CHAPTER 5
Tuluyan nang nilamon ng takot ang mga estudyante ng pang-anim na seksyon. Unti-unting nasisira ang kanilang pagka kaibigan dahil sa kawalan ng tiwala sa isa't isa. Hindi nila maiwasang pag-usapan ang pag kamatay ni Jacob, lalo na't sariwa pa sa alaala nila ang sinapit ng binata.
"I can't believe Jacob's dead. At wala akong nagawa," malumbay na bulong ni Grace kay Maki. Nag buntonghininga lamang si Maki't tinapik-tapik sa likuran ang dalaga. Bago nagsimula ang klase, dumiretso si Xyza sa harapan at umupo sa puwesto ng guro.
"I think I know someone who can help us out . . ." sabi niya habang may nginunguyang bubble gum.
"Sino?" tanong ni Tiffany.
"Well, let's just say this person is a part of a secret organization in our school. Bali-balita sa ibang class, he was the last person who conversed with Bianca before siya mawala," paliwanag ni Xyza.
"Isn't it too risky?" nag-aalalang tanong ni Zoey. Nilapitan lang siya ng dalaga't ginulo-gulo ang kaniyang buhok.
"We're already at risk, darling. Ngayon pa ba tayo titigil sumugal?" sagot ni Xyza. Lahat ay napaisip kung tama ba ang suhestiyon ng dalaga maliban kay Melcy at Resha.
"It's ridiculous. How certain are you that this plan is safe?" pag-criticize ni Melcy.
"Hmm, you know what? Nevermind. We're not going to entrust our lives to a flirty deliquent," nakahalukipkip na tugon ni Melcy na agad sinang-ayunan ni Resha.
"Xyza, I think it'll be best if manatili na lang tayo sa mga dorms natin?" dagdag ng dalaga. Imbes na magalit, tumawa lang si Xyza.
"Whatever. Do what you want, and I'll do what I want, all right? Erika, shouldn't we act instead of doing nothing? Or are we just going to wait until more of us die?" Nag buntonghininga si Erika at pilit na napangiti.
"Maybe she's right. Kailangan nating kumilos bago tayo maunahan. So, what's the plan?" tanong ni Erika. Hindi makapaniwala si Melcy na kinampihan ni Erika si Xyza. Gustuhin man niyang umalis ay takot siyang sumunod na mabiktima.
"All right, listen up. Tonight, we're going to meet him. Prepare your questions for later. I'll meet you guys at the back of the Academic Building," paliwanag ni Xyza sa mga kaklase bago bumalik sa upuan. Matapos ang pag-uusap ay siyang pagdating ng kanilang adviser.
Bago mag simula, inilahad ng guro ang kanyang pag kalungkot sa mga nangyayari. Hindi niya napigilang ikuwento ang malamig ng pakikitungo sa kanya ng mga kapwa-guro. Sa kabila ng lahat, pinaalalahanan niya ang kanyang mga estudyante na palaging maging positibo. Alam niyang hindi magtatagal ay makikita rin ang inaasam-asam nilang kasagutan sa lahat.
Lumipas ang araw na katulad ng iba. Matapos ang klase, narinig nila ang malakas na tunog ng bell. Isa-isang lumabas ang mga estudyante't dumiretso sa kani-kanilang mga dorms upang pag handaan ang kanilang lakad. Piniling mag paiwan ni Erika sa classroom para tulungan ang kanilang guro. Hapon na nang matapos sila, at nauna nang mag paalam ang guro sa kanyang estudyante. Tumango si Erika't nag paalam na rin. Bago siya bumaba ng hagdanan, napansin niyang siya na lamang ang estudyante sa third floor.
Habang nag lalakad, napansin niyang wala na ang buhok na nakita niya sa sahig ng janitor's closet. Lumapit siya para buksan ang pinto, Sa pangalawang pag kakataon, muli siyang nabigo pababa na siya nang bigla siyang napalingon sa dulo ng hallway kung saan mayroong estudyanteng naka-maskara. Natakot si Erika nang kawayan siya nito. Nag madali siya sa pag baba. Naka salubong niya sa second floor si Chantelle. Nilapitan niya ang kaklase't hiningian ng tulong.
