"Damn!" napamura si Nick nang biglang gumewang ang kotseng kinalululanan nila. Nagpaputok ang kotse nina Hajii!
"On your knees!! Bend over!" mariing utos niya. Napatingin siya kay Chi-chi. Bakas na bakas ang takot sa maganda nitong mukha. Nahabag siya sa dalaga. Ngunit biglang kumulo ang dugo niya kay Hajii nang mapansin ang namumula nitong mukha at ang pumutok nitong labi. That bastard will have to pay double!
Marahas niyang inilabas ang baril at sinimulang paulanan ng putok ang kotseng nagngangalit na sumusunod sa kanila. Mabuti na lamang at mabilis magpatakbo ng kotse si Mang Estong. Halatang kabisado nito ang daan.
"Mang Estong, dumiretso ka sa gubat! Dali!" utos ni Nick.
"Pero sir..."
"Just do it!"
Napalingon si Chi-chi kay Nick. Ngayon niya lang nakitang nagkaganoon ito. His authority was so overflowing but it's surprisingly anaesthetic. Na tila ba nagsasabing, relax ka lang, ako'ng bahala. Kung nagtakaton sigurong wala ito, malamang na kanina pa siya ngka-nervous break down.
"Stop the car!" mayamaya'y sigaw ni Nick.
"What???!" baling niya rito. Kunot-noong sinundan si Nick na umibis ng sasakyan.
"Chi-chi, lead them the way. Mauna na kayo sa bahay. Go to my secret room." anitong ni hindi na nag-abalang tignan siya. Hawak ang baril ay mataman itong nagmamasid sa paligid nila. Tila handang umatake sa oras na magpakita ang kanilang kalaban.
"But....paano ka?"
"Dammit Chi-chi! Wala na kayong oras! Just go! Ako na ang bahala sa sarili ko." pagtataboy nito.
"Hindi, hindi ako aalis dito kung hindi ka kasama." mariing tanggi niya.
"Ano ba! Sinabi ko na ngang iwan mo na ako eh. Hindi ka ba talaga nakakaintindi? When will you ever grow up? Can't you stop being childish for even once in your life?"
Pakiramdam ni Chi-chi ay sinampal siya ni Nick. Parang barbwire ang tumama sa mukha niya ah! Pinigilan niya ang mapaluha. How can Nick say something like that to her? At sa harap pa ng ibang tao? Talaga bang sakit lang ng ulo ang dulot niya rito? Kasalanan ba niyang mag-alala siya sa taong mahal niya? She clenched her teeth.
"Fine." mabilis siyang pumihit patalikod kay Nick.
"C-chi-chi, come on, it's not what you think it is." Sinubukan nitong lumapit sa kanya.
"Stay back. Maiwan ka diyang mag-isa! Huwag na huwag mo na akong kakausapin ha!" galit na nagmartsa siya papunta sa bahay ni Nick sa mahiwagang gubat na iyon. Palayo sa kinaiinisan niyang binata.
Alumpihit na sumunod ang lolo, yaya at driver niya sa kanya.
Kung pwede lang sanang habulin ni Nick ang dalaga. Napamura siya! He will have to deal with her later. Ang importante ay matapos na niya ang nasimulan niya noon kay Hajii Sadejoval. Muling kumulo ang dugo niya nang maalala ang lalaki.
Humimpil ang sasakayan ni Hajii sa mismong harapan niya. He valiantly waited for him to finally come out of his car.
"Matapang ka rin talaga Cuevas, para hintayin ako rito. At mag-isa? Pinapatawa mo talaga ako!" tila baliw na hinugot ni Hajii ang baril nito mula sa bewang nito. His fuming eyes never left his.
"Ikaw lang naman ang duwag sa atin Sandejoval. Para magdala ng sangkatutak mong mga tauhang puro mga walang silbi!" dahan dahang umatras siya. Inihanda ang sarili para sa kanyang pag-atake. Kay tagal niyang pinlano ang pagkakataong ito. Humigpit ang hawak niya sa baril.
"Mayabang ka talaga. Bakit, dahil ba nabuhay ka kahit na halos tadtarin ka na namin ng bala noon? Hindi ko alam kung paano kang nakaligtas, pero sisiguruhin kong ngayon ay wala ka ng takas!" akmang papuputukan siya nito ng bigla siyang magsalita.
