BIGLANG KINILABUTAN si Chi-chi. Kanina pa niya nararamdaman iyon. Parang may sumusunod sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala namang tao. It was getting darker and darker. Sa tantiya niya ay mag-aalas siyete na ng gabi. Nick must be home now.
Pinanggigilan niyang sipain ang batong iyon nang maalala si Nick. How she hated him. Isinusumpa niyang nakilala pa niya ito. Pinigilan niya ang sariling mapaluha. He's not worthy of her tears.
Muli siyang natigilan ng may marinig na kaluskos. Now this is getting really creepy. Natataranta na siya. Hindi kaya ang mahiwagang oso na ang sumusunod sa kanya? Tapos kakainin siya? Napahawak siya sa malaking puno ng mangga.
Ano na ang gagawin niya kapag bigla ngang may sumulpot sa harapan niyang oso? My gosh! She's too young to die. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Biglang sumulpot sa alaala niya si Nick. Argh! I don't wanna see that brute anymore! Mas mabuti pang kainin siya ng oso kesa ang makita niya si Nick!
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kung hindi siya nagkakamali ay naroon na siya sa itaas na bahagi ng gubat. She saw the mouth of the waterfall. Doon siya nagpatihulog noong araw na habulin siya nina Hajii.
Mapait siyang napangiti. Mas lalo niya tuloy gustong makabalik sa kanila. Siguro naman ay napagod na si Hajii sa kakahanap sa kanya. She sighed.
Nilingon niya ang waterfall. Alam niya, malapit na siyang makalabas sa mahiwagang gubat na iyon. Malapit na niyang lisanin ang lugar kung saan natuto siyang magmahal at maging masaya. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo nang mapansin niya ang bulto ng isang lalaki na nagkukubli sa likod ng puno.
And to her surprise, it was Mr. Balbas!
Natutop niya ang bibig. Natagpuan na siya ng mga tauhan ni Hajii! Binalikan siya ng mga ito sa gubat! At mukhang wala na siyang panahon pa para magtago, dahil tiyak niyang kanina pa siya nakita ng mga ito. Sila ang sumusunod sa kanya!
"Akala mo nakatakas ka na Chi-chi?" tila-demonyong tanong ni Hajii sa kanya.
"H-hajii..."
"Mabuti at kilala mo pa ako." Naglakad ito palapit sa kanya.
Napaatras siya.
"Hajii...please... pabayaan mo na ako."
"Akin ka lang Chi-chi! Akin ka lang!" sinaklit siya nito sa braso.
"Bitiwan mo ako!" nagpumiglas siya. Oh God, please help me!
"Bitiwan? Para ano? Para makabalik ka sa lalaki mo? Tandan mo Chi-chi, akin ka lang. At walang pwedeng makinabang sa'yo kundi ako! Buburahin ko sa mundo ang Nick na iyon!" galit na itinulak siya ni Hajii.
"N-nick? Kilala mo si Nick?"
"Huwag ka ng magtaka kung bakit kilala ko ang lalaking iyon. Matagal ko na siyang itinumba. Pero mukhang nabuhay pala ang hinayupak. Pero ngayon ay sisiguraduhin kong tuluyan na siyang mabubura sa mundong ibabaw!" Humalakhak ito.
"Please...Hajii, leave them alone." Nagmamakaawang lumuhod siya sa harap nito. Hindi niya kayang isipin na may mangyaring masama kay Nick. Lalo na sa mga bata!
"You're begging for that bastard's safety??! Damn you! Dalhin na ang babaing yan!" sa halip ay galit na tinadyakan siya nito ay ipinadampot sa mga tauhan nito.
"Hajii! Please! Leave them alone!" nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ng mga tauhan nito.
Then she saw him. Nick! Ngunit bago pa man siya makasigaw para humingi ng saklolo ay naramdaman na niya ang malakas na bira ng kamao ni Hajii sa kanyang sikmura na naging dahilan upang kadiliman ang bumalot sa kanya.
When Nick saw Chi-chi, he felt as though he couldn't breathe. At parang bulkang gustong sumabog ng dibib niya nang makitang sinikmuraan ito ng lalaking iyon. Hajii Sandejoval! Ang lalaking matagal na niyang gustong paghigantihan.
Mabilis niyang hinugot ang baril sa bewang at nagtago sa puno ng acacia.
"Dalhin na sa kotse ang babaing iyan! May tatapusin lang ako." Nakangising bumaling si Hajii sa daang pinanggalingan niya.
