Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 3 - CHAPTER 2

Chapter 3 - CHAPTER 2

CHAPTER 2

Kinabukasan, lahat ay abala sa pag-aayos ng kanilang mga sarili: nag lalagay ng hair wax sa buhok, nagme-makeup at kung ano-ano pa. Tahimik na nag hintay ang sixth class. Panghuli sila dahil sa request ng maraming estudyante't teacher. Black sheep sila kung ituring ng karamihan. Sila rin madalas ang sinisisi kapag may kamalasang nang yayari kahit wala silang kinalaman. Pero hindi lahat ay ganoon, mayron pa ring gustong-gusto sila. Ang section kasi nila ay binubuo ng mga campus royalties, scholars, at officers ng iba't ibang school organizations.

"O guys, kailangan maayos tayo sa picture, ha?" wika ni Erika habang nananalamin. Sumang-ayon ang lahat maliban kay Chantelle.

"Wait lang, sunduin ko lang si Zoey sa banyo," paalam nito kay Erika.

"Sige. Bilisan mo, ha? Malapit na tayo," tugon ni Erika.

Habang nag hihintay, naisip ni Erika na mayroon siyang nakalimutan sa classroom. Nilapitan niya ang kararating lang nilang adviser upang mag paalam. Pinayagan siya at sinabihang mag madali. Kumaripas ng takbo si Erika para kunin ang blue notebook sa kanyang bag. Sa lobby siya biglang napahinto. May napansin siyang buhok na nakalaylay sa sahig papasok ng janitor's closet. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ngunit naka-lock ito. Buong pwersa niya itong itinulak at sinipa-sipa ngunit ayaw namang bumukas. Napabugtonghininga ang dalaga. Napukaw ang kanyang atensyon nang tawagin ng kaklase ang kanyang pangalan.

"Erika! Bilis! Nag kakagulo na!" tawag ni Bianca. Nadatnan nila ang kaklaseng nag-aaway dahil nag kapikunan.

"Oy, walang mag-aaway. Kaya tayo hinuhuli e, ang gugulo n'yo!" saway ni Cameron kina Cheska at Kyle.

"Masama ba mag salita?" maangas na tanong ni Cheska sa binata.

"Don't mind him, sumisipsip lang yan," bulong ni Kyle. Nag tawanan silang dalawa habang pinagmamasdan ang binata.

"Tumigil nga kayo. Hindi na tayo mga bata. Ikaw naman, Kyle, kung ayaw mo talaga sa section na ito, nag pa-transfer ka na sana noong maaga pa," mahimbing pag saway ni Arsela.

"Aba! Kung pwede lang, 'no? Teka nga, akala mo ba porke sikat ka e hindi kita papatusin?" lumapit si Kyle para angasan ito. Agad humarang si Cameron.

"Tama na nga!" sigaw niya. Medyo napalakas ang boses niya at napansin ito ng ibang estudyante.

"Ano tinitingin-tingin nyo? May palabas ba?" naka pamewang na tanong ni Kyle sa mga naka tingin. Agad niyang inilihis ang tingin kay Arsela at itinuloy ang paghahamon.

"This is going to be fun," bulong ni Cheska sa sarili habang pinapanood ang dalawang dalaga. Napahinto sila sa kanilang mga ginagawa nang makarinig sila ng matinis na ingat mula sa mga speakers. Napatakip ng tenga ang iba.

"Class 4 to 6, kayo na ang susunod. Please proceed to your assigned rooms. Thank you."

"Damn that speaker!" mahinang bulong ni Shini sa sarili.

Pumila ang sixth class bago tumungo sa venue. Sinalubong sila ng lalaking nag pakilalang photographer. Hindi na ito nag aksaya pa ng oras at agad silang inilagay sa kani-kanilang puwesto bago kuhaan. Naka ayos na ang camera sa tripod. Mukhang ordinaryong picture-taking lang ang magaganap ngunit hindi nila alam na madugo na pala ang mga sumusunod na mang yayari. Patapos na sana sila nang biglang nag loko ang kamera. Nagulat ang mga estudyante nang biglang namatay ang ilaw at sunod-sunod na nag-flash ang kamera. Nasilaw ang mga estudyante at nag takip ng mukha. Pag katapos ay nag-panic na sila. Hindi sila mapakalma. Siksikan silang pumunta sa harap kung saan nandoon ang pinto. Hindi nila ito mabuksan dahil parang may pumipigil sa kabila. Sinubukan din nilang basagin ang mga bintana para maka pasok ang liwanag. Pag dungaw nila ay nalula sila sa taas ng kinaroroonan nila. Hindi na sila nag balak na tumalon.

