Dahan-dahang iminulat ni Chi-chi ang mga mata. Napaungol siya. Her head hurts like hell! Ano'ng nangyayare? Luminga siya sa paligid. Walang tao. Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Nick na may hawak na tray na may lamang pagkain. Nasa likod nito ang kambal na tila nahihiyang lumapit sa kanya.
"Gising ka na pala." ani Nick. Lumapit ito at maingat na inilapag ang tray sa tabi niya. Sinalat nito ang noo niya. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Napaungol lamang siya. She couldn't talk. Parang may sapot sa lalamunan niya. Napaka-dry din niyon. She felt very thirsty.
Inabutan siya ni Nick ng tubig. Ininom niya iyon.
"What happened?" tanong niya nang muling matagpuan ang sariling boses.
"Tatlong araw ka ring nakatulog. How are you feeling? Nagugutom ka na ba?"
"Tatlong araw?"
"Yeah, bago pa tayo makarating ng bahay that day ay bigla kang nawalan ng malay. You were sick for almost three days. Marahil ay dahil iyon sa pinaghalo-halong gutom, pagod, and your broken ankle na sinamahan pa ng pagkakababad ng katawan mo sa tubig when Shin splashed you with cold water. Medyo bumaba na ang lagnat mo. Mabuti at nagising ka na rin. Hurry up, eat your food so you can take your medicine."
"In any case, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. We'll leave you. Take a rest and don't forget to drink your medicine." Pahabol ni Nick bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nagulat siya. PROMISE! Why the sudden change? Bumait ata ang pamilya oso sa kanya? Ah...wala siyang panahong mag-isip ngayon. Ipinikit niya ang mga mata. Pagkunwa'y pinilit bumangon at inabot ang tray na puno ng pagkain. Lugaw, at madaming apples and oranges. Kahit hindi niya gusto ang pagkain ay kinain niya iyon. Pagkatapos uminom ng gamot ay muli siyang natulog.
***
Mahinang napaungol si Chi-chi. Masakit pa rin ang ulo niya. She was about to roll over to the left side of the bed when something hard caught her arm. Natilihan siya. Lalong napapikit. Oh my gosh! Ano itong nahawakan ko? Dahan dahan niyang kinapa ang kung anumang bagay na nasa tabi niya. Matigas iyon. May mga pabilog na bahagi. The contour of – she stopped.
Dahan dahang iminulat niya ang mga mata. Only to find the teasing stare of the man that haunted her even in her wildest dreams—NICK! She dropped her jaw the moment she saw his dazzling grin. Lalo pa't narealize niyang ang braso nitong namumutakti sa muscles pala ang hawak ng kamay niya! Parang napapasong binitiwan niya iyon.
Isang sigaw ang kumawala sa mga labi ni Chi-chi nang mag-sink in ang katotohang katabi niya sa higaan si Nick.
Mabilis ang ginawang pagtatakip ni Nick sa bunganga niya.
"Shhh... gabing-gabi na. Baka magising ang mga bata." anito.
"What the hell are you doing here? Bakit magkatabi tayo sa kama?" galit na pinalis niya ang kamay ni Nick.
"You begged for it. Sabi mo, oh please Nick...I need you now. I feel so cold. pleaaaase." Ginaya pa nito ang maarteng boses niya. "Syempre, dahil alam kong may sakit ka, I feel obliged to do it." Inilagay nito ang dalawang kamay sa likod ng ulo. Pagkunwa'y nakangising pinagmasdan ang reaksiyon niya.
Pakiramdam ni Chi-chi ay bigla siyang inatake ng hypertension. She felt her face turned red. Sinabi niya talaga 'yun? Oh my gosh! Napalunok siya.
"You're lying!" akusa niya. Pilit itinago ang pamumula ng kanyang mukha.
"Why would I do that? Besides, this is my room. Kaya natural lang na dito ako matulog."
"Don't tell me..."
"Yeah, three days na tayong magkatabi sa kama ko." He grinned.
"Urgh! Walanghiya ka!" itinulak niya si Nick dahilan upang mahulog ito sa kama.
