CHAPTER 4
Nabalot ng takot ang mga estudyante. Si Bianca ang tipong walang kibo. Kaya lahat sila'y nagulat sa sinapit ng dalaga. Malalim na ang gabi. Mahimbing nang nag papahinga sina Arsela't Xyza sa kanilang mga kuwarto. Gising at hindi mapakali si Erika sa kaiisip ng plano para malaman kung sino ang nasa likod ng mga patayan. Napadungaw siya sa bintana at nakita si Tiffany. Sinundan niya ito.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito at umupo sa tabi ni Tiffany.
"Naalala ko lang si Bianca," sagot ni Tiffany. Hindi na sumagot pa si Erika. Bahagyang napangiti si Tiffany at nag paalam para mag pahinga. Pabalik na si Tiffany nang humangin nang malakas. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makakita siya ng kutsilyo sa kanyang peripheral vision. Nasa sahig ito.
"E-Erika . . ." nanginginig na bulong niya. Mariin siyang napalunok. Nilingon siya ni Erika at nakitang nanginginig sa kaba. Hindi makapagsalita si Erika at tila gulat din. Napalingon ang dalawa nang makitang bumukas ang pintuan ng dorm.
"Erika, let's have our beauty rest na . . ." yaya ni Xyza sa kaklase at humikab.
"Ah, sige. Mauna na 'ko, Tiffany," paalam ng dalaga sa kaklase't dumiretso papasok. Hindi makagalaw si Tiffany sa kanyang kinatatayuan. Muli, lumingon siya sa bintana at nakita si Erika na nakangiting pinag mamasdan siya mula sa loob. Nanlaki ang mga mata ni Tiffany bago kumaripas ng takbo.
Ilang metro mula sa dorm, abalang rumuronda sina Jacob at Grace. Sinigurado nilang lahat ay sumunod sa curfew. Para mas mabilis, nag hiwalay sila. Si Jacob sa boys' dorm, at si Grace naman sa girls' dorm.
"Mag kita na lang tayo sa ilalim ng balete?" ani Grace. Tapos na si Grace nang maramdaman niyang mayroong sumusunod sa kanya. Sinubukan niyang mag tago pero narinig niya ang mabibigat na yabag mula sa kanyang likuran. Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod at tinakpan ang kanyang bibig.
"Let's play a game," mapanghibong bulong ng binatang naka-maskara. Nanlaban si Grace ngunit sadyang malakas ang binata. Kinagat ni Grace ang kamay na nakatakip sa bunganga niya kaya napaatras ang binata.
"Aray!" sigaw ni Maki.
"Argh! Hindi na nakakatawa, Maki!" sigaw ni Grace.
"Joke lang naman 'yon babe, e." Binilisan ni Grace ang paglakad. Sumunod si Maki.
"Get lost! And please, 'wag ka ngang maingay. Alam mo namang delikadong may makaalam na may relasyon tayo," naiinis na bulong ni Grace.
"Pero babe . . ." pag pipilit ng binata.
"I don't have time para makipaglokohan, okay? I need to meet with Jacob already, baka kanina pa siya nag hihintay."
Pinaalis na niya si Maki ngunit nag pumilit ito at sinamahan pa rin ang dalaga. Nadatnan ng mag kasintahan sa balete si Zoey, akap-akap ang stuffed toy at abalang nag mamasid sa paligid.
"Zoey, si Jacob?" tanong ni Grace sa kaklase. Umiling-iling si Zoey at saka tumakbo palayo. Sinubukang hintayin ng dalawa si Jacob hanggang hatinggabi, ngunit walang dumating. Nag desisyon na lamang silang bumalik sa kani-kaniyang dorms sa pag-aakalang nauna na si Jacob.
Kinaumagahan, naka tanggap ang sixth class ng text mula sa admin. Academic phones ang gamit ng lahat, dahil ito ang requirement ng eskuwelahan. Dito ipinapadala ang mga anunsyo. Ipinagbigay-alam sa kanila na nauna na ang iba sa field trip kaya wala ng ibang estudyante noon linggong iyon. Dahil dito, mas lalo nilang naramdaman ang grupo ang diskriminasyon mula sa pamunuan ng paaralan.
"Do they really hate us that much?" tanong ni Pau sa mga kasama. Tiningnan lang siya ni Cathrine.
"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan, maybe because we're special kaya ganon," biro nito.
"Yeah, right. We're so special na ibinukod na naman tayo ng admin," sarkastikong tugon ni Kate. Napahinto sila nang biglang nabitawan ni Sam ang mga bitbit niyang libro.
