Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

CHAPTER 1

Umaga pa lamang ay maingay na ang mga estudyante. Ang iba'y nag tatakbuhan at nagpa-panic sa kanilang nasaksihan. May natagpuan kasing bangkay sa isa sa mga lumang classrooms. Hindi makilala kung sino ito dahil sa mga nag lalakihang sugat sa kanyang mukha.

Dumating ang punong-guro agad nag taasan ang kanyang mga balahibo matapos makita ang karumal-dumal na estado ng namatay. Sinalubong siya ng malansang amoy ng dugo, ng mga pader na puno ng mapupulang marka ng kamay ng biktima. Tadtad ng saksak ang balingkinitan niyang katawan.

Lumapit ang isa sa mga janitor at iniabot ang isang kapirasong papel. Napa kunot ang kanyang noo habang binabasa ang nakasulat. Hindi niya masyadong maaninag ang mga letra dahil sa dugong natuyo. Itinapat niya ang papel sa liwanag at nag baka-sakaling malinawan. Mariin siyang napalunok nang mabasa niya ang naka sulat: I'm Going To Get You All.

Kahit na kinakahaban, hindi siya nagpakita ng kahit bakas ng takot sa harap ng lahat. Sinaway niya ang mga nang-uusisa.

"O, ano pang tinitinigin-tingin n'yo riyan? Hindi ba't may mga klase pa kayo?" Gigil niyang nilukot ang papel. Nag madaling bumalik ang mga estudyante't sa kani-kanilang silid. Naiwan sa tapat ng lumang classroom si Erika at ang kanyang best friend na si Arsela.

"Tara na, Erika! Naturingang class president ka pa naman. Wala rin naman tayong mapapala rito e, pagalitan pa tayo," bulong ni Arsela.

"Sige," tugon ni Erika. Habang nag lalakad, napansin niyang nag bubulungan sila ng mga nadadaanang estudyante. Hindi mapigilan ni Erika ang kanyang sarili nang marinig ang panlalait sa kanila. Isinisisi sa kanilang seksyon ang pag kamatay ng babae sa lumang classroom.

"Wala kaming kinalaman sa pag kamatay niya," sigaw nito.

"Huwag mo nalang silang patulan. Mga trying hard," pag pipigil ni Arsela sa kaklase.

Pag dating ng dalawa sa classroom, sumalubong sa kanila ang mga kaklaseng parang mga batang nag susumbong sa kanilang magulang. Imbes na pakinggnan, dumiretso lang sila sa harapan. Ramdam ng dalaga ang inis at pag kayamot sa ibang section. Ang mga ka-batch din nila ang rason kung bakit sumikat ang sixth class sa mga chismis.

"Guys, seriously, I need you to remember this. The opinions of the people will only matter if you entertain them," wika ni Erika. Nag sitayuan ang iba sakanila at pumalakpak.

"Go Erika! Push!" pagtsi-cheer ni Pau.

"Oo nga! Love, love, love lang tayo rito," dagdag ni Cathrine.

"Shut up! Hindi kita kausap," pambabara ni Pau.Tumingin siya kay Cathrine at dumelat. Tumawa lang si Cathrine.

"Ajaaaa!" sigaw ni Zoey habang itinataas-taas ang kanyang stuffed toy na bitbit.

"Go guys!"

Napatingin ang mga babaeng kaseksyon niya nang tumayo si Zack Ethan Rovick Oriztta o mas kilala bilang "Zero." Siya ang isa sa mga tinitilian ng mga kababaihan sa paaralan dahil matalino na, guwapo pa.

Natahimik ang mag kakaklase nang biglang padabog nag lakad si Kyle sa harapan. Kilala ang dalaga sa buong campus bilang warfreak. Palaban ito at walang sinasanto pag dating sa pakikipag-away. As long as nasa tama siya, hindi siya aatras.

"Erika. Please naman, huwag ka ngang tanga. Hindi mo ba alam na tayo ang laman ng usapan sa buong school? Alam n'yo, kung ayaw n'yong masira image n'yo, umalis na kayo sa section na ito," pag paprangka ng dalaga sa kaklase. Hinintay niyang sumagot si Erika pero mukhang tuluyan nang natahimik ang dalaga.

"Wow, so much for your fighting spirit," sarcastic niyang bulong at lumabas ng silid. Sinubukan siyang pigilan ni Eugene ngunit hindi siya nag tagumpay. Dumiretso siya sa banyo at nag kulong. Hindi natiis ni Jacob ang mga nangyari kaya agad niyang sinundan si Kyle para tawagin.

"Kyle? I know you're there. Bumalik na tayo at baka ma-guidance ka pa. Alam mo namang labag sa rules ang pagka-cut," mahinahong paalala ni Jacob habang kinakatok ang pintuan.

"Leave me alone!" pasigaw na sagot ni Kyle.

"Sige ka, ikaw din. Gusto mo bang mas lalong masira ang image mo at ang pangalan ng section natin? Alam mo namang hindi na pwedeng mag pa-transfer ng section, 'di ba?" mahinahong sagot ni Jacob. Ilang sandali lamang ay lumabas si Kyle.

"Section natin? Matagal nang sira iyan, pero kung image ko ang naka salalay, ibang usapan na." Inirapan muna niya ang kaklase't binangga para mauna siyang maka balik sa classroom.

Nag patuloy ang kanilang klase, kahit na mayrong mga pulis na nag-iimbestiga sa kabilang building. Bago matapos ang araw, isang anunsyo ang kanilang natanggap mula sa punong-guro: "Students, please be informed that we'll be taking our class pictures tomorrow." Sumigla bigla ang mga estudyante. Lahat ay excited para sa araw na iyon.

Matagumpay ang ginawa ko kahapon. Wala man lang naka pansin at nag-suspect sa 'kin. Wala naman akong pakialam kung sisihin ang section namin sa nang yari, dahil kabilang naman talaga ako sa sixth class. Go Erika! Patunayan mo na hindi totoo ang sinasabi nila. I'll be more than happy to play along. Tingnan mo nga naman, bukas na pala ang kuhaan ng class picture. That's my cue.