Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

CHAPTER 3

Isa-isang idinistribute sa bawat estudyante ang kopya nila ng class picture. Pagkatapos ay may inanunsyo si Ms. Gomez.

"Class, may film showing tayo mamaya sa AVR. Doon kayo dumiretso after break, okay?" mahinahong utos ng guro.

"Yes ma'am," sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.

Sinimulan na ni Ms. Gomez ang pagtuturo. Karamihan ay tahimik na nakikinig habang nagsusulat ng notes. Ang iba naman ay palihim na natutulog. Ang absent lang noong araw na iyon ay si Melcy Limson, president ng school paper. Pinagbibigyan siyang lumiban sa klase tuwing malapit na ang release ng diyaryo.

Nagsilabasan ang lahat nang marinig nila ang school bell. Gumawa sila ng dalawang pila at saka naglakad pababa ng building. Naagaw ang atensyon ng buong section nang sumalubong sa kanila ang promotional poster ng school paper sa canteen. Kapansin-pansin ang mga salitang isinulat gamit ang red marker sa mga mala-dugong mga disenyo sa gilid, kaya mukha itong katakot-takot. Ipinahiwatig ni Melcy doon ang nararamdaman niya sa sariling section.

Venillian Chronicles

Greetings, Venillians!

I, Melcy Limson, president of the journalism club, solemnly swear to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth. This is to give our fellow students a fair warning to stay away from the cursed sixth class. I can prove that the rumors are true! There's a wolf hiding in sheep's clothing. A descendant from hell disguised as an angel. If you dont want to be involved, stay away from satan's class! It's better to be safe than sorry. To know more, grab a copy of our paper.

Melcy Limson

Journalism Club President

Nang makita ng sixth section ang ginawa ni Melcy, agad kumilos si Erika. Pinunit niya ang poster at hinanap ang kaklase.

'Di niya alintana ang mga tingin ng bawat estudyanteng madaanan. Nakita niya si Melcy sa bench malapit sa basketball court. Kumakain ito ng sandwich habang nagbabasa. Napansin ni Melcy ang parating na kaklase.

"Ano 'to?" nanggigigil na tanong ni Erika habang pinapakita ang hawak. Tumayo si Melcy at pinagpag ang dumi sa palda niya.

"Why, Erika? Isn't it true? O baka tingin mo magic?" sarkastikong sagot ni Melcy. Ipinatong nito ang kamay sa balikat ng kaklase.

"Look, I don't have time for this. Why don't you just go back to your shitty class and handle it? Marami pa akong gagawin," paalam ni Melcy. Paalis na sana ito nang bigla siyang hatakin ni Erika ang kanyang buhok.

"Argh! Shit ka talagang babae ka!" sigaw ni Melcy, halatang walang laban sa lakas ng sabunot. Wala ni isa sa mga nanonood ang nakialam. Natigil lang ang dalawa nang makita sila ni Ms. Gomez. Dadalhin na sana niya ang dalawa sa guidance counselor's office nang bigla makita si Grace. Inutusan niya itong dalhin ang dalawa sa principal upang magka-ayos. Bukod doon ay para magawan ng record ang pangyayari.

Si Grace ang president ng Supreme Council. Trabaho niyang masiguro na ang lahat ay sumusunod sa batas ng paaralan. Kasama niyang nag-iikot si Jacob sa mga oras na 'yon. Si Jacob naman ang hinirang ng principal bilang kanyang deputy sa pagpapatupad ng mga batas. Nasa harap na sila ng opisina pero sa mga oras na 'yon ay nasa meeting pa ang guidance councilor.

"Erika! Ano ka ba? Naturingang President ka pa naman!" saway ni Grace. Ininsist ni Melcy na dalhin siya sa clinic para magamot ang mga sugat niya, kaya naman sinamahan siya ni Jacob papunta doon.

"Basta bilisan n'yo lang, mayroon tayong film showing after break," malumanay na utos ni Grace.

"I'm sorry Erika, but I have to do this. You violated school rules," paliwanag ni Grace.

"I'm sorry, okay? Can't you please just let me go? Promise, hindi na mauulit," bulong ni Erika.

"Pasalamat ka't malakas ka sa 'kin."

Nagyakapan ang dalawa. Magkasabay silang dumiretso sa AVR. Nadatnan nilang naghihintay ang lahat doon. May nag-check ng attendance at doon napansing wala sina Bianca, Tiffany at Chantelle.

"Does anyone know where they are?" tanong ng guro. Nagtaas ng kamay si Cameron.

"Nakita ko po sila kanina sa canteen, baka po late lang,"

"Sorry Ms. Gomez, we're late. Ang haba kasi ng pila sa banyo, e," pagpaumanhin ni Tiffany habang sinusuri ang kyutiks sa mga kuko.

"Oo nga po," dagdag ni Chantelle. Naupo sila. Pinaguusapan na sila ng mga kaklase.

"I can't believe she's with that commoner," bulong ni Aliza sa mga katabi.

