Chereads / IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) / Chapter 10 - CHAPTER TEN

Chapter 10 - CHAPTER TEN

"Tita Chi-chi! Come on here! Ang sarap mag-swim!" sigaw ni Shan.

"No, kayo na lang. Okay na akong panoorin kayong naliligo." She shouted back. Ang totoo, naiinggit siya. She wished she can swim too. Napasimangot siya. Bakit ba kasi lagi niyang tinatakasan noon ang swimming instructor na kinuha ng lola niya para sa kanya?

"Tita Chi-chi! Halika na kasi, let's play!" pamimilit ni Shan.

Napangiti siya. Kailan lang ay galit na galit sa kanya si Shan. Of course she hated her too. But who would have thought that they treated each other as best friends now? Halos parang anino na niya si Shan. Kung nasaan siya ay naroon rin ito.

Sa halip na sumagot ay inilabas na lang niya ang nilutong paella mula sa basket na dala. Naka-upo siya sa blanket na nasa lugar kung saan siya unang namulat at bumangon mula ng tumalon siya mula sa waterfall na pinagliliguan nila ngayon. Kung saan rin siya binuhat ni Nick noong nalaman nitong hindi siya makalakad ng maayos. Napaka-memorable na ng lugar na iyon sa kanya.

"Kapag ikakasal ako, dito ko gagawin ang sagradong bagay na iyon." pangako niya sa sarili. Napatingin siya kay Nick. She sighed. It'll never happen.

"Hindi ko alam na kj ka pala."

Bigla siya napatuwid ng upo ng biglang magsalita si Nick sa tabi niya. Ni hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. He was dripping with water. Pinilit niyang ilayo ang tingin rito. Napaka-sexy naman ng demonyong ito.

"Why don't you join us?"

"Ayoko."

"Ang sungit mo na naman!"

"Bakit ba? Napaka-atribido mo!"

"Ah ganon?"

And before she knew it, Nick already pushed her into the water. She desperately gasped for air. Nagpakawag-kawag siya. Hindi siya makahinga! Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na humuhila sa kanya palubog. Itinaas niya ang dalawang kamay upang humingi ng tulong.

"H-help!" she tried to shout. But as soon as she opened her mouth, water came rushing in to her mouth. Napapikit siya sa sobrang hapdi ng kanyang mga mata. Her nose hurt too. Buong lakas na ipinadyak niya ang mga paa. She can't do it. She knew she can't. She can't breathe! Nanghihinang itinigil niya ang paggalaw. Katapusan na niya!

Ngunit bago pa man siya tuluyang mawalan ng ulirat ay may dalawang malalakas na kamay na ang humatak sa kanya paangat sa tubig.

Nick!

Umiiyak na napayakap siya rito.

"My god, why didn't you tell me? Bakit hindi mo sinabi sa aking hindi ka pala marunong lumangoy?" niyakap din siya ni Nick. Masuyong hinaplos haplos ang likuran niya.

"Nagtanong ka ba?" nais sana niyang barahin ito. Kung hindi lang masakit ang lalamunan niya!

"Tita Chi-chi!" niyakap din siya ni Shan.

"Are you okay Tita Chi-chi?" tanong ni Shin.

Napaubo siya. Mabilis naman siyang dinulugan ni Nick ng isang basong tubig. Mabilis niyang ininom iyon.

"I-i'm okay now."

Binalutan siya ni Nick ng tuwalya. Napatitig siya rito. He's being sweet because of what he did huh? Guilty na naman siguro. She thought.

Pasimple pinalis niya ang kamay nito sa balikat niya. Inirapan niya ito. Pagkunwa'y pilit na ngumiti sa mga bata.

"I'm fine now. Sige na, ituloy niyo na ang pagsu-swimming niyo."

Sandaling natigilan ang kambal. Ngunit mayamaya'y nagpasya ring bumalik sa tubig upang ituloy ang paglalaro. Wala sa loob na napangiti siya. She wished she could go back in to being a kid again. Iyong tipong hindi na iisipin ang mga problema sa buhay. Makapaglaro lang ulit, okay na.

"What are you smiling at?"

"Don't talk to me!" pambabara niya kay Nick. She wished he'd just leave her alone. Kahit na lagi niya itong sinusungitan ay tila mas lalong tumitindi ang pagmamahal niya rito. He's nice to her now. Mas naging sweet pa ito sa kanya. Buti sana kung totoo!

"Bakit ba parang ang laki ng galit mo sa akin?"

"Kailan ba nawala ang galit ko sa'yo?"

"When you kissed me back?"

She blushed. Galit na binalingan niya ang nakangising si Nick. Ang walanghiya! Ipinaalala pa sa kanya ang gabing iyon. Inis na tumayo siya.

"Whatever."

"San ka pupunta?"

"Sa impyerno, sama ka?"

"Kung kasing sarap mong humalik ang mga demonyita, kahit pa sa impiyerno na ako tumira, sasama ako."

"Bastos!" mabilis niyang tinalikuran ang walang modong si Nick.