He froze.
Daan iyon papunta sa bahay niya! Bigla niyang naalala ang mga bata. Damn! Mukhang nalaman na ni Hajii ang lungga niya. Napatingin siya kay Chi-chi. She was being carried by Hajii's men. Tinatangay ng mga halimaw ang pinaka-importanteng babae sa buhay niya ngunit wala man lang siyang magawa! Holy crap!
Nagmamadaling tinahak niya ang short-cut pabalik ng bahay. Ililigtas niya si Chi-chi, ngunit kailangan muna niyang mailigtas ang mga bata. Kinuha niya ang maliit na radio-phone mula sa bulsa niya.
"Shin...do you hear me? Shin...over!"
"Yes daddy, over!"
"Get your things. Go to my room and enter the third cabinet's door."
"Diba sa second cabinet ang pinto ng secret room?" takang tanong ni Shan.
"God! Just do what I say! Go there, right now!"
Tinalon niya ang nakatumbang malaking puno at pinindot ang isang maliit na remote control mula sa belt niya. All the gadgets he used are all made by his twin brother Rick—who happened to be a mad scientist.
Walang nakakaalam na may kakambal siya. Si Nicanor Cuevas lang ang kilala sa bayan ng Boljoon. Ang nag-iisang anak ni Mr. Leonard Cuevas na isang mayamang mangangalakal. Isang magiting at matipunong pulis.
Iyon ay dahil tahimik na namumuhay ang kakambal niya sa gubat na iyon. It was Rick's sanctuary. Bihira itong lumabas ng bayan. Kasama nito ang asawang si Sharon at ang mga anak nila. He thought everything would be fine there. Until one day, that nightmare happened. Nakuyom niya ang palad.
At ayaw na niyang maulit pa ang nangyaring iyon! Never!
"Shin...do you here me? Over!"
"Yes daddy... where do we go now? It's so dark. We are so scared." anito.
"Alright, lock the door. Go down the stairs and do not ever make a sound. If ever anything happens, push the red button in both your belts. Some bad guys are coming over so please, do your best not to let them see you. Wait for me. I'm almost there. Please don't be scared. This is just like we used to practice. Okay?"
"Okay, roger that!"
"I, I, sir!"
He bet, the twins are grinning. They both loved playing detective and playing as agents. He trained them hard, martial arts, basic self defense, everything that his brother Rick refused to learn from their grandfather, who happened to be a retired general. He had to make sure that these kids will survive even without him. Ang maparaang utak ng mga bata ay namana nila sa kanilang amang si Rick, samantalang katapangan at lakas ng katawan ang mula sa kaniya.
Mabilis siyang nangkubli sa dilim ng makita ang grupo nina Hajii sa harap ng bahay niya. Damn! Naunahan siya ng mga ito.
"Halughugin ang buong bahay! Hindi tayo aalis dito hangga't hindi ko nakikitang nalalagutan ng hininga ang Nick na iyon!" utos ni Hajii.
Mabilis na pinasok ng mga tauhan ni Hajii ang bahay niya. Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya. Damn! Hindi siya basta bastang makakapunta sa kinaroroonan ng mga bata dahil may mga tauhan din si Hajii sa likod ng bahay. His only ways to his secret room is through his cabinet door and through his house' backdoor!
Maingat siyang kumilos palapit sa bahay. Mahigpit ang paghawak niya sa kanyang baril. Good thing he was wearing black and the place is dark. Hindi siya bastang makikita ng mga kalaban niya.
Isang malakas na suntok ang iginawad niya sa lalaking nakatoka para halughugin ang likod-bahay niya. Mabilis itong nawalan ng malay. Dagli niyang kinuha ang baril nito at isinukbit sa bewang ang orihinal na baril na hawak niya.
Hustong makakubli siya sa likod ng pintuan nang biglang may magpaputok mula sa likuran niya. Mabuti na lang at nakailag siya! Nakipagpalitan siya ng putok rito. Napalinga siya sa paligid. Alam niyang anumang sandali ay darating na ang mga kasama nito. Napamura siya!
Muli siyang nagpaulan ng putok sa mga kalaban. Apat na ang kalaban niya ngayon. At alam niyang mas darami pa iyon kung magtatagal pa siya sa kinaroroonan. Huminga siya ng malalim bago muling nagpaputok sa kabilang panig. Tumba ang isa. Mabilis niyang isinunod ang isa pa.