"Like, ew... Look, parehas silang weirdo. Friendship goals, bes, friendship goals," natatawang dagdag ni Kyle habang pinagmamasdan ang dalawa mula ulo hanggang paa. Narinig ng guro ang usapan.

"Kyle, Aliza, tigilan n'yo na 'yan," saway niya sa dalawa. Hindi kumibo ang mga dalaga at napayuko. Binuksan ng guro ang projector at sinimulan ang film showing.Tumahimik ang lahat at nag-ayos ng upo. Ang ilang panakaw na kumakain. Ang iba'y nagkuwentuhan lang.

Natigil ang pelikula sa kalagitnaan ng panonood. Naatahimik ang buong klase at nagtaka kung ano'ng nangyari. Lalabas na sana si Ms. Gomez nang bigla siyang napatakip ng tenga sa matinis na ingay na nagmula sa speakers. May video na nag-pop up sa screen. Napatayo ang ilang estudyante at lumapit sa projector. Nakita nila sa screen ang isa sa kanilang kaklse, si Bianca Avril Tan. Mahigpit na nakagapos ang dalaga. Wala itong saplot maliban sa underwear.

"Bianca!" nanginginig na sigaw ni Eugene.

"Oh my God!" naguguluhang hiyaw ni Pau.

Sinubukan ng ilan na buksan ang pinto, ngunit parang may pumipigil mula sa labas. Hinalungkat ni Ms. Gomez ang kanyang computer at sinubukang patayin ang video pero hindi umubra. Nakakonekta ang mga wires sa technician's room sa katabing kuwarto. Sa gitna ng pagpa-panic, nakarinig sila ng kakaibang boses.

"Let's play a game. Don't worry, the mechanics are easy. All you need to do is give me the correct answer in exchange for Bianca's life. But if you fail . . . a surprise awaits her."

Nagkatinginan ang mga estudyante't hindi makapagsalita sa takot.

"Let's begin . . ."

Isang program ang nag-pop up sa laptop ng guro. May timer sa gilid. Sa gitna ng screen, may tandang pananong, at sa ibaba naman ay isang mahabang patlang kung saan kailangang i-type ang sagot.

Nagsimula nang magsigawan ang marami sa biglang panginginig ng katawan ni Bianca na ngayon naman ay unti-unti binubuhusan ng tinunaw na wax ng kandila. Tila walang nakakapansin sa kanila mula sa labas ng AVR. Abala pa rin ang ilang kalalakihan sa pagsira ng pinto.

Pabawas ng pabawas ang oras na natitira para kay Bianca pero wala pa rin silang magawa. Sinubukang mag-input ng guro ng mga sagot ngunit wala ni isa ang tumama. Unti-unting nalapnos ang katawan ng dalaga dahil sa init.

"Tulong! Tulungan n'yo ako!" sigaw nito, ngunit wala silang magawa kundi panoorin ang pagdurusa ng kaklase. Nagulantang ang lahat nang biglang mas lumakas ang buhos ng kumukulong wax. Walang nagawa ang babae dahil sa pagkakagapos nito. Sa bawat galaw niya'y natutusok siya ng mga tinis ng alambreng nakapaligid sa lubid.

Lahat ay nandiri. Ang iba ay nagtakip ng mga mata. Ang ilan ay hindi na nakayanan ng sikmura ang pinapanood. Magkahalong dugo't wax na ang bumabalot sa katawan ni Bianca. Di kalaunan ay natuyo ang wax sa kanyang dibdib, dahilan para mahirapan itong makahinga. Napaupo na lamang ang ilan sa panghihina noong hindi na gumalaw ang dalaga. Bago matapos ang video, isang mensahe ang iniwan sa kanila.

"Once it's done, it can't be undone. Once it's started, it can't be stopped."

"Shit! Shit! Shit!" nagwawalang sigaw ni Maki sa klase. Nanggigigil ang binata sa karumaldumal na sinapit ng kanilang kaklase.

"Who's messing with us? Sino ba naman kasi ang makakasagot sa question mark lang? Tangina!" sigaw nito. Agad siyang niyakap ng guro't pinakalma.

"Oh my God, Cameron!" bulong ni Xyza at niyakap siya ng katabing binata.

"Lol," mahinang bulong ni Zero sa sarili habang naka tingin kay Xyza.

"One down, twenty-nine to go," biro ni Aliza na ikinagalit ng kanyang kapatid.

"Shut up, ate! Namatay na nga, ganyan ka pa?" sabi ni Alina.

"Tama na guys, let's just pray for Bianca's soul," naluluhang wika ni Arsela sa buong klase. Nag yakap-yakap sila't sabay-sabay na nag dasal. Nagulat sila nang biglang bumukas mag-isa ang pintuan. Sa katapat na pader, may nakasulat: There's a murderer among you. Everyone is a suspect. Trust no one but yourself. Kill the murderer before the murderer gets you.

P.S.: That was a fun game. Let's do it again, soon.

Sa gilid ay may litrato. Kinuha ito ng guro para suriin. Napasigaw siya nang makitang class picture nila ito, may marka ng dugong naka-ekis sa mukha ni Bianca.