"Napaka-pikon mo talaga kahit kalian." Natatawang sumunod ito sa kanya.

"Shut up! Bumalik ka dun, huwag mong iwan iyong mga bata. Baka kung mapaano sila. The water is too dangerous for little kids like them."

"They won't. I've trained them to swim professionally. Bata pa lang sila nang turuan ko sila. Not to mention that I was always a gold medalist in every swimming competition I joined."

"Di ka rin mayabang ano?" bagama't napansin niya na tunay ngang magaling itong lumangoy. He was swimming professionally that he looked like a fish under the water.

"Tsaka isa pa ay pinauwi ko na sila."

"What? I didn't hear you told them to."

"May secret signals kaming mga mahihiwagang oso." bumungisngis ito.

She was about to say something when her eyes caught that weird thing above them. Sa bandang itaas ng lugar na kinatatayuan nila ay isa pang bahagi ng kagubatan. Doon siya nagtatatakbo noong hinahabol siya nina Hajii bago siya nagpatihulog sa waterfall na iyon. Sigurado siyang may gumalaw. Pinakiramdaman niya ang paligid.

She has the feeling that somebody was watching them.

"What's wrong?" maang na tanong ni Nick sa kanya.

"Ah...nothing." pinilit niyang isipin na wala naman talaga siyang naramdamang kakaiba. It must be just an imagination. Nagpatiuna na siyang bumalik sa bahay.

Ngunit hindi lang pala siya ang nakaramdam niyon. Nick knew that he saw someone. Nagmamasid sa bawat galaw nila. Napatiim-bagang siya. He must do something about it. Kung ayaw niyang maulit na naman ang nangyari two years ago.

Wala sa loob na napangiti si Chi-chi. Para siyang baliw na nakangiting mag-isa sa sala ng mga oras na iyon. Mas lalo siyang napangiti nang makita ang nakangiting larawan ng mag-aama sa ibabaw ng center table.

Masaya niyang pinunasan ang picture frame. Napalinga siya sa paligid. Pagkunwa'y mabilis niyang ginawaran ng halik ang larawan. Kinikilig na ibinaba niya iyon. Halos dalawang araw na siyang sinusuyo ni Nick. Natutuwa siyang isipin na ginagawa nito ang lahat para mapasaya siya. Kahit pa madalas ay sinusungitan niya lang ito.

Nagsimula siyang magwalis. Parang kelan lang ay hindi siya marunong maglinis ng bahay. Kung dati ay halos isumpa niya si Nick dahil sa nagkabitak-bitak na ang mga kamay niya sa kakalinis ng bahay, ngayon ay nakapagtatakang natutuwa pa siyang pagsilbihan ang mga ito.

Siguradong magugulat si Yaya Mani kapag nalaman nitong marunong na siyang magwalis ngayon. Hindi na rin siya makalat at marunong na siyang magbalik ng gamit. Kahit paano ay medyo marunong na rin siyang maglaba. She can't wait to go back home.

Natigilan siya.

Kung uuwi ba siya, ano ang mangyayari sa kanya at kay Nick? At sa mga bata? Isipin pa lang niyang mawawalay siya sa mga ito ay parang naninikip na ang dibdib niya. Ipinilig niya ang ulo. Ayaw na muna niyang isipin ang maaaring mangyari.

Pagkatapos linisin ang sala ay pumasok naman siya sa kwarto ni Nick. She kinda missed the place. Sa sala siya natutulog. Pero kahit paano ay naging mabait naman si Nick at binigyan siya ng comforter.

Sinimulan niyang ayusin ang kama nito. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya. Bago siya dumating sa bahay nito, tiyak niyang napaka-ayos ni Nick sa mga gamit. Patunay niyon ang ginawa nitong paglilinis sa mga kalat niya kahit na ginawa nitong parusa iyon sa kanya dahil sa pagkakalat niya sa bahay ng mga oso.

Napasimangot siya. Porke alam nitong may taga-ayos na, naging makalat na ito? Napailing siya. Maging ang kambal na halatang malinis din sa gamit ay nawiwiling maging makalat. Kahit mga simpleng bagay na kaya naman nilang gawin ay nagpapatulong pa ang mga ito sa kanya. Pero sa halip na mainis ay mas natutuwa pa siyang malaman na may silbi siya sa bahay na iyon.

Kinuha niya ang kumot ni Nick at kinikilig na inamoy iyon bago itinupi. She's getting insanely inlove with him every day. Napailing siya. She's had boyfriends before. Pero puro trip niya lang ang mga iyon. Ni wala ngang nagtagal. Si Nick kaya, makakatagal sa kanya?

Maingat niyang inayos ang mga unan nito. Pagkunwa'y binalingan ang cabinet nito. Natigilan siya. Napalingon sa maliit na cabinet sa gawing kanan. Doon siya itinago ni Nick nang gabing muntik nang may mangyari sa kanila. Tinungo niya ang pinto niyon at dahan dahang binuksan. She was shocked to know that it was actually left open.