"Bakit, gusto mong mawala ng tuluyan ang mga ebidensya laban sa'yo? Too bad Sandejoval, alam ko na lahat ang baho mo. Alam ko ng ikaw at ang iyong ama ang utak ng kidnappings dito! Kayo rin ang may hawak sa pinakamalaking drug dealings at firearms smuggling!"
"Uh-oh. Don't forget that I am also the serial rapist slash killer around this town. Lahat ng magagandang babae, dumaan muna sa akin. That's my best crime ever. The feeling is heaven." Humalakhak ito.
"Talaga? Sa tingin mo ay bobo ako, para hindi ipaghiganti ang kamatayan ng kapatid ko at asawa niya?"
Ang sinabi niyang iyon ang nagpatigil kay Hajii. Nakita niyang namutla ito.
"Right, hindi ako ang itinumba niyo noon. Kundi ang kakambal ko at ang asawa niya. You should have asked, dumbass! Kung ako iyon, tiyak na hindi kayo nakaligtas!"
"Talaga? Kakambal mo pala ang isang iyon? Edi ayos! Magsasama na kayo sa impyerno!"
"Tignan natin!"
Halos sabay lang silang nagpaputok ni Hajii. Mabilis siyang nakapagkubli sa puno sa likod niya.
"Katapusan mo na Cuevas!! Malas mo at nagpakita ka pa sa akin!"
"Ikaw ang malas Sandejoval! Ito na ang katapusan mo!"
Ilang saglit pa ay nagsilabasan na ang lahat ng mga kawani ng pulisya mula sa mga pinagkukublian nila. it was an entrapment operation. Ang pinaka-aantay niyang pagkakataon upang mapaamin si Hajii Sandejoval sa lahat ng krimen nito. He had solid evidences, pero mas mabigat ang kaso nito kung sa bibig nito mismo mangggagaling na ito nga ang utak sa mga krimeng binaggit nito.
"Good job Nick. And welcome back to the force." Papuri ni Chief Morales. Ito ang commanding officer at ninong rin niya. Sumaludo siya rito.
Kitang-kita niya kung paanong kinaladkad ng mga kasamahan niyang pulis ang grupo ni Hajii. If he had been selfish, malamang na sa sarili niyang mga kamay ipinaghiganti ang kakambal at asawa nito. Good thing he had fear in God. Alam niyang makatarungang hustisya lamang ang makakapagpasaya kay Rick at Sharon.
He sighed.
"Oh God! Nick, are you okay?" nag-aalalang inalayayan ni Chi-chi ang binata. Sa sandaling nakita niya ang sugatang binata ay dagling nawala ang inis at galit niya para rito.
"Come on Chi-chi, you're over reacting. It was just a simple shot. Daplis lang ito." sabi ni Nick. Ngumisi ito. Then gave her a teasing look.
Hawak ang kanang balikat ay mag-isang tinungo nito ang bahay na noon lang niya nakita. It was a huge mansion inside a very large ranch! Ang mansiyon ng mga Cuevas! Doon sila idiniretso ng pulis na inatasan ni Nick para salubungin sila sa bukana ng pintong pinasok nila sa secret room nito.
"Okay fine! Bahala ka diyan sa buhay mo!" nanunulis ang ngusong humalukipkip siya. Over acting pala ha! Ako na nga itong nag-alala kahit na me kasalanan ka sakin!
"Now that's double over reacting. Pumasok na tayo." nailing na yakag nito.
Walang nagawang sumunod siya rito. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano sina Yaya Mani at Mang Estong. Higit lalo ang kanyang Lolo! Alright, maybe that was just an excuse. She smirked.
As expected, napakaganda sa loob ng mansiyon. Maluwang iyon at spanish inspired ang pagkakagawa. The house decor is so simple. Simple yet elegant. Halatang mamahalin ang lahat ng gamit. Mukhang hindi papahuli sa yaman nila ang pamilya Cuevas. O maaaring mas higit pa sa kayamanan ng angkan nila.
"Ang ganda pala ng bahay niyo sir!" bulalas ng yaya Mani niya.
"Salamat naman at nagustuhan niyo. Hindi na masyadong nagagamit ang bahay na ito. Nasa ibang bansa na naninirahan ang mga magulang ko." paliwanag ni Nick.
"Anyway, feel free to stay here. Ituring niyong parang sa inyo. Pasenya na at walang mga katulong." dugtong nito.
"Naku naman sir, kayang-kaya ko na ito!" mabilis na sagot ni Yaya Mani.
"Pabida talaga itong si Mani, porke nakakita ng gwapo." sabad ni Mang Estong.