"Chantelle, ako na yata ang susunod," utal-utal at nanginiginig na bulong ni Erika. Nanlaki ang mga mata ni Chantelle at tila hindi makapagsalita sa kanyang narinig. Tahimik ang dalawa sa pag baba, nakikiramdam. Pag dating sa paanan ng building ay sinalubong sila ni Hunter. Nag hahabol ng hininga ang binata. Nang makita niya si Erika ay hinawakan niya ito sa braso't hinatak papunta sa library.
"May kailangan kang makita. bilisan natin!" sigaw ng binata.
"H-Ha? A-Ano 'yon? Bakit?" naguguluhang tanong ni Erika pero sinabihan lang siya ni Hunter na tungkol ito kay Shini, isa sa kanilang mga kaklase.
Nadatnan nilang nakatayo si Shini sa gitna ng library. Mayroong mga barbed wire na nakatahi sa kanyang balat. Mula sa malayo ay mukha itong marionette. May mga nag ninipisang sinulid sa harapan ng dalaga. Naka konekta ang mga sinulid sa shotgun. Kapansin-pansin din ang mahabang sibat na naka tutok sa likuran ng dalaga. Muli nilang narinig ang matinis na ingay mula sa speakers. Napatingin sila sa digital clock ng library nang biglang mawala ang oras nito't napalitan ng imahe ng arrow. Tinumbok nila ang direksyon kung saan ito nakaturo. Tatlong dipa mula sa harap ni Shini, isang malapad na mesa ang kanilang nadatnan. Mariing napa lunok si Hunter nang makita ang class picture, na ngayon naman ay nadagdag ang mukha ni Shini sa mga may ekis sa mukha. Pagtingin ni Hunter sa likuran, nakita niya ang mensahe para sa kanilang kaklase.
"For the class bookworm to survive, she must free herself from the wires in under one minute. If she runs out of time, the spear will impale her immediately. Should she be interrupted, the gun in front of her shall be triggered."
"Bullshit! Wala akong panahon para makipaglaro sa'yo!" nag kukumabog na sigaw ni Shini. Patuloy pa din ang pag-agos ng kanyang luha dahil sa nararamdamang hapdi.
"Kung sino ka man, maawa ka! Bakit mo ba 'to ginagawa sa amin?" pakiusap ni Erika.
"Kung gusto mo, ako na lang! Huwag mo na silang idamay dito!" matapang na sigaw ni Hunter, ngunit walang sumagot. Muli silang napatingin sa digital clock at nakarinig sila ng tatlong beep mula rito, senyas na mag sisimula na ang laro. Napaluhod si Erika. Hindi niya alam kung paano maiiligtas ang kaklase.
Mariing napa lunok si Shini sa pag-countdown ng timer. Hindi siya nag-aksaya pa ng oras at inisa-isang kalasin ang mga barbed wire sa kanyang balat. Napahiyaw ito sa sakit.
Sumisigaw si Erika habang naka tulala lang si Hunter na tila wala sa sariling katinuan. Halos mawalan na ng boses si Shini sa kasisigaw dahil sa sobrang hapdi. Sa bawat pag kalas niya sa barbed wire ay ang pag sirit ng dugo sa kanyang mga sugat.
Nang matanggal ang nasa braso't kamay, sinimulan na niya sa kanyang hita pababa sa kanyang mga paa. Thirty seconds na lamang ang natitira ngunit patuloy na lumaban si Shini. Halos mapinturahan ng pula ang sahig ng library. Sampung segundo na lamang ang natitira ngunit hindi pa rin natatanggal ang lahat ng barbed wire.
Halata sa namumutlang mukha ang kanyang pag hihirap. Unti-unting nag laho ang kanyang pag-asa. Isang tahi na lamang ang natitira nang biglang narinig nya ang hudyat na tapos na ang kanyang oras. Mabilis na tumagos sa katawan ni Shini ang spear mula sa kanyang likuran. Nanginginig sa takot si Erika't hindi na alam ang kanyang gagawin. Niyakap siya ni Hunter at inilabas mula sa library.
Alas sais na ng gabi nang mag kita-kita ang ibang mag kakaklase sa napag kasunduang tagpuan. Hindi na rin sila nagulat na hindi sumama ang iba. Kahit mabigat ang kanyang pakiramdam, pinilit pa ring sumama ni Erika. Sinundo sila ng isang pulang kotse sa harap ng Academy Building. Tumango si Xyza't kinumpirma na ito ang mag hahatid sa kanila sa organization. Napakunot ang noo ni Tiffany nang madala sila sa liblib na parte ng eskuwelahan.
"Are you sure this is safe?" tanong ni Tiffany. Inirapan lang siya ni Xyza't saka tumango.