"Hey! Bat ka nanunulak?" ngunit sa halip na mabulyawan ay tila nang-aasar pang natawa si Nick sa ginawa niya.
"Ano'ng ginawa mo sakin ha?"
"Wala. Tinabihan lang kita sa kama. Pasalamat ka nga't naawa pa ako sa'yo't pinayagan kitang yakap-yakapin ako sa tuwing giniginaw ka."
Her eyes widened.
"You're really lying!"
Tumayo si Chi-chi. Only to find out that she was wearing a pajama. A pajama??!! If she remembered it right, whe was wearing an oversized t-shirt before she got sick. Napatingin siya kay Nick. His smiling eyes confirmed what she was exactly thinking.
"Basang basa ka, of course, kailangan mong magpalit. At ako lang ang pwedeng gumawa niyon sa'yo." Muling nahiga si Nick sa kama. Mayabang na ipinakita ang malapad nitong dibdib.
"A-anong nakita mo, ha?"
"Secret."
"I'll kill you."
Isang mataginting na tawa ang pinakawalan ni Nick. Pakiramdam ni Chi-chi ay pinaglalaruan siya ni Nick. Hindi niya namalayang napaluha na pala siya.
"H-hey, inaasar lang kita. Tama na." Lumapit si Nick sa kanya.
"Nakakainis ka! Kung anu-ano ang sinasabi mo." Napasinghot siya.
"Sorry na. Ikaw naman, hindi ka na mabiro."
"Ibig sabihin, hindi talaga totoo yung mga sinabi mo?"
"Well..."
"Totoo nga!!!!" mas lalo siyang napaiyak. Ito na ang katapusan niya! Nakakahiya!!!
"Eh may sakit ka naman noon, kaya naiintindihan ko iyon."
"Shut up!"
Muling natawa si Nick. Parang siyang bata, naisip nito.
"Huwag mo akong pagtawanan!"
"Okay okay, just stop crying okay?"
"Wala kang nakita diba? Diba?"
"I closed my eyes. Promise." Well, he really did. Yun nga lang, three seconds lang. He enjoyed the sight. Pinilit ni Nick ang sariling hindi mapangisi. Pinili nitong magsinungaling na lang sa dalaga upang hindi na humaba pa ang diskusyon nila.
Nagdududang napatingin si Chi-chi rito.
"You're smiling." akusa niya.
"Hindi na." pumormal ang mukha nito.
Itinulak niya ulit ito. Naglakad siya pabalik sa kama at naupo roon.
"Hindi ka naman na siguro tatabi sa akin ngayon 'no?" mayamaya'y naisip niyang itanong.
"In that case, ikaw ang bahala. Kung okay na ang pakiramdam mo."
"Talaga?" natutuwang tanong niya.
"Yeah, kasya ka naman sa sofa sa baba. Kumuha ka ng unan at kumot mo sa cabinet at lumabas ka na."
"What?" napaatras siya ng maglakad si Nick palapit sa kama. Mayamaya'y nahiga ito.
"Hey, bakit ako ang aalis?"
"Alangang ako? Eh kwarto ko ito?" pinagtaasan siya nito ng kilay.
"Pero..."
"Unless...gusto mo ulit ako makatabi sa kama? Hindi naman ako maarte, malamang na pumayag ako." Muli itong napangisi.
"Dream on!" umirap siya.
"Eh ano pang hinihintay mo? Alis na! Maaga ka pang gigising bukas para makapaghanda ng almusal namin." taboy nito.
Napasimangot siya.
Ang hudyo! Napakawalanghiya! Inis na kinuha niya ang unan na ginagamit nito. Pabagsak na bumalandra ang ulo nito sa kama. Galit na hinila pa ni Chi-chi ang kumot sa tabi nito. Hindi pa nakuntento, binalikan ni Chi-chi ang isa pang unan sa kama at ibinato iyon kay Nick. Isang malakas na URGH ang pinakawalan niya bago pabagsak na isinara ang pinto.