Chereads / IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV) / Chapter 12 - CHAPTER TWELVE

Chapter 12 - CHAPTER TWELVE

"H-hija!" mahigpit na niyakap ni Don Jose Manuel ang apo.

Mapait ang ngiting sumilay sa mga labi ni Chi-chi nang oras na makita niya ang abuelo. Why is this happening to her? Lahat na lang ng mga taong minamahal niya ay sinasaktan siya. Tumigas ang kanyang mukha.

"Why Lolo, masaya ka ba dahil sa wakas ay maikakasal na ako kay Hajii?" kinalas niya ang kamay nito mula sa pagkakayakap sa kanya. Malungkot niyang tinungo ang kanyang kwarto. Sumunod ang Don sa kanya.

"Hija, alam kong masama ang loob mo sa akin. Pero kung pakikinggan mo lang ang paliwanag ko ay tiyak kong maiintindihan mo ako kung bakit ko iyon nagawa sa'yo."

"Ayoko nang marinig ang paliwag niyo. Just leave me alone!" pagtataboy niya sa matanda. Nakakaunawang iniwan siya ng matanda.

"But before I leave, nais kong malaman mong mahal na mahal kita Chikitita. You are the most precious thing that ever came into my life. I can never put your life in danger in my own will. Sana'y dumating ang panahong mapatawad mo ang iyong Lolo Joma dahil sa kahinaan nito."

Pagkasara ng pinto ay hustong tumulo ang mga luha niya. Chikitita. Parang baliw na napangiti siya. It was a name given to her by his Lolo Joma. Chikitita ang tawag nito sa kanya dahil frustrated chinita raw siya. And she called him Lolo Joma dahil pa-bagets ang lolo niya. It was their way of pissing each other off.

Hanggang sa kinatuwaan na nilang gamitin ang mga pangalang iyon. Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama. Akala niya ay sasaya na siya kapag nakabalik na siya sa kanyang kama. Hindi ba't lagi niya iyong hinihiling sa tuwing matutulog siya sa sofa ng bahay ni Nick?

Ngunit paano naman siya sasaya kung alam niyang malapit na siyang magdusang muli sa mga kamay ni Hajii. At malapit nang mawala ang lahat ng mahal niya? Everybody's life was put into danger and it was all because of her!

"Hija..."

"Please Lolo, leave me alone."

"Hindi ko kayang makitang nagkakaganyan ka." napaiyak ang Lolo niya. Gulat na napatingin siya rito. Gabing-gabi na. Bakit pa ito gising at iniistorbo siya?

"Leave this house. Right now. Leave this house." Nagsusumamong sabi nito.

"W-what?" kunot ang noong baling niya rito.

"Just leave this house! Hindi na bale na ako ang patayin nila. Hindi ko kakayaning idamay ka pa nila! So leave this house, right now!"

"B-but...I can't. Papatayin tayong lahat ni Hajii kapag ginawa ko iyon. May iniwan siyang mga guwardya sa baba. I am his prisoner now."

"I can take care of them. Tutulungan ka ni Estong para makatakas. Kagaya ng dati."

Natigilan siya.

"Paano niyo nalamang tinulungan ako ni Mang Estong para makatakas sa kasal namin ni Hajii noon?" nagtatakang sambulat niya.

"It's because I told him to. Hindi ko kayang ipahamak ang aking apo. Kahit pa takutin nila akong papatayin nila."

"What?"

"Right. Hindi totoong dahil sa utang ko kung bakit kita pinilit na ipakasal kay Hajii. Kundi iyon ay dahil pinagbantaan nila ang buhay ko. Lalon lalo na ang buhay mo. Inakala kong magagawa mo siyang mahalin, pero nagkamali ako. Kaya bago pa mag-umpisa ang kasal niyo ay binilinan ko na si Estong na patakasin ka."