"Kuh! Wag ka ng magselos Estong at mukhang taken na si Nick." Natatawang saway ng lolo niya. Pagkunwa'y tinapunan siya ng isang makahulugang ngiti.
"Whatever!" mabilis siyang tumalikod para itago ang pamumula ng mukha niya.
Nagkatawanan ang lahat.
"Ewan ko ba sa inyo kung ano ang nakakatawa! Nick, nasaan ba ang first aid kit niyo para magamot ko na iyang sugat mo?" baling niya sa binata.
"Eh diba takot ka sa dugo senyorita?" pahabol na sumabat si Yaya Mani mula sa kusina.
"Tantanan mo ako Yaya! Ang pagluluto na lang ang asikasuhin mo!" naiinis na binalingan niya ang nakangising binata.
"What's so funny?" asik niya.
"Wala." Inabot nito ang first aid kit sa kanya. Naupo sila sa sala.
"How can you be so slow? Kung sumakay ka sana agad sa kotse e di sana hindi ka nasugatan!" kinuha niya ang bulak at nilagyan iyon ng alcohol. Dahan-dahan niyang pinunasan ang sugat ni Nick.
"Totoo bang takot ka sa dugo?" mayamaya'y nakangising usisa nito.
"Pwede ba! Huwag kang basta basta naniniwala kina yaya." umiwas siya ng tingin. Ang totoo, whenever she sees blood, pakiramdam niya ay hihimatayin siya. Most of the time ay umiiyak siya kapag nakakahawak siya ng dugo. Napangiwi siya.
"You're trembling."
"No I'm not!"
"Yes you are!"
"Ano ba! Will you just shut up?" nanggigigil na diniinan niya ang pagpupunas sa sugat nito.
"Hey! Masakit iyon huh!"
"Napakadaldal mo kasi!"
"Fine!"
Katahimikan.
Chi-chi couldn't breathe freely. Bakit ba sa tuwing malapit si Nick sa kanya ay parang hindi siya makahinga? Pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Napakalakas ng pagtibok ng puso niya. Over acting din ang puso niya? Haaay. Nakakaloka! He was staring!
"Uhmm... Nasaan nga pala ang mga bata?" mabuti't nahanap niya ang sariling boses.
"Akala ko hindi mo na tatanungin." nakangiting sagot nito.
"Makakaligtaan ko ba naman silang hanapin?"
"Miss mo na agad sila?"
"Syempre naman. Kahit na ganon ang mga batang iyon, miss na miss ko sila ano."
"Eh ako, namiss mo?"
Natigilan siya. Ahh...bakit ba para na siyang kotseng may sira ang makina. Lagi na lang siyang natitigilan pag dating dito! Oh come on, pati atribidang utak niya puma-punchline!
"Tigilan mo nga ako! Hindi parin kita napapatawad dahil sa nakita ko sa secret room mo!" sa halip ay bigla niyang naalala ang dahilan kung bakit halos isumpa niya ito. Damn him! Inis na tumayo siya. Tinungo niya ang hardin.
"Bakit, ano ba ang nakita mo roon?" sumunod si Nick sa kanya.
"Huwag ka ng mag-maang-maangan!" binilisan niya ang paglalakad.
"Bakit, alam mo na ba ang kwento tungkol sa nakita mo?"
Natigilan siya. Pagkunwa'y galit na hinarap ang binata. "Wala akong paki-alam! Bakit mo ba ako sinusundan?!"
"Ows, talaga?"
"Kapag hindi mo pa binura yang ngisi sa mukha mo, titiyakin kong ikaw na ang mabubura sa mundong ito!" she hissed.
"Come on, mas malakas ba ang powers ng kagaya mong witch dito?" natatawang tanong nito.
"Shut up!" muli niyang tinalikuran ang binata. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Mayamaya'y bigla siyang natigilan nang mapansing hindi siya sinundan ni Nick. At halos lumuwa ang mga mata niya ng makitang nakabulagta ito sa damuhan.
"Oh my! Ano'ng nangyayari sa'yo Nick?" mabilis niyang dinaluhan ang binata at kinalong sa kandungan niya. Ngunit sa halip na sumagot ay umungol lamang ito. Then she remembered his gun shot.
"Ano ka ba! Bakit hindi mo ipinaalalang may sugat ka pala! Tignan mo ang nangyari sa'yo. Oh my God, what am I going to do now?" natatarantang tinapik tapik niya ang mukha nito.
