Chereads / IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) / Chapter 14 - CHAPTER FOURTEEN

Chapter 14 - CHAPTER FOURTEEN

Walang emosyong hinalo ni Chi-chi ang kape niya. Ni hindi niya pinag-abalahang tignan man lang si Jake—ang ka-date niya. It shouldn't have been a date, ang usapan naman kasi nila ay mag-uusap lang sila sandali about sa business na iprino-propose nito sa kanya. Jake Velasco is an old classmate who now owns a very big pharmaceutical company.

So when he asked her out for lunch, um-oo agad siya.

Only to find out na hindi tungkol sa business ang gusto nitong pag-usapan nila. He was deliberately flirting with her! Kahit kalian ay jerk talaga ang mga lalaki. Kung di pa niya alam ay may girlfriend itong taga-manila. Biglang sumingit si Nick sa isip niya. That jerk! Halos isang buwan na ang nakakalipas, pero hindi na ito nagpakita pa sa kanya.

Ni ha ni ho, wala siyang narinig mula rito. Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya, ako naman ang iniwan niyang sugatan ang puso! Halimaw talaga! Humigpit ang hawak niya sa kutsaritang pinanghahalo niya sa kape.

"So, how about I ask you to be my date on my company's anniversary party?" ungot ni Jake. Napataas ang kilay niya. Wala siyang panahong makipag-away ngayon. Since Hajii's attempt, naging mabait na siya sa mga suitors niya. Marahil ay natrauma na siya sa mga maaaring gawin ng mga ito. Na sinasamantala naman ng mga lalake. Para na siyang bulaklak na kinukuyog ng mga bubuyog! Lalo pa't nakuha na niya ang kanyang sandamakmak na mana mula sa pamilya ng kanyang mama.

"I'm sorry, but I am a very busy woman. Madami akong naiwang trabaho sa opisina." matabang na sagot niya.

"I understand. Anyways, pwede naman akong dumalaw sa bahay ninyo hindi ba? Let's say, tomorrow night?"

"Siguraduhin mo lang na hindi ako susugurin ng kung sinumang babae dahil sa pagdalaw mong iyon." Diretsahang sabi niya.

Tumawa ito. "If you're referring to Melanie, don't worry your self too much. Matagal na kaming wala."

"Fine. I have to go." Aniyang tumayo na.

"Ihahatid na kita." sansala ni Jake.

"I'm taking her home."

Parang iisang taong napalingon sina Chi-chi at Jake sa lalakeng bigla na lang sumingit sa usapan nila. It was Nick!

Parang tinatambol ang dibdib niya. He still had that volatile effect on her. Napatingin siya sa mukha nito. Bagamat gwapo pa rin, ay tila pumayat yata ito? He even had stubbles that told her about Nick's forgetting to shave his soft face. Mas lalo tuloy siyang naakit sa rugged papa bear sa harap niya. Sexy little thing which reminded her that this man actually left her without saying goodbye and had never talked to her for years! Tama, ang isang buwang pag-aantay niya sa tawag nito ay tila katumbas ng sampung taon para sa kanya. That's why she hated him! A lot!

"Kaya kong umuwi mag-isa." aniya sa matigas na tono. How dare he leave her and meddle with her life just like that? Inis na tinabig niya ang kamay nitong tinangka siyang alalayan.

"Pare, huwag ka nang makialam samin ni Chi-chi." Narinig niyang pinigilan ni Nick si Jake nang magtangka itong sumunod sa kanya. Sandaling nagkasukatan ng tingin ang dalawa. Ayaw man niya ay kinabahan siya.

Ang mayabang na hudyo! Kung makaasta akala mo pag-aari niya ako.

Pumihit siya pabalik.

"I changed my mind. Jake, take me home." Masuyo niyang nginitian si Jake at tsaka umabrisyete rito. Kitang-kita niya ang pagdilim ng anyo ni Nick. Tinaasan niya lang ito ng kilay bago hinila palayo si Jake.

"Senyorita, may bisita po kayo."

Napalingon siya kay Yaya Mani. "Huwag niyong sabihing si Jake na naman? Kagagaling niya lang dito kahapon ah?" she rolled her eyes. Napakakulit ng isang iyon! Inabot niya ang orange juice sa mesa. Hindi pa man siya nakakapagpasalamat kay Yaya Mani nang may biglang nagsalita.

"Bakit, namimiss mo na agad iyong lalaki mo?"

Kulang na lang ay mabitawan niya ang isang baso ng orange juice na idinulog ni Yaya Mani kanina. Pasimpleng iniwan sila ni Yaya Mani.

"What are you doing here?" asik niya. What a sight! Parang ang sarap lamutakin ng halik ang peste! Bakit ba nakapagwapo ng hudyong ito? Kasalukuyan siyang nasa hardin ng hapong iyon. It was saturday and it was her most awaited day off. Umayos siya ng upo.

"Bumibisita lang, bakit, masama?" lumapit ito at naupo sa harap niya.

"Hindi ka welcome dito." umismid siya.

"Kahit na ako ang hero mo? Pero kung iyong kumag mong Jake ang dadalaw, papapasukin mo?!" asik nito.

Natigilan siya.