Dali-dali ring nagsi-kubli ang mga kalaban niya. Just the chance he wanted. Singbilis ng kidlat na tinungo niya ang backdoor at tinungo ang kinaroroonan ng secret room niya sa kwarto—kung saan nag-aantay ang kambal.
Isinuot niya ang special glasses na may night-vision. Ilang sandali pa ay mabilis na niyang natunton ang kambal. Nanghihinang niyakap niya ang dalawa.
"God, are you okay?"
"Of course daddy!" pabulong na sagot ni Shan. Bagama't halata ang panginginig sa boses nito. Nahahabag na niyakap niya ang bata.
"I took care of Shan. I did everything to protect her and make her feel not scared." pagbibida ni Shin. He looked better than his twin sister. Mana nga ito sa kanyang matapang.
"Great job man! Now you're promoted as a Lieutenant!" nakangising ginulo niya ang buhok ng bata. Tuwang tuwa namang nakipag-apir pa ito sa kanya.
"But as of now, we have to get out of this place." Mabilis niyang inalalayan ang kambal. Tinungo nila ang daang patutunguhan ng sekretong kwartong iyon—sa labas ng bayan! Ngayon niya napatunayang hindi pala pag-aaksaya ng panahon ang mga imbensyon ng kapatid.
******
"Mabuti naman at gising ka na, mahal na prinsesa."
Ang naka-ngising mukha ni Hajii ang unang bumalandra sa mga mata ni Chi-chi sa oras na magmulat siya. Napakislot siya nang maramdaman ang pananakit ng sikmura niya. That jerk!
"Masakit pa ba honey?" nang-aasar pang tanong ng lalaki.
"Dammit Hajii! Why don't you just leave me alone?" asik niya.
"Because I want you. And what Hajii wants Hajii gets." Inis na hinatak nito ang mahaba't kulot niyang buhok.
"Hajii...nasasaktan ako!"
"At mas lalo kang masasaktan kapag hindi ka sumunod sa mga sasabihin ko sa'yo!" pabalyang binitiwan siya ni Hajii.
Sumagitsit ang hindi maipaliwanag na sakit sa buong katawan ni Chi-chi. Halos hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya.
"Uuwi ka bukas sa bahay niyo."
Bigla siyang nag-angat ng tingin rito nang marinig ang sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Pinauuwi siya nito?
"Huwag kang magsaya. Dahil ang pag-uwi mo ay isang pabalat-bunga lamang. Ikakasal pa rin tayo, sa ayaw at sa gusto mo. Maswerte ka at malapit na ang eleksiyon. Kung tutuusin ay hindi ako makapag-aantay na makuha ka. Pero alang-alang kay mommy, pananatilihin kitang malinis hanggang sa araw ng kasal natin."
Muli siyang sinaklit ni Hajii sa buhok.
"Oh malinis pa nga ba?" nag-aalab ang mga matang tinitigan siya nito.
"Malinis akong babae Hajii, alam mo iyan!" kahit nasasaktan ay nagawa pa niya itong titigan ng tuwid sa mata. At least, in that matter, she can be very proud of being conservative.
"Good, dahil oras na malaman kong nagalaw ka na ng Nick na iyon, maghahalo ang balat sa tinalupan! Ibabaon kita ng buhay babae ka!"
Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa makinis niyang mukha. Napahawak siya sa mahapding pisngi at halos mapaiyak siya nang makitang may dugo sa kanyang palad.
"Pagkatapos ng kasal natin, alam mo ba kung ano ang gagawin ko sa'yo?"
Kinilabutan siya sa mala-demonyong anyo ni Hajii nang mga sandaling iyon. Ibang iba sa Hajii na ipinapakita nito sa ibang tao. Wala sa loob na niyakap niya ang sarili.
"Tama! Pagsasawaan kita! At pagsawa na ako sa'yo, idi-dispatsa na kita kasama ang lolo mong inutil at nang Nick na 'yun! At akin na rin ang lahat ng kayamanan mo mahal kong prinsesa."
Dumadagundong ang malutong na halakhak nito sa bodegang kinaroroonan niya. So, it was about her inheritance too. Napaluha siya. Nick and Hajii are the same! Mga mukhang pera! She wept. Hindi niya alam kung dahil iyon sa mapait na tadhanang ibibigay ni Hajii sa kanya o dahil sa katotohanang hindi pa rin niya matanggap na pera lang ang habol ni Nick sa kanya.