"Hey! Cut it out!" napakalakas na sigaw ni Erika. Unti-unting huminto ang pagfa-flash ng camera. Pumuwesto uli si Erika sa pinto, humila ng upuan sa tapat nito at saka tinungtungan.

"Umalis ka riyan kung ayaw mong masaktan!" sigaw ni Xyza kay Erika. Mahahalata sa nanginginig na boses ng dalaga ang mag kahalong kaba at takot.

"Alis dyan!" kantiyaw ng ibang estudyante. Nag matigas si Erika. Tumahimik ang klase nang lumapit si Ms. Eulzimara Gomez para tumulong.

"Hindi tayo aalis rito hangga't hindi kayo umaayos!" saway ng guro na sinangayunan ng photographer.

Nagulat sila nang biglang kumaripas ng takbo si Hashikawa Lee papunta kay Erika. Mahigpit niyang hinawakan sa braso ang dalaga't malakas na hinatak papunta sa sahig. Hindi rin nag dalawang-isip ang binata na sagiin ang kanilang guro't ang photographer. Wala na sa tamang pag-iisip ang binata dahil sa sobrang pag pa-panic. Ang kakaiba pa rito ay kilala si Hashikawa Lee bilang tahimik na estudyante, ang tipong mag sasalita lamang kung kakausapin, kaya naman ikinagulat ng lahat ang inasal niya.

Bumagsak si Erika sa sahig at walang nagawa kundi panoorin si Lee na buksan ang pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang walang kahirap-hirap na nabuksan ito. Nag takbuhan agad palabas ang mga estudyante pabalik sa kanilang mga kuwarto at dormitories. Nag tungo naman sa kanilang photographer at ang kanilang adviser sa head office upang mag-report.

Naka balik na sina Angela, Pau, Cathrine, Chantelle, at ang mag kapatid na sina Aliza at Alina sa venue. Gusto kasi nila muling masilayan ang itsura nito sa kabila ng gulong nangyari.

"We can run, we can hide, but we can't escape," misteryosong bulong ni Chantelle na ikinatakot ng mga kasama. Ngumisi siya na parang nanloloko.

"What the hell are you talking about?" taas-kilay na tanong ni Angela.

"Huwag mo na nga kaming takutin! Hindi na nakakatuwa," dagdag ni Pau.

"Ano ba'ng pinag sasabi mo, Chantelle?" sigaw ni Cathrine habang naka pamewang.

"Such a weirdo! Huwag n'yo na lang siyang pansinin. Sino ba kasi nag sama sa attention seeker na 'yan?" pag mamataray ni ALiza. Hindi nakuntento ang dalaga't nilapitan pa ang kaklase. Nginitan muna niya ito bago sinampal. Hindi nanlaban si Chantelle at yumuko lamang.

"Ate!" saway ni Alina sa kapatid. Niyakap ni Alina si Chantelle at humingi ng dispersa sa ginawa ng kakambal. Split personality silang mag kapatid. Panganay si Aliza sa kanilang dalawa. Kilala ang kambal sa kanilang pagiging aktibo sa mga organizations.

"You can't escape your fate," babala ni Chantelle sa mga dalaga bago lisanin ang venue.

"Let's go. I'm having a bad feeling na, e," yaya ni Angela.

"Huwag n'yo nga pansinin. Palibhasa ugaling commoner 'yon," banat ni Aliza habang papalabas. Pag kababa ay nag desisyon ang lima ba huwag nang ipaalam sa iba ang kanilang pag balik at baka ikapahamak pa nila. Ang kutob lang nila ay may kinalaman si Chantelle sa nangyari.

Sa hindi kalayuan, isang estudyante ang naka upo sa bench, tahimik na pinag mamasdan ang lima. Ngumisi ito't bumulong sa kanyang sarili.

"Let the fun begin . . ."