"Eh ano naman sa'yo? Hindi ba't kaya mo lang naman hinuli si Hajii ay para mabigyang katarungan ang pamilya mo? Nagkataon lang na biktima rin ako ng hayop na iyon. Hero my foot!"

"I can't believe it." kitang-kita ang disgusto sa gwapong mukha nito. Wala siyang pakialam! Hindi na siya magpapa-uto rito.

"Tita Chi-chi!"

Napalingon siya sa kambal na nagdueto pa sa pagtawag sa kanya. Dinagsa ng laksa-laksang kaligayahan ang puso niya. How she missed the little bears!

"Shin! Shan!" patakbong sinalubong niya ang kambal at mahigpit na niyakap ang mga ito.

"How are you? Oh my gosh, bakit ngayon ninyo lang ako dinalaw? Miss na miss ko na kayo!"

"It was daddy's fault! Pinilit niya kaming isama sa Manila!" sumbong ni Shan.

Naniningkit ang matang binalingan niya si Nick. Pati mga bata inilayo sa kanya? Urgh! I hate him!

"Hayaan ninyo na. Ganon talaga siguro ang nagme-menopause. Sumasama ang ugali." Parunngit niya. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. She smirked.

"What's menopause?" tanong ni Shin.

"Wala. Halikayo, samahan ninyong magmeryenda ang tita Chi-chi ninyo."

"Wow! You know what tita Chi-chi, I missed your gazpacho." ani Shin. Naupo ito sa tabi niya.

"And I miss your torta de patatas!" sabi naman ni Shan na kumandong pa sa kanya.

Natigilan siya. "And I miss you. Alam ninyo bang ang tagal ko kayong hinintay na dalawin ako?" naiiyak na sabi niya sa kambal. Hinawakan niya ang kamay ni Shin at niyakap naman niya si Shan.

Matamang nakatingin lamang si Nick sa kanila.

Inismiran niya ito. How can he be so cruel? Kung ayaw siyang makita nito, bakit pa ba nito idinamay ang mga bata? Makakatikim ito sa kanya mamaya!

"I wanna hear you sing!" mayamaya'y suhestiyon ni Shan.

Napakamot siya. "Oh, pero pagod si Tita." Palusot niya. She can't sing in front of Nick for crying out loud!

"Don't tell me, nahihiya ka sa harap ni Daddy? Crush mo ba siya tita?" tanong ni Shin sa kanya.

Pinamulahan siya ng mukha. "S-shin, you're too young to say something about crushes. And no, hindi ko crush yang daddy ninyo 'noh!"

"Eh bakit ayaw mong kumanta? Sabi ng yaya namin, kapag crush mo ang isang tao, lagi kang nahihiya sa kanya. Then you blush a lot. Now you're having a red face!"

"Mainit lang kasi, kaya namumula ang mukha ko." she tried to look cool.

"You used to sing for us. So why can't you sing to us now? Dahil ba nandito si Daddy?" napangisi si Shan. Nakakalokong tumingin si Nick sa kanya. Na tila ba inaantay ang sagot niya.

Napataas ang kilay niya. Mukhang tinutukso siya ng kambal ah. Galit na bumaling siya kay Nick. How dare he use the twins to make her feel... feel what? Ah basta! Malayo sa kilig ang nararamdaman ko ngayon!

"Okay, wait, daddy and I will just have to talk."

Tumango ang dalawang bata. Kinaladkad niya si Nick sa di kalayuan. Kung wala lang ang mga bata, baka kanina pa niya ito nasakal!

"Umalis ka muna, balikan mo na lang ang mga bata mamaya." pigil ang inis na bulong niya kay Nick.

"Why? Hindi mo naman ako crush diba? So bakit ka mahihiyang kumanta sa harap ko?" nakangising sagot nito.

"Shut up! Just go! Leave!" pagtataboy niya rito.

"Ayoko nga! Kapag umalis ako, isasama ko na rin ang kambal." pinal na saad nito.

"Dammit Nick! Why do you always have to ruin my life? My peaceful life!"

"Huwag mo akong dramahan, hindi tatalab sa akin yan." Humalukipkip ito.

"Ano ba! Bakit ba yaw mo pang umalis?"

Sa halip na sumagot ay tinitigan lang siya nito. Siya rin ang unang nagbawi ng tingin. Naiilang siya sa nakakatunaw na mga titig nito. Damn it! Bakit ba gumawa ang Diyos ng ganito kagwapong nilalang? Nasisira ang katinuan ko!

"Fine!" mabilis niyang tinalikuran ang binata at tinungo ang kambal.

"I have a better idea, why don't we just go inside and I'll teach you how to make tarta de almendras also known as Almond Cake?" ang sabay na panlalaki ng mga mata ng mga bata ang lalong mas nagpa-excite sa kanyang ituro ang favorite recipe nila ng lola niya.

"Favorite naming i-bake ng lola ko iyon. Ano, gusto ninyo bang matutunan?"

"Yes!! Yes!! Yes!!" nagtatatalon pa ang kambal at excited na hinila siya papasok ng bahay. Nakangiting nagpatianod na lang siya sa mga ito.

Habang si Nick ay tila namamalikmatang tinitigan ang tatlo. Hindi nito maipaliwanag ang init na biglang bumalot sa puso nito nang makita ang eksenang iyon. Very happy.