"Nakatulog na pala sila."
Napaigtad si Chi-chi nang marinig ang boses ni Nick. Kumakabog ang dibdib na iniayos niya ang mga utensils na ginamit nila ng kambal sa pagbe-bake kanina.
"Great, pag gising nila ay malamang na luto na cake."
"Chi-chi..." hinawakan siya nito sa braso.
"Bitiwan mo ako." aniya sa malumanay na tinig.
"Can we talk?"
"No."
"But—"
"Senyorita, may bisita po ulit kayo." Nailigtas siya ni Yaya Mani sa ginawa nitong pagsilip mula sa pinto ng kusina. Lihim siyang nagpasalamat dito at sa kung sinumang dumalaw sa kanya ng mga oras na iyon.
*****************
"Excuse me." mabilis niyang iniwan si Nick na natitigilan sa kusina.
Kanina pa lakad ng lakad si Nick na kasalukuyang nasa veranda. Tanaw na tanaw ni Chi-chi ang binata dahil nasa hardin lang naman sila ni Jake.
"Bakit ka pala napadalaw?" nginitian niya ang gulat na gulat na binata. Why, it's the first time she ever smiled at him. At dahil iyon sa presensiya ni Nick. Napangisi siya.
"Ahh... yes, I came here to invite you to dinner? Iyon eh kung hindi ka busy."
"Dinner?" bahagya niyang nilakasan ang pagkakasabi niyon upang marinig ni Nick. "It's okay, day off ko naman ngayon." Muli siyang ngumiti.
Kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ni Nick. Hmp! Buti nga sa'yo! Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. At kaya kong ipakita sa'yo iyon!
Nabigla pa siya ng biglang hawakan ni Jake ang kamay niya. Pilit na ngiti ang isinukli niya sa gesture nito.
Kitang-kita niya kung paanong padarag na nilisan ni Nick ang veranda at pumasok sa loob.
Pumormal ang mukhang hinila ni Chi-chi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Jake. Umalis na si Nick. Hindi na niya kailangang magkunwaring sweet. Napaismid siya. That jerk, nakaya nitong iwan siya kay Jake?
She sighed. Maybe she was wrong. Siguro hindi naman talaga nagseselos si Nick. Kaya lang ito palakad-lakad kanina ay dahil nabobore ito. Bakit ba kasi kailangan pang umasa ng siraulong puso niya? Nagawa siya nitong iwan noon—kung kelan akala niya ay magiging maayos na ang lahat. Ipinagpalit siya nito sa tungkulin nito bilang isang alagad ng batas! Pilit niyang ipinaibabaw ang galit sa binata.
"Are you okay? You look mad." Jake asked.
"No. I suddenly felt tired. I need to take a rest." aniyang iniwan na lang bigla si Jake upang pumasok sa loob.
Ngunit sinundan siya ni Jake. Hindi pa man siya nakakarating sa pinto nang bigla siyang hawakan ni Jake sa braso. Dahilan upang gulat na mapalingon siya rito.
"Did I say something wrong? I mean, galit ka ba sa akin? Nakukulitan?" ani Jake.
"Ha?" bigla siyang nakaramdam ng guilt para sa binata.
"Alright, kung anuman iyon, sana mapatawad mo ako."
"Bakit, ano'ng ginawa mo kay Chi-chi?" madilim ang anyo ni Nick na bigla na lang sumulpot sa mula sa pintuan. Mas lalo pang dumilim ang anyo nito nang makita ang pagkakahawak ni Jake sa braso niya. Uh-oh!
"This is none of your business pare, stay out of this." palabang sagot ni Jake.
"Bitiwan mo si Chi-chi!" Nick roared! Mukhang nasagad na rin ang pasensiya nito.
Muling nagsukatan ng tingin ang dalawa. Kulang na lang ay magsabong ang mga ito. Kaya bago pa man mangyari iyon ay aawat na siya.
"Jake, just leave. Ako na ang bahala." She gave him a pleading look.
Napipilitang umalis si Jake.