Sinalubong sila ng makukulay na ilaw at malakas na musika. Isa pala itong secret party. Ang iba sa kanila'y nasabik na pumasok, ngunit ang iba nama'y nainis na niloko sila ni Xyza.
"Dinala mo kami rito and for what? For a stupid party?" sigaw ni Arsela kay Xyza.
"I'm sorry, okay? I just want to have some fun. Besides, masyado kasi kayong seryoso. Hindi ba't sinabi ni Ms. Gomez na everything's being taken care of?" excuse ni Xyza.
"Sorry guys, but I'm out. Ang mga gustong sumama sa kanila, go ahead," sabi ni Arsela, pagkatapos ay hinatak si Zoey.
"Nandito na naman tayo, maybe kailangan din natin minsan mag pakasaya? And isn't it too risky kung bubukod kayo?" wika ni Maki.
"Arsela, pag bigyan mo na si Xyza. Maki's right. Mas delikado ang humiwalay," wika ng dalaga. Wala nang nagawa si Arsela kundi manatili. Napangiti si Xyza't sinamahan ang mga kaklase sa loob kung saan makulay, maingay at magulo. Bukod sa pag sasayaw, ang iba'y palihim na uminom ng mga alak. Naputol ang kasiyahan nang maka rinig sila ng sirena ng sasakyan ng school guards. Agad nag sitakbuhan ang mga estudyante sa labas. Makaka takas na sana ang pang-anim na seksyon nang bigla na lang napasigaw si Xyza sa gilid.
"Ahhh! Shit! Get it off! Get it off!" sigaw nito habang ginugulo't sinasabunutan ang kanyang buhok. Hindi mapakali ang kanyang mga mata sa pag tingin sa ibat ibang direksyon. Nag simula siyang makaramdam ng matinding pag sakit ng ulo. Nilapitan siiya ni Pau upang pakalmahin, ngunit hindi siya nito pinakinggan. Hinawakan niya sa dalawang braso ang dalaga't tiningnan nang diretso sa kanyang mga mata.
"Xyza, stop it. Get a hold of yourself!" pag papakalma niya, ngunit nginitian siya nito't tinawanan. Hindi nakapagpigil si Xyza't biglang nasuka sa damit ni Pau. Inalalayan ni Cameron si Xyza ngunit nanlaban pa ang dalaga.
Humalakhak ito na parang baliw. Pipigilan sana siya ni Cameron nang bigla niyang binasag ang hawak niyang baso sa kanyang ulo. Mabilis na sumirit ang dugo sa naging sugat doon. Nanlumo ang binata nang makitang duguan ang mukha ng dalaga. Bigla itong napaupo sa takot. Ang kanyang mala-brilyanteng mga ngipin ay ngayo'y naliligo na rin sa kanyang dugo. Hindi rin maiwasang mandiri ng binata dahil dinidilaan pa ni Xyza na tila takam sa sarili niyang dugo. Kumulay ito na mapuputi niyang ngipin.
"There's something in my throat! Take it out!" nag wawalang sigaw ni Xyza habang walang humpay sa pag kalmot ng kanyang leeg. Alam ng binata na wala na sa sariling katinuan ang dalaga. Hindi nag pipigil si Xyza't ipinagpatuloy ang madidiing pag kalmot. Napasigaw na lamang ang binata nang bumagsak ang dalaga sa sahig. Kasabay ng pag bagsak ay ang pag bulwak ng dugo sa mga sugat sa lalamunan.
Nag lakad si Zoey sa gilid nina Xyza't pumulot ng isang bubong galing sa pinag-inuman ng kaklase. Inamoy niya ito't napagtantong hindi lang alak ang ipinainom sa dalaga.
"Sinasabi ko na nga ba, may ibang laman ang inumin niya kaya siya nag-hallucinate," bulong ni Zoey sa kanyang sarili. Napalingon siya at nakita ang naka-maskarang estudyante, at para bang tinatawag siya nito. Sinubukan niya itong sundan ngunit naglaho itong parang bula. Pag katapos ay nakita niya ang mensaheng nakasulat sa salamin: Too much alocohol KILLS.
Kinilabutan si Zoey. Agad niya itong ipinaalam sa mga guwardiyang naiwan sa venue. Sabay-sabay silang inihatid ng mga ito sa kani-kanilang mga dorms. Malungkot na nagtapos ang araw sa paaralan.