"One week later, I hired a private detective to look for you. At natutuwa akong nalaman na ligtas ka at nakatira sa bahay ng isang nag-ngangalang Nicolas Cuevas. I knew that man. He was the best police officer in this town. Until that tragedy came. Hindi ko alam kung paano nito nagawang makaligtas pero natutuwa akong malamang buhay pa pala siya." patuloy nito.

"A police officer??"

"Yeah, that brat has become a really good man. Hala, mag-ayos ka na at itatakas ka ni Estong!"

"Eh paano kayo?"

"I can take care of myself."

"Hindi ako aalis hangga't—"

"Talagang hindi ka makakaalis dahil hindi mo ako maaaring matakasan!" galit na sabi ni Hajii. Pabalya nitong binuksan ang pinto ng kwarto niya at binigyan ng isang malakas na suntok ang Lolo niya dahilan upang bumagsak ito sa sahig.

"Lolo!" sumigaw siya.

"Hayop kang matanda ka! Hindi ka na nadala!" tinadyakan nito ang lolo niya.

"Walanghiya ka Hajii!" galit na pinagbabayo niya ang likod nito.

"Tumigil ka!" isang malakas na sampal na halos magpatutlilig sa kanya ang iginawad nito. Napasadsad siya sa gilid ng kama. Nasapo niya ang pisngi. Ouch!

"Chi-chi!" sigaw ng lolo niya.

"At ikaw matanda ka, paano mong nagagawang purihin ang hinayupak na Nick na iyon ha? Ano ngayon, mas boto ka na dun kesa sa akin? Inutil ka!" akmang susugurin nitong muli ang Lolo niya ng bigla niya itong hinampas ng lampshade sa ulo. Gumewang gewang itong humarap sa kanya. At bago pa man siya mahagip ng nagngangalit na kamay nito at muli niya itong hinampas sa ulo. Bumagsak ito.

"L-lolo! Are you okay?" mabilis niyang dinaluhan ang matanda.

"I'm fine hija. Tumakas ka na."

"Hindi kita iiwan dito." Inakay niya ang matanda upang ilabas ng kwarto.

"Sa kusina tayo dumaan. Nag-aabang si Estong at Mani roon." anang lolo niya. bago pa man sila makarating sa kusina ay biglang may sumaklit sa lolo niya—si Nick!

"Come on witch, don't cast me a love spell yet. We need to hurry or the devil will come and get us. Go staright to the door so we can take our leave." He grinned.

Namumula ang mukhang inirapan niya ito bago sumunod rito. He has come to save her! Mas lalo tuloy siyang nataranta! Napaka-gwapo pa rin nito kahit na halatang hindi ito nakapag-shave. It's been more than two days since she saw him. Ibinigay ni Nick ang lolo niya kay Mang Estong hustong nakarating sila sa kotseng ipinahanda ng lolo niya.

"Get in!" mariing utos ni Nick. Sumunod siya rito. Nasa loob na ng kotse ang lahat maliban sa lalaking nagligtas sa kanila.

And as he was just about to get in the car when Mr. Balbas noticed them and fired them a gun! At hindi iyon nagawang iwasan ni Nick. Tinamaan ito sa kanang balikat.

Bagama't may tama ng baril ay nagawa pang makipagpalitan ng putok ni Nick sa mga tauhan ni Hajii. Mabilis na sumakay ng kotse si Nick. Hudyat upang patalilis na paandarin ni Mang Estong ang kotse.

But getting in the car isn't the end of it yet.

Ilang sandali pa ay hawak ang ulong lumabas si Hajii mula sa kwarto. Mabilis nitong hinanap ang mag-lolo.

"Nasaan sila?? Ano'ng nangyari?!" asik nito.

"Boss, dumating si Cuevas. Tinulungan niyang itakas ang mag-lolo. Isinama pa pati katulong at driver nila." imporma ng isa sa mga tauhan nito.

"Inutil! Paano kayong natakasan ni Cuevas?! Ihanda ang kotse! Habulin natin sila. Mga gunggong!"

Sa isang iglap, sakay na ng Nissan altis ang grupo ni Hajii at paharurot na sinundan ang kotse nina Chi-chi.