyang ipinikit ang kanyang mga mata't binulungan ang binata.
"M-Maki, kahit ano'ng mangyari, huwag mo 'kong iiwan ha?" pautal-utal na bulong ng dalaga. Tumango si Maki't napaluha. Niyakap niya nang mahigpit si Grace at hinalikan sa noo.
"Pangako. Magkasama tayo sa laban na 'to," tugon ng binata. Naka rating na ang tatlong lalaki sa tapat ng lumang AVR. Napa atras si Cameron nang makita ang naka dikit nilang class picture sa pintuan. May ekis na sa mukha nina Grace at Maki, tsinek ni Hunter ang doorknob. Naka-lock ito. Buong pwersa nilang sinubukang buksan ang pintuan ngunit hindi sila nag tagumpay.
"CJ, pumunta ka sa main office at kunin mo ang susi, bilis!" utos ni Hunter. Agad namang tumango ang binata't tumakbo. Naiwan silang tatlo nina Xhan sa harap ng AVR.
"Please, let us go! Parang awa mo na! Wala kaming kasalanan. Huwag mo na kaming idamay," paos na pag mamakaawa ni Grace. Kitang-kita ang pag-iyak ng dalaga.
"I don't kill for a reason. I kill for my own pleasure. And please, don't deny na wala kayong kasalanan sa 'kin. You all have blood on your hands!" nanggagalaiting sagot ng misteryosong boses. Nag buntonghininga ito't sinundan ng katakot-takot na tawa.
"Can't you see? I'm just here to have some fun with you. Ang sweet n'yo ngang dalawa, e. Sa sobrang sweet n'yo, gusto ko na kayong patayin! Sweets are carcinogenic, Grace," babala nito sa dalaga.
"As you can see, there's a table in front of you. On top of it are two knives. Huwag kayong mag taka kung bakit naninikip ang iyong mga dibdib. I injected poison inside your bodies. Fifteen minutes na lang ang natitira bago pa tuluyang kumalat ang lason. . . The box beside the table contains the antidote. Mag bubukas lamang ito once may mamatay na isa sa inyo," paliwanag sa dalawang estudyante.
Hindi nag dalawang-isip si Maki na tumayo upang kunin ang isang kutsilyo sa lamesa. Nanlaki ang mga mata ni Grace nang itutok ni Maki ang kutsilyo sa kanyang sariling lalamunan. Dali-daling tumayo si Grace at agad pinigilan ang binata. Balak niya sanang agawin ang kutsilyo ngunit hindi niya ito nagawa. Nginitian lang siya ni Maki.
"You deserve to live, Grace. Alam kong marami ka pang pangarap," mahinang bulong ni Maki. Mariing niyakap ng dalaga ang binata't nag simulang humagulgol.
"Ang daya-daya mo! Huwag ka ngang mag salita ng ganyan. Hindi ko kayang mawala ka, Maki!" sigaw ng dalaga habang hinampas-hampas ang binata sa dibdib.
"Before our time runs out, gusto ko mag pasalamat sa 'yo, Grace. Akala ko, wala nang makakaintindi sa 'kin. I did a lot of stuff para lang matakpan ang galit ko sa pamilya ko. Kahit na. . . kahit na sandali lang ang oras na ibinigay sa atin ng Diyos, nag papasalamat ako dahil nakilala kita," mangiyak-ngiyak na bulong ni Maki. Lumapit ang dalaga sa kanya't hinalikan siya sa labi. Mariing lumunok si Grace at tumalikod. Palihim niyang kinuha ang kutsilyo sa mesa. Umaagos na ang luha sa kanyang mga mata ngunit nanatili pa rin ang kanyang ngiti.
"I promise that I will always be the light in your darkest days. Lagi mong iisipin na kahit ano'ng mangyari, palagi lang akong nasa tabi mo. I love you, but. . . I have to do this for us."
Biglang itinulak ni Grace si Maki palayo. Isinandal niya ang kutsilyo sa pader, ang matulis na dulo nito ay naka tutok sa kanyang sarili. Itinapat niya ang kanyang ulo rito't nginitian ang binata.
"I'll be waiting for you on the other side," sabi ni Grace sa huling pag kakataon, bago ibinaon ang kutsilyo sa kanyang ulo. Hindi napigilan ni Maki ang mag sisigaw sa agad na pag kamatay ng dalaga sa kanyang harapan. Sinubukan niyang pigilan ito pero huli na ang lahat. Napaluha na lamang siya nang bumagsak ang katawan ni Grace na wala nang buhay. Naka rinig siya ng pambatang musika nang marahang bumukas ang box na nag lalaman ng antidote. Imbis na kunin ang gamot, kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ng dalaga. Hindi siya nag dalawang-isip na saksakin ang kanyang sarili. Nang malapit na siyang mawalan ng malay, tumabi siya sa bangkay ng kanyang kasintahan.
"Let's spend our eternity there," sabi ni Maki. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay binawian na rin siya ng buhay. Huli na nang makarating si CJ. Hingal na hingal ito dahil sa pagod. Kasama rin si Ms. Gomez at ilang guwardiya mula sa main office. Dali-dali niyang ibinigay ang susi kya Xhan. Pag kabukas ng pinto, naka rinig sila ng putok ng baril. Tinamaan si Xhan sa dibdib. Ilang sandali pa'y binawian din ito ng buhay. Huli na para mailigtas pa siya. Sa pag bukas ng pinto ay sumalubong sa kanila ang mga bangkay ni Maki at Grace na naliligo sa kanilang mga sariling dugo.