"Ano bang problema mo?!!" galit na binalingan niya si Nick.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ka nakikipaglandian sa Jake na iyon?!"
"Unang una, hindi ako malandi! At pangalawa, wala kang pakialam!" nagmartsa siya papasok sa loob.
Ganoon na lamang ang panlalaki niya ng mata nang mapansing biglang umangat ang mga paa niya sa sahig. She was literally carried by Nick! Hawak nito ang bewang niya habang tila siya isang sako ng bigas na buhat buhat nito. Nang magsimula itong maglakad ay tsaka lang niya biglang naalalang mag-reak.
"Put me down!!! Put me down!!" she screeched. Nagpakawag-kawag siya. De ja vu!
"Let's talk!" mapanganib ang boses na sabi nito.
"Ayoko! I don't wanna talk to you! Ever!"
Hindi na ito nagsalita, sa halip ay pabagsak siyang isinakay sa kotse nito. Natatarantang napatitig siya rito.
"Saan mo ako dadalhin??"
"Mamaya ko sasagutin ang lahat ng tanong mo. In the mean time, keep quiet." Mabilis itong sumakay sa kotse at paharurot na pinaandar iyon.
"Just stop the car at mapapatawad pa kita sa ginawa mong ito."
"Kung iki-kiss mo ako ngayon, malamang na mapapayag mo pa akong itigil ang sasakyan." Ngumisi ito.
"Dream on!" she looked away. Shoot! Bakit ba naimbento pa ang blush?!
Katahimikan.
Halos lumuwa ang mga mata ni Chi-chi nang biglang ipasok ni Nick ang kotse nito sa gubat ay iparada iyon. Nagtatakang napatingin siya rito.
"We are going home." Ngumiti ito bago siya inalalayang umibis ng sasakyan.
Home. Hindi niya napigilang mapangiti. She missed the place. At halos mapaluha siya nang makita ang bahay na iyon. Ang bahay ng pamilya oso!
"Why did you take me here?" kinakabahang binalingan niya si Nick.
"You want an honest answer?"
"Duh! Who wouldn't?" she arched an eyebrow.
"Well, balak ko lang naman na kidnapin ka at ikulong dito sa loob ng bahay hanggat hindi ka pumapayag na pakasalan ako."
Chi-chi's jaw dropped. "What in the world are you thinking?" napaatras siya.
"Isara mo yang bunganga mo, baka mapasukan ng langaw." Hinila siya nito papasok ng bahay.
"Teka, bitiwan mo nga ako! Ano ba kasing kailangan mo sa akin?" pilit niyang binawi ang kamay mula sa tila bakal na kamay ni Nick.
"I told you, I'm gonna lock you up in this house until you agree in marrying me."
"You can't be serious."
"I am dead serious."
"Dammit Nick! This is not funny! Take me home!" pinilit niyang bawiin ang luhang nagpupumilit umalpas mula sa kanyang bilugang mata. What a jerk! Porke nasaktan ang pride nito dahil sa pagpanig niya kay Jake kanina ay bigla na lang siya nitong inaasar ngayon? I am not a toy! At mas lalong hindi nakakatawa ang joke nito dahil bigla na namang lumuwag ang turnilyo niya sa utak! She might say yes to him! At pagkatapos ay ano, pagtatawanan siya nito? Dahil nakaganti na ito sa kanya?
"It's not a joke. Marry me." hinuli nito ang mga mata niya.
"P-please Nick. Don't make it hard for me." napayuko siya. She can't look at him. Knowing that sooner or later, she'll have to accept her defeat.
"Chi-chi. Look at me." hinawakan siya nito sa baba. Iniangat ang kanyang mukha upang muling magtama ang kanilang mga mata.
"I hate you. How can you do this to me?" hindi na niya napigilan ang sarili. Napaiyak siya. Nanghihinang napa-upo siya. I'm going crazy!
"I hate you too." Naupo din si Nick sa harap niya. Gulat na napa-angat siya ng tingin dito.