Muli, umungol lamang ito.
"Dammit Nick! Huwag na huwag kang mamamatay! Kung hindi, ako mismo ang papatay sa'yo!" naiiyak na sabe niya.
"Why don't you open your eyes?? Come on, please, gumising ka na." Tuluyan na siyang napaiyak.
"Hey, hey, now that's triple over reacting!"
Doble sa panlalaki ng mata niya kanina ang naging reaksiyon ni Chi-chi nang makita ang nakabungisngis na si Nick. Kumindat pa ito.
Galit na tumayo siya. Kasehodang mahulog at mauntog ang ulo nito sa damuhan! Sino ito para paglaruan siya ng ganoon? Nanggagalaiting kumuha siya ng bato at ipinukol iyon sa noo'y tawang tawang si Nick. At mas lalong nakakainis na magaling umilag ang hudyo!
"Stop it Chi-chi. Alright, that's enough. Stop it!"
"Stop mo mukha mo! How dare you do that to me!" muli siyang kumuha ng bato at ipinukol iyon sa binata.
"I said stop it!"
"Stop? Shut up! I won't stop! Alam mo kung bakit? Kasi naiinis ako sa'yo! Kasi lagi mo na lang ako pinaglalaruan! Kasi lagi mo na lang ako niloloko!"
"That's not true! Hey, muntik na ako tamaan dun ah!" walang sawang umiilag si Nick sa mga bato.
"Bakit ganon ha!? Kapag si Sharon ang kasama mo, ang saya saya mo tignan! Ang bait bait mo. Ang ganda ng ngiti mo, hindi ka masungit tignan! Ganoon mo ba siya kamahal, ha?" pagod na sumalampak si Chi-chi sa damuhan.
"Bakit nga ba? Bakit ba nasasaktan ako?" muli siyang napaluha.
"Unang-una..." painot-inot na lumapit si Nick sa dalaga. Naupo ito sa tabi niya. "Hindi ako mabait, at mas lalong hindi ako masayahin."
Kunot-noong napa-angat siya ng tingin rito.
"Pangalawa, bihira kaming magkita ni Sharon. Pangatlo, ang kasungitan ko ay tanda lamang sa nag-uumapaw kong kakisigan." Ngumisi ito.
"I-joke mo lelong mo!" bulong niya. Napayuko siya. Bakit ba kung anu-ano ang sinasabi niya? Mas lalo tuloy siyang nagmukhang tanga rito.
"At pang-apat, hindi si Sharon ang mahal ko." Maingat na hinawakan siya ni Nick sa baba upang i-angat ang mukha niya. Upang masalubong ang nag-aalab nitong mga titig.
"N-nick."
"Sharon isn't my wife. She had never been and never will. Asawa siya ni Rick, my twin brother."
Isang malutong na "oh" ang tanging namutawi sa mga labi niya.
"Tama, ang lalaking nakita mo sa larawan na kasama ni Sharon ay hindi ako, kundi ang kakambal kong si Rick. Ang tunay na ama nina Shin at Shan. As you can see, bagama't magkamukha kami ay may malaki kaming pagkakaiba sa mukha. Gaya nga ng sabi mo, mas mabait siyang tignan. Lagi siyang nakangiti. He had always been the good boy. And I am his opposite." Nagkibit balikat ito bago muling naupo sa tabi siya.
"That means..."
"Yup, si Rick ang may-ari ng bahay. It was his secret room."
"Eh bakit may mga pictures ako sa room na iyon?" nagdududang napatingin siya rito.
"Dahil nakita ko ng hindi sinasadya ang inupahang private investigator ng lolo mo. Napaamin ko siya at napilit na ibigay sa akin ang informations na nakuha niya tungkol sa'yo."
"Where's Rick and Sharon?"
"Wala na sila. Hajii mistook Rick for the man who spied on him and promised to put him to jail. Inakala nitong ako si Rick ng araw na iyon. He killed my brother and his wife in the forest." He said wistfully.
Umayos siya ng upo sa tabi nito. Bigla siyang naguilty. Napatingin siya kay Nick.
"I'm sorry."
Nilingon siya nito at ngumiti. Natigilan siya. Sa ngiting iyon ay tuluyan ng nabura ang inis niya rito. With Nick beside her, kahit anong galit at hinanakit ay kaya niyang makalimutan. So, this is what they call love. Napangiti siya.
"Come, gagamutin ko na ang sugat mo."
Hawak kamay nilang tinungo ang mansiyon.