"Girls, w-what's that?" kinakabahang tanong ng dalaga habang nakaturo sa malaking glass box sa gitna ng quadrangle. Nanghina ang mga dalaga nang makita nila si Jacob sa loob noon. Nakatali ang mga kamay nito sa mag kabilang gilid. May mga kutsilyong mala-galamay na nakatutok sa braso ng binata, at isang shotgun ang nasa harapan niya. May naka dikit sa harap ng box na naka agaw ng atensyon ni Kate. Kinuha niya ito at tumambad sa kanya ang kanilang class picture, may marka ng ekis sa mukha nina Bianca't Jacob. Dali-daling nakipag-ugnayan si Cathrine sa mga kaklase gamit ang academic phone. Inikot ni Pau ang glass box upang mag hanap ng opening, pero wala siyang nahanap. Natigilan sila nang marinig ang matinis na ingay mula sa kalapit na speakers.
"Hi, Jacob. I want to play a game. The mechanics are simple. In order for you to survive, you mustn't make any sudden noise. If you fail, the gun will be triggered," paliwanag ng misteryosong boses.
"Let the game begin!"
Mabilis kumilos sila Pau para mag hanap ng maipambabasag sa salamin. Ang iba'y tinatapik ang salamin at sinusubukang kausapin si Jacob ngunit hindi sila marinig ng binata. Dumukot si Kate ng whiteboard marker mula sa bag at sumulat sa glass box: KAHIT ANONG MANGYARI, HUWAG KANG SISIGAW!
Nanlaki ang mga mata ng binata. Tumango na lamang siya. Nanlumo ang mga dalaga nang makitang bumaon ang mga kutsilyo sa balikat ng kaklase. Marahan itong naglakbay mula sa kanyang balikat hanggang kamay, tila binabalatan ito ng buhay. Kita sa kanyang mga mata ang tindi ng sakit na kanyang iniinda. Naluluhang tiningnan ni Jacob si Angela't umiling nang paulit-ulit, sumesenyas na hindi na niya kaya. Naiyak si Angela't tinapik-tapik ang makapal na salamin.
"Huwag kang susuko!" paulit-ulit na sigaw ng dalaga ngunit isang ngiting tila nag pa paalam na ang huling ipinakita sa kanila ni Jacob. Umiling siya ng tatlong beses at hinarap ang baril ng nakatutok. Ilang sandali pa'y umalingawngaw ang malakas ng putok mula sa glass box. Tumigil ang paggalaw ng mga kutsilyo. Sumirit ang dugo mula sa ulo ng binata, bago tumalsik sa apat na dingding ng kahong salamin.
Nasuka ang ilan sa kanila. Sa sobrang lalim at diin ng mga kutsilyo'y halos kita na ang mga buto ng binata. Huli na nang dumating na ang mga guwardiya.
"I'm so sorry," paulit-ulit at naiiyak na bulong ni Erika habang yakap-yakap si Angela. Bumukod si Pau at Chantelle upang ilahad ang nangyaring insidente sa mga guwardiya.
"Tell me, Erika. Is this what hell feels like?" nang hihinang bulong ni Angela. Hindi siya sinagot ng kaklase't hinigpitan na lamang ang yakap.
Dahil walang klase sa araw na iyon, ipinatawag ni Erika ang lahat ng kanyang kaklase sa classroom. Hindi na niya inabala si Ms. Gomez gawa ng suspetsa niya sa kanilang guro. Oras na makumpleto sila, malungkot na inilahad ni Erika ang nangyari. Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nabalitaan. Padabog na tumayo si Xyza't sinugod si Erika sa harapan. Kinuwelyohan niya ang dalaga't sinimulang sigawan.
"Stop pretending, Erika! We all know that you're the one who's responsible for this!"
Agad kumilos ang mga kalalakihan para awatin ang dalawa. Isa-isang naglabas ng sama ng loob ang mga magkakaklase. Nagsisihan, nagturuan, at pinagsuspetsahan ang bawat isa. Sa gitna ng malakas na ingay, nag maktol si Grace sa gilid at umiyak. Sinubukan siyang i-comfort ni Maki.
Nag buntonghininga si Erika. Pinagmasdan niya ang nag kakagulong klase bago napapikit. Ipinaalala niya sa kanyang sarili na hindi siya pwedeng manghina't sumuko.
"Tama na!" sigaw niya at naagaw ang atensyon ng lahat.
"Simula ngayon, bawal nang bumukod. Mahahati ang klase sa mga grupo. Bawat grupo'y mayrong isang mamamahala sa kaligtasan ng bawat isa. Walang miyembro ng grupo ang pwedeng humiwalay tuwing mga araw ng klase," ani Erika. Kahit natatakot, pinili nilang sundin ang plano ng dalaga.