Umalis si Nick. Mamimili daw ito ulit sa bayan para sa mga kailangan nila. Weekly pala itong umaalis. She wondered, hindi kaya ito natatakot na iwan ang mga bata sa bahay ng walang kasama? Iiling-iling na pumanaog siya.

Muling bumalik ang kirot sa puso niya nang makita ang mga larawan ni Sharon. Mapait siyang ngumiti. Nilapitan niya ang portrait at maingat na hinaplos iyon.

"You know what? You are so lucky. Mahal na mahal ka ni Nick. Alam mo bang puno ng pictures mo ang secretong kwartong ito? This is his love sanctuary for you. Nakakainggit ka."

She dramatically sighed.

Laylay ang balikat na iniwan niya ang portrait upang balikan ang gintong kahon na iyon. The Pandora Box. Ngunit natigilan siya ng makakita ng isang hindi inaasahang bagay sa mesang iyon. Something that made her numb. Nanginginig na inabot niya ang papel na iyon.

CHYNNA LEGAZPI SANTILLAN.

It was clearly written on the brown envelope that was on the table. At hindi gaya noong una, hindi pictures ni Sharon ang nakita niya sa mesa. Kundi mga pictures niya!

Nanginginig na pinulot niya ang mga larawan.

It was her. Habang nasa garden siya ng bahay nila. Habang nasa labas siya ng opisina. Habang nagsho-shopping siya. Bago ang kasal niya. At madami pang iba.

Oh my God! Natutop niya ang bibig. This couldn't be happening! Ano'ng ginagawa ng mga pictures niya sa secret room ni Nick??!

Napaiyak na siya. This couldn't be happening! Please tell me that i'm just dreaming!

Napahagulhol siya nang makakita ng kopya ng last will and testament ng kanyang mama. Alam na nitong siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Legazpi—na isa sa mga pinakamayamang angkan sa bayan ng Boljoon, Cebu!

Kaya ba bigla itong nagbago sa kanya? Kaya ba naging sweet at mabait na ito sa kanya kahit na lagi niya itong sinusungitan? Kaya ba... Kaya ba... Kaya ba...

Nagngangalit na itinapon niya ang lahat ng laman ng mesa.

I hate him! I hate him! I hate him! Pinagbabayo niya ang kawawang mesa.

Ano na ang gagawin niya ngayon? Everything was faked! He is a fake! Damn him! Desperadang napasalampak siya sa sahig. Pakiramdam niya ay napakatanga niya. Napakatanga dahil naniwala siyang may patutunguhan ang pagmamahal niya kay Nick.

Na naniwala siyang mabait si Nick. That he's not like everybody else. That he doesn't hate her...like he told her. That he's...Argh! Impit siyang napaluha. Hindi na niya kaya pang harapin si Nick. I hate him so much!

************

"Where's your Tita Chi-chi? I have a surprise for her." Nakangiting tanong ni Nick sa mga anak. Nakaabang ang kambal sa pinto kaya labis niyang pinagtakahan iyon.

"Akala po namin ay isinama mo siya?" takang tanong ni Shan.

"Yeah, we haven't seen her for a while now. Pag gising namin, the house was already clean. The foods are ready. And the tub was made." ani Shin.

"What? I left her. Kung isinama ko man siya, e di sana sa secret room ko kayo pinatulog. Kampante lang naman akong iwan kayo sa bahay dahil alam kong may kasama kayo." kinakabahang paliwanag ni Nick. There's something wrong. He can feel it.

"But... Tita Chi-chi isn't here."

Nagmamadaling tinungo ni Nick ang kwarto.

Could she have gone in to that place again? Damn! Huwag naman sana. Dahil kapag nagkataon, she must have found out the truth. Napamura siya!

Nayanig si Nick nang makitang nakakalat sa sahig ang mga litrato ni Chi-chi at ang mga papeles na nasa loob ng brown envelope. Hindi napigilan ni Nick ang sariling napasuntok sa mesa. Bakit ba nakalimutan niyang isara ang pinto? Napakatanga niya!

Chi-chi! Nataranta siya ng muling maalala ang dalaga. Nasaan na kaya ito ngayon? Damn! It's getting dark outside. Mabilis niyang binuksan ang drawer at kinuha ang kanyang hand gun bago tuluyang lumabas ng kwarto. He had plenty of guns in his locker.

"Get inside your secret room and don't ever go out until I tell you to! Open your radio-phones and wait for my signal! Lock all the doors!" mabilis niyang utos sa kambal na bigla ring nataranta ng makita siyang natatarantang lumabas ng bahay. Lahat ng kwarto sa bahay na iyon ay may secret room. Nobody knows that except the three of them, and Rick.

"And don't forget, I love you kids! Wait for me. I'll just get your Tita Chi-chi back!" pahabol niya bago tuluyang nilisan ang bahay.

Damn! Kailangan niyang maibalik si Chi-chi sa bahay, kahit na anong mangyari. He needs her more than anyone in this world! At hindi pa siya handang mawala ang dalaga! Hindi niya makakaya! Lalo niyang binilisan ang pagtakbo.