"Oh, iyon naman pala, bakit mo ako gustong pakasalan?" naiinis na naman siya!
"I hate it when I see your pretty face. I hate the way you think of me as a gold digger. Gwapo ako at mayaman. Hindi ko kailangan ng pera mo o ng kahit kanino." Napaismid siya. Grinning, Nick raised a hand to stop her from saying something. She pursed her lips.
"I hate it when you always argue with me. I hate the way you say stupid things, I hate to see you happy when in fact you just fooled me. I always hate the way you say NO to me. I hate you for not saying you like me too. I hate you for making me feel stupid things that I've never felt before. I hate it when you look at me like that and it makes me wanna kiss you. Argh! You always drive me crazy!" pumalatak ito. Biglang napatayo.
She froze. What did he say? Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang utak. Parang may fiesta sa dibdib niya.
"And most of all, I hate to see you beside any man other than me. Because I love you more than I hate you."
Muling tumulo ang luha niya.
"I hate you for making me feel like I'm the worst woman in the world! I hate you for always making me do things I'm not supposed to do. I hate you for always making fun of me. But I hate myself more because I still chose to love you despite these detrimental facts!" napatayo na siya sa inis. Why is he making fun of me?
"Chi-chi...marry me." lumuhod ito. Kinuha ang maliit na kahon mula sa bulsa nito at binuksan iyon sa harapan niya. Tumambad ang isang diamond ring. She gasped.
"Kahit na lagi kitang inaaway? Kahit na hindi ako marunong maglinis? Kahit na selfish ako? Kahit na masakal kita pag naiinis ako sa'yo? Kahit na—"
"Kahit na ikaw pa ang pinaka-masamang witch sa buong mundo." Tumayo ito at kinuha ang kamay niya.
"N-nick."
"Please say yes."
"Bakit mo ako iniwan?" sa halip ay itinanong niya.
"Dahil alam kong iisipin mong dahil sa mana mo kaya kita liligawan. Dahil alam kong iisipin mong isa rin ako sa mga gold digger na makikipag-unahang makuha ang atensiyon mo..."
"Nick!" paano nitong naisip na ganoon nga ang magiging tingin niya rito?
"Pero nang makita ko ang Jake-ass na iyon, you know what I felt? I felt like crushing him into pieces! Nobody can touch you but me! Akin ka lang! Kaya heto ka ngayon, my own captive." Ngumisi pa ito.
"Jake-ass?" natawa siya.
"Huwag kang tumawa. Until you say yes, you stay as my captive."
"Yes."
"What?"
"I said yes!"
"Yes?" natitigilang ulit nito.
"Ay hindi, no na lang! No!"
"Teka teka, walang bawian!"
"Eh ang kulit mo eh!" nagtatampong asik niya.
"Ginulat mo kasi ako, pag nagugulat pa naman ako, eh nanghahalik ako." Nakabungisngis na sabi nito.
"Ha?" she flushed.
And before she knew it, nakapulupot na ang tila bakal na braso ni Nick sa bewang niya at hinila na siya nito palapit. And then his lips finally descended on her trembling lips. Kusang pumikit ang kanyang mga mata.
Sa mga oras na iyon, nasisigurado niyang magkakaroon na ng katuparan ang mga panaginip niya tungkol sa kanila ni Papa Bear.
In Papa Bear's Arms, she rested her heart. Wala sa loob na kinurot niya si Nick sa pisngi.
"Ouch! What did you do that for?" reklamo nito.
"Check lang, baka kasi nananaginip lang ako." Ngumisi siya.
"Eh bat ako ang kinurot mo?" napahawak ito sa pisngi.
"Alangan namang iyong sarili ko? Edi nasaktan ako nun?"
Sabay pa silang nagkatawanan.
"Pwes, kailangan mong maparusahan!"
Muli siyang kinabig ni Nick at siniil ng halik. Kung ganito ang parusang matatanggap niya, baka araw-arawin niya ang paggawa ng